Tambuling Batangas Publication March 20-26, 2019 Issue | Page 3
BALITA
March 20-26, 2019
Indak Kababaihan 2019,
matagumpay na isinagawa sa
Batangas Capitol
Batangueña Power. Halos isang libong Batangueño zumba enthusiasts ang nakisaya at nag-ehersisyo sa Indak Kababaihan 2019 sa
Marble Terrace, Capitol Compound, Batangas City noong ika-17 ng Marso 2019. Pinangunan ang dance exercise nina Gov. DoDo
Mandanas, 5th District Board Member Claudette Ambida-Alday at Board Member Bart Blanco. Batangas Capitol PIO – Photo: Jenny
Aguilera
32...
na pamumuhay at iwasan
ang pagkunsumo ng sobrang
sigarilyo at pag-inom ng alak na
malaki ang magiging epekto sa
kanilang pagtugon sa kanilang
trabaho. Ang pagiging bukas ng
kaisipan ang kaunahang dapat
taglayin ng isang sertipikadong
lifeguard para maiwasan ang
aksidente o sakuna,” ani Janairo.
Sinabi pa nito na
makikipag-ugnayan ang DOH at
Philippine Coast Guard (PCG)
sa Technical Education and
Skills Development Authority
(TESDA) upang maisama ang
Lifeguard Qualification Training
sa kanilang curriculum at
mabigyan ng kaukulang sertipiko
ang mga nagsipagtapos dito.
Ang
Lifeguard
Qualification Training Course
ay bahagi ng “Health in Tourism
Program” ng DOH para masiguro
ang kaligtasan at kalusugan ng
lahat ng taong matatagpuan sa
Tourism Related Establishments
(TRE) sa Calabarzon.
Hangad ng programang
ito na magkaroon ng database ng
lahat ng TREs sa buong rehiyon,
makipag-ugnayan sa iba pang
mula sa pahina 1
mga ahensya ng pamahalaan
tulad ng PCG, Department of
Tourism (DOT), non-government
organizations at mga lokal na
pamahalaan sa pagbuo ng health
and safety standards na nararapat
para sa tourism establishments at
maisulong sa mga namumuno
sa pamahalaang lokal ang
pagpapatupad ng Republic Act
9993 o mas kilala bilang The
Philippine Coast Guard Law
of 2009 kung saan nakasaad na
kinakailangang lahat ng operator
at may-ari ng mga resort na hindi
maglalagay ng mga lifeguards
ay magmumulta mula P1K
hanggang P5K at maaaring
makulong ng 45 araw.
Ito ay pinangunahan
ng DOH Calabarzon Health
in
Tourism
program
na
pinamumunuan
ni
Shiela
Blancaver sa pakikipagtulungan
ng PCG District National Capital
Region-Central Luzon at DOT
Calabarzon.
Ayon kay Blancaver,
isang pambihirang oportunidad
ito para sa mga nabigyan ng
pagkakataon dahil kung sakaling
hindi sila makapasa dito ay
hindi na ulit sila mabibigyan
ng pangalawang pagkakataon
sapagkat marami pang mga
nagnanais maging lifeguard ang
nakahanay dito.
“Ito
po
ay
pinopondohan ng pamahalaan
kaya’t inaasahan natin na
hindi ito sasayangin ng
ating mga lifeguards dahil
marami pa po ang nagnanais
makabahagi sa ating programa.
Ang mga establisyementong
pinaglilingkuran
ng
mga
lifeguards ang nagbibigay
sa kanila ng allowance at
pamasahe para makadalo sa
sampung araw na pagsasanay
na ito,” ani Blancaver.
Bawat
isa
sa
nagsipagtapos ay binigyan ng
rescue can, whistle at dalawang
set ng uniporme.
Sa kabuuan, may 38
partisipante ang sumailalim sa
naturang pagsasanay ngunit
32 lamang ang nagtapos
at
nakapasa.
Ang
mga
tinaguriang bagong lifeguards
ay karagdagan sa nauna ng
nagsipagtapos na 40 mula sa
unang batch. (BHABY P. DE
CASTRO-PIA BATANGAS)
Philhealth 4A celebrates 24th anniversary
By Ruel Orinday
LUCENA CITY, Quezon, (PIA)-
The Philippine Health Insurance
Corporation
(PhilHealth)
–
Region4-A recently celebrated
its 24th anniversary at Quezon
Convention Center here since its
creation in 1995 with the passage
of Republic Act 7875, otherwise
known as the National Health
Insurance Act of 1995.
This
year’s
commemoration
with
the
theme: “PhilHealth @24: Tungo
sa Kalusugan Para sa lahat”
showcased
the
PhilHealth
Forward program which features
new services and benefits for the
members, recent innovations, best
practices of PhilHealth offices,
and new tie-ups with various
stakeholders, among others.
In a program held at
the convention center, Lucena
City last February 14, Dr.
Edwin Orina, Regional Vice
President for
PhilHealth-4A
led the awarding of plaque of
recognition to PhilHealth offices,
partners and stakeholders with
best practices.
Santa
Rosa
Local
Government Unit was recognized
for its best practice for health
coverage of the poor; Yazaki
Torres manufacturing Inc. – best
practice for labor management
support; Quezon’s
Q1K
program - best practice for
family protection; RAKKK
prophet Medical Center Inc.
in Gumaca, Quezon – Pioneer
in the implementation of
claim form-4 and expanded
primary care benefit; New Hope
Peritoneal Dialysis Center- First
pioneer of peritoneal dialysis
benefit package; De La Salle
University Medical Center- First
provider
of coronary artery
Bypass Graft Z benefit in the
region; LPH Luisiana District
Hospital – Highest no balance
billing compliance for 2018
with 100% rating 217 patients
and
Toshiba
Information
Equipment (Philippines), Inc.
TIP- Excellence in reporting
compliance.
PhilHealth
Acting
President and CEO Roy Ferrer
said PhilHealth extremely values
the contribution of key partners
who have had a significant partner
on our laudable performance the
previous year.
“As we move to our
24th year, Philhealth’s spirit
continues to soar high as we
prepare ourselves to the coming
of the universal health care,
Our commitment to the health
of the Filipino remains strong
which is the very essence of our
existence,” Ferrer disclosed.
Part of the program
was the launching of enhanced
newborn care package program
and the first Philippine National
Quiz Bee.
A press conference
was held also as part of the
celebration where the new
programs and services of
PhilHealth were introduced to
the media practitioners. (Ruel
Orinday, PIA-Quezon)
HATID nina 5th District Board
Members Claudette Ambida –
Alday at Arthur “Bart” Blanco,
matagumpay na isinagawa ang
Indak Kababaihan 2019, na
nilahukan ng halos isang libong
Batangueño zumba enthusiasts,
sa Marble Terrace, Capitol
Compound, Batangas City noong
ika-17 ng Marso 2019.
Ang dance organization,
na nasa ika-limang taon na
ngayon, ay binubuo sa layuning
mapanatili ang malusog at
masiglang pangangatawan ng
mga Batangueña sa pamamagitan
ng regular na pagsasayaw ng
zumba.
Idinaos
ang
dance
exercise sa Batangas Capitol, katuwang ang Pamahalaang
Panlalawigan
ng
Batangas,
KALIPI
ng
Batangas,
Soroptimist, Indak Fitness at
Barako Fitness Group.
Kaugnay
rin
ang
aktibidad ng pagdiriwang ng
Women’s Month na may temang
“We Make Change Work for
Women”.
Ang
aktibidad
ay
malugod na sinuportahan ni
Batangas Gov. DoDo Mandanas,
na personal na nagpaabot ng
kanyang pagbati sa mga kalahok,
kasama ang ilang mga lokal
na opisyal ng Pamahalaang
Panlungsod ng Batangas. JHAY
JHAY
PASCUA/Batangas
Capitol PIO
Serbisyong... mula sa pahina 1
Health Office sa ilang mga
pambansang ahensya. Isa na
dito ang pagtatatag ng Malasakit
Center sa Batangas Provincial
Hospital na matatagpuan sa
bayan ng Lemery.
Sa papamagitan ng
nasabing one-stop service center,
napaglingkuran ang 674 na mga
pasyente, simula nang buksan ito
noong Disyembre 2018 hanggang
ika-9 ng Marso 2019 sa tulong ng
pondong mahigit na dalawang
milyong piso.
Malaking tulong naman
ang natanggap na tatlumpung
milyong piso ng Batangas
Provincial Hospital mula sa
Philippine Charity Sweepstakes
Office o PCSO para sa pagbili
ng Computerized Tomography
Scanner (CT Scan Machine).
Sa kasalukuyan, matindi
pa rin ang isinasagawang pagkilos
ng Provincial Health Office sa
kaso ng tigdas sa lalawigan.
Base sa kanilang huling datos,
na naitala noong ika-7 ng Marso
2019, nasa 574 na ang nadapuan
ng naturang sakit, kung saan
apat dito ang namatay buhat sa
komplikasyon.
Ipinagbigay-alam
ng PHO, mula sa kanilang
pagsisiyasat, na ang hindi
pagpapabakuna laban sa tigdas
ang naging pangunahing dahilan
ng pagkakasakit.
Sa
ngayon
ay
isinasagawa ang Supplementary
Immunization Activity o SIA.
Masusing sinusuyod ng mga
doctor, nurse, at midwives ang
buong lalawigan upang ang lahat
ng bata, na may edad 6 hanggang
59 na buwan ay mabigyan ng
naaangkop na measles vaccine
upang hindi na mahawa ng sakit.
✎ Mark Jonathan M. Macaraig –
Batangas Capitol PIO
Batangas Provincial Development
Council: African Swine Fever
(ASF) ay “national threat”
NAALERTO
ang
mga
awtoridad sa balitang ang
African Swine Fever (ASF)
outbreak ay nakatawid na
sa ASEAN Region, kung
kaya’t pinaigting ng Pilipinas
ang seguridad laban dito sa
pamamagitan ng pagbabawal
sa pag-angkat ng baboy sa
pagsisikap na maprotektahan
ang 200 bilyon pisong lokal na
hog industry.
Kaugnay
nito,
minarapat
ng
Batangas
Provincial
Development
Council (PDC) na bumalangkas
at magpasa ng isang resolusyon
bilang paunang aksyon ng mga
stakeholders sa lalawigan kontra
sa nakaambang krisis.
Matapos
maipasa
ang PDC Resolution No. 05-
2019 o “Resolution Endorsing
SCED Resolution No. 03-2019
Entitled: Resolution Endorsing
to the Provincial Development
Council the Consideration of
African Swine Fever (ASF) as
a National Threat/Emergency
Concern”, inihain ng PDC,
sa pamamagitan ni Council
Secretary at Provincial Planning
and
Development
Officer
Benjamin Bausas, ang nasabing
dokumento para sa kaukulang
pagpapatibay ng Sangguniang
Panlalawigan ng Batangas (SP).
Sa
isinagawang
10th Regular Session ng SP
noong ika-18 ng Marso 2019,
inirekomenda ni Bokal Jesus H.
De Veyra ng ika-apat na distrito
at Chairperson ng Committee on
Agriculture, na aprubahan ang
PDC Resolution No. 05-2019,
base sa masusing talakayan
tungkol dito. Sinigundahan
naman ang mungkahi ng mga
kapwa mambabatas.
Binigyang-diin
ni Bokal De Veyra na ang
PDC Resolution ay kapaki-
pakinabang na hakbang upang
mapigil ang pagpasok ng
ASF, na, hindi man direktang
nakakaapekto sa mga tao,
maituturing pa ring public health
threat at food safety concern.
✐ Marinela Jade Maneja —
Batangas Capitol PIO