Tambuling Batangas Publication March 20-26, 2019 Issue | Page 4

OPINYON March 20-26, 2019 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] We can dream, can’t we? No Filipino will be poor by 2040. That’s not a midterm poll candidate talking. It’s not even a promise by one trying to woo Juan de la Cruz. Fact is, it is a program set into motion at the start of President Duterte’s term in 2016 and expected to span three administrations thereafter. Sounds ambitious? You bet it is. Unknown to many, “AmBisyon Natin 2040” is a program that envisions a “prosperous, predominantly middle-class society where no one is poor by the year 2040.” It is a picture of the future, a vision that serves as anchor to the country’s plans. By 2040, the program sees Filipinos enjoying a strongly rooted, comfortable and secure life, secure in the knowledge that they have enough for their daily needs and unexpected expenses, where families live in a place they call their own and have the freedom to go where they desire and protected and enabled by a clean, efficient and fair government. According to the program, economic growth must be relevant, inclusive and sustainable. Over the next 25 years, until 2040, per capita income must increase by at least threefold. More than the increase in income, economic growth must progressively improve the quality of life of majority of Filipinos. “AmBisyon” can be partly achieved by having competitive enterprises that offer quality goods and services at affordable prices. Government must encourage investments in these sectors by improving market linkages, simplifying government procedures and facilitating access to finance. These should be complemented by appropriate human capital development, science, technology and innovation. In 2016, two months after he took over the government, President Duterte signed Executive Order 5 providing for the adoption of “Ambisyon Natin 2040,” a 25- year, long-term vision for development planning. It is akin to former President Fidel Ramos’ similarly ambitious “Philippines 2000,” which aimed for an economic development that would place the Philippines among the newly industrialized countries in the world at the turn of the century. Under the plan, several industries critical to economic development were privatized. The program was doing well until it was overran by the 1997 financial crisis that had the Philippine economy taking a sharp downturn. Probably inspired by what could have been, the National Economic Development Authority in 2017 launched the Philippine Development Plan (PDP) 2017-2022, the blueprint for the country’s development under the Duterte administration. It is the first of four medium-term plans that will work towards realizing “AmBisyon 2040,” the collective vision of Filipinos over the next 25 years. By 2022, the plan sees the Philippines as an upper-middle income country with a GDP growth rate of 7 to 8 percent in the medium term. Overall poverty rate is targeted to decline from 21.6 percent in 2015 to 14 percent by 2022. Poverty incidence in rural areas is intended to decrease from 30 percent to 20 percent for the same period. The unemployment rate will also go down to 3 to 5 percent by 2022 from 5.5 percent in 2016. Other targets are higher trust in government and society, more resilient individuals and communities and a greater drive for innovation. Embedded in the development plan are bedrock strategies that provide the necessary environment for the plan to work. These include achieving peace and security, accelerating infrastructure development, building resilient communities and ensuring ecological integrity. “We already have the goal. Now here’s the plan to turn “AmBisyon Natin 2040” into reality,” Secretary of Socioeconomic Planning Ernesto Pernia was quoted to have said during the plan’s launch. Just recently, Malacañang released Memorandum Order (MO) 59 that directs government agencies to implement a program aimed at accelerating poverty reduction in the country. Signed by Executive Secretary Salvador Medialdea, as authorized by the Chief Executive, on 6 March 2019, the order bats for the stepped-up delivery of social services to ensure that the poverty rate is down to 7.6 percent by the time Mr. Duterte’s term concludes in 2022. MO 59 enjoins all government offices, agencies and instrumentalities, including government-owned and controlled corporations, to actively support, implement and participate in the “Sambayanihan: Serbisyong Sambayanan.” The program is steered to “ensure a ‘whole-of-government’ approach to poverty alleviation and the widest deployment of basic social services to our poorest communities.” If the program comes to its full fruition, we want to see the day when there will be less and less Filipinos looking for jobs abroad and allowing the country to benefit from their respective expertise. No one is poor? It may sound like Utopia, but we can dream, can’t we? Ni Teo S. Marasigan Tanggalan sa Trabaho sa Termino ng Tubo (1) Ngayong Marso at Abril, may kung ilampung libong estudyante ang gagradweyt sa kolehiyo. Taun- taon nang ikinukumpara ang bilang nila sa datos ng kawalang-trabaho (unemployment) at kakulangan ng trabaho (underemployment). Dahil sa pandaigdigang krisis pampinansya at pang-ekonomiya, siguradong mas tagibang ang resulta ng ganitong paghahambing ngayong taon. Pang-asar: Pagbati sa mga unang nagtapos ng kolehiyo sa panahon ng malubhang krisis! Nabasa ko ang burador ng presentasyong PowerPoint ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) hinggil sa kasalukuyang “pandaigdigang krisis sa trabaho” na resulta at bahagi ng krisis sa pinansya at ekonomiya ng mundo. Lumabas ito noong Enero kaya malamang na nalampasan na ng mga pangyayari, bagamat wastong nagtuturo pa rin ng pangkalahatang direksyon ng mga ito. Pambungad nito ang sinabi ng International Labor Organization (ILO) noong Enero. “Makatotohanan at hindi alarmista ang mensahe ng ILO: Dumadanas na tayo ngayon ng pandaigdigang krisis sa trabaho.” Heto ang ilang datos nito, kasama ang ilan pang nahagilap ko: >> Ayon mismo sa Department of Labor and Employment o Dole, 19,400 manggagawa ang tinanggal sa trabaho sa bansa simula nang pumutok ang krisis noong Setyembre 2008 hanggang Enero ngayong taon. Habang 34,000 naman ang binawasan ng trabaho. Sa gitna ng taon, tinatayang 200,000 trabaho ang mawawala. >> Sa isang kolum sa Philippine Daily Inquirer nitong 28 Marso, sinabi naman ni G. Ramon R. del Rosario Jr. na ayon sa National Statistics Office o NSO, 7.7% ang kawalang- trabaho sa bansa. Ayon naman daw sa Social Weather Stations o SWS, ang datos na ito simula 2005 ay 20% na tumaas pa sa 27.9% noong ikaapat na kwarto ng 2008. Ibig sabihin, 11 milyon sa 40 milyong may kakayahang magtrabaho sa bansa ang walang trabaho, kabilang ang ayon sa gobyerno’y kulang lang sa trabaho. >> Ayon muli sa Bayan, isang milyong Pinoy ngayon ang nasa mga trabahong “napakabulnerable,” namemeligrong mawala dahil sa krisis. Kasama rito ang ilang seksyon ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs (mga may pansamantalangvisa, marino, manggagawa sa mga pabrika ng Taiwan, South Korea at Macau, mgadomestic helper sa Singapore, Macau at Hong Kong), mga manggagawa sa manupakturang laan sa eksport, at mga manggagawang bukid sa agrikultura para sa eksport. >> Sa mismong US, 11 milyong manggagawa ang walang trabaho, 48% mas mataas sa bilang noong Disyembre 2007. >> Ayon naman sa ibang ulat, sa US, 4.4 milyon ang nawalan ng trabaho simula noong pumutok ang krisis hanggang nitong Pebrero. Nasa 8.1% ang kawalang-trabaho, pinakamataas sa nakaraang 25 taon. >> Tinatamaan maging ang nangungunang industriya ng US, ang pagmamanupaktura ng kotse. Kung 17 milyon ang nabiling kotse noong 2007, siyam na milyon na lang ito noong 2008 – kahit pa Setyembre na ng nakaraang taon pumutok ang krisis. >> Ayon muli sa Bayan, sa buong mundo, 50 milyong manggagawa ang natanggal na sa trabaho, habang 53% ng mga manggagawa ang nasa katayuang “bulnerable.” Tinatayang lolobo sa 1.4 bilyon ang mga nagtatrabahong itinuturing na maralita (working poor) o 45% ng may trabaho. Inihapag din ng Bayan ang mga salik na nagdulot ng krisis sa trabaho sa bansa. Natural na malaganap ang kawalan at kakulangan ng trabaho sa isang bansang walang batayang mga industriya at sa kalakha’y agrikultural – at umaasa na lang sa mga salik na eksternal para magkaroon ng trabaho ang sariling mga mamamayan. “Eksternal” – mga dayuhang namumuhunan at mga trabaho sa ibang bansa. Ito ang nagluwal ng patakaran ng pag-eeksport ng lakas- paggawa – ng mga OFW – simula noong diktadurang Marcos hanggang sa rehimen ngayon. Pinalubha ang kalagayang ito ng neoliberal na globalisasyon. Sa pagsasapribado ng mga pag-aari ng gobyerno, maraming tinanggal dahil sa mga hakbangin ng mga bagong may-ari na gawing “episyente” ang operasyon. Sa pagliliberalisa ng kalakalan, dinadaig ng mga produktong dayuhan ang mga produktong lokal, dahilan para bumagsak ang produksyon sa bansa. Sa pagliliberalisa naman ng pamumuhunan, naipasok ang isang seksyon ng manggagawang Pinoy sa mga kompanyang nagbubukas at nagsasara ayon sa interes ng mga dayuhang kapitalista, binabarat ang sahod at sinusupil. Dahil patuloy na pinapaliit ang papel ng gobyerno sa ekonomiya, tuluy-tuloy ang mga pagtatangkang magtanggal ng mga kawani nito. Ngayon, sa pagputok ng krisis, ibayong bulnerable ang mga trabaho sa bansa. Dahil sa krisis, bumabagsak ang kakayahang bumili at ang demand ng mga konsyumer sa buong mundo. Nababangkarote tuloy o nagbabawas ng gastos ang mga korporasyon. Partikular na halimbawa ni Sonny Africa, punong mananaliksik ng Ibon Foundation: “Papahinain ng krisis ang pandaigdigang demand para sa mgalaptop at cellular phone na mga pangunahing gumagamit ng mga semiconductor atmicroprocessor na ineeksport ng bansa.” Nagkataon din lang naman na 67% ng eksport ng Pilipinas ang mula sa sektor ng elektroniks. Masama rin ang epekto ng krisis sa mga OFW, at syempre dahil dito ay sa bansa rin. Ayon sa Bayan, sa Taiwan pa lang, tinataya nang 2,500 hanggang 3,000 OFW ang tinanggal. Bukod pa rito ang tanggalang naiuulat sa ibang bansa. Ayon kay G. Africa, 52% ng mga remitans ng mga OFW ang galing sa US o mga bangkong nakabase sa US – walang datos na nag-iiba sa dalawa. Karamihan ng mga OFW sa US ang nasa mga sektor na tinatamaan ng krisis ngayon: manupaktura, retail, serbisyong pang-akomodasyon at pampagkain, pinansya at insurance. Muli, ayon sa Bayan, dahil sa krisis, lalong nalalantad ang pagkabigo at pagkabangkarote ng patakaran ng “paglikha” ng trabaho na nakaasa sa mga salik na eksternal sa bansa. 03 Marso 2009