Tambuling Batangas Publication March 13-19, 2019 Issue | Page 3
BALITA
March 13-19, 2019
Batangas City Health Office,
nalampasan ang target sa
paghahanap ng TB cases
DOH Region 1V-A, kasunod ng 2017-2022 Strategic TB Elimination Plan of Region IV
Pagsasanay...
Aktibong
nilahukan
ang Climate and Disaster Risk
Assessment ng mga miyembro
ng Provincial Land Use
Committee (PLUC), na binubuo
ng mga kawani ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas mula
sa tanggapan ng PPDO, Office
of the Provincial Agriculturist
(OPAg), Provincial Disaster
Risk Reduction and Management
Office (PDRRMO), Provincial
Government – Environment and
Natural Resources Office (PG-
ENRO) at Provincial Social
Welfare
and
Development
Office (PSWDO).
mula sa pahina 1
Dumalo at nakiisa
rin, bilang bahagi ng PLUC,
ang mga kinatawan ng ilang
bayan at lungsod, kabilang ang
mga Munisipalidad ng Bauan,
Calatagan,
Ibaan,
Malvar,
Mataas na Kahoy, San Luis, at
Tingloy, at mga Lungsod ng
Lipa at Tanauan.
Sa tatlong araw na
seminar-workshop,
isa-isang
ipinaliwanag ng mga taga-
HLURB, sa pangunguna ni
Ms. Lilia Lumbera, Head of
Town Planning and Zoning
Unit, ang bawat detalye sa
pangakahalatang-ideya
na
nakapalaoob sa CDRA.
Ilan sa mga naging
tampok na paksang tinalakay
ang Projected Changes in
Climate
Variables,
Ridge
to Reef Ecosystem Based
Adaptation, Climate Change
Vulnerability at Disaster Risk
Assessment. Dito ay nagkaroon
ng katumbas na pagsasanay
o aktuwal na presentasyon
ang mga partisipante, na higit
na nakatulong sa paglinang
ng kanilang mga kaalaman
at kakayahan patungkol sa
mga paksang nabanggit. Mark
Jonathan M. Macaraig –
Batangas Capitol PIO
Kababaihan binigyang pugay sa kanilang
papel sa pamilya at komunidad
BATANGAS CITY-Mahigit sa
3,000 kababaihan ang nakiisa
at lumahok sa pagdiriwang ng
Buwan ng mga Kababaiahan
sa Batangas City Coliseum
ngayong March 8 kung saan sila
ay binigyang pugay sa kanilang
galing at kakayahan.
Sa kanyang mensahe,
sinabi ni Mayor Beverley
Rose Dimacuha na “hindi
matatawaran ang husay sa
paglilingkod ng mga kababaihan
sa bayan at komunidad.”
Ibinigay niyang halimbawa ang
kanya ina na si dating Mayor
Vilma na naglingkod ng tapat
at ang mga babaeng konsehal
na patuloy na nag lilingkod sa
lungsod.
Binigyang diin ni Mila
Espanola, hepe ng City Social
Welfare
and
Development
Office, ang mahalagang papel
na ginagampanan ng mga
kababaihan hindi lamang sa
kanilang pamilya kundi sa
kaunlaran ng kanilang bayan
at kapakanan ng kanilang
komunidad.
Iba’t ibang gawain ang
tampok sa okasyong kung saan
ipinakita ang ganda, talento at
sipag ng mgakababaihan.
Nahirang
bilang
Babaeng Makakalikasan 2019
at Most Simple si Lucena
Mandigma ng Barangay Conde
Labac.
Ang barangay Conde
Labac ang 1st place bilang may
Pinakamahusay sa Pamamahala
ng Materials Recovery Facility
(MRF) para sa Rural Category
habang ang Poblacion 2 ang first
sa Urban Category.
Ang
may
Pinakamahusay na Pamamahala
ng Mini Nursery, rural category,
ay ang barangay Malalim,
habang sa urban category ay 1st
ang Poblacion 2.
Tampok
din
sa
pagdiriwang ang Barangay
Cluster Presentation kung saan
nagwagi ng first place ang
Cluster 5.
Mayor’s Night muling idinaos sa hosting
ng Batangas City ng PAGSO convention
IPINAKITA ng pamahalaang
lungsod ng Batangas ang
mainit na pagtanggap sa may
200 delegasyon ng Philippine
Association of General Services
Officers (PAGSO) sa idinaos
na Mayor’s Night, March 14, sa
Batangas City Convention Center
bilang host ng 13th PAGSO
CALABARZON
Regional
Convention.
Naging
tampok
sa
Mayor’s Night ang cultural show,
kung saan sa pamamagitan ng
mga sayaw ay ipinakita ang mga
tradisyon at kultura hindi lamang
ng mga Batangueño kundi ng
iba’t ibang rehiyon sa bansa
kagaya ng Igorot, Maria Clara,
Tinikling at iba pa. Isinagawa
ito ng Likhang Sining Dance
Company ng Marian Learning
Center at Science High School.
Naging bahagi din nito
ang skit ukol sa punto ng mga
Batangueño kung saan gumanap
ang mga piling empleyado ng
pamahalaang lungsod.
Ipinakita
rin
sa
pagtatanghal ang talento sa pag-
awit ng mga mag-aaral ng Special
Program for the Arts (SPA) ng
Batangas National High School
at sa makabagong sayaw ng mga
kawani ng pamahalaang lungsod.
Nagpakita ng espesyal na
pagtatanghal ang mga empleyado
ng General Services Department
(GSD) at nagpa raffle din sa
gabing ito.
Naging highlight din
ng gabi ang fashion show ni
Bb. Lungsod ng Batangas 2019
Jeannette Reyes at kanyang mga
runners up kung saan isinuot
nila ang mga gowns na creation
ng local designer na si Arian
Gamboa.
Ang
programa
ay
pinamahalaan ng Batangas City
Cultural Affairs Committee at
ng GSD na siya ring namahala
sa tatlong araw na convention
katuwang ng Provincial GSD.
BINIGYAN ng komendasyon
ng Department of Health
(DOH) Region 4A ang
Batangas City Health Office
(CHO) sa 18% increase sa
target Case Notification Rate
(CNR) nito ng mga taong may
tuberculosis noong 2018.
Mula sa CNR na 317
per 100,000 population noong
2017, tumaas ito sa 385 per
100,000 population o pagtaas
ng 18% sa 2018 performance
indicator ng National TB
Control Program.
Ayon sa DOH Region
1V-A, kasunod ng 2017-2022
Strategic TB Elimination Plan
of Region IV, ang gradual
increase ng CNR ay tinatarget
upang makamtan ang layuning
mahanap ang mga nawawalang
taong may TB. Ang layunin
ng region ay magkaroon ng
at least 10% increase sa 2017
CNR.
Ayon
kay Vicky
Atienza,
nurse
III
at
coordinator ng National TB
Program ng CHO, sa ilalim
ng CNR, kinakailangang ma-
notify ang kanilang tanggapan
at dapat mairehistro ang mga
TB patients.
“Kailangang tutukan
ang mga pasyente, mabigyan
ng de kalidad na serbisyo at
maibigay ng tuloy tuloy ang
pangangailangang medikal ng
mga TB patients, aniya.
Dapat mabantayan o
sumailalim sa case holding ang
isang pasyente upang hindi na
lumala o humantong sa multi
-drug resistant TB sapagkat
ayon sa tala, ang isang TB
patient na hindi magagamot ay
maaaring makahawa ng 10-12
katao sa loob ng isang taon.
Lubos ang pasasalamat
ni Atienza sa kanilang mga
doctor, midwives at barangay
health workers na katulong
nila sa implementasyon ng
kanilang mga programa na isa
sa mga dahilan kung bakit nila
nakamit ang kanilang target.
Ang TB ay dala ng
isang bacteria na may scientific
name na Mycobacterium
Tuberculosis at kung ang isang
tao ay mahilig manigarilyo,
uminom at exposed sa
maduming kapaligiran, madali
siyang tatamaan ng sakit na
ito. Ilan sa mga palatandaan
ng TB ay ang lagnat, ubo na
hindi gumagaling ng mahigit
sa dalawang lingo, panghihina
at pamamayat.
Upang makaiwas sa sakit na
ito , kailangang kumain ng
mga masusustansyang pagkain,
iwasan ang stress,pagpupuyat
at panatilihing malinis ang
katawan at ang kapaligiran.
Madaling kapitan ng
sakit ng TB ang mga kalalkihan
kaysa sa mga kababaihan dahil
sa mga bisyo tulad ng pag-
inom ng alak at paninigarilyo.
Sa ilalim ng TB
Directly Observed Treatment
Short course (DOTS) program
ng CHO, ang pasyente ay
kailangang sumailalim sa
anim na buwang gamutan.
“Tutok Gamutan” ang tawag
sa unang dalawang buwan
kung saan kinakailangan na
pumunta araw araw sa Health
Center upang uminom ng
gamot ang TB patient. Ito ay
pinangangasiwaan ng midwife
o health worker. Kada linggo
naman ang pagpapainom ng
gamot sa susunod na apat na
buwan.
Kada dalawang buwan
ay ineeksamin ang pasyente
upang malaman kung positibo
pa din o negatibo na ito sa TB.
Ganap nang magaling sa TB
ang pasyente pagkatapos ng
anim na buwan.
May 1,225 kaso ng TB
ang naitala sa Batangas City
noong 2018 kung saan ang
target CNR ay 1,218. Mula sa
90% na success treatment rate,
nakakuha ang CHO ng 93%.
Ipinabatid din ni
Atienza na sa pakikipagtulungan
sa DOH Region IVA, isang TB
mass screening ang isasagawa
sa Teachers Conference Center
sa March 27 kung saan 200 ang
target nila.
Aanyayahan nila ang
mga diabetic at hypertensive
patients gayundin ang mga
tricycle drivers at mga kasama
sa bahay ng mga TB patients na
itinuturing na kabilang sa high
-risk group upang dumalo dito.
Bibigyan sila ng libreng chest
xray.
Patuloy din sila sa
pagsasagawa ng lecture sa mga
barangay para sa awareness
sa naturang sakit at upang
hikayatin ang mga pasyente na
lumantad upang magpagamot.
Payo ng CHO sa mga
TB patients na nagpapagamot
sa mga private doctors na
hindi na kayang isustain ang
pagbili ng gamot, makipag
ugnayan lamang sa CHO
upang masiguro ang kanilang
paggaling. Huwag ding itago
at ikahiya ang sakit na TB at sa
halip ay agad ipagamot. (PIO
Batangas City)