Tambuling Batangas Publication March 27-April 02, 2019 | Page 3

BALITA March 27-April 2, 2019 26 na pares ikinasal sa Baysanang Bayan 2019 Mayor Beverley Rose Dimacuha sa isinagawang Baysanang Bayan 2019 Batangas City Convention Center. Job... proyektong ito na malaki ang maitutulong sa mga senior HS students na piniling maghanapbuhay na upang makatulong sa kanilang pamilya. Ayon naman kay Herman Catapang, senior HS coordinator, may 13 senior high schools sa lungsod. Bago aniya makapagtapos ang isang bata dito, kinakailangan niyang matuto ng communication skills, innovation and creative skills, technology skills at lifelong skills ayon sa mandato ng Dep Ed. Dumalo din si Community Affairs Officer IV at tumatayong Head ng Scholarship Program na si Manolo Perlada kung saan kasama mula sa pahina 1 niya ang kanyang mga staff na tatanggap ng mga aplikasyon sa mga senior high school students na nagnanais magpatuloy ng kanilang pag-aaral subalit walang kakayahang pinansyal. Ayon sa mga mag-aaral ng Alangilan NHS na sina Kim Renz Casas ng barangay Tinga Itaas, (Accountancy, Business Management o ABM) strand, plano niya na magpatuloy ng pag-aaral at kumuha ng kursong BS Accountancy. Pagkatapos aniya ng graduation at habang naghihintay ng pagbubukas ng klase sa kolehiyo, magtatrabaho muna siya siya upang makaipon. Susubukan naman ni Clarisse Aguda, (General Academics) strand, na mag-aplay ng trabaho at kung skaling hindi matanggap ay mag- aaplay sa scholarship program ng pamahalaang lungsod. Balak niyang kumuha ng kursong Medical Technology. Nais din ni Cheryll Mercado, (Science, Technology, Engineering and Mathematics) strand na magkaroon ng part time job habang bakasyon. “Sobrang ganda po ng job fair na ito ni Mayor dahil sa halip na pupunta po kami sa ibat-ibang lugar at kompanya upang maghanap ng trabaho, inilalapit po ng PESO ang mga ito sa amin kaya sobra po kaming nagpapasalamat.” (PIO Batangas City) Philhealth 4A celebrates 24th anniversary By Ruel Francisco TAGAYTAY CITY, Cavite, (PIA) – The City Government of Tagaytay in coordination with the Department of Health (DOH) CALABARZON recently held the first supplemental immunization activity in Ayala Mall Serin here. DOH Regional Director Eduardo C. Janairo graced the event and praised the local government’s efforts to intensify the campaign against measles. “This event will increase measles vaccination coverage and reduce missed opportunities for vaccination by proving more immunization sites for children. Vaccination posts in malls, schools, fast food chains, churches and even bus terminals are necessary so that parents living near these areas can bring their child for immunization,” Janairo said. He appealed to the public who remain hesitant to have their children vaccinated and reiterated the importance of vaccines to protect their children from fatal diseases. “Vaccination is a very important part of family and public health. It prevents the spread of contagious, dangerous, and even deadly diseases like measles, polio, mumps and chicken pox.” Hundreds of residents of the city and from other neighboring towns together with their children participated in the immunization activity and availed of the free vaccination opportunity. One of the reasons, believed to be part of the public’s hesitancy, for the failure of parents to have their children vaccinated is due to their hectic schedule at work during weekdays. Children participants were given anti-measles and OPV immunization vaccines and also free vitamins and free meals from Jollibee. (Ruel Francisco, PIA- Cavite/with reports from DoH CALABARZON) KNOCK OUT TIGDAS TAGAYTAY: Department of Health official (DoH) encourages parents to have their children vaccinated against measles during the supplemental immunization activity at the Ayala Mall Serin Tagaytay. According to DoH Regional Director Eduardo C. Janairo “vaccination is a very important part of family and public health. It prevents the spread of contagious, dangerous, and even deadly diseases like measles, polio, mumps and chicken pox.” (Ruel Francisco, PIA-Cavite/photo courtesy of Tagaytay CHO) DALAWAMPU’T anim na pares ang ikinasal ni Mayor Beverley Rose Dimacuha sa isinagawang Baysanang Bayan 2019, March 26, sa Batangas City Convention Center. Sa ilalim ng termino ni Mayor Beverley, ito ay ginagawang special at memorable bilang handog niya sa mga ikinasal sapagkat para sa kanya, ang kasal ay isang sagradong bagay na nagpapatatag sa pagsasama ng mag-asawa at nagpapalakas sa pundasyon ng pamilya. Maganda ang dekorasyon, may simpleng salosalo, mga regalo at iba pang bagay na tradisyunal na bahagi ng isang kasalang Pilipino. May pagsasabog ng bulaklak sa bagong kasal, subuan ng kalamay na kaugalian para sa malagkit at matatag na pagsasama, subuan ng cake pag- inom ng alak at iba. Bilang bahagi pa rin ng tradiisyon, nagtayo ng sibi sa labas kung saan naghintay ang mga ikakasal sa pagsisismula ng kasalan at may jeep na masasakyan para sa dapitan. Payo ng Mayor sa mga ikinasal na ang Diyos ang maging sentro ng pagsasama at laging ipagdasal ang bawat isa. “Tandaan nyo po ang oras na ito 10:30 ng umaga, simula po ngayon at tuwing 10:30 ng umaga ay ipagdadasal nyo ang inyong mga asawa, ugaliin po Poblacion... projects na ipapatupad sa isang barangay. Ayon pa rin sa report, 75% ng mga barangay sa cluster na ito ay maayos na nahahakutan ng basura ng hauler ng pamahalaang lungsod. Ang mga business establishments ninyo yan,” dagdag pa ni Mayor. “Maging mahinahon at huwag sabayan ang galit ng isa’t isa. Iwasan din ng mga babae na maging nagger at laging maging maayos at malinis sa pangangatawan at sa tahanan para ma-engganyo ang mga asawang lalaki na tumigil sa bahay.” Binigyang diin ni Mayor Beverley na panatilihin ang matamis na pagtitinginan at respeto sa isa’t isa ng mga mag- asawa. Ayusin aniya ang mga problema at huwag na huwag iisipin ang paghihiwalay. Hiniling rin niya na tulungan siya na palakasin ang pamilyang Batangenyo para magkaroon ng tahimik at matiwasay na lungsod. Sinabi naman ni City Civil Registrar Josie Maranan na libreng ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod ang baysanang ito maging ang pag- aayos ng mga papeles para sa kasal at pagle legitimize ng mga anak. Dumalo rito sina Philippine Statistics Authority (PSA) Regional Director, Region IV-A CALABARZON, Charito Armonia at Batangas Provincial Statistics Officer, PSA Raul Maximo Tolentino. Ang Baysanang Bayan ay pinangasiwaan ng City Civil Registrar’s Office katulong ang City Cultural Affairs Committee (CAC) at ilang departamento ng pamahalaang lungsod. mula sa pahina 1 dito ay may mga pribadong hauler. Pinuri rin ang ecological park at best practices sa pangangalaga ng kalikasan at mga proyektong pangkalinisan ng Barangay 12 at 24.(PIO Batangas City) Hybrid native chicken ipinamahagi ng OCVAS MAY 526 beneficiaries ng Hybrid Native Chicken Dispersal Projec t ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) ang tumanggap ng tig limang manok na aalagaan, March 28 sa nasabing tanggapan. Ang mga manok na ito ay Sunshine chicken na isang uri ng upgraded native chicken na malalaki ang lahi at nagbibigay din ng mas malalaking itlog kumpara sa mga karaniwang native chicken. Maalwan itong alagaan dahil pwedeng paligaw lamang sa bakuran kapag mahigit isang buwan na. Sa unang 0-21 araw, ang sisiw nito ay dapat nakakulong muna. Ayon kay Dra, Loyola Bagui, assistant head ng OCVAS. ang hybrid native chicken na ito ay madaling pakainin o masasabing “matakaw” na breed ng manok, kung saan sa umpisa ay papatukain muna ng chicks booster , chicken starter at kalaunan ay pwedeng patukain ng mga organic na pagkain kagaya ng mais, mga ginayat na gulay at iba pa. Layunin ng OCVAS na tumaas ang kalidad ng mga native chicken sa lungsod kung kaya’t hinihikayat ang ang mga beneficiaries na mapalahian ang mga native chicken nila upang dumami ang mga malalaking lahi ng manok at mga itlog na palilimliman. Tinuruan ng hepe ng OCVAS na si Dr. Macario Hornila ang mga beneficiaries sa tamang paraan ng pag-aalaga ng hybrid native chicken upang magtagumpay ang proyekto. Ang mga beneficiaries ay tinukoy sa pakikipag- ugnayan sa mga barangay officials, barangay livestock and agriculture technicians at livestock and poultry raisers association. (PIO Batangas City)