Tambuling Batangas Publication March 14-20, 2018 Issue | Page 4
OPINYON
Marso 14- 20 , 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Under fire
MARCH is Fire Prevention Month in the
Philippines, coinciding with the start of the
sizzling summer season.
This is also the month when final exams
and graduation ceremonies are held in
most Philippine schools that have not yet
implemented a calendar shift to the August-
to-June international academic year.
Ironically, many fires still occur in
Metro Manila during the month of March.
Last week, Quezon City residents in the
Diliman area woke up to blaring sirens.
Billowing smoke was coming from the
University of the Philippines campus, and
true enough a big fire was raging at the iconic
UP Shopping Center (not to be confused
with the newer UP Town Center).
What made this incident suspicious
was that it was the fifth such fire on the UP
campus since 2015. Previously the CASAA
food court, the Alumni Center, the Faculty
Center, and a portion of Quezon Hall burned
down under mysterious circumstances.
There seems to be a pattern: they
occurred in the wee hours or on weekends
when very few people were around; no
casualties (mercifully) but with severe
property damage; and high sentimental
value for the destroyed structures.
What have the university authorities
been doing after these conflagrations?
Over the past three years, these cases
remain unsolved and no heads have rolled.
Those who are responsible – whether by
commission or omission — must be fired.
Ni Teo S. Marasigan
BAYAN NG BAYLOSIS
PART 3
Pagkatapos
mapatalsik
ang rehimeng Estrada,
minsang
nagbigay
si
Baylosis ng pag-aaral sa
Vinzons Hall sa UP tungkol
sa progresibong pagharap
sa mga uring panlipunan.
Humahalaw siya noon
ng mga halimbawa sa
karanasan ng pagpapatalsik
kay Estrada. Sa proseso,
naglilinaw siya ng mga
mali at tamang taktika sa
naturang pakikibaka.
May
bahaging
biglang
tumaas
ang
boses niya, mahirap nang
tandaan kung bakit. “Ang
pangunahing
kaibahan
ng lipunang sosyalista
at kapitalista,” sabi niya,
sabay-hiwa sa hangin mula
taas pababa gamit ang bukas
na kamay, “ay ang uring
naghahari. Kapitalista sa
kapitalismo at manggagawa
sa
sosyalismo.”
Kaya
rin hindi kapitalista ang
Pilipinas dahil sa katangian
ng
mga
naghaharing
uri na mas tugma sa
lipunang malakolonyal at
malapyudal.
Bagamat patungo
na
sa
ekonomiyang
pampulitika,
galing
pilosopiya mg diylektikal na
materyalismo ang pahayag,
kumukuha ng awtoridad
partikular sa “Hinggil sa
Kontradiksyon”
(1937)
ni Mao Zedong. Kapaki-
pakinabang at palaging
may gamit ito, ang pagsuri
sa pangunahing aspeto ng
sentral na kontradiksyong
nagtatakda ng katangian ng
isang bagay o lipunan.
N g a y o n ,
halimbawa,
may
mga
nagsasabi pa ring sosyalista
ang China lalo’t bunsod
ng retorika ng lider nitong
si Xi Jinping — dahil sa
pagdedeklara ng Partido ng
pagtangan sa Marxismo,
paghawak ng Estado sa
mga
kumpanya,
pag-
aaral sa Marxismo sa mga
paaralan, at iba pa. Ang
hindi madalas nasusuri:
anong uri ang naghahari?
Monopolyo-kapitalista,
hindi manggagawa.
Mabuting Pilipino
at ulirang makabayan si
Baylosis. Sa edad na 69,
sa kabila ng sakit sa puso,
nagpapatuloy
siya
sa
pagsusulong ng tunay na
pagbabago. Sa iba’t ibang
dahilan, may mga Pilipinong
umiidolo sa mga mahusay
at maprinsipyong senador
at pulitiko ng mga naunang
panahon. Para sa mga
nakakakilala kay Baylosis,
higit pa ang katayuan niya
sa mga nabanggit. Tunay
na makamasa ang kanyang
ipinaglalaban, lubos ang
kanyang paglilingkod, at
mabigat ang mga sakripisyo
niya para sa bayan.
Tulad ng lahat ng
bilanggong pulitikal, si
Baylosis ay dapat kagyat
na palayain, at kawalang-
katarungan ang bawat
minuto niya sa kulungan.
Pero hindi makikinig sa
paliwanag, gaano man
katibay,
ang
rehimen.
Pinatunayan
na
ng
kasaysayan na napapalaya
ang
mga
bilanggong
pulitikal na tulad niya dahil
sa paglaban ng sambayanan
— hindi lang para sa
pagpapalaya sa kanila,
kundi para sa tunay na
pagbabagong panlipunan.
Ang pagpapalaya nina
Cory at Duterte sa simula
ng mga termino nila ay
resulta ng paghahangad ng
sambayanan ng pagbabago
kumpara sa pinalitan nila.
Ngayon, lumalalim
ang krisis sa daigdig at sa
Pilipinas. Tuluy-tuloy na
inilalantad at inihihiwalay ng
rehimeng Duterte ang sarili
sa sambayanan; isa na ito
sa pinakamasahol sa huling
kasaysayan. Namumuo ang
malapad na nagkakaisang
prente para labanan ito at
patalsikin. At itinutulak ng
mga hakbangin ni Duterte
ang paglakas ng paglaban
ng mga mamamayan sa
mga sakahan at plantasyon,
opisina
at
pagawaan,
komunidad, at paaralan.
Laban!
20 Pebrero 2018v
Itutuloy