Tambuling Batangas Publication March 21-27, 2018 Issue | страница 5
OPINYON
Marso 21-27, 2018
Job fair idinaos para sa 1st batch ng senior
high school students
may 1,271 SH students
BINIGYAN
ng
p a g k a k a t a o n g
makapagtrabaho
ang
mga unang magtatapos
sa senior high school sa
lungsod ngayong taon sa
pamamagitan ng job fair
ng Public Employment
Service Office (PESO) at
Department of Education,
na ginanap sa Batangas City
Sports Coliseum ngayong
March 23.
May
24
local
companies
at
isang
international company ang
lumahok sa tinaguriang
Handog ni Mayor Beverley:
Trabaho para sa mga Senior
High School Students.
Ipinabatid ni PESO
Manager Noel Silang na
mula sa mga pampubliko
at pribadong high schools
sa lungsod ang dumagsa
sa naturang job fair
kung saan 174 ang na
hired on the spot base sa
kanilang kwalipikasyon at
kakayahan.
Ayon sa mensahe
ni Mayor Dimacuha: “Ang
pagtatapos ay pagtawid
sa isang yugto ng buhay
patungo sa katuparan ng
kanilang mga pangarap.
Ang job fair na ito ay
pagpapadama ng tapat na
pagkalinga at pagtiyak na
tama ang landas na tatahakin
ng naturang mga kabataan.
Hangad
kong
maging
kapaki-pakinabang silang
myembro ng lipunan.”
Ipinaabot
ni
City Schools Division
Superintendent
Donato
PASAKIT SA BABAING OBRERO
by Priscilla Pamintuan
K A B A B A I H A N G
manggagawa ang malaking
bahagi ng pinakaapi sa
kontraktuwalisasyon. Walang
karapatan
at
benepisyo,
bulnerable pa sa abuso.
“Marami
kaming
kontraktuwal at pare-pareho
ang load o quota na kailangang
gawin sa isang araw katulad ng
mga regular. Pero napakahirap
maging regular.”
Kuwento
ito
ng
kababaihang
manggagawa
sa electronicsat garments.
Nakapanayam sila ng mga
tagapagsaliksik
sa
isang
pag-aaral ng National Anti-
Poverty Commission (NAPC)
kamakailan. Ang pakay ng
pag-aaral: Alamin ang epekto
ng mga polisiya ng gobyerno
sa paggawa na nagdudulot
ng paglabag sa karapatan ng
kababaihang manggagawa.
Isinasalarawan
ng
sinabi
ng
manggagawang
kababaihang ito ang isang
bahagi ng kanilang problema:
ang pagkunsinti ng gobyerno sa
kontraktuwal na pag-eempleyo
ng
mga
kompanya
(20
empleyado pataas). Sa kabila
ito ng paglabas ng Department
of Labor and Employment
(DOLE) ng Department Order
No. 174 na lalong naglegalisa
pa sa kontraktuwalisasyon. Sa
kabila ito ng mga pangako ni
Pangulong Duterte na papawiin
niya ang kontraktuwalisasyon
sa bansa.
Pero
bilang
kababaihang
manggagawa,
hindi lang ito ang pinoproblema
nila. Pinahihirapan din sila
bilang babae, sa lipunang sa
pangakalahata’y mas mababa
pa rin ang tingin sa kababaihan,
ayon sa naturang pag-aaral ng
NAPC. Dahil sa kontraktuwal
na istatus nila sa trabaho,
nagiging mas bulnerable sila sa
mga pang-aabuso.
Walang seguridad sa
trabaho, walang benepisyo,
walang
karapatang
mag-
unyon. At bilang babae, walang
proteksiyon sa mga panghaharas
ng mga makapangyarihan sa
pagawaan.
Kumakaunting unyonisado
Kahit pa bahagi ng gobyerno,
tinitindigan
ngayon
ng
NAPC sa ilalim ni Sec.
Liza
Mazaang
pagsusuri
na grabe na ang paghihirap
ng manggagawang Pilipino
dahil sa kontraktuwalisasyon.
Lalong pinahihirapan nito ang
kababaihang manggagawa.
Sinilip ng pag-aaral ang datos
ng Intergrated Survey on Labor
and Employment: halos 4.4
milyong manggagawa ang nasa
manufacturing at retail (wala
pa rito ang mga manggagawa
sa agrikultura, pangingisda,
at mga empresang may 19
empleyado pababa). Sa 4.4M na
ito, 283,081 lang ang miyembro
ng unyon.
Samantala, sa 1.9M na
kababaihang
manggagawa,
99,180 lang ang miyembro ng
unyon. Dahil sa mga polisiya
ng gobyerno sa paggawa
kasama na ang pagpayag
sa
kontraktuwalisasyon,
bumababa ang bilang ng mga
manggagawang naguunyon—
mga
manggagawang
nakakapag-organisa sa sarili
para depensahan ang kanilang
mga karapatan. Sa hanay
ng kababaihan, lalong mas
kumakaunti ang bilang (mula
14.3 porsiyento noong 2004,
naging 5.3 porsiyento na lang
nitong 2016).
“Lumalabas
sa
pagbabahagi ng kababaihang
(manggagawa) ang maraming
paglabag ng mga kompanya:
ang iba’t ibang kontraktuwal na
iskema, kawalan ng overtime
pay, mas kaunting breaks lalo
na sa peak season, walang break
para umupo, walang libreng
amenties kahit tubig, masamang
kapaligiran sa trabaho, kawalan
ng klinika o manggagamot,”
ayon sa executive summary ng
pag-aaral.
Bayan ng kontraktuwal
Karamih-an
sa
mga nakapanayam ng mga
mananaliksik ay kontraktuwal
at agency-hired. Ang marami
sa kanila, nagtatrabaho nang
nakatayo. Ang ilang kompanya
na nag-eempleyo sa kanila,
kailangan pang magpaalam
isang linggo bago ang planong
leavekahit na maysakit— pero
minamarkahan pa rin itong
“absent.”
“Magastos
ang
muling pag-aaplay (matapos
ang kontrata) na minsa’y
umaabot hanggang P3,000.
Bueno ang kanyang pagbati
sa mga magsisipagtapos na
mag-aaral sa pamamagitan
ng kanyang kinatawan na si
OIC-Asst Schools Division
Superintendent Rhina Silva.
Pinayuhan
naman
ng
kinatawan ni Director
Predelma Tan ng Department
of Labor and Employment
ng Batangas Province na si
Labor Employment Officer
III Karl Joseph Sanmocte
ang mga kabataan na
gawing inspirasyon ang
salitang Latin na “Magis”
na nangangahulugan ng
“philosophy of doing more
for Christ and for others.”
Nagbigay naman ng career/
employment coaching si
Supervising Labor and
Employment Officer Noel
Silang. Nagpahayag
ng
testimonial si John Phillip
Serrano, Local Disaster Risk
Reduction and Management
Officer at isang EBD scholar
kung saan hinikayat niya ang
mga estudyante na mag aral
ng mabuti. Malaki aniyang
tulong ang scholarship
program ng lungsod upang
makamit niya ang kanyang
pangarap sa buhay.
Ayon kina Adrian
Mercado ng Paharang
National HS at Angel Lyn
Bagon ng University of
Batangas , plano nila na
magpatuloy ng pag-aaral
at kumuha ng kursong
Mechanical
at
Civil
Engineering. Nais anila na
magkaroon ng part time
job habang bakasyon. (PIO
Batangas City)
Pinagbabantaan din sila laban
sa pag-oorganisa bilang unyon,”
ayon pa sa executive summary.
Sa kabila ng hirap
na dinaranas nila sa trabaho,
karamihan din sa kontraktuwal
na mga manggagawa ay mababa
pa sa minimum na sahod ang
nakukuha. Lalong nagpahirap
pa sa kanila ang pagtaasan ng
presyo ng mga bilihin dahil sa
Tax Reform for Acceleration
and Inclusion (Train) Law ng
rehimeng Duterte.
Lahat ng gawaing
ito—na nagpapahirap sa mga
manggagawa—ay ikinukubli
umano ng mga kompanya sa
mga inspektor ng DOLE. O
kung nahuhuli o nakikita man
ng mga inspektor ang mga
pang-aaping ito at nasisita
ang mga kompanya, walang
mapagpasyang aksiyon na
ginagawa ang naturang mga
ahensiya para masawata ang
pang-aapi.
Mga abuso
Maliban sa talamak na
pang-aapi sa kontraktuwal na
mga manggagawa, talamak din
ang mga pang-aabuso (pisikal,
minsa’y seksuwal) sa mga
babaing manggagawa. Wala
silang magawa dahil bilang
kontraktuwal, maaari silang
tanggalin anumang sandali.
“Kasama
sa
inspeksiyon ng ilang kompanya
ang inspeksiyon sa underwear
ng mga manggagawa,” ayon sa
executive summary.
Ayon pa sa pag-
aaral ng NAPC, sa Keyrin
Electronics Philippines sa
Cavite Export Processing Zone,
isang Koreanong manedyer
diumano ang nadeport matapos
ireklamo ng mga manggagawa
ang paulit-ulit na seksuwal
na panghaharas at abuso
nito sa mga manggagawa.
Dahil dito, nagkaisa ang mga
manggagawang
kababaihan
dito para bumuo ng unyon para
palakasin ang kanilang hanay—
sa kabila ng mga aksiyon ng
manedsment kontra sa pag-
uunyon nila.
Samantala,
mababa
rin umano ang kaalaman ng
mga manggagawa sa kanilang
mga karapatan. Ang marami sa
kanila, hindi alam ang kanilang
karapatan bilang manggagawa at
babae na nakasaad sa mga batas
tulad ng Magna Carta of Women,
mga utos sa gobyerno kaugnay ng paglalagay ng espasyo sa
daycare at breastfeeding sa mga
lugar-trabaho, Solo Parents’
Act, Family Welfare Program,
Anti-Sexual Harassment Law
at paglilikha ng Grievance
Committees sa lugar trabaho.
Hindi na ito nakapagtataka, kasi
pinagbabantaan na nga sila na
sumali sa mga unyon.
Kawalang katarungan
Nagmistulang
nag-
iisang boses para sa mga
manggagawa ang NAPC, lalo
pa’t kamakaila’y mistulang
isinusuko na ni Pangulong
Duterte
ang
pangako
niyang
wawakasan
ang
kontraktuwalisasyon.
“Palagay ko, hindi
natin talaga mabibigay iyan
lahat (ng pangako niya sa mga
manggagawa),” ani Duterte,
“kasi hindi naman natin mapilit
’yung mga kapitalista na kung
walang pera o ayaw nila o
tamad.” Sabi pa niya, huwag
daw dapat pinahihirapan ang
mga nagpapatakbo ng negosyo
na patakbuhin ang mga ito
ayon sa kagustuhan nila.
“Pera naman nila iyan. Kaya
parang kompromiso dapat
ang mangyari — siguro — na
katanggaptanggap sa lahat.”
Pero malinaw sa pag-
aaral ng NAPC na hindi mga
kapitalista ang nangangailangan
ng saklolo ng gobyerno. Mga
manggagawa — lalo na ang
kababaihang
manggagawa
— na pinangakuan ni Duterte
ng kaunting ginhawa sa
pamamagitan
ng
pagpawi
sa kontraktuwalisasyon ang
nahihirapan
ngayon.
Ang
lumalabas, hindi kaya ni
Duterte banggain ang interes
ng malalaking negosyante,
o mga oligarko. Kaya ang
inihahanda niyang kompromiso,
ay pagkompromiso sa hiling ng
mga manggagawa.
“Ang
pagsasabuhay
ng ating mga karapatan at
pagkamit ng batayan nating
mga pangangailangan ang
pinaka-sukatan ng pagiging
makatarungan ng lipunan,” ani
Maza.
Sa lipunang ito, sa
ilalim ng rehimeng Duterte,
kung sukatan ang kalagayan
ng mga manggagawa, lalo na
ang mga babaing manggagawa,
masasabi nating matindi ang
kawalan ng katarungan sa ating
lipunan.