Tambuling Batangas Publication March 13-19, 2019 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
March is Fire ... p.5
Latest sa hair and makeup
nakita sa LGBTQIA-SILBI’s
Aura-Ala-Eh p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Responsableng pag
aalaga ng mga hayop,
tuon sa Rabies Awareness
Month p. 5
Batangas City Health Office,
nalampasan ang target sa
paghahanap ng TB cases p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 11 March 13-19, 2019
P6.00
Buwan ng Kababaihan ipinagdiriwang
BATANGAS CITY-Bilang bahagi
ng pagdiriwang ng Buwan ng
Kababaihan ngayong Marso, muling
nagtipon tipon ang mga kababaihan
sa Plaza Mabini bandang 7:00 ng
umaga at lumahok sa One Billion
Rising kung saan sila ay sabay sabay
nagsayaw ng zumba bilang simbolo
ng pagkakaisa at pagbangon sa
paglaban sa anumang karahasan at
pang-aabuso.
Lumahok dito ang mga city
officials sa pangunguna ni Mayor
Beverley Dimacuha at Cong. Marvey
Mariño kasama ang mga miyembro
ng Kalipunan mg Liping Pilipina
(KALIPI), Social Workers, CSWDO
staff, Batangas City Police at ang
Plaza Mabini Aerobics Club (PMAC)
Ayon kay City Social
Welfare and Development Officer
Mila Espanola, nakapaloob sa
pagdiriwang na ito ang pagtalakay
sa Self and Social Enhancement
at ang Violence Against Women
and Children upang mabigyan ng
edukasyon ang mga kababaihan
kung papaano nila pangangalagaan
ang kanilang karapatan at kapakanan
alaban sa anumang uri ng pang-
abuso at karahasan. Kailangan din
nilang malaman ang mga batas na
sumasakop sa kanilang karapatan.
Naging
panauhin
sa
nasabing pagdiriwang si Emmi De
Jesus, representative ng Gabriela
Women’s Party.
Ayon sa kanya, ito ang
pinakamainam na panahon upang
bumangon ang mga kababaihan
laban sa karahasan. “Sa tumitindi
at palalang pang-aapi hindi lamang
sa mga kababaihan kundi sa
sambayanan, walang ibang direkson
kundi pagbangon, pagbalikawas at
pagkakaisa upang tutulan at labanan
ang lahat ng porma ng pang-aapi sa
kababaihan,” sabi ni De Jesus.
Bago
ito,
nagsimula
nagkaroon na ng mga pagpupulong sa
mga kababaihan sa bawat cluster ng
barangay kung saan isang pagbabalik
aral ukol sa Gender and Development
(GAD)
at
mga
programang
pangkalusugan ng pamahalaang
lungsod para sa mga kababaihan.
Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey Mariño kasama ang mga miyembro ng Kalipunan mg Liping Pilipina
(KALIPI), Social Workers, CSWDO staff, Batangas City Police at ang Plaza Mabini Aerobics Club (PMAC)
3 top-notchers sa Mechanical Engineering board
BOC Batangas February 2019 exam mula sa Batangas City
ng Batangas State University at
Mindanao State University.
collection tumaas ng 3.6%,
umabot ng P11.3 Bilyon
NAKAPAGTALA ang Batangas
Collection District ng Bureau of
Customs (BOC) ng P 11.3 bilyon
revenue collection nitong buwan
ng Pebrero 2019, ayon sa Customs
Finance Service Office.
Isa ang Port of Batangas,
na nagrehistro ng 3.6% collection
growth, sa 12 collection districts sa
buong Pilipinas na nalampasan ang
kanilang revenue targets ngayong
Pebrero, kumpara sa kaparehong
panahon noong nakaraang taon.
P 395 milyon ang tax
collection surplus ng Batangas
Customs port district, na direktang
resulta ng wastong pagtatasa at
pag-uuri ng taripa na ipinatutupad
ngayon sa lahat ng mga port sa
bansa.
Dahil dito, binigyang
papuri ni BOC Commissioner
Rey Leonardo Guerrero ang
mga kawani ng ahensya dahil sa
kanilang sama-samang pagsisikap
upang maabot ang mga mandato
ng kanilang tanggapan. Batangas
Capitol PIO
Tatlo sa Batangas City ang naging
top notchers sa February 2019
Mechanical Engineering Licensure
Examination kung saan ang isa ay
naging EBD scholar.
Nag courtesy call kay Mayor
Beverley Rose Dimacuha sina Jayson
Perez, Jerwin Mendoza, at Patrick
Joshua Rivera na pawang mga
graduates ng University of Batangas
(UB).
Si Perez ang naging Top 1 sa kanyang
score na 92.4%, si Mendoza naman
na naging EBD scholar ang Top 6 sa
kanyang score na 90.3% habang si
Rivera ang Top 7, 90.25%.
Malugod na binati ni Dimacuha
ang mga estudyante at pinayuhan
na pagbutihin pa ang mga ginagawa
upang makatulong sila sa kanilang
mga magulang. “Pride kayo ng
lungsod at ng probinsiya ng Batangas
at nawa’y maging mabuting modelo
kayo ng isang tunay na kabataang
Batangenyo,” sabi ng Mayor.
Binigyan din niya ng cash incentive
ang mga ito.
Ayon kay Perez, sa kabuuang 3,046 na
examinees sa buong Pilipinas, 1,538
lamang ang nakapasa. Sa kanilang
eskwelahan ay 83 ang pumasa sa
103 na board examinees. Dahil sa
mataas na passing rate, napabilang
ang UB sa top 3 universities sa likod
Sinabi naman ni Mendoza na
“malaking bagay po ang pagiging
EBD scholar ko kasi ako po ang
panganay sa aming magkakapatid.
Medyo hirap din naman po kami kasi
lahat kami nag-aaral pa. Kaya yung
ayuda ng city government ay tamang-
tama sa kagaya namin na nagnanais
makapagtapos ng aming pag-aaral.”
“Maraming
salamat
sa
city
government lalo na po kay Mayor
Dimacuha at tuloy-tuloy ang
EBD scholarship program. Isa
po ako sa makapagpapatunay na
marami
talagang
natutulungan
ang proyektong ito,” dagdag pa ni
Mendoza.
Pagsasanay sa Climate and
Disaster Risk Assessment,
isinagawa
Fostering Engagement in Climate and Disaster Risk Assessment. Matagumpay na naisagawa ang tatlong araw na seminar-workshop, sa
pangunguna ng Provincial Planning and Development Office, katuwang ang Housing and Land Use Regulatory Board Region IV-A, na
tumalakay sa usapin ng Climate Change at Disaster Risk Assessment bilang pagtugon sa Local Planning System ng iba’t-ibang bayan
at lungsod sa Probinsya ng Batangas. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO / Photo: Batangas PPDO
MAGKABALIKAT
na
pinangasiwaan ng Provincial
Planning and Development
Office (PPDO) at Housing
and Land Use Regulatory
Board (HLURB) Region IV-A
ang tatlong araw na seminar-
workshop, na nakatuon sa
Climate and Disaster Risk
Assessment (CDRA), noong
ika-5 hanggang ika-7 ng Marso
2019 sa PPDO Conference
Room, Capitol Compound,
Batangas City.
Ang
nasabing
pagsasanay ay isinagawa bilang
requirement sa paghahanda at
pag-update ng Comprehensive
Land and Water Use Plan
(CLWUP) ng iba’t-ibang bayan
at lungsod sa Lalawigan ng
Batangas.
Kaugnay ito sa layuning
magbalangkas ng mga plano at
ulat na higit, na makakatulong
sa Local Planning System,
upang mas maunawaan pa nang
husto kung paano makakaapekto
sa pag-unlad ng isang lokalidad
ang mga natural na panganib at
pagbabago sa klima.
Sundan sa pahina 3..