Tambuling Batangas Publication March 21-27, 2018 Issue | Page 4

OPINYON Marso 21-27, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Making history THE House of Representatives made history on March 14, 2018 when it approved on second reading House Bill 7303 institutionalizing absolute divorce and dissolution of marriage in the country. The approval of the bill capped almost two decades of struggle for the enactment of a divorce law in the country. Since 1999, lawmakers have been filing similar measures but none reached the plenary due to strong opposition from the Catholic Church. What makes the passage of the bill more significant was the bipartisan support for the measure—a consolidation of the bill of Speaker Pantaleon Alvarez and similar bills filed by members of the majority bloc and the opposition. In several hearings conducted abroad, Overseas Filipino Workers—many of whom suffered from broken marriage as a painful consequence of separation from their families—supported the passage of the bill. A recent poll also showed 53 percent of Filipinos support divorce for married couples with irreconcilable differences. Alvarez stressed that it is time we accept the fact that not all marriages are made in heaven and do something about it. While it is true that couples with irreparable marital relations can seek annulment of their marriage, the process is often lengthy and costly. It is also anti-poor. With the approval of the bill in the House a certainty, the ball is now in hands of the Senate. Will the Senate make history too? That remains to be seen. Ni Teo S. Marasigan REY CAGOMOC SA PAKIKIHAMOK PART 1 PA G B I B I G AY-P U G AY sa lider-manggagawa na namuno sa laban ng mga manggagawang kontraktuwal. Para sa maraming manggagawa at maka- manggagawa, malungkot na balita ang pagkamatay ni Rey Cagomoc sa edad na 53 nitong Marso 8 dahil sa pneumonia. Si Ka Rey ang presidente ng Samahan ng mga Janitor sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas o SJPUP, unyon ng National Federation of Labor Unions ng pambansang sentrong unyong Kilusang Mayo Uno. Sa naturang katunlkgkulan, maraming taon niyang pinamunuan ang paglaban, kasama na ang mga welga, ng mga janitor ng PUP para manatili sa kanilang trabaho, maging regular, at mapabuti ang kalagayan sa paggawa. Ang kalakaran kasi, taun-taong nagpapalit ng kakontratang ahensya ng manpower ang PUP, at laging nanganganib matanggal ang mga janitor na pawang kontraktwal. Bilang lider- manggagawa ng KMU, at nang kasama ang mga opisyal at miyembro ng SJPUP, ipinaglaban ni Ka Rey ang mga kahilingan ng lahat ng manggagawa sa larangan ng sahod, trabaho at karapatan. Tinulungan nila ang maraming manggagawa na magtayo ng unyon at ipaglaban ang kanilang mga karapatan sa kani-kanilang empresa. Sa kanyang akdang What is to be done? (1902), tinuligsa ni Vladimir Lenin ang pagkatali at pagtatali ng kamalayan ng mga manggagawa sa mga mga isyung pang-ekonomiya, mga isyung “kanin at isda,” sabi nga ng mga unyonista sa bansa. Kapos, aniya, ang mga isyung pang-ekonomiya – ng manggagawa man ng isang empresa, o isang industriya, o ng buong bansa, kahit pa nakadireksyon sa Estado. Aniya, ang kailangan ay kamalayan tungkol sa buong sistemang panlipunan, sa paghahari ng mga naghaharing uri, at sa pagsasamantala at pang-aapi ng mga ito sa mga manggagawa at lahat ng uri sa lipunan. Ang kailangan, aniya, ay rebolusyon para ibagsak ang mga naghaharing uri sa kasalukuyan at pamunuan ang buong lipunan, hindi ang pagpapabuti lamang ng kalagayan sa paggawa sa ilalim ng mga naghaharing uri. Kilala si Ka Rey sa pagsasapuso sa mga aral na ito. Nakilala siya na kanyang pagtatalumpati na nagsisiwalat sa kabuktutan ng imperyalismong US at malalaking komprador at haciendero sa bansa. Lagi siyang dumudulo sa pangangailangan ng tunay na pagbabagong panlipunan at ng pagpapataas ng kamalayan at pagkilos ng mga manggagawa lampas sa mga isyung pang- ekonomiya. Naaalala ni E, kapwa-lider-unyon ni Ka Rey, ang minsang pagtatalumpati niya: “Para ipaglaban ang tunay na pagbabago, kailangang tayong mga manggagawa ay humawak na ng… plakard!” Mangyari, higit pa sa plakard ang gusto niyang tanganan ng mga manggagawa, pero hindi niya nasabi sa kung anong dahilan. Sa usaping ito, kasundo niya ang laging kausap na si Orlando Castillo, pintor na social realist at organisador ng NAFLU-KMU. Na kay Ka Rey ang magagandang katangiang tatak ng mga aktibistang galing sa uring manggagawa. Lagi siyang maaga sa mga pulong at aktibidad, tila malaya sa tinatawag na “Filipino time.” Parte kaya ito ng sinasabi nina Karl Marx at Friedrich Engels na walang bansa ang mga manggagawa? Ayon sa kanya at mga kamanggagawa, disiplina itong itinuturo ng mahapding kaltas sa sahod kapag nahuhuli sa trabaho at ng pag-iwas na maging pabigat sa mga katrabaho. Sa mga talakayan, matama siyang nakikinig, palaging pinagtutugma ang mga pinag-uusapan sa mga batayang prinsipyo at sariling karanasan. Sa mga pulong, tulad sa kanyang pamilya at kamanggagawa, maasikaso siya sa mga kasama sa pagkain at pagtulog. Kalmado at masigasig siya sa pagtangan sa gawain, pagbabahay-bahay man sa mga komunidad nang tirik ang araw o pagmamantine ng piketlayn kahit may bagyo. 13 Marso 2018