Tambuling Batangas Publication March 13-19, 2019 Issue | Page 2
BALITA
award- winning hair and makeup artist na si Ariane Gamboa
Dep Ed Batangas City nag-advance
celebration ng golden anniversary
NAGDAOS ng dalawang araw
na
advance
celebration
ang
Department of Education Batangas
City ng kanilang 50th anniversary
na sinimulan ngayon, March 7, sa
Batangas City Coliseum.
Sampung
grupo
ng
mag-aaral mula sa pampublikong
elementarya at sekondarya ang
nagpakitang gilas sa kanilang field
demonstration gamit ang makukulay
na costumes at props at sinaksihan
ng libo-libong guro at estudyante.
Ayon kay Dr. Donato
Bueno, city schools division
superintendent,
napaka-
makasaysayan
ng
selebrasyon
ngayong taong ito sapagkat bukod
aniya sa golden anniversary, naging
ISO certified na rin ang dibisyon
noong nakaraang Disyembre.
“Double celebration ito
para sa atin, dahil alam naman natin
kung gaano kahirap magkaroon ng
ISO certification ang isang entity.
Ibig sabhin lamang nasa tamang
landas tayo at sana magtuloy-tuloy
ito sa susunod pang limampung
taon,” sabi ni Bueno.
Sinabi rin ng Dep Ed
head na sinadya nilang agahan
ang pagdiriwang ng kanilang
anniversary upang hindi magkaroon
ng ‘conflict’ sa pagdiriwang din ng
golden anniversary ng lungsod ng
Batangas sa July.
“Ang eksaktong date po
ng ating founding anniversary ay
sa Agosto, subalit pinili po natin na
gawin ng mas maaga sapagkat alam
nyo naman na 50th anniversary din
ng lungsod sa July at sigurado pong
napakarami din nating activities
doon,” dagdag pa ni Bueno.
Bukod
sa
field
demonstration ng mga estudyante,
may inihanda ding rigodon sa gabi
ng unang araw na lalahukan naman
ng mga teachers, principals, at mga
district supervisors.
Sa ikalawang araw ng
selebrasyon, 37 pares na mga
teachers mula sa ibat-ibang paaralan
sa lungsod ang maglalaban-laban
para tanghaling Mr. And Miss
Deped Batangas City 2019. Ito
ay gaganapin sa Batangas City
Convention Center sa March 8,
7:00 ng gabi.
Ang naturang pageant
ay inilunsad bilang isang income-
generating project kung saan ang
malilikom na pondo ay gagamitin
para sa mga improvements na
gagawin sa division office.(PIO
Batangas City)
March 13-19, 2019
Latest sa hair and makeup
nakita sa LGBTQIA-
SILBI’s Aura-Ala-Eh
ANG lahat ng mga hair at
makeup artists na nabibilang sa
LGBTQIA-SILBI
community
sa Batangas ay nagkatipon tipon
at nagpagalingan sa kanilang
larangan kahapon, March 4 sa
tinaguriang Aura-Ala-Eh! sa
Batangas City Sports Coliseum
Ayon sa award- winning
hair and makeup artist na si
Ariane Gamboa at tumatayong
pangulo ng samahan, layunin ng
kanilang proyekto na mabigyan
ng pagkakataong makilala at
maishowcase ang husay at galing
ng kanilang mga myembro at
maitaas ang antas ng pagtingin
sa kanila sa lipunang kanilang
ginagalawan.
Apat na categories ang
pinaglabanan ng mga participants
kung saan nagwagi sa Ladies
Haircut and Blowdry category si
Raymart Bagtas mula sa Batangas
City.
Nanalo
naman
sa
Commercial make-up category si
Alberto Aguila ng Batangas City..
Mula naman sa bayan
ng Bauan si Kenny Aquino na
nagkamit ng unang gantimpala
sa Men’s Haircut and Blowdry
habang si Raul Medrano ang
kampeon sa Bridal makeup.
Lahat ng nagwagi ay
tumanggap ng P 10,000 cash at
trophy.
Tinanghal na overall
champion si Raul Medrano
kung saan siya ay nagkamit ng
P 15,000 na cash prize at trip
for two to Thailand. Siya rin ang
magiging kinatawan ng samahan
sa mga national competition.
Naging batayan sa
pagpili ng mga nagwagi sa
commercial at bridal make up ay
ang make up techniques at color
blending, hairstyling creativity
at total look habang sa Men and
Ladies Haircut and Blowdry
naman ay creativity, technical
mastery at total look.
Nagsilbing hurado dito
sina Edwin Samot, Andy Pasion,
Jackie Rivera, Vianney Guese,
Dennis Santos at Hanz Olivar,
pawang mga batikan at award
winning hairstylists sa bansa.
Nagbigay ng tips at
advice ang mga hurado sa tamang
paraan ng paggupit at pagmamake
up partikular sa blending,
contouring
at
highlighting.
Mahalaga anila na malinis at
pulido ang pagkakagawa.
Ang Aura Ala-Eh! Ay
isang fund -raising project ng
samahan kung saan ang kikitain
mula dito ay gagamitin nilang
pondo bilang pang ayuda sa
kanilang mga myembro gayundin
sa mga susunod nilang proyekto.
Isang fashion show
din ang isinagawa kinagabihan
kung saan tampok ang mga
bridal gowns, evening gowns
at Filipiniana gowns na likha
ng mga pamosong designers
sa lalawigan sa pangunguna ni
Renee Salud.
Nagsilbing mga modelo
ang ilang mga beauty queens
gayundin ang ilang myembro ng
Team EBD na sina Coun. Aileen
Montalbo, Coun. Alyssa Cruz at
Boardmember Claudette Ambid
gayudin ang mga tatakbong
konsehal sa sina Aleth Lazarte at
Ched Atienza.
Lubos ang pasasalamat
ng LGBTQIA-SILBI na may
halos 400 miyembro kay Mayor
Beverley Rose Dimacuha at sa
pamahalaang lungsod ng Batangas
sa suportang ipinagkaloob upang
maisakatuparan
at
maging
matagumpay
ang
kanilang
proyekto.
(Ronna
Endaya
Contreras)
Paaralan lumahok sa
pagdiriwang ng National
Arts Month
dalawang araw na advance celebration ang Department of Education Batangas City ng kanilang 50th anniversary na sinimulan ngayon,
March 7, sa Batangas City Coliseum (PIO Batangas City)
Mga estudyante tinuruan tungkol sa pagpatay sa sunog
OPEN House ngayong Fire Protection
Month ang Batangas City Bureau of
Fire Protection (BFP) upang maipakita
sa publiko partikular sa mga kabataan
ang kanilang mga kagamitan at
mabigyan sila ng kaalaman tungkol sa
sunog.
May 30 grade 9 students ng
Balete Integrated Shool ang sumailalim
sa fire safety lecture.
Naranasan nila ang scenario
ng sunog at kung ano ang mga dapat
gawin sa Fire Suppression Simulation
corner at Smoke Evacuation Simulation
corner. Tinuruan din sila sa first aid
treatment tulad ng cardio pulmonary
resuscitation o CPR sa Emergency
Simulation corner.
Tampok sa isang exhibit
ang display ng fire at disaster rescue
equipment habang mayroon ding
Kiddie Fire Marshal corner para sa mga
pre-schoolers.
Ayon kay Princess Aldovino,
natutunan niya sa gawaing nabanggit
ang ibat-ibang klase ng sunog at
kung ano ang mga dapat gawin kapag
nangyari ito. Dapat aniyang balanse
ang pagbibigay prayoridad sa safety
at security sa tahanan. Binigyang diin
din niya na huwag magpanic o maging
kalmado kapag may insidente ng
sunog.
Bukod sa pasasalamat, binati
naman ni Danson Lagar, Senior HS
teacher ng Balete Integrated School ang
BFP Batangas City sa proyektong ito
na nagbibigay kaalaman at kamalayan
sa mga kabataan sa kahandaan sa
sunog.
Ang BFP Batangas City
Open House ay bukas sa publiko at
kailangan lamang na magpa schedule
ang mga paaralan ng pagbisita dito.
(PIO Batangas City)
ITINANGHAL ng mga dance
groups mula sa iba’t ibang
paaralan sa lungsod ang makulay
na sining at kultura ng iba’t ibang
rehiyon sa bansa, maging ang mga
maka-kanlurang
impluwensya
dito sa pamamagitan ng mga
sayaw sa pagdiriwang ng National
Arts Month 2019 sa lungsod ng
Batangas.
Ang selebrasyon na may temang
Puso… Sining.. Kalinga Caring
for the Arts, Caring for the Artist
ay idinaos noong March 2 sa
Batangas City Sports Coliseum.
Ipinamalas ng Likhang
Batangan Dance Troupe ng Lyceum
of the Philippines University
Batangas ang mga sayaw mula
sa Kabundukan ng Cordillera sa
kanilang Igorot dances.
Hango naman sa mga
likhang sayaw ng National Artist
na si Lucrecia Reyes Urtula ang
itinanghal ng Likhang Sining
Dance Company ng Marian
Learning Center and Science High
School. Kabilang sa kanilang mga
sinayaw ang Danza, Pasadoble,
Pitik Mingaw at Jota Intramurenia.
Kulay Sining Mindanao
o Muslim dances ang itinanghal
ng Indak Bambino ng Casa del
Bambino Emmanuel Montessori.
Ipinakita ng Diwanis
Dance Theater ng Batangas State
University sa kanilang rural
dances ang masayang pagdiriwang
ng Pista ng mga Pilipino. Kasama
sa kanilang mga sinayaw ang
tinikling, modern subli at iba pa.
Ang mga nagtanghal na
grupo ay pawang mga kinikilala
na sa larangan ng sining. Ilan dito
ay nakapagtanghal at nanalo na rin
sa national at international dance
competitions.
Ang taunang pakikiisa
ng Batangas City sa pagdiriwang
National Arts Month ay bahagi pa
rin ng layunin nitong mapanatiling
buhay ang sining at kulturang
Filipino at malinang ang talento
ng mga kabataang Batangueño sa
anumang uri ng sining.
Bilang Center of the
Culture and Arts sa rehiyon,
kaisa ang lungsod ng Batangas ng
National Commission for Culture
and the Arts (NCCA), Cultural
Center of the Philippines at iba
pang ahensya sa pagsusulong
at pagpapaunlad ng kulturang
sariling atin.