Tambuling Batangas Publication March 21-27, 2018 Issue | Page 3

BALITA Marso 21-27, 2018 3 araw na gun licensing caravan isinasagawa ng Batangas City Police May 150 aplikante lamang bawat araw ang pwedeng i proseso ang gun permit application upang maging maayos at komportable ang mga aplikante. Groundbreaking... ng dalawang parties. Ito ay para sa upgrading at rehabilitation ng water system sa lungsod at sa pagtatayo ng isang septage management facililty na wala ang lungsod bilang pagsunod sa Philippine Clean Water Act of 2004. Ang mga measures na ito na hindi kayang gastusan ng BCWD ay popondohan ng Prime Water ng P4.6 bilyon. “Walang magiging pagtaas ng taripa sa loob ng dalawang taon. Sa 2020, ang 12% na value added tax (VAT) lamang ang sisingilin sa mga konsumidores,” sabi ni Arias. Hihilingin nila ang tulong ng Sangguniang Panglungsod na makapagpasa ng ordinansa sa pagtatayo ng septage mula sa pahina 1 management service na ekslusibong gagamitin ng lungsod. Ayon kay Arias, stable at maayos ang kanilang operasyon simula nang ng i take over nila ang BCWD. Kung dati aniya ay mga security guards ang nagbabantay sa kanilang mga pasilidad, ngayon ay mga operators na. Kumuha na din sila ng contractor upang magsagawa ng repair. Mula sa 234 empleyado, 106 na lamang ang natira habang ang mga umalis ay nag availed ng early retirement. Mula 81 job order employees ay 53 na lamang ang natira. Bagamat marami ang nawalang personnel, hindi naman naapektuhan ang kanilang operasyon at patuloy ang kanilang hiring para sa mga bakanteng posisyon. Mayroon silang tatlong dibisyon ngayon: ang technical, commercial at administrative. Unti-unti na rin ang ginagawa ang computerization ng control system sa lahat ng pumping stations. Hinggil sa illegal connection, mayroon silang team na nagbabantay at nagmomonitor nito sa umaga at gabi. Identified nila ang mga lokasyong ito ayon pa rin kay Arias. Nakipag-coordinate na rin sila sa DPWH hinggil sa tamang standard ng restoration ng mga kalsada sakaling magkaroon sila ng mga repair. Naglagay sila ng tao na tututok sa quality assurance at quality control nito. May 40,000 ang sineserbisyuhan ng BCWD sa lungsod simula February 2018. (PIO Batangas City) Virtual Volunteer Web App, inilunsad ng Red Cross Batangas Mamerta P. De Castro LUNGSOD NG LIPA, BATANGAS, (PIA) -- Inilunsad ng Red Cross Batangas Chapter ang virtual volunteer.org, isang web application na layong magbigay ng gabay ukol sa maaasahang impormasyon at suporta para sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, serbisyong medical, legal at iba pa na makatutulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at para sa mga nagbabalak maging OFW o manirahan sa ibang bansa. Ang web platform ay binuo ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC) at International Business Machines (IBM) upang matulungan ang sinumang nagnanais manirahan sa ibang bansa na magkaroon ng tama at praktikal na impormasyon na kanilang kailangan. Sinabi ni Ronald Generoso, Batangas Chapter Administrator na ito ang kauna-unahang paglulunsad sa labas ng ahensiya ng Red Cross. “Ang Batangas po ay may 2.6 milyong populasyon at may 150,000 OFW ssa lalawigan lamang kung kaya’t isinulong namin na mailunsad ito dahil maraming mga Batangueno ang patuloy na naninirahan na sa ibang bansa o nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa,”ani Generoso. Ayon kay Atty. Oscar Palabyab, Secretary General ng Philippine Red Cross, nagbalak ang Red Cross na magtayo ng isang call center upang mas madali makatugon sa pangangailangan o serbisyong medical ngunit malaking pera at maraming tao ang kailangan kaya’t naisip nila ang web application na mas epektibo at mas madali dahil internet connection lamang ang kailangan upang maka-access sa impormasyon. Sa isinagawang presentasyon ukol sa virtual volunteer apps, maaaring maka-access ang sinumang ukol sa mapa, emergency numbers, communication points, find family members, legal services, questions, kaalaman at contact ukol sa Red Cross at Red Crescent. Maaring maglog in sa www. virtualvolunteer.org at doon ay makikita ang mga impormasyon na kailangan. Una ng inilunsad sa Europe noong 2016 ang naturang web app kabilang ang mga bansang Greece, Italy at Sweden at inilunsad naman ito sa Pilipinas noong Nobyembre 2017. Sa kasalukuyan, wala pang datus kung ilan na ang nakinabang sa naturang web apps ngunit ilang mga kaanak ng mga OFWs ang nagbigay ng kanilang testimonya kung paano mabilis na natugunan ng nasabing web app ang kanilang hininging tulong. Inaasahan din na magiging downloadable ang naturang application na sa kasalukuyan ay web app pa lamang. (Bhaby P. De Castro- PIA Batangas/cpgPIA-4A) BATANGAS CITY- Sinimulan ngayong araw na ito ang tatlong araw (March 20-22) na Licence to Own Possess Firearms (LTOPF) Caravan ng Batangas City Police sa Teachers Conference Center upang hindi na kailangan pang pumunta ang mga kukuha ng gun permit sa Camp Crame sa Quezon City. Ayon kay Po3 Ding Calalo, Firearms Desk PNCO, kailangan munang makakuha ng LTOPF bago magkaroon ng baril o makapag renew ng gun permit. Nilinaw din niya na ang lilisensyahan ay yung tao at ang ire register naman ay ang baril. “Ang ibig sabihin, ang isang gun holder ay dalawa dapat ang lisensyang hawak, ang LTOPF at firearm registration,” sabi ni Calalo. Ang lisenya ay may expiration na dalawang taon habang ang registration ng baril naman ay apat na taon. Ang mga requirements sa pagkuha ng LTOPF ay neuro- psychiatric examination, police clearance, barangay clearance, PSA birth certificate, drug test, employment certificate, Municipal Trial Court clearance o Regional Trial Court clearance, gun safety seminar at 2x2 pictures. Available na dito sa caravan ang neuro-psychiatric examination, drug test at gun safety seminar. May 150 aplikante lamang bawat araw ang pwedeng i proseso ang gun permit application upang maging maayos at komportable ang mga aplikante. (PIO Batangas City) Oplan SUMVAC handa ng tumulong sa mga biyahero ngayong Semana Santa HANDA na ang Batangas City PNP sa pagdagsa ng mga biyahero at turista sa lungsod ngayong Semana Santa kung saan muli nilang ipatutupad ang Oplan SUMVAC o Summer Vacation 2018 – Ligtas Byahe. Ayon kay Pol. Supt. Wildemar Tan Tiu, ngayong araw na ito ang simula ng Oplan SUMVAC 2018 kung saan magdedeploy sila ng mga tauhan at police assistance desks sa mga strategic points tulad ng Batangas Port, Grand Terminal sa Alangilan Diversion Road, mga malls at tourist at pilgrimage destinations. Ang nasabing operasyon kung saan si Tiu ang magsisilbing Incident Commander ay kinabibilangan ng tauhan ng ibat-ibang tanggapan tulad ng City Health Office, Bureau of Fire Protection, Transportation Development and Regulatory Office, CDRRMO at Philippine Red Cross. May koordinasyon din sa Philippine Coast Guard. Nag –offer din ang Philippine Air Force ng air support kung kakailanganin. May mga payo rin ang hepe upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan at maseguro ang kaligtasan ng mga tao. Umapela si Tiu sa mga opisyales ng coastal barangays na tulungan sila sa pagmomonitor ng mga beaches upang maiwasan ang mga insidente ng pagkalunod. Tinatagubilinan niya ang mga may-ari ng tahanan na may planong umalis ng ilang araw o magbakasyon na siguraduhing nakakandado ang mga pinto at bintana at itago sa vault ang mga valuables. Mas magaling din kung may maiiwang tao sa bahay o may aso. Icheck din ang kondisyon ng kanilang mga sasakyan bago bumyahe. Upang maiwasan ang modus operandi ng Termite gang na nagnakaw sa Golden Sun Jewelry Store kamakailan sa pamamagitan ng pagdaan sa drainage, sinabi ni Tiu na nagkaroon sila ng ocular inspection sa mga drainage, tunnel at culvert ng mga business establishments. “Payo ko sa mga may-ari ng mga financial institutions at jewelry shops na maglagay ng muriatic acid sa mga drainage na pwedeng daanan ng mga kawatan. Isa rin ito sa mga preventive measures na pwedeng gamitin sa mga kabahayan upang hindi makatagal sa nasabing mga daanan ang mga magnanakaw.” Ipagbigay alam agad sa pulis kung mayroong kahina-hinalang mga tao o grupo na umaaligid sa kanilang tahanan o establisyimento. Para naman sa mga commuters, pinapayuhan silang ingatan ang kanilang wallet, bag at iba pang mahahalagang kagamitan upang hindi ito manakaw. Bilin din ni Tiu sa mga magulang na huwag iwan ang kanilang mga anak na babae sa mga kumpare o hindi gaanong kilalang kaibigan o kaanak sapagkat “alarming” ang kaso ng rape sa kasalukuyan. Binigyang diin din niya na walang katotohanan ang kumakalat na balitang white van na nagunguha ng mga kabataan. Wala pa aniyang ganitong insidente ang napaulat sa kanilang tanggapan. Nagsagawa rin ang city police ng camp defense plan o routinary spontaneous exercise na isinasagawa quarterly kung saan mayrloon silang simulation activities Ito ay bilang paghahanda sa posibleng pag-atake sa kanilang police station at emergency situations tulad ng kanilang ginagawa kapag may earthquake at fire drills. (PIO Batangas City)