Tambuling Batangas Publication March 14-20, 2018 Issue | страница 5
OPINYON
Marso 14- 20, 2018
SBC students nagpakita ng kakaibang
advertising competition
ng anim ng NGOs at ang
IPINAKITA ng St. Bridget
College ang values na
pinapahalagahan nito sa klase
ng advertising competition na
isinagawa ng mga senior high
school students ng paaralan
sa kanilang Accountancy,
Business and Management
(ABM) Day . Sa halip na
produkto o negosyo ang
ina advertise ay ang mga
local
non-government-
organizations (NGOs) na
nangangalaga sa mga kapos
palad ng mga kabataan ang
naging paksa.
Ang kumpetisyon ay
may temang “ABM Day 2018,
Advertising the Bridgetine
Magic! Share the Love”. Ito
ay may dalawang kategorya-
ang creative presentation in
video at live performance na
nagpapakita ng mga proyekto
pagmamahal na ipinadadama
ng mga ito sa mga kabataang
kanilang kinakalinga.
Ang mga NGOs na ito
ay ang Gabay sa Kaunlaran
ng Batangas Inc. (GKBI) na
itinatag ni Lolita Maligalig
at nagpapatupad ng feeding
program at livelihood training;
St. Bridget Community Center
na itinatag noong 1972 upang
tumulong sa mga mahihirap
na kabataan na makapag-aral
at mga kababaihang biktima
ng pag-aabuso; Workability
Skills Center Foundation Inc.
(WSCFI) na nagbibigay ng
edukasyon sa mga batang may
kapansanan para maiangat
ang kanilang kakayahan at
mabigyan ng oportunidad na
magkaroon ng magandang
buhay; Bahay Pag-Asa ng
Pamahalaang Panlalawigan
na kumakalinga sa kabataang
naligaw ng landas; Cancer
PALARUAN SA BUTAS NA
PADER NG KATUPARAN
by Kenneth Roland A. Guda
SA palaruan ng mga bata na
dating katayan na ngayo’y
ginagawang
sabungan,
inasinta ng isang pulis si
Ilong, at binaril.
Magpapakabata ang
mga bata. Maglalaro sila,
magtatatakbo, maghaharutan.
At kung walang lugar para
sa mga ito, maghahanap at
maghahanap sila. Sa mga
kalsada, saan mang may
kaluwagan. Magpapakabata
sila.
Mahirap
maging
bata sa Katuparan Tenement
Housing sa Vitas, Tondo,
Manila. Maputik, marumi at
masikip ang mga eskinita,
habang mapanganib ang
nabubulok nang mga pader
at hagdan ng bilding na
mga tirahan. Dekada ’90,
naging relokasyon ito ng
mga maralitang pinaaalis sa
iba pang lugar sa Maynila.
Pinagigitnaan ito ng dating
bundok ng basura, maruming
ilog at katayan ng hayop. Sa
mahigit dalawang dekada,
unti-unti at sadyang binulok
ang bilding. Pero dumami ang
nakatira. Dumami ang mga
bata.
Unti-unti na ring
gumuguho ang pader sa
pagitan ng katayan at
Katuparan. Nagkarooon ito
ng malalaking butas na kasya
ang mga bata. Nakita ng mga
residente ang kabila ng bakod:
Maluwag, tinitirhan ng mga
baka. Sa di-kalayuan, may
pinatatayong tirahan ng mga
manok-panabong at sabungan
(ni Atong Ang, diumano).
Nakita ito ng mga bata, at
nakahanap sila ng paglalaruan.
Dito tumatambay sina Aldrin,
13. “Ilong” ang bansag sa
kanya ng mga kalaro dahil
sa lapad ng ilong, pero
niyakap na rin niya ang
katawagang ito. Dito sila
naglalaro, nagsisipa, minsan
namumulot ng bakal para
maibenta. Sa mga panahong
katulad ngayong tag-init,
ang paliguan ng mga baka’t
kalabaw, naging lubluban
na rin ng mga bata. Kapag
nakikita ng mga guwardiya,
nasisita, hinahabol. Kapag
napapadpad na malayo sa
pader, hinahabol ng mga
tauhan ng slaughterhouse.
Minsan, tinitirador.
Marso 2, alas-otso
ng gabi, tumambay muli sina
Ilong sa butas. Bago nito,
galing siya ng eskuwela—
sa Vicente Lim Elementary
School kung saan graduating
siya, Grade 6. Kabibili lang
niya ng panindang Red Horse
sa Building 13. Kalilibre lang
niya ng softdrinks sa mga
kapatid dahil nakadelihensiya
mula sa pamumulot ng bakal.
Nakaupo siya sa
gumuhong bahagi ng pader,
kaharap ang karimlan ng
slaughterhouse.Kasama niya
si Nano, 13. Maglalaro sila
ng sipa. “May bigla pong nag-
flashlight. Bigla po siyang
inilawan,” kuwento ni Nano.
“At binaril.”
Sa ikatlong palapag
ng Building 8, nagpapatulog
ng pitong buwang-gulang na
apo si Cora. Nakahiga na ang
kanyang asawa at naghahanda
na ring matulog. Nagulat sila sa
putok. Mula sa direksiyon ng
pader. “Nabigla siya (asawa)
at hindi agad makatayo,”
ani Cora. Kinutuban na siya.
Tinulungan niya ang asawa at
tiningnan ang pinagmulan ng
putok.
Mga sampung minuto
na ang lumipas. Si Nano na
lang ang naabutan niya. Kilala
niyang kalaro ito ng kanyang
apo, si Ilong. “Naglalaro
lang po kami sa butas…” ani
Nano. Kinuwento ng kalaro
ang nangyari. Naglakad pa si
Ilong papunta sa direksiyon
ng bahay. Sinabi na niya kina
Nano na binaril siya. Pero
akala niya, nagbibiro lang si
Ilong. Palabiro kasi ito. Nang
makarating malapit sa bahay,
nandun si Allan, ang tatay
niya.
Natumba na si Ilong.
Hawak niya ang kanang
tagiliran, pero lumabas pala
ang bala sa kaliwa. Dumurugo
rin siya sa kaliwa. Naghanap
agad si Allan ng traysikel at
Warriors
Foundation
na
tumutulong sa pagpapagamot
ng mga batang may kanser; at
ang Lingap Pangarap ng mga
Paslit Center Inc. (LPPCI),
na nagbibigay ng maagang
edukasyon sa mga bata para
sila ay lumaking mabuti at
produktibong mamamayan ng
lipunan.
Ipinamalas ng mga
estudyante ang kanilang
husay sa paggawa ng video
presentation at galling sa pag-
arte, pagkanta, pagsayaw,
spoken poetry at sa iba pang
larangan ng sining sa kanilang
live performances.
Nagtagumpay
ang
mga
estudyanteng
maipahayag ang mensahe
ng pagmamahal sa mga
kapospalad
sa
kanilang
makabagbag
damdaming
presentations.
Ayon kay Kristine
Lei Ilagan, chairperson ng
ABM Business Association
of Raring and Compassionate
Optimizers
Determined
to Enrich the Society
(BARCODES) na siyang
nangasiwa ng ABM Day,
ipinapakita ng kumpetisyon
ang pagiging tunay na
Bridgetine na nagkakaisa para
sa kabutihan ng lahat. Nais
aniya nilang maiangat ang
kamalayan ng mga mag-aaral
na may mga organisasyon
na tumutulong sa mga taong
nangangailangan ng kalinga
at mahikayat ang suporta ng
mga ito sa ganitong layunin.
“Hindi po puro produkto at negosyo ang ABM, ito ay
bridge po ng Humanity and
Social Sciences (HUMSS),
Science,
Technology,
Engineering and Mathematics
(STEM)
product
para
makarating sa humanity.
Ang nais po namin
dito ay makatulong at
maibahagi ang pagmamahal
sa kapwa na siya rin pong
misyon ng SBC, “ dagdag pa
ni Ilagan.
Nakuha
ng
St.
Bridget Community Center
ang first place at Best in
Live Performance. Ito ay
produksyon ng HUMSS 2 at
STEM 2 students. Tumanggap
ang Center ng P15,000.00 na
cash prize.
Naging 2nd place
winner naman ang GKBI na
produksyon ng mga mag-aaral
ng STEM 3 at STEM 10. Sila
ay tumanggap ng P10,000.00.
Pang third place at
Best in Creative Presentation
in Video ang nakuha ng
Bahay Pag-Asa ng mga mag-
aaral ng STEM 4 at STEM 9.
Tumanggap sila ng P5,000.00
cash prize. Ang mga hindi
nanalo ay tumanggap ng tig
P3,000.00 consolation prize.
Inilunsad
din
ng mga estudyante ang
Reveuse
(French
word
na
nangangahulugan
ng
“dreamer”)
T-shirts
na
ibebenta nila at ang proceeds
ay ibibigay sa mga street
children at iba pang batang
higit na nangangailangan.
(PIO Batangas City)
tinakbo sa Tondo General
Hospital.
Nakapagsalita pa si
Ilong. “Tay, lalabanan ko ito.
Lalaban tayo…”
Pagdating nina Cora
sa ospital, nandun na si
Allan. Nars ang kumausap
sa kanila. “Dasal na lang
po ang magagawa natin,”
sabi sa kanya ng nars.
Pinapirmahan ng nars si
Allan, dahil ooperahan si
Ilong at nauubusan na ng
dugo. Wala nang magawa,
bumalik silang mag-asawa sa
Katuparan. “Sabi ko sa asawa
ko, sweetheart, pasok muna
tayo sa slaughterhouse,” ani
Cora. Gusto niyang makita
ang lugar kung saan nabaril
ang apo. At baka nandoon pa
ang bumaril.
Sa
loob
ng
slaughterhouse,
naabutan
niya ang barangay chairman
at
ilang
taga-barangay.
Nandoon na rin ang mga
pulis. “Nahalata ko (iyung
isang pulis), kasi tagaktak ang
(kanyang) pawis,” kuwento
ni Cora. Noong dumikit siya
sa isang kagawad, biglang
lumayo ang pawisang pulis.
Binalikan ni Cora
si Nano: Nakita mo ba
ang namaril? “Naka-mask,
tapos naka-t-shirt na puti.
Nakapantalon ng pang-pulis at
naka-belt bag,” sabi ni Nano
kay Cora. Hindi naman nag-
uuniporme ang guwardiya
na ganoon. Naka-orange ang
mga guwardiya. Pulis lang
ang nagsusuot ng ganoong
t-shirt.
Bumalik
sila
ng
bahay. Alas-dos y medya ng
madaling araw, kumatok si
Allan. Wala na raw si Ilong.
Umaga na ng Marso 5 nang mabalitaan nina Allan
at Cora na sumuko na ang
isang PO2 Omar Malinao sa
Homicide Section ng Manila
Police District. Umamin daw
ito na nabaril niya si Ilong.
Aksidente lang daw ang
pamamaril.
Pero
hindi
makapaniwala rito sina Cora.
Malinaw ang kuwento ni
Nano: Inilawan ng flashlight
si Ilong, saka binaril. Desidido
silang ituloy ang kaso. Nag-
alok ang hepe ng ayudang
pinansiyal para sa pamilya,
pero siniguro muna ni Cora
na kung tatanggapin nila ito,
hindi ibig sabihi’y iaatras
na nila ang kaso. Mahirap
magtiwala sa imbestigador na
kasamahan din ng akusado.
Magmula nang ma-
convert ang slaughterhouse
para gawing cockpit arena ng
diumano’y tagapayo/kaibigan
ni
mismong
Pangulong
Duterte, binabantayan na ng
mga pulis ang lugar. Bahagi ito
ng plano ng lokal na gobyerno
ng Maynila para i-convert ang
buong lugar para gawing lugar
ng negosyo. Di kalayuan,
nagtatayugan ang bagong
tatag na mga condominium,
tanaw sa bintana ng mga
residente ng Katuparan. Tila
nangungutya ito sa kanila.
Tila nagsasabing wala kayong
lugar dito. Umalis kayo.
Kapag nagpumilit kayo, kapag
nanlaban kayo, malilintikan
kayo. Baka mabaril kayo.
Ilang araw matapos
ang pamamaril kay Ilong,
bumalik ang mga bata sa
butas na pader, sa malawak
na lugar ng slaughterhouse.
Maghahanap at maghahanap
sila ng lugar na paglalaruan.
Magpapakabata pa rin sila.