Tambuling Batangas Publication March 27-April 02, 2019 | Page 2

BALITA Sta. Cruz town supports Manila Rehab Project through tree growing By Joy Gabrido CALAMBA, Laguna, (PIA) – The town of Sta. Cruz here showed its continuous support to the ongoing Manila Bay Rehabilitation Project by conducting recently a tree growing activity dubbed as ”Puno Mula Sa Puso.” The activity, led by the Municipal General Services Office/Municipal Environment and Natural Resources Office (MGSO/MENRO), veered away from the typical way of celebrating Valentine’s Day through expressing love of nature and fellowmen in this continuous action to protect and clean rivers under the Watershed Management Program. Residents, volunteers, barangay, and local government workers, together with Laguna Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), celebrated Valentine’s Day by planting mangrove trees along the shoreline of Laguna Lake at Sitio Batisan, Brgy. Gatid of the said town. PENRO Laguna provided the freshwater mangrove seedlings that were planted in the respective area. Jennie Corpuz of MENRO/GSO said this is the second time the local government initiated the same activity. On the same date last year, they have distributed heart cuttings bearing love “Hugot” lines. While this year, they distributed cuttings of heart conveying different expressions of love like “My True Love,” “Love mo ba ako?,” “Sana dalawa ang puso ko,” “I am taken,” “Single ako,” and “I am ready to love again,” among many others. The participants were asked to attach their hearts to each of the tree they sow likely to a pledge of love. Corpuz said their office regularly holds tree planting activities to consistently promote environment advocacies like the Manila Bay Rehabilitation and “Save Sierra Madre” campaign. (Joy Gabrido, PIA4A) March 27-April 2, 2019 Kababaihang zumba dancers pino promote and healthy lifestyle sa mga kababaihan BATANGAS CITY- Nagkasamasama ang mga grupo ng mga kababaihan na pawang mga zumba dancers sa isang event noong March 17 sa Marble Terrace Ground Provincial Capitol kung saan sila ay nag zumba bilang paraan nila ng pag promote ng healthy lifestyle sa mga kababaihan. Bahagi rin ito ng kanilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso. Hindi lamang pagsuporta sa karapatan at kapakanan ng mga kababaian ang layunin ng mga grupong ito kundi upang i promote ang physical fitness bilang advocacy nila para magkaroon ng healthy lifestyle ang mga kababaihan. Bukod dito nagsisilbi ring civic groups ang mga samahang ito kung saan mayroon silang mga proyekto upang makatulong sa komunidad. Kabilang sa mga grupong ito ay ang Indak Kababihan na nagdiriwang ng ika-5 taon anibersaryo, KALIPI, Barako Fitness Group at mga cluster barangay ng zumba group. Ayon kay Bokal Claudete Ambida, ang Indak Kababihan ay kanilang sinimulan ni Bokal Bart Blanco noong siya ay konsehal pa ng Batangas City at kanilang ipinagpapatuloy hangang ngayon. “Layunin ko na isulong ang healthy lifestyle sa mga Batangueño at tulungan silang makaiwas sa mga sakit,” sabi ni Bokal Ambida. Sinabi naman ni Bokal Bart Blanco na ang mga kababihan ang katuwang ng mga kalalakihan sa pang araw-araw na pag hahanap buhay kung kayat dapat panatlihing malusog ang kanilang pangangatawan. Ipinabatid ni Epoy Sison, presidente ng Barako Fitness Group Plaza Mabini, na mas marami na ngayon ang sumasali sa pagsu zumba tuwing hapon. “Hindi lamang kalusugan ang aming tinututukan kundi nagsasagawa rin kami ng mga charitable works na tumutulong sa mga nangangailangan,” sabi ni Sison. Isa sa natulungan nila ang mga batang cancer patients na binigyan nila ng medical supplies at gamot sa pakikipagtulungan sa Cancer Warriors Foundation. Bilang pagsuporta sa healthy lifestyle ni Mayor Beverley Dimacuha, itinalaga niya ang Public Infomation Office na mag operate ng sound system sa Plaza Mabini para sa mga zumba dancers. Lubos naman ang pasasalamat ng Indak Kababaihan kay Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino sa suportang kanilang ibinibigay sa kanilang samahan. Nakiisa rin sa pagdiriwang si Gov. Hermilando Mandanas at ang Team EBD na nagbigay ng mga pa premyo sa raffle. Rabies awareness campaign isinagawa sa barangay Laguna Provincial Agriculturist Marlon Tobias, together with other participants, planting freshwater mangroves along the shoreline of Laguna Lake. (Photo Credit to Mr. Marlon Tobias, Laguna Provincial Agricultural Office) Pagbubukas ng Mayor’s Cup 2019 nilahukan ng basketball kagaya ng naman sa men’s division. mga barangay sa senior’s Sa Baseball, Best divison na may May 43 barangay ang lumahok sa pagbubukas ng Mayor;s Cup 2019, March 31, sa Batangas City Sports Coliseum kung saan magtatagisan ng galing sa larong basketball, volleyball, baseball at softball ang may 99 teams. Dinaluhan ito ni Mayor Beverly Rose Dimacuha, Congressman Marvey Mariño at ng Team EBD. May tatlong divisions age bracket na 20-39 years old; junior’s category- 19 years old pababa at midget’s division- 12 years old pababa. Tinanghal na Best in Uniform sa Basketball Senior’s category ang Brgy. Balete, Brgy. Gulod Labac sa Junior’s category at Brgy. Calicanto naman sa Midget’s category. Sa Volleyball, nakamit ng Brgy. Libjo ang Best in Uniform sa women’s division at Brgy. San Isidro in Uniform ang Libjo sa kategorya ng mga kalahok na edad 16 pababa at Brgy. Bolbok naman para sa ikalawang kategorya na 12 taon pababa. Sa Softball, nakuha ng Brgy. Bolbok ang award na Best in Uniform. Tinanghal na Best Muse ng Liga si Lyka Samson ng Brgy. San Isidro. Siya ay tumanggap ng cash, sash at trophy. (Jeanette Reyes /OJT PIO Batangas City) BATANGAS CITY- Nagdaos ng rabies awareness campaign ang City Health Office (CHO) at anti rabies vaccination ng mahigit 100 aso at pusa ang Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) sa barangay Kumintang Ilaya, March 26. Ito ay bahagi ng paggunita ng Rabies Awareness Month na may temang “Makiisa sa barangayan kontra rabies, maging responsableng pet owners!” Ayon kay Dr. Nino Calingasan ng CHO, itinuturing ang rabies na isang “public health problem” dahil maraming Filipino ang namamatay dahil dito. Wala pa naman aniyang naitala o datos ang lungsod na may namatay sa kaso ng rabies. Binigyang diin naman ng OCVAS na maaaring mapigilan ang rabies kung magiging responsable ang mga pet owners sa pamamagitan ng pagpapabakuna sa mga alaga nilang mga hayop partikular ang aso o pusa. Ang rabies ay isang “mapanganib na sakit na inaatake ang utak at sanhi ng mikrobyo na nakukuha sa laway ng hayop na may Rabies, karaniwan ay aso at pusa. Sa kasalukuyan, wala pa itong lunas lalo na kapag kumalat ang infection sa katawan ng tao. Kabilang sa mga sintomas ng rabies infection ay ang lagnat o pananakit ng ulo, pananakit o pamamanhid ng bahagi ng katawan na kinagat ng hayop, at deliryo at pagkaparalisa. Sintomas din ng rabies infection ang pamumulikat ng mga kalamnan, gayundin ang ”pagkatakot” sa hangin at tubig. Ipinaliwanang ni Dr. Calingasan na mahalaga ang first aid o paunang lunas kapag nakalmot o nakagat ng hayop na maaring may rabies. Dapat hugasan ang sugat gamit ang sabon at dumadaloy na tubig sa loob ng 10-15 na minuto. Pahiran pagkatapos ng betadine , alcohol o kung ano ang antiseptic solution ang sugat. Mahalaga ring magpabakuna kaagad sa doktor, at kinakailangang maobserbahan ang hayop. Kung hindi alagang hayop ang nakakagat o nakakalmot, mahalagang maipahuli ito upang maobserbahan. Paalala rin ng OCVAS sa mga may alagang hayop na pabakunahan ang mga ito mula sa ikatlong buwan mula kapanganakan at taon taon pagkatapos nito. Huwag rin umanong hayaang gumala ang mga alagang hayop sa kalsada at alagaang mabuti ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapaligo, pagbibigay ng malinis na pagkain, at maayos na matutulugan. Ang mga taong nakagat ng aso o pusa ay kailangang pumunta sa pinakamalapit na animal bite center upang maagapan o maturukan ng gamot kontra rabies. (PIO Batangas City)