Tambuling Batangas Publication March 21-27, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Job fair ...
p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
LGBT
nag-alay
ng
libreng gupit sa mga
babaeng senior citizens
p. 2
PASAKIT SA
BABAENG OBRERO
p. 5
3 araw na gun licensing
caravan
isinasagawa
ng
Batangas City Police p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 13
Marso 21-27, 2018
P6.00
Mga kabataan at iba pa lumahok sa fun run
at sayaw ng BFP
BATANGAS CITY- Nagdaos
ang Bureau of Fire Protection
(BFP) ng Takbo at Sayaw
Laban sa Sunog noong
March 10 sa SM Parking Lot
kung saan lumahok ang mga
runners mula sa ibat’t ibang
munisipyo, fire stations,
business establishments, at
paaralan.
Ito ay bahagi ng fire
safety awareness campaign
ng BFP sa pagdiriwang
ng Fire Prevention Month
ngayong Marso sa temang
“Ligtas na Pilipinas ang
ating Ipatupad, Pag-iingat sa
Sunog ay sa Sarili Ipatupad”.
Ayon
kay
Fire
Marshall Glenn Salazar,
nakatakda
rin
silang
magsagawa ng earthquake
drill at seminars tungkol sa
fire safety. Binigyang diin
niya na ang kamulatan sa
kaligtasan sa sunog ay dapat
na magsimula sa tahanan
kung saan ang mga anak ay
dapat turuan sa murang edad
sa pag-iwas sa sunog.
Ang mga kampeon
sa fun run ay ang mga
sumusunod: Male category-
Raffy Calao ng Wolf Pack
Gym;
Female
category-
Angel Josmillo ng Cuenca;
Teen Male Category, Modrick
Guyong ng Calaca; Female
Teen
category-
Justine
Caringal; Kid’s category-
Luke Salas ng Sto Tomas.
Pagkatapos
ng
marathon ay nagkaroon ng
zumba- cool- down exercise
ang mga runners at staff ng
BFP kasama ang mga sponsor
mascots.
(PIO
Batangas
City)
OCVAS nagbakuna ng mga baka
laban sa hemorrhagic septicaemia
BATANGAS
CITY-
May 113 baka sa limang
barangay sa lungsod ang
libreng naturukan ng anti-
hemorrhagic
septicemia
vaccine ng Office of the City
Veterinary and Agricultural
Services (OCVAS) mula
January
-March
2018,
kasama na dito ang 24 na baka
naturukan mula barangay
Balete noong March 16.
Ang
pag-aalaga
ng baka ang isa sa mga
ikanabubuhay ng mga taga
Balete.
Ayon sa OCVAS,
mahalagang maturukan ang
alagang baka ng ganitong
bakuna sapagkat mahirap
gamutin ang hemorrhagic
septicemia
kapag
hindi
nabakunahan ang baka at
nauuwi sa pagkamatay ng
hayop.
Sinabi rin ng OCVAS
na ang mga palatandaan
kung may sakit ang baka ay
hindi makakain, naglalaway,
sinisipon at nag tatae ng
dugo. Kapag ang baka ay
nabakunahan na, kailangang
isang buwan ang palugid
bago ito ibenta. Dapat ding
hindi liguan ng isang linggo
at nakatali sa lugar na hindi
naiinitan. Kada ikaanim na
buawan lamang ang epekto
ng bakuna. (PIO Batangas
City)
Takbo at Sayaw Laban sa Sunog noong March 10 sa SM Parking Lot kung saan lumahok ang mga runners mula sa ibat’t ibang munisipyo, fire
stations, business establishments, at paaralan.
Groundbreaking ng water upgrading projects ng
Prime Water at BCWD isinagawa
ISINAGAWA ng Prime
Water at Batangas City
Water District (BCWD)
ngayong March 23 ang
groundbreaking
ceremony
para sa construction ng New
Deep Well sa Brgy. Balagtas at
Pipe Laying sa Jose P Laurel
Highway mula Alangilan
hanggang Kumintang Ilaya
upang mapalakas ang water
supply sa mga service areas
nito lalo na sa panahon ng
tag-init at mapalawak ang
coverage area.
Ang deep well sa
Balagtas ay magpapalakas ng
pressure at water availability
para sa benepisyo ng 12,000
concessionaires ng Balagtas,
Bolbok at Sta. Rita. Ang
2,267- meter pipe laying ng
300mm at 200mm- diameter
pipe sa Jose P, Laurel
Highway na bahagi ng
Total Pipe Rehabilitation ay
magpapalakas ng tubig para
sa 7,000 concessionaires
ng Alangilan at Kumintang
Ilaya.
Bukod sa hangaring
madagdagan ang water
availability, layunin din ng
proyektong ito na mabawasan
ang non- revenue water o
water leakage.
Ang groundbreaking
ay pinangunahan ni Mayor
Beverley Rose Dimacuha
kasama ang Prime Water
Infrastructure President Fe
Rebancos, BCWD General
Manager Yolanda Oyao,
BCWD Board of Directors
Virginia Leyesa at Steve
Buan, Prime Water Batangas
City Branch Manager Chelton
Arias at si Balagtas Barangay
Captain Cynthia Culla.
Matatandaan
na
simula noong March 1,
nasa pamamahala na ng
Prime Water Corporation
ang water services ng
BCWD bunga ng Public
Private
Partnership(PPP)
Sundan sa pahina 3..
1.5 B proyekto sa Batangas City
pinondohan ng national government
MAHIGIT sa P1.5 bilyon ang halaga ng mga proyekto sa Batangas City na napondohan ng national government sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan
ni Congressman Marvey Mariño sa isa’t kalahating taon ng kanyang panunungkulan bilang unang halal na kinatawan ng ika-5 Distrito ng Batangas
MAHIGIT sa P1.5 bilyon ang
halaga ng mga proyekto sa
Batangas City na napondohan
ng national government sa
pamamagitan ng pakikipag-
ugnayan ni Congressman
Marvey Mariño sa isa’t
kalahating taon ng kanyang
panunungkulan bilang unang
halal na kinatawan ng ika-5
Distrito ng Batangas.
Ilan sa mga proyekto
ay naipatupad na habang ang
iba naman ay on-going at
ipapatupad pa.
Kabilang dito ang
mga infrastructure projects na
binigyan ng pondong P524.5
milyon ng Department of
Public Works and Highways
(DPWH). Ang mga ito ay ang
sumusunod: asphalt overlay of
Manila-Batangas Rd at Manila-
Batangas Pier Rd.; concrete
reconstruction (with drainage)
of Batangas-Tabangao-Lobo
Rd.; widening of Manila-
Batangas Rd.; concreting of
Batangas City-San Pascual-
Bauan Rd, including ROW;
construction of gravel road/
concrete bridge along STAR
Tollway- Pinamucan By-
Pass Road; at pito pang
construction, improvement,
maintenance o rehabilitation
ng mga national roads, tulay
at flood control structures.
Ilan sa mga proyektong ito ay
Sundan sa pahina 2..