Tambuling Batangas Publication May 01-07, 2019 Issue | Page 2
BALITA
Plaque of Commendation ng Department of Environment and Natural Resources Regional Office IV-A, CALABARZON, Provincial
Environment and Natural Resources Office Batangas Province iginawad kay Mayor Beverley Dimacuha
Inagurasyon ng 3rd Calumpang
Bridge ipinagbunyi
BATANGAS
CITY-Naging
isang masayang pagdiriwang
ang inagurasyon ng 3rd
Calumpang
Bridge
na
pinangalanang EBD Bridge
of Progress bilang legacy
ni dating Mayor Eduardo
Dimacuha na siyang nangarap
at nagbigay daan sa proyektong
ito upang magkaroon ng isang
maganda at matibay na tulay
na makakabawas sa trapiko sa
lungsod.
Ang
P338-million
EBD Bridge of Progress na
bumabagtas mula sa Sitio Ferry
Kumintang Ibaba , Calumpang
River hanggang Gulod Labac
ay itinuturing na kaunaunahang
box girder type superstructrure-
design bridge sa bansa at
idinisenyo upang makayanan
ang pinakamalakas na bagyo
o lindol. Ito ay may habang
140 metro, 100 metro sa bawat
approach at 15 metro ang lapad.
Mayroon din itong bike lanes sa
magkabilang tabi.
Sinimulan
ang
inagurasyon ngayong April 30
sa pamamagitan ng Banal na
Misa ganap na 4:30 ng hapon
sa may Sitio Ferry kung saan
naging Mass celebrant si Msgr.
Rafael Oriondo . Pagkatapos
nito ay naglakad ang mga
tao sa tulay habang ito ay
binabasbasan ng parish priest
ng Basilica of the Immaculate
Conception na si Fr. Aurelio
Dimaapi hanggang sa dulo nito
sa Gulod Labac sa pangunguna
ni Mayor Beverley Dimacuha,
Congressman Marvey Mariño,
Team EBD at iba pang opisyales
ng lungsod.
Sa kanyang mensahe
, sinariwa ni Mayor Beverley
ang pagkasira ng dalawang
mahahalagang tulay sa sentro
ng lungsod dala ng malalakas na
bagyo- ang Bridge of Promise
at Calumpang Bridge- na
nagdulot ng hirap at perwisyo
at nakaapekto sa ekonomiya ng
lungsod. Ito aniya ang nagtulak
kay dating Mayor Eddie na
magpagawa ng ikatlong tulay
upang hindi na mangyari pa ang
ganitong epekto ng kalamidad
sa buhay ng mga mamamayan.
“Hayaan po ninyong
ipaabot ko sa inyo ang aking
lubos na kagalakan sapagkat
ngayon lamang po, sa buong
kasaysayan ng lungsod ng
Batangas, magkakaroon ng
tatlong tulay na mag-ugnay
sa dalawang pampang ng
Calumpang River,” sabi ng
Mayor.
Sinabi
naman
ni
Cong. Mariño sa unveiling ng
marker na ang “tulay na ito ang
magpapatuloy ng progreso para
sa lungsod ng Batangas.”
Isang
pagtatanghal
naman ng mga local bands at
dalawang kilalang banda na 6
Cycle Mind at Sandwich ang
nagbigay aliw sa mga dumalo
sa masayang kaganapan.
Bubuksan ang tulay sa
mga pribadong sasakyan muna
sa May 1. Bawal ding dumaan
dito ang mga truck at iba pang
malalaking sasakyan.
Ayon kay Engr. Francis
Beredo, city government asst.
dept. head 1 ng Transportation
Development and Regulatory
Office (TDRO) magkakaroon
muna ng isang linggong “dry
run” bago padaanin dito ang
mga public utility vehicles.
Angela J. Banuelos PIO
May 1-7, 2019
3rd Livestock and Poultry
Haulers’ Forum, idinaos
sa Kapitolyo
ISINAGAWA ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas, sa
pangunguna ng Office of the
Provincial Veterinarian (OPV),
ang Ikatlong Livestock and
Poultry Haulers’ Forum noong
ika-23 ng Abril 2019 sa League
of the Municipalities of the
Philippines Building, Capitol
Site, Batangas City.
Ang
nasabing
pagtitipon, na may temang “Ala
Eh! Kapag sa Batangas, Hayop
na dala ay laging ligtas!”, ay
dinaluhan ng animnapu’t walong
partisipante mula sa iba’t-ibang
bayan at lungsod ng Lalawigan
ng Batangas.
Layunin
nito
na
mabigyang kaalaman ang bawat
isang indibidwal na ang negosyo
at hanapbuhay ay kaugnay sa
transportasyon ng mga inaangkat
at iniluluwas na hayop at iba pang
produkto.
Naging
pangunahing
paksa sa pagpupulong ang Road
Safety, na tinalakay ng Startoll
Corporation Staff kabilang sina
Mr. Dominador Jerry Torres, Mr.
Jonathan T. Aquino at Mr. Arnold
Pastrana. Dito ay ipinaalam
sa mga Batangueño haulers
na tire, mechanical at engine-
related problems ang tatlong
pangunahing nagiging sanhi sa
pagkakaroon ng disgrasya sa
daan o karsada.
Pinaalalahanan ang mga
partisipante na ugaliing tiyakin
na nasa tamang kondisyon ang
Batangas...
ng Republic Act 9003 o
ang Ecological Solid Waste
Management Act.
Sumasailalim
sa
kanilang masusing monitoring
ang mga material recovery
facilities (MRF), sanitary landfill
facilities, at transfer stations; at,
pagkakaroon ng Environmental
Compliance Certificates (ECC)
ng mga ito. Naging daan din ang
pagpupulong upang makakalap
ng datos tungkol sa water supply
at sanitation services sa Batangas
Province.
Ayon kay Provincial
Government – Environment
and Natural Resources Officer
Luis Awitan, na siya ring
Chairperson
ng
PSWMB,
mahalagang magkaroon ng
datos sa supply ng tubig at mga
water concessionaires upang
masigurong mapapangalagaan
ang kalinisan, mataas na kalidad
Women...
3rd Calumpang Bridge na pinangalanang EBD Bridge of Progress bilang legacy ni dating Mayor Eduardo Dimacuha na siyang
nangarap at nagbigay daan sa proyekto
na dapat ay matutong unahin
ang pag-iipon kaysa sa pagbili
ng mga luho at dapat alamin
at pag-isipan ng mabuti kung
kinakailangan talaga ang isang
bagay bago bilihin.
Samantala, binigyan
rin ang mga participants ng
mga payo ukol sa kalusugan,
sa pamamagitan ng Provincial
Health Office, at mga turong
mga sasakyan bago ito gamitin.
Kasama pa sa naging paalala ang
lane management at pag-monitor
sa bilis o speed regulation ng
mga behikulo, nang sa gayon ay
makaiwas sa aksidente.
Naging bahagi rin ng
isinagawang haulers’ forum
ang updated requirements para
sa shipment ng livestock and
poultry, animal products, and by-
products, kung saan nagsilbing
resource person si Ms. Marissa
V. De Guzman, Agriculturist II
ng Bureau of Animal Industry –
Veterinary Quarantine Services
ng Port of Batangas.
Bukod
pa
rito,
nagkaroon din ng pagkakataon
na makapagpasa ng aplikasyon
ang mga haulers sa probinsya
para magkaroon ng Handler’s
License at Transport Carrier
Accreditation.
Naglaan
naman
ang tanggapan ng OPV, sa
pamamagitan ni Dr. Krisel Ann
Ragas, Veterinarian III, ng isang
Animal Welfare Seminar, na
isa sa mga requirements upang
magkaroon ng naturang lisensya
at akreditasyon.
Nagtapos ang pagtitipon
sa isang open forum na nagbigay-
daan sa mga partisipante upang
mabigyang linaw ang kanilang
mga katanungan hinggil sa mga
tinalakay na paksa.
✎ Mark Jonathan M. Macaraig
/ Photo: Batangas Provincial
Veterinary Office – Batangas
Capitol PIO
mula sa pahina 1
at kaligtasan ng inuming tubig
ng mga Batangueño.
Nagbigay
naman
ng
paalala
si
Batangas
Environmental
Management
Bureau Officer Luisa Garcia,
na simula ngayong buwan ng
Mayo ay mas paiigtingin nila
ang monitoring ng mga open
dumpsites, sanitary landfills at
controlled dumpsite facilities
upang tiyakin na sumusunod
ang mga lokal na pamahalaan sa
itinatadhana ng batas.
Magiging puspusan din
umano ang kanilang magiging
pagbisita sa mga piggeries,
poultries at mga resorts sa
lalawigan upang matiyak na
sumusunod ang mga ito sa Clean
Water Act at iba pang batas
na nakatuon sa pangangalaga
ng mga likas na yaman. Jhun
Magnaye – Batangas Capitol
PIO
mula sa pahina 1
pangkabuhayan mula sa PCLEO
at Technical Education and
Skills Development Authority
para sa maaaring pagkakitaan
ng mga kababaihang may
kapansanan.
Mayroon ding libreng
manicure, pedicure, haircut at
massage para sa mga nasabing
kababaihan. Avelene P. Lopez-
Batangas Capitol PIO