Tambuling Batangas Publication March 28-April 03, 2018 Issue | Page 2

BALITA Sa taong ito ay binuksan na nila ang kooperatiba hindi lamang para sa mga kababaihan kundi sa sinumang may negosyo. Ang minimum share ay P 2,000 at ang membership fee ay P 100.00 lamang. Insurance.... (OCVAS) sa Department of Agriculture (DA) at Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). Inilunsad ito sa 12th Annual General Assembly ng Batangas City Vegetables Growers Association Inc. noong March 22 sa OCVAS Research Training Center. Ang naturang insurance ay ipinagkaloob ng libre sa mga mag- sasaka kung kaya’t wala silang babayarang monthly premium. Covered nito ang mga pananim na masisira dahil sa mga kalamidad kagaya ng bagyo, baha, tag-tuyot at iba at sa sakit sa halaman at peste. Ang iba’t ibang pananim, livestock at iba pang agricultural products ay may magkakaibang insurance coverage ayon sa guidelines ng PCIC Ang mula sa pahina 1.. mga magsasaka naman ay covered ng Agricultural Producers Protection Plan at Accident and Dismemberment Security Scheme sakaling sila ay mamatay o magkaroon ng permanent disability dahil sa aksidente, natural na kadahilanan at iba pa. Ayon kay City Veterinarian Macario Hornilla, binibigyang proteksyon ng administrasyon ni Mayor Beverley Dimacuha ang sektor ng agrikultura sa lungsod at patuloy itong pina-uunlad sa kabila ng pagiging industriyalisado ng Batangas City. “Ang Batangas City ay pwedeng ipantay sa Baguio, pwede ditong mag grow ng maraming halaman at prutas, na nabibili sa Benguet at hindi rin tayo gaanong dinadaanan ng kalamidad,” dagdag pa ni Hornilla. Hiniling ni Hornilla sa nasabing samahan na pagyamanin ang lupang taniman at makinabang sa mga programa ng pamahalaan at hikayatin aniya nila ang kanilang mga anak na kumuha ng kurso sa agrikultura. Ang Batangas City Vegetables Growers Asso. Inc. ay pinamumunuan ng pangulo nito na si Victor Malibiran. Ito ay tumanggap na ng iba’t ibang pagkilala sa larangan ng agrikultura sa lalawigan at ngayon ay nominado sa Outstanding Farm Group sa Gawad SAKA Region IV. Ang kasapi nito na si Monte Manalo ay nominated din bilang Outstanding Farmer- High Value Crop (vegetable) at ang pamilya ni Malibiran bilang Outstanding Farm Family. (PIO Batangas City) Batang Guro mulang Ateneo, Hinirang na Makata ng Taon 2018 HINIRANG na Makata ng Taon 2018 si Christian Jil R. Benitez, isang instruktor sa Ateneo de Manila University para sa kaniyang tulang “Sapagkat Pag-ibig ang Tuod sa Pinakamahabang Bugtong sa Kasaysayan.” “Nagsusulat ako ng mga tula na may malayang taludturan ngunit naging hámon sa akin ang magsulat ng tula na may tugma at sukat. Nakatulong sa akin ang lektura ng dati kong propesor sa Ateneo na si Dr. Edgar Samar hinggil sa pagsulat ng tula na may antas tudlikan ang tugmaan.” banggit ni Christian. Bukod sa paghirang na Makata ng Taon 2018, tatanggap si Benitez ng PHP30,000.00 at tropeo mula sa KWF. Tatanggap naman sina Aldrin P. Pentero ng PHP20,000.00 para sa Ikalawang Gantimpala at Paul Alcoseba Castillo ng PHP15,000.00 para sa Ikatlong Gantimpala. Ang pagkilala kay Benitez ay gaganapin sa Araw ni Balagtas sa 2 Abril 2018 sa Orion Elementary School, Bataan. Ang Araw ni Balagtas ang hudyat din ng pagsisimula ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ng Filipinas. Si Benitez ay nagtapos ng programang AB-MA Literature (Filipino) sa Pamantasang Ateneo de Manila. Kasalukuyang siyang nagtuturo ng Filipino, Panitikan ng Filipinas, at Kritisismong Pampanitikan Kinilala na rin ang kaniyang mga tula sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Maningning Miclat Poetry Awards, at Loyola School Awards for the Arts. Ang mga hurado ng timpalak ay sina Michael M. Coroza, Louie Jon Agustin Sanchez, at Enrique S. Villasis. Si Michael M. Coroza ay isang makata, Carlos Palanca awardee, at kasalukuyang Tagapangulo ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). Tatlong beses naman na itinanghal na Makata ng Taon si Louie Jon A. Sanchez. Si Enrique S. Villasis ay limang beses nang nagwagi sa Don Carlos (2011, 2012, 2013) at scriptwriter sa telebisyon. Kabilang sa mga naunang kinilalang Makata ng Taon mula pa noong 1963 ay ang mga ginagalang, premyado, at haligi na ng panitikang Filipino ay sina Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario, Bienvenido Lumbera, at Cirilo Bautista. Kinilala na rin biláng Makata ng Taon sina Ruth Elynia Mabanglo, Rogelio Mangahas, Lamberto Antonio, at Mike Bigornia. Marso 28-Abril 03, 2018 Kooperatiba tumutulong sa marketing ng mga maliliit na negosyo SA mga nagsisimula ng maliit na negosyo sa kanilang barangay, sila ay pwedeng tulungan sa marketing ng kanilang produkto ng Batangas City Rural Improvement Club Marketing Cooperative (BCRICMC). Sa 3rd General Assembly ng BCRICMC sa Research Training Center ng OCVAS noong ika-26 ng Marso, hinikayat ng chairman nito na si Miriam Catapang ang mga residente ng lungsod partikular yaong mga myembro ng RIC na sumali sa kooperatiba at pagyamanin ang kanilang mga natutunang livelihood projects sapagkat ang kanilang mga pangunahing myembro ay yaong may mga negosyo sa kani- kanilang barangay. Ipinabatid din niya ang patuloy na tagumpay ng Pasalubong Center, isang proyekto ng RIC na sinimulan noong 2007 sa panahon ni Mayor Eduardo Dimacuha at patuloy na nakakakuha ng suporta kay Mayor Beverley Rose Dimacuha. Dito isino-showcase ang mga produkto ng mga kababaihan ng ibat- ibang barangay kung kayat lubos ang kanilang pasasalamat sa patuloy na suportang ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod. Ayon kay Catapang, isang magandang halimbawa ng natamong tagumpay ng isa sa kanilang mga myembro ay ang banana chips business ni Edna Dimayuga ng barangay Tingga Itaas. Siya ay produkto ng mga seminar sa OCVAS at isa sa mga matugumpay na entrepreneurs ngayon sa lungsod. Nagumpisa sya sa maliit na puhunan at dahil sa tulong ng pamahalaang lungsod ay napalago niya ito. Ini-export na ngayon ang kanyang mga produkto. Ipinadadala na ng DTI at DA ang Edna’s banana chips sa ibang bansa at unti-unti nang nakikilala sa buong mundo. Sa taong ito ay binuksan na nila ang kooperatiba hindi lamang para sa mga kababaihan kundi sa sinumang may negosyo. Ang minimum share ay P 2,000 at ang membership fee ay P 100.00 lamang. Hanggang P200,000 ang halagang kayang ipautang ng kooperatiba sa kanilang mga miyembro para sa kanilang negosyo. Pinayuhan ni City Veterinarian Dr Mac Hornilla ang myembro ng BCRICMC na pagtuunan ng pansin ang “packaging” ng kanilang produkto upang mas maraming consumers ang tumangkilik nito at mas makilala ang mga produkto ng lungsod. Nagpaabot ng pagbati at nakiisa din sa naturang okasyon si Congressman Marvey Marino na kinatawan ng kanyang Chief of Staff na si Eddie Boy Caringal gayundin ang Committeee Chairperson on Agriculture and Cooperative na si Coun. Serge Atienza at kanyang kabiyak na si Coun. Allysa Cruz. (PIO Batangas City) Barangay... mula sa pahina 1 na maaaring makuha ng mga ito. Ang mga aktibidad na ito ay alinsunod pa rin sa Republic Act 9482 “Anti- Rabies Act of 2007” na naglalayong makontrol at maalis ang rabies sa hayop maging sa tao, at pagpapataw ng penalty para sa mga hindi susunod. 1st Quarter... Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI); Schedule at area para sa ebalwasyon at pagbabago sa datos na sinusuri ng Regional Evaluation Team (RET) pati na rin ang report sa partial result ng BNS (Barangay Nutrition Scholar) at MNAO pre- evaluation. Nakapaloob rin sa pagpupulong ang plano para sa 2018 Nutrition Program Implementation kung saan napagkasunduan ang pagkakaroon ng Orientation on Child Growth Standard N a g p a b a t i d naman ng mensahe si Dr. Marasigan para sa lahat na makipagtulungan upang makontrol ang rabies, pagsuporta sa mga programa ng pamahalaang panlalawigan tungkol sa mga alagang hayop at ang pagsasabuhay ng responsible pet ownership. Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO mula sa pahina 1 (CGS) for new/replacement MNAOs and BNS, MNAO/BNS Presidents Capability Training for the Management of Severe Acute Malnutrition (SAM), pagdaraos ng Supplementary Feeding Program sa 1,500 na identified Underweight at Severe Underweight PSC. Nakalinya na rin ang mga aktibidad para sa Provincial Nutrition Month Celebration sa Hulyo, na may temang “Ugaliing Magtanim, Sapat na Nutrisyon ang Aanihin.” Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO