Tambuling Batangas Publication March 21-27, 2018 Issue | Page 2

BALITA Libreng Gupit ang may halos 150 miyembro ng Lesbian Gay Bisexual Transgender (LGBT) Batangas City Chapter para sa mga kababaihan na senior citizens sa GAD building sa Plaza Mabini 1.5 B.... natapos na at ang iba naman ay ginagawa pa. Pinondohan din ng DPWH ang dalawa pang priority projects ni Mariñio : ang construction ng bagong City Public Library at ng Life Transformation Sanctuary (drug rehabilitation Center) sa barangay Cumba. Katuwang sa mga proyektong ito ang pamahalaang lungsod, kung saan naglaan si Mayor Beverley Dimacuha ng pondo para sa pasilidad, mga materyales at suplay na ilalaman sa gusali. Isinumite na rin ng Congressman ang listahan ng mga paaralang pagtatayuan ng mga bagong school buildings na popondohan sa ilalim ng DepEd’s Basic Educational Facilities Fund (BEFF). Ang mga ito ay pinili ayon sa criteria na itinakda ng DepEd at DPWH. Ito ay may nakalaang pondo na mahigit sa P300 milyon. Ilan dito ay ang Gulod Senior High School na pagtatayuan ng 1-unit 4-storey 20- classroom school building, 1 unit 4-storey 16-classroom school building, at 1-unit Unique mula sa pahina 1.. Workshop; konstruksyon ng 1-unit 4 storey 16 classroom school building at 1-unit 4 storey 12-classroom school building sa Alangilan Senior High School; 1-unit 4-storey 16-classroom school building sa Pinamukan National High School at sa 12 pang paaralan. Ang Department of Agriculture (DA) Farm-to- Market Road (FMR) Program ay nagkaloob ng P10 milyon para sa konstruksyon ng Sto. Niño farm-to- market road. Magpapagawa rin ang DA ng FMRs sa mga barangay ng San Jose Sico, Sto. Domingo, San Miguel, Talahib Pandayan at Banaba Center. Sa koordinasyon ni Cong. Mariño sa Department of Health (DOH) ay sinimulan na ang konstruksyon ng limang Rural Health Units sa mga barangay ng Pallocan West, Ambulong, Alangilan, San Isidro, at Ilijan. Ang Commission on Higher Education Tulong Dunong Program ay nagkaloob ng educational assistance na halos P13 milyon kung saan P8 milyon ang inilaan para sa mga grantees na nag-aaral sa Batangas State University at P5 milyon sa mga grantees sa ilang mga private schools. May 2,000 indibidwal ang nakinabang sa cash for work program na nagkakahalaga ng halos P12 milyon buhat sa Department of Labor and Employment’s (DOLE) TUPAD. May 46 scholars ang nagtapos ng Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC 1 sa ilalim ng Special Training for Employment Program (STEP) ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at mahigit sa 1,000 indibidwal ang natulungan ng Medical Assistance Program ng Department of Health (DOH). May 6,000 indibidwal naman ang tumanggap ng medical at burial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development. Nakalinya na rin para mapondohan ng DPWH’s Local Infrastracture Program ang construction/rehabilitation ng 16 na barangay roads at ang construction/repair/ renovation/ expansion ng barangay health centers sa Tingga Labac, Mabacong at San Agapito IsLa Verde. (PIO Batangas Cityi) Multi-awarded indie film ipinalabas bilang fund-raising para sa mga kababaihan NAGSAGAWA ng fundraising para sa mga samahan ng mga kababaihan sa lungsod si City Councior Alyssa Cruz sa pamamamagitan ng film- showing ng isang multi- awarded indie movie. Ayon kay Cruz, chairperson ng Committee on Women and Family ng Sangguniang Panlungsod, ang pondong malilikom sa film-showing ay pupunta sa Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) para sa mga proyekto nito at pantulong sa mga kasaping may biglaang pangangailangang pinasyal. Ang proyekto na may temang “Kaisa Kababaihan” ay isinagawa noong March 17 sa Convention Center kung saan ipinalabas ang pelikung “Paki” na nagkamit ng mga awards kagaya ng Best Picture, Best Screenplay, Best Director at iba pa. Ito ay tumatalakay sa buhay ng mag-asawang 50 taon ng kasal na nais ng maghiwalay, at kuwento rin ng masalimuot na buhay ng kanilang mga anak na babae. Ang mga tickets na nagkakahalaga ng P100 ang isa ay ibinenta ng presidente ng KALIPI ng bawat barangay. Bukod sa film showing, nagkaroon rin ng photo booth kung saan ang donasyong P10.00 bawat larawan ay para sa pondo rin ng KALIPI. Nag-imbita ng mga sponsors si Konsehala Cruz para sa gawaing ito. Malaki rin ang naging suporta ng kanyang asawa na si Konsehal Serge Atienza na siyang naghanda ng mga video presentations at nangalap ng ilang papremyo para sa raffle draws. Labis naman ang pasasalamat ni Cruz sa pakikiisa ng KALIPI sa fundraising project na aniya ay may P100,000 ang inisyal na nalikom na pondo. “Salamat po, hindi po magtatagumpay ang proyekto kung hindi sa suporta at tulong nyo. Nagpapasalamat din po ako sa mga sponsors at nagbigay ng mga raffle prizes,” sabi ni Cruz. Naging bahagi ng fundraising event ay ang Women Empowerment Talk na isinagawa ni Judge Maricel Magpantay-Ng na tinalakay ang mga karapatan ng babae sa ilalim ng batas kagaya ng Magna Carta for Women at RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.. PIO Batangas City) Marso 21-27, 2018 LGBT nag-alay ng libreng gupit sa mga babaeng senior citizens BATANGAS City - Ngayong ipinagdiriwang ang Women’s Month, nagsagawa ng Libreng Gupit ang may halos 150 miyembro ng Lesbian Gay Bisexual Transgender (LGBT) Batangas City Chapter para sa mga kababaihan na senior citizens sa GAD building sa Plaza Mabini ngayong araw na ito. May mga ilan ding lalaking elderly ang nagupitan upang mas marami ang makinabang. Ayon kay Ariane Gamboa, presidente ng samahan at isang sikat na hairdresser at make- up artist sa lungsod, ito ang unang proyekto ng kanilang grupo para sa mga katandaan. Kasunod nito, pupunta sila sa ibat- ibang barangay para mag- alay ng libreng gupit sa mga senior citizens. Sinabi rin niya na hihikayatin nya ang mga parlor owners sa buong lungsod na gawing libre na ang gupit sa mga tinatawag na pangunahing mamamayan. Nagpasalamat si dating Mayor Vilma Dimacuha na siyang presidente ng City Council for Elderly sa tulong na ito ng LGBT group na binubuo ng mga professionals at beauticians. (PIO Batangas City) Batangas City tumanggap ng award sa kampanya nito laban sa TB TUMANGGAP ng karangalan ang Batangas City mula sa Batangas Provincial Health Office dahilan sa mahusay na pagpapatupad nito ng National Tuberculosis Program. Ito ay kaugnay ng paggunita sa World TB Day 2018 na may temang “Wanted: Leaders for TB- Free Philippines, Mga LODI…sugpuin ang TB!” Tinanggap ni Mayor Beverley Rose Dimacuha, City Health Officer Rosanna Barrion at kanyang staff ang karangalan ng lungsod bilang may High Case Notification Rate and Treatment Success Rate noong March 23 sa awarding ceremony sa Batangas Country Club. Ayon kay Barrion, maraming na target ang CHO na pasyenteng may TB at patuloy ang NTP Core Team sa pagsasagawa ng case findings upang magamot ang mga ito at hindi na makahawa pa lalo na ang kanilang mga kasama sa kanilang bahay. “May mga target na binibigay ang Department of Health sa bawat local government unit (LGU) para hanapin, sugpuin at gamutin ang TB.” Ang TB ay nakamamatay na sakit na dahilan ng bacteria na may scientific name na Mycobacterium Tuberculosis. Dulot ito ng masasamang bisyo tulad ng pag-inom ng alak, paninigarilyo, mahinang katawan at ng maduming kapaligiran. Ito ay madaling gamutin kung maaagapan at regular na umiinom ng gamot ang pasyente. Bukod sa mga gamot mula sa DOH, bumibili din ang CHO ng mga supplies na hindi maiiprovide ng national government upang makatulong sa layunin na makamit ang TB- free Philippines. Isa pang karangalang nakamit ng Batangas City ay ang pagkakaroon ng Provider- Initiated Counselling and Treatment. Ang counseling ay ginagawa bago ang gamutan upang maihanda at mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga pasyente at maiwasan ang “stigma” ng pagkakaroon ng sakit na TB. Sinisiguro din nito na maiwasan ang posibilidad na ang isang TB patient ay magkaroon ng HIV. Ayon sa CHO chief, makakatulong ang kanilang kampanya laban sa TB sa kanilang layuning mapababa ang mga kaso ng STD/HIV/ AIDS. Napili naman ang Barangay Health Worker mula sa Malitam na si Mary Jane Delica bilang “Best Treatment Partner” sa pagpapatupad ng National Tuberculosis Control Program .Ang sipag at pagmamalasakit sa kanyang mga pasyente ang mga katangiang taglay niya kung kayat siya ang napiling tumanggap ng pagkilala. “Kapag ang isang pasyente ay may TB, kinakailangan niyang sumailalim sa anim na buwang gamutan. Tutok Gamutan ang tawag sa unang dalawang buwan kung saan kinakailangan na pumunta araw -araw sa Health Center upang uminom ng gamot ang pasyente,”sabi ni Barrion. Kada linggo naman ang pagpapainom ng gamot sa susunod na apat na buwan. Kada dalawang buwan ay ineeksamin ang pasyente upang malaman kung positibo pa din o negatibo na ito sa TB. Ganap nang magaling sa TB ang pasyente pagkatapos ng anim na buwan. Nanawagan si Barrion sa mga mamamayan na possibleng may TB na bumisita sa pinakamalapit na health center upang maagapan at magamot ang kanilang karamdaman. (PIO Batangas City)