Tambuling Batangas Publication March 27-April 02, 2019 | Page 4
OPINYON
March 27-April 2, 2019
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
The party of drug
traffickers
If the Liberal Party (LP) wants to regain the trust of the public then as a
first step it should disown two of its highest-ranking members implicated in
the deadly drug trade that swept the country under Benigno Aquino III. The
evidence is clear. One is backed by officers of the law whose testimonies
have been vetted and scrutinized. The other, by a confession.
Against no other political party has the issue of illegal drugs and the sudden
and steep ascension of deadly narco-politics been more intimately linked
than with the LP, and in particular, with two of its self-proclaimed celebrity
stalwarts.
Of the two, one is languishing in detention due to deliberate dilatory tactics
to delay if not thwart eventual criminal accountability. The accusations
brought against her span the spectrum from distasteful moral depravity
and nauseating indecencies, to the trafficking of illegal narcotics whose
monetary viabilities impact directly on ambitions, campaign funding and the
perpetuation of her political party.
After all, one of the deadliest protocols of the illegal drug trade is how its
tentacles slither and snake into the pockets of criminals and from there fund
the campaigns of protectors, coddlers and political beneficiaries whose
ambitions are nourished by broken lives.
Never mind that the accused might also be charged with engaging in illicit
relationships.
Adultery, as sleazy as it is, is nothing compared to the heinous violence that
comes with illegal narcotics.
The other LP stalwart is running to resurrect congressional immunities
and privileges that shield and protect those facing possible criminal and
administrative cases. Unlike charges brought against Leila de Lima, all of
which she labels a “sham,” the self-admission of Manuel Roxas to personal
knowledge of specific drug trafficking and proliferation while derelict and
doing nothing about it is a virtual confession.
Where illegal drugs are concerned dereliction is also a crime. Let’s go into
specifics. This goes beyond simple journalistic commentary. Statutes have
been brazenly violated.
In 2016, Roxas bragged that he knew exactly where in two jurisdictions he
could easily purchase illegal narcotics. As the Secretary of the Department
of the Interior and Local Government (DILG) he had direct supervision
over local officials, including those on the “narco list.” He also had direct
authority over the police mandated to ferret out drug lords and suppliers.
The statutes are clear on what he deliberately failed to do.
Republic Act (RA) 9165, the Comprehensive Dangerous Drugs Act of
2002, Article I, Section 3 defines a protector or coddler is any person who
knowingly and willfully consents to unlawful acts. Section 5 specifies these
as the “Sale, Trading, Administration, Dispensation, Delivery, Distribution
and Transportation of Dangerous Drugs and/or Controlled Precursors and
Essential Chemicals.”
On Roxas’ declaration that he knows where but does nothing indicates that
his illegal drug source was currently being maintained. Section 6 adds that
“according to the Definitions found in Article I, Section 3, a den, dive or
resort is a place where any dangerous drug and/or controlled precursor and
essential chemical is administered, delivered, stored for illegal purposes,
distributed, sold or used in any form.”
De Lima faces the same Section 5. Her second charge sheet accuses her “of
tolerating the widespread drug trade” inside a maximum-security compound.
The third includes a charge of extortion.
If proven, do these not establish both politicos as drug traffickers as well?
Both are among the most visible in the LP. Their influence, the protection
and coddling of criminals that their status and positions offer, is a cause for
alarm when viewed against a public that holds political personages as models
of behavior.
A crooked politician is one thing, but crooks whose criminality eats at the
moral fiber of decent society, ravages families and founds the most gruesome
and heinous drug-crazed crimes elevates our concern way beyond alarm.
More so when one, defiant of our system of justice and familiar with its
shortcomings, takes liberties to delay the inevitable.
The other, fueled by wealth and a cabal of complicit conspirators whose
agenda is the fall of duly constituted authority, crisscrosses the country
inciting hatred, igniting intrigue and fomenting dissent if only to regain a
political foothold thinking the Senate a criminal’s safe-haven.
Ni Teo S. Marasigan
Bayan ng Makasalanan: Huwag po, Father!
NAALALA ko tuloy ang kuwento
ng isang kaibigan, na itago natin sa
pangalang Sarah. Minsan, may pinuntahan
siyang forum sa isang unibersidad. May
dumalo ritong isang propesora ng agham
panlipunan – hindi ko sasabihin kung
alin. Takang-taka at natatawa si Sarah
dahil nagkalat ang lipstick ng propesora:
lampas-lampas sa labi at mayroon pa
raw sa ngipin sa itaas. Sa gitna ng forum,
nagpunta sa comfort room ang propesora.
Akala ni Sarah, aayusin nito ang itsura.
Laking gulat niya noong pagbalik nito,
lalong nagkalat sa mukha ang lipstick.
“Ano kaya iyun, nanginginain ng
lipstick?”
Para ngang nanginain ng
lipstick ang mga obispo sa huling
pagpupulong ng CBCP o Catholic
Bishops Conference of the Philippines
nitong Pebrero. Akala ng marami, aayusin
nila ang nauna nilang malamyang tindig
sa pampulitikang krisis sa bansa. Iyun
pala, sa harap ng pag-igting ng nasabing
krisis, lalo nilang papasagwain ang
tindig nila. Kung hindi man masyadong
pangkalahatan – sa puntong wala nang
kongkretong kahulugan o walang
kuwenta – madaling dalhin ang mga
pahayag ng mga obispo sa interpretasyong
sinusuportahan nila ang rehimen ni Gng.
Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa bungad ng pahayag nilang
“Seeking the Truth, Restoring Integrity,”
depensibo agad ang mga obispo: “Hindi
kami lumalapit bilang mga pulitikong ang
bokasyon ay ayusin ang lipunan para sa
kagalingan ng lahat.” Siyempre naman:
Hindi naman talaga sila pulitiko. Pero hindi
iyun ang punto. Hindi naman inasahan ni
Sarah na paglabas ng propesora sacomfort
room, magiging beauty queen na ito. Pero
may unawaan ang mga tao sa paggamit ng
lipstick – at may unawaan sa ano dapat
ang mga obispo. Hindi man sila pulitiko
at hindi man sila dapat mamuno sa pag-
aalsa, dapat tumindig sila sa tama.
Sabi pa nila, “Nag-aambag ang
mensahe namin sa pagyabong ng isang
demokrasyang hindi dapat itindig sa mga
pormulang pampulitika lamang.” Hindi ko
ito maintindihan. Hindi ko ito maidugtong
sa isang mayor na pampulitikang tesis
para sabihin ng mga obispo sa bungad ng
pahayag nila. Ang alam ko, ang madakdak
ngayon tungkol sa “mga pormula” ay
si Alex “Sammy Lagmay” Magno, na
kesyo de-pormula ang People Power – na,
siyempre, tinututulan niya. Pagtutol ba
sa isang People Power ang sinasabi rito
ng mga obispo? Posible. Pero puwedeng
sabihing hindi – makikita natin sa baba.
Dapat daw, “determinado at
walang humpay” ang paghahanap ng
katotohanan. Dapat daw, “walang sagka”
ang landas tungo sa katotohanan. Dahil
dito, mariin nilang “kinokondena ang
nagpapatuloy na kultura ng korupsiyon
mula taas hanggang baba ng ating
panlipunan at pampulitikang hirarkiya.”
Lahat naman, panahon pa ni Mahoma,
sinasabi na iyan. Siguro, itinuturing ng
mga obispo na bahagi ng “Kristiyanismo”
ang pagsasabi ng ganitong pangkalahatang
pahayag. Alalahanin nga naman natin ang
kasalanan natin sa harap ng kasalanan ng
iba, ng pagkakadiin sa pamilyang Arroyo.
Pero, sa pinakamainam, iresponsable
ang pagsasabi ng ganito sa harap ng
pampulitikang krisis. Bakit, nangotong ba
tayo – tayong karaniwang mamamayan –
ng bilyun-bilyon sa proyekto ng gobyerno
na pababayaran natin sa karaniwang
tao? Bakit kailangang biglang idamay sa
pangangaral ang “baba” ng “hirarkiya”
ng lipunan at pulitika sa panahong todo-
todong nadidiin ang pamilya ni Gloria
Macapagal-Arroyo? Nag-utos ba tayo ng
ekstrahudisyal na pamamaslang? Nandaya
ba tayo sa mga halalan? Ganito na ba ang
paglalapat sa buong lipunan ng “pagpukol
ng unang bato”?
Sa ganitong diwa rin ako
nababanas sa mahalagang pahayag na
ito: “Sa pamamagitan ng internal na
pagbabagong-loob patungo sa maturity
ni Kristo sa pamamagitan ng komunal
at mapagdasal na paghusga at aksiyon
matutuklasan at mawawasak ang mga
ugat ng korupsiyon. Naniniwala kaming
papalaganapin ng gayong aksiyong
komunal sa antas nggrassroots ang diwa
ng People Power na buong husay na
ipinakita sa mundo sa Edsa 1. Ito ang
People Power with a difference. Mula
sa mga grassroots sisibol ang kultura ng
katotohanan at integridad na taimtim
nating hinahanap at itinatayo.”
Sa isang banda, puwede itong unawain
na panawagan para magpalaganap ng
kamalayan tungkol sa mga eskandalo ng
rehimen. Pero susi sa akin ang “kultura”.
Hindi “kultura ng pagbabantay” ang
sinasabi, kundi “kultura ng katotohanan
at integridad”. Naniniwala akong hindi
kulang sa pagtataguyod sa katotohanan
at integridad ang karaniwang tao, kahit
sa harap ng mga kalagayang pumipigil sa
kanilang makamit ang mga ito. Pero kahit
ipagpalagay na nating bulok nga tayong
karaniwang tao, ibig bang sabihin, sa atin
nagmumula ang kabulukan ng rehimen?
Tayo pa ang may kasalanan?
Ito, sa pinakamasahol, ang
implikasyon ng pahayag ng CBCP. May
tawag ang mga feminista diyan: “Blaming
the victim”. Tayo na nga ang kinukurakot,
ang pagbabayarin sa kinurakot, ang
dinadahas, ang dinadaya sa eleksiyon, tayo
pa rin ang siyang makasalanan. Buti sana
kung ang panawagan ay pagmamatyag
sa rehimeng Arroyo, pagpapalaganap ng
kaalaman, sama-samang pagkilos. Aba’y
hindi. Ang panawagan ng kagalang-galang
na mga obispo, sa panahong bumubuhos
na tayo sa lansangan para pagbitiwin si
Gng. Arroyo, ay ang magtika at magbuo
ng bagong kultura – nating lahat.
Pinakamainam sa pahayag ang
panawagang ibasura ang Executive Order
464 na humahadlang sa pagtestigo ng mga
tauhan ni Gng. Arroyo sa mga pagdinig
ng Senado at Kongreso. Gayundin ang
panawagang payagan ni Gng. Arroyo ang
kanyang mga tauhan na isiwalat ang mga
nalalaman sa katiwalian sa pamahalaan.
Ito na kasi ang pinaka-kongkreto. Pero
para namang hindi alam ng mga obispo
na puwede pa ring mahadlangan ng
tusong rehimeng ito ang katotohanan
kahit mangyari ang lahat ng ito. Hindi ba’t
tumestigo na nga si Benjamin Abalos at
ang mga tauhan ni Gng. Arroyo?
Sumusuporta
rin
sa
“masamang pagbasa” ko ang panawagan
nilang pamunuan ng “Presidente at lahat
ng sangay ng pamahalaan” ang paglaban
sa katiwalian. Hindi ba’t iyan na nga ang
ipinaghihiyawan ngayon ni Gng. Arroyo
at ng kanyang mga tauhan? Parang si Gng.
Arroyo rin ang nagsasalita sa panawagan
nilang gamitin ng mga senador – at
ng maka-Arroyong ombudsman! sila
lang ang nagtitiwala sa ahensiyang
ito! – ang “natatangi at magkakaibang
kapangyarihan nilang mag-imbestiga…
hindi para sa kanilang sariling interes,
kundi para sa pakinabang ng lahat.” Linya
ni Gng. Arroyo ito!
Panawagan din nila sa midya
ang kalokohang “maging positibong
rekurso sa paghahanap ng katotohanan at
paglaban sa korupsiyon sa pamamagitan
ng obhetibong pag-uulat nang walang
pinapanigan at pagkiling, di selective at
walang kiling na pag-uulat ng mga datos.”
Panahon pa ni Mahoma, tinitibag na ng
matatalinong mamamahayag ang ganitong
pagtingin. Ang nakakabuwisit nga ngayon
sa midya ay ang pagsisikap nitong maging
“obhetibo”. Narito sa isang banda ang
malalaking pagkilos ng mga mamamayan.
Pagkatapos, kukuhanan pa ng reaksiyong
nanggagago si G. Raul Gonzalez. Patas?
Alam nating may mga
obispong tutol sa rehimeng ito, kung
hindi man tahasang nanawagan na
ng pagbibitiw ni Gng. Arroyo. Dapat
silang papurihan. Napakahirap siguro
ng pakikitunggali nila sa kapulungang
iyon para igiit ang kanilang panawagan.
Nakakarimarim isipin kung ano ang sinabi
ng ibang obispo. Pinakamainam na siguro
ang maghintay sa mas matindi pang
ebidensiya ng katiwalian at pagkatapos
ay doon manawagan ng pagbibitiw ng
pangulo. Pero mas grabe siguro ang tindig
at sinabi ng nakararami, dahil parang si
Ignacio Bunye o si Mike Defensor ang
nagsulat ng pahayag.
Maganda ang sinabi ni Prop.
Luis V. Teodoro hinggil sa isyu. Aniya,
“bumigay” ang CBCP “sa pang-akit ng
kapangyarihan at suhol.” Sabi pa niya,
“Ang mga taong alam na nakikinabang ang
ilang obispo sa biyaya ng gobyerno gaya
ng pondo ng Pagcor – para sa pakinabang
ng kanilang mananampalataya, siyempre
– ay mapapatawad kung ipagpapalagay
nilang ang agnostisismong moral na
ipinakita ng CBCP ay para protektahan
ang gayong materyal na mga interes, at
iba pa.” Naghahanap tayo ng liwanag
sa panahong ito. Ang nakuha natin ay
kalituhan, kung hindi man pagpanig sa
demonyo.
03 Marso 2008