Tambuling Batangas Publication March 27-April 02, 2019
Metro Manila water system and the story of Museo El Deposito ... p.5
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Kababaihang zumba dancers
pino promote and healthy
lifestyle sa mga kababaihan
p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
La Mesa Dam barometer
of water supply p. 5
26 na pares ikinasal sa
Baysanang Bayan 2019 p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 13 March 27- April 2, 2019
P6.00
Batangas City Police binigyang pugay ang
mga kababaihan
BATANGAS CITY- Binigyang
pugay ng Batangas City Police ang
mga kababaihan sa pagdiriwang ng
Women’s Month sa pamamagitan
ng pagsasagawa ng poster making
contest kung saan nagpagalingan
ang mga lumahok na labing pitong
babaeng high school students sa
paglalarawan ng papel ng kababaihan
sa lipunan ngayon.
Ang contest na ginanap
noong March 19 sa conference room
ng police station ay may temang “We
Make Change Work for Women”.
Sa
kanyang
mensahe
sa mga lumahok na high school
students, binigyang diin ni Batangas
City PNP chief, PSupt. Sancho
Celedio na hindi dapat maengganyo
ang mga kabataan na lumahok sa
mga militanteng grupo upang huwag
makumbinseng mag aklas laban sa
pamahalaan. Pinayuhan din niya
ang mga ito na umiwas sa illegal
na droga upang huwag masira ang
kinabukasan.
Binigyan ng kaukulang
oras ang bawat kalahok na itanghal
at ipaliwanag ang kanilang obra sa
harap ng mga hurado na sina PSUPT.
Celedio, SPO4 Ragemer Hermidilla,
SPO4 Ranie. Macatangay, SPO3
Nena Garcia at ang representative
ng Public Information Office na si
Ronna Contreras.
Nagwagi ng 1st place si
Lovely Pagcaliwagan ng Alangilan
Senior High School kung saan
ipinakita niya ang papel ng mga
kababaihan bilang ina ng tahanan at
bilang matagumpay na professionals
sa iba’t ibang larangan.
Second place si Christal
Alvarez ng Batangas National High
School at third si Louise Angela
Manalo ng Paharang National High
School. (Jeanette L. Reyes OJT-PIO
Batangas City / Photo by: Sergio
Jefferson B. Azul OJT-PIO Batangas
City)
Multi-purpose covered court
pinasinayaan sa Brgy. Sto. Domingo
BATANGAS CITY- Pinasinayaan
ni Mayor Beverley Dimacuha,
Congressmn Marvey Mariñ0 at
Team EBD ngayong March 21
ang mahigit na 9.4 million-multi-
purpose covered court sa Barangay
Sto Domingo.
Ito ay sa kahilingan ni
dating Pangulo Pedro De Torres
na ipinangako sa mga residente
at binigyang katuparan naman ni
Mayor Dimacuha. Nakatayo ang
court sa mahigit 600 sq.m na lupa
na pag mamay-ari ng pamilya
Lat at may kumpletong ilaw at
pasilidad ng isang basketball court.
Ayon kay Cong. Marino,
isa ang covered court na ito na
may pinakamagandang yari o
disenyo. Bukod sa mga sports
activities, mga pagpupulong at
iba pang okasyon ng barangay ay
magagamit din ang covered court
bilang evacuation center sakaling
kailanganin.
Binanggit naman ni
Mayor Dimacuha ang iba pang
proyektong nagawa na kabilang
na ang konstruksiyon ng mga
karsada, paaralan, tulay at iba pang
imprastraktura.(PIO
Batangas
City)
“We Make Change Work for Women”. 1st place si Lovely Pagcaliwagan ng Alangilan Senior High School, Second place si Christal
Alvarez ng Batangas National High School at third si Louise Angela Manalo ng Paharang National High School.
Poblacion barangay naging
mabilis ang pagtalima sa RA 9003
BATANGAS CITY- Iniulat ng
KA-BRAD Poblacion cluster
coordinators o solid waste
management teams ng city
government employees ang mabilis
na pagkilos ng mga barangay sa
Poblacion, kasama ang Cuta, Wawa,
Malitam at Santa Clara sa pagtalima
sa istriktong pagpapatupad ng
pamahalaang lungsod ng RA 9003
o Solid Waste Management Act of
2000.
Ito ang naging feedback sa
idinaos na general assembly ng mga
nabanggit na barangay sa Batangas
City Convention Centre, March 21,
kung saan dumalo ang may 1,700
na residente dito at kanilang mga
pangulo.
Ayon
sa
cluster
coordinators, nang umpisahan
nila ang Information Education
campaign noong October 2018, ay
anim na barangay lamang ang may
Barangay Solid Waste Management
Council ( BSWMC). Ngayon
ay 24 barangay na ang nakapag
organisa nito. Ilang barangay na
rin ang may ordinansa, programa
at mga proyektong ipinatutupad
para sa kalikasan at kalinisan
kagaya ng Barangay 8, 14, 19, 24
at Malitam. Labing-isang barangay
na rin sa cluster na ito ang may
Materials Recovery Facilities
(MRF), samantalang ang iba ay
hindi makapagpagawa ng MRF
dahil walang bakanteng lugar na
mapagtatayuan.
Dalampu’t
-isang
barangay ang nakapagsumite ng
Waste Analysis Characterization
Report (WACR). Dito malalaman
ng Solid Waste Management Board
(SWMB) kung gaano kadami at
uri o klase ng basurang naiipon ng
isang baranagay na siya namang
magiging batayan para sa recyclable
Sundan sa pahina 3..
Job fair para sa mga senior
high school grads idinaos
job fair sa Batangas City Sports Coliseum, March 22, ng Public Employment and Service Office (PESO) at Dep Ed para sa mga
nagtapos ng senior high school.
MGA production operators at service
crew sa mga fast food chain and ilan
lamang sa mga trabahong pwedeng
aplayan sa isinagawang job fair sa
Batangas City Sports Coliseum,
March 22, ng Public Employment
and Service Office (PESO) at Dep Ed
para sa mga nagtapos ng senior high
school.
May 19 na local companies
ang lumahok sa tinaguriang Handog
ni Mayor Beverley: Trabaho para sa
mga senior high school graduates
kung saan sa 1,093 students na
lumahok ay 207 and hired on the
spot.
Binigyang
diin
ni
PESO Manager Noel Silang na sa
pamamagitan ng kanilang tanggapan
ay nabibigyan ng oportunidad ang
mga kabataan na magkaroon ng
magandang kinabukasan. Nagbigay
din siya ng career/employment
coaching sa mga dumalo.
Ipinaabot ni City Schools
Division Superintendent Donato
Bueno ang kanyang pagbati sa mga
magsisipagtapos na mag-aaral sa
pamamagitan ng kanyang kinatawan
na si SGOD Chief Dr Vicky Fababier.
Ayon sa kanya, apat na direksyon
ang maaaring puntahan ng isang
SH graduate- kolehiyo, negosyo,
trabaho at middle o vocational skills
Lubos ang kanilang pasasalamat kay
Mayor Dimacuha sa napakagandang
Sundan sa pahina 3..