Tambuling Batangas Publication March 28-April 03, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. A Thousand Myles ... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Kooperatiba tumutulong sa marketing ng mga maliliit na negosyo p. 2 Men Opposed to Vi o l e n c e Everywhere (MOVE) p. 3 BFP-NCR pushes f o r f i re s a f e t y v i a ‘ c re a t i v e ’ m e e t p. 5 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 14 Marso 28- Abril 03, 2018 P6.00 1st Quarter Meeting ng Provincial Nutrition Committee, Isinagawa Nakalinya na rin ang mga aktibidad para sa Provincial Nutrition Month Celebration sa Hulyo, na may temang “Ugaliing Magtanim, Sapat na Nutrisyon ang Aanihin.” Almira M. Eje DINALUHAN ng mga miyembro ng Technical Working Group at Municipal Nutrition Action Officers (MNAO) ang 1st Quarter Meeting ng Provincial Nutrition Committee (PNC) noong ika-23 ng Marso, 2018 sa Provincial Health Office Conference Room, Capitol Site, Batangas City. Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga naging resulta ng 2017 PNC Feeding program, kung saan ang mga benepisyaryo ay mga bata mula sa mga bayan ng Balayan, Lemery, Tuy, Lian, San Nicolas, Tanauan City, Batangas City at Lipa City. May kabuuang 1,000 katao ang sumailalim sa tatlong buwang feeding program. Sa huling pagtitimbang na isinagawa matapos ang tatlong buwang feeding program lumabas na 79.4% ang porsiyento ng kabuuang benepisyaryo na naimprove ang nutritional status kumpara noong 2016 na mayroong 64.43% sa 883 katao. Pinag-usapan din ang tungkol sa Regional Barangay Health Workers Anti-Rabies Vaccination Training, Isinagawa KAUGNAY pa rin sa selebrasyon ng Rabies Awareness Month, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian sa pangunguna ni Dr. Rommel Marasigan, ay nagsagawa ng Anti-Rabies Vaccination Training sa mga Barangay Health Workers ng bayan ng Lemery na ginanap noong ika-21 ng Marso 2018. Ang mga nasabing health workers ay ang mga volunteers ng iba’t ibang barangay mula sa Lemery na sumailalim sa pagsasanay tungkol sa tamang pagtuturok ng mga rabies vaccine, tamang paghawak sa mga kagamitang pangbakuna, kahalagahan ng rabies vaccine at maging ang tamang paghuli sa mga alagang hayop. Ang mga ito ang magiging kinatawan ng kani-kanilang barangay para sa Bantay Rabies sa Barangay. Ayon kay Dr. Rommel Marasigan, Provincial Veterinarian, magandang panahon ang Marso upang magsagawa ng pagbabakuna sapagkat pagsapit ng panahon ng tag-araw nagiging aktibo ang mga hayop kung kaya at mas kinakailangang mapababa ang risk ng rabies Nutrition Projects for healthier Batangueños. Kabilang ang mga kabataang, may edad 36 hanggang 71 months, sa mga nakasali sa tatlong buwan na tuloy-tuloy na feeding program sa ilang bayan ng Batangas Province, na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Health Office. Makikita sa larawan ang mga batang pinakakain mula sa mga Munisipalidad ng Lemery (kaliwa) at Balayan. Photos: PHO Nutrition Services / Batangas Capitol PIO Pagsasaayos ng mga pangunahing kalsada sisimulang ngayong tag-araw ILANG mga pangunahing kalsada sa Batangas City ang sisimulang ipaayos ngayong Abril kung saan ito ay popondohan ng pamalahalaang lungsod mula sa bahagi ng P1 billion loan nito sa Land Bank of the Philippines. Kabilang dito ang pagko-konkreto ng Kumintang Ibaba Road, kalsada mula sa Calumpang Bridge no. 3 sa barangay Gulod Labac hanggang P. Hererra St. at BIR Road na may kabuuang habang 2,812.81 metro na gagawan din ng kanal. Magsasagawa naman ng asphalt overlay sa may 15,879.85 metrong haba ng kalsada sa Poblacion, kung saan kabilang dito ang bahagi ng M.H Del Pilar (brgy. 19) hanggang tulay ng Calumpang, P. Genato, P. Zamora, P Gomez, Evangelista, Noble, C. Tirona, mga kalye sa Brgy 6 at iba pa. Concrete Road with asphalt naman ang gagawin sa DJPMM o Bagong Palengke hanggang DJPMM Access Road - Delas Alas hanggang sa may Batangas State University. Ganito rin ang gagawing pagsasaayos sa Cuta Road at bahagi ng M.H Del Pilar sa may Julian Pastor Memorial School at iba pang kalye na may kabuuang haba na 2,779.30 metro. Ipapagawa rin ang mga kanal sa Bagong Palengke. Magpapagawa rin ng concrete pavement mula DJPMM Access Road, De Alas Alas Drive hanggang Arrieta Road. Samantala, on-going pa rin ang construction ng Calumpang 3rd bridge na sa ngayon ay mahigit na sa 60% ang natapos sa kontruksyon sa bagong desenyo nito. Ayon kay Engr. Ronald Litan, project engineer ng 3rd Bridge, Sundan sa pahina 3.. Insurance para sa mga magsasaka ipinagkaloob ng Dept. of Agriculture Inilunsad ito sa 12th Annual General Assembly ng Batangas City Vegetables Growers Association Inc. noong March 22 sa OCVAS Research Training Center. Ang iba’t ibang pananim, livestock at iba pang agricultural products ay may magkakaibang insurance coverage ayon sa guidelines ng PCIC Ang mga magsasaka naman ay covered ng Agricultural Producers Protection Plan at Accident and Dismemberment Security Scheme sakaling sila ay mamatay o magkaroon ng permanent disability dahil sa aksidente, natural na kadahilanan at iba pa.- City Veterinarian Macario Hornilla PINAGKALOOBAN Department of Agriculture ng insurance ang may 169 magsasakang miyembro ng Batangas City Vegetable Growers Association Inc. kasama na rin ang kanilang mga pananim at iba pang agricultural assets bilang proteksyon sa sektor ng agrikultura sa lungsod. Ang naturang insurance ay bunga ng pakikipagtuwang ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services Sundan sa pahina 2..