Tambuling Batangas Publication May 01-07, 2019 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Datu Kalun :The Life-Journey of Pedro Javier Cuevas ... p.5
Mayor Dimacuha tumanggap
ng award sa ecological solid
waste management p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
PNPA, one of the best
changes that works for
women p. 5
Pagtatapon ng dumi ng baboy
sa Calumpang River tinalakay
p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 18 May 1-7, 2019
P6.00
Women with Disabilities Day Celebration,
ginanap sa Batangas Capitol
IPINAGDIWANG
ng
Pamahalaang
Panlalawigan
ng Batangas ang 15th Women
with Disabilities Day, na
may temang “Sabay-Sabay,
Pantay-Pantay sa Pag-unlad
ng mga Kababaihang may
Kapansanan”, sa pangunguna
ng Provincial Social Welfare
and
Development
Office
(PSWDO) at Persons with
Disabilities Affairs Office
(PDAO) noong ika-22 ng Abril
2019 sa Provincial Auditorium,
Capitol Compound, Batangas
City.
Ito ay dinaluhan ng
340 na kababaihang may
kapansanan mula sa iba’t-
ibang lungsod at munisipalidad
ng Lalawigan ng Batangas.
Naging panauhing pandangal sa
programa sina Governor DoDo
Mandanas; Batangas Provincial
Federation of Women with
Disabilities President, Ms.
Hildegonda Del Mundo; PDAO
Head, Mr. Edwin Abelardo N.
De Villa; at, mga estudyante
mula sa Workability Skills
Training Center Foundation,
Inc.
Aktibong kalahok din
sa pagtitipon sina Provincial
Cooperative
Livelihood,
Enterprise Development Office
Department Head Celia Atienza
at PSWDO Chief Joy Montalbo.
Nagbigay naman ng
ilang tips o tamang pamamaraan
sa paghahawak ng salapi si Ms.
Aileen Constantino-Peñas , ang
Deputy Executive Director ng
Atikha Inc. Binigyang-diin din
niya sa mga Batangueña PWDs
Sundan sa pahina 2..
Batangas Environmental, Solid
Waste Management Board Meetings,
ginanap sa Kapitolyo
ISINAGAWA ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas,
sa pamamagitan ng Batangas
Provincial Development Council,
ang pinag-isang pagpupulong
ng Sectoral Committee on
Environmental
Management
(SCEM) at Provincial Solid
Waste
Management
Board
(PSWMB) noong ika-30 ng Abril
2019 sa Provincial Cooperative
and Development Center sa
Capitol Compound, Lungsod ng
Batangas.
Dinaluhan ito ng mga
kinatawan ng iba’t-ibang ahensya
ng pamahalaan at akademya,
kasama ang mga environment
and natural resources officers
ng mga pamahalaang bayan at
lungsod ng lalawigan.
Layon ng nasabing
pagpupulong na maipabatid sa
bawat dumalo ang patuloy na
isinasagawang mga aktibidad
ng PSWMB at ang resulta ng
kanilang mga pag-ikot sa lahat
ng local government units upang
masigurong nakasusunod ang
mga ito sa tamang pangangalaga
ng kalikasan, batay sa mandato
Sundan sa pahina 2..
Lakas ng Kababaihang May Kapansanan. Masayang nakiisa si Gov. DoDo Mandanas sa 15th Women with Disabilities Day, sa
pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO),
noong ika-22 ng Abril 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol
PIO
Joint Semi-Annual Meeting ng PNC-TWG,
MNAO at BNS Presidents, isinagawa
ISA sa mga patuloy na tinututukan
ng Pamahalaang Panlalawigan ng
Batangas ang pagpapahalaga at
pangangalaga sa kalusugan ng mga
mamamayang Batangueño, kaya
naman isinagawa ang Joint Semi-
Annual Meeting ng Provincial Nutrition
Council – Technical Working Group
(TWG) Members, Municipal Nutrition
Action Officers (MNAO) at Barangay
Nutrition Scholars (BNS) Presidents,
na pinangunahan ng Provincial Health
Office (PHO), noong ika-23 ng Abril
2018 sa PSWDO Conference Room,
Capitol Compound, Batangas City.
Naging
pangunahing
paksa sa isinagawang pagtitipon ang
Monitoring and Evaluation of Local
Level Plan Implementation (MELLPI)
Pro, na naglalayong suriin ang pagiging
epektibo ng Local Government Units
(LGUs) sa pagpaplano at pagpapatupad
ng mga lokal na programang pang-
nutrisyon sa lalawigan. Sinundan ito
ng paglalahad ng Schedule ng nalalapit
Regional Evaluation para sa Search
for Regional Outstanding BNS at
Provincial MELLPI.
Tinalakay dito ang naging
resulta ng 2018 Supplementary
Feeding, kung saan nagsilbing
benepisyaryo ang 1,399 bata mula sa
iba’t-ibang munisipalidad sa lalawigan.
Naitalang 963 bata ang ang bumuti
ang kalagayan, matapos sumailalim
sa tatlong buwan ng supplementary
feeding; 213 ang normal to normal
nutritional status; 588 ang underweight
to normal nutritional status; 113 ang
severely underweight to underweight;
at, 49 na severely underweight to
normal.
Samantala, napag-usapan
rin sa pagtitipon ang mga plano para sa
2019 Provincial Nutrition Development
Program, Nutrition Month Celebration
at Status of BNS Projects.
Inaasahan ng Batangas
Capitol, na sa pamamagitan ng
regular na pakikipagdayalogo sa mga
focal persons ng PNC, ay higit pang
mapapalawig ang mga programang
pangkalusugan sa lalawigan, patungo
sa pagsugpo sa malnutrisyon at
pagpapabuti sa kalusugan ng mga
mamamayang Batangueño. – Marinela
Jade Maneja, Batangas Capitol PIO
Paglalaan ng pondo para sa mas epektibong
kampanya laban sa droga, isusulong ng
Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Macc Venn Ocampo – Batangas Capitol PIO
SA patuloy na pagpapaigting sa
kampanya upang masugpo ang iligal
na droga sa Lalawigan ng Batangas at
bilang agarang tugon na rin sa nasabi
ni Pangulong Rodrigo Duterte na
“red flag” ang probinsya, minarapat
ng Pamahalaang Panlalawigan ng
Batangas, sa inisyatibo ni Governor
DoDo Mandanas, na makapaglaan
at makapagbigay ng pondo sa
Batangas Police Provincial Office
(BPPO) upang masuportahan ang
ahensya sa mga adbokasiya at
mga kaukulang operasyon para sa
naturang problema.
Kaugnay nito, nagkaroon
ng isang pagpupulong na tumalakay
sa proposed plan ng BPPO, sa
pangunguna ni Provincial Director
P/COL Edwin A. Quilates, noong
ika-24 ng Abril 2019 sa People’s
Mansion,
Capitol
Compound,
Batangas City.
Dumalo
sa
nasabing
pagtitipon
sina
Provincial
Administrator Librado Dimaunahan
at Provincial Public Order and
Safety Department Head, Atty.
Genaro Cabral, na kapwa itinalaga
ng gobernador na tututok sa nasabing
isyu.
Naging bahagi rin sa
pagpupulong si General Services
Officer Paulita Maneja, mga
miyembro ng Finance Committee
ng Kapitolyo, na kinabibilangan
nina Provincial Accountant Marites
Castillo, Provincial Budget Officer
Sundan sa pahina 3..