Tambuling Batangas Publication March 07-13, 2018 Issue | Page 3

BALITA Marso 07- 13, 2018 Sico Jail walang droga sa isinagawang Oplan Linis Piitan Bagamat walang nakitang droga, may nakumpiska pa ring mga kontrabando na pwedeng makapanakit at gamitin sa anumang karahasan sa bilangguan. BFP ... produkto ng kanilang bayan kung saan maaari rin itong makilala sa ibang mga lugar hindi lamang sa lalawigan kundi maging sa buong Pilipinas. Sa mensahe naman ni Mayor Edna Sanchez, sinabi nito na lubos niyang ipinagmamalaki ang lahat ng mga magsasaka ng kanilang bayan dahil sa ang mga lokal na produktong ito na tampok sa festival ay nagmula sa kanila. Nagpahayag din ng patuloy na pagsuporta ang lokal na pamahalaan sa mga programang mula sa pahina 1 kaakibat ng agrikultura. Binanggit pa ni Sanchez na may mga magsasaka sa kanilang bayan ang nakalinya na upang umalis at sumailalim sa iskolarship grant sa Korea at nagpahayag pa na maaari ding magkaroon ng sisterhood agreement ang bayan ng Sto. Tomas sa bansang Korea tulad ng ibang mga bayan sa lalawigan para sa pagpapalawak pa ng kaalaman sa pagsasaka. Bahagi ang naturang festival ng pagdiriwang ng ika-352 taong kapiyestahan ng bayan sa pamamatnubay ng patron na si Sto. Tomas de Aquino. Bukod pa sa agri- trade fair, ilang aktibidad din ang kabilang sa festival tulad ng medical mission, amateur boxing, amateur singing contest, job fair, bloodletting, Ms. Gay competition, car show, battle of the band, Ms. Mahaguyog competition, Serenata, Mardi Gras 2018 at sa Marso 7 na mismong araw ng kapistahan ay magkakaroon ng prusisyon at “variety show” na maaaring daluhan ng mga Tomasino at sinumang nagnanais na masaksihan ang mga aktibidad na ito. (GG/BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS) Karagatan at hangin sa lungsod ligtas sa kontaminasyon ayon sa city ENRO head NAG-ULAT ang hepe ng City ENRO na si Oliver Gonzales sa sitwasyong pangkapaligiran ng lungsod sa regular session ng Sangguniang Panlungsod nitong March 6 kung saan sinabi niya na maayos pa ang kondisyon ng mga karagatan at kalidad ng hangin sa lungsod. Ayon sa kaniya, ang kanilang tanggapan ay mahigpit na bumabatay sa Environmental Code ng lungsod. Sila rin aniya ang may responsibilidad kung ang paguusapan ay ang environmental situation ng hangin, lupa, tubig at maging ng ilalim ng tubig sa buong syudad. “Malugod ko pong ibinabalita sa inyo na ligtas pa po sa kontaminasyon ang mga bodies of water maging ang hangin sa ating lungsod. Dito po ay katulong natin ang University of the Philippines Los Banos (UPLB) sa pagmomonitor ng mga dagat, ilog, at karagatan dito sa ating lungsod,” sabi ni Gonzales. Ayon pa sa kanya, mayroong anim na air quality monitoring stations sa lungsod kung saan dito ginagawa ang quarterly air testing upang masiguro na ligtas ang hangin na ating nilalanghap. Ito ay nasa Balagtas, Bolbok, Libjo, Plaza Mabini, Old Market at sa itaas ng CENRO building. “Ang medyo challenging lamang po sa lungsod ay ang ating ilog ng Calumpang. Marami na pong outside factors kung bakit patuloy ang pagdumi ng ilog. Kaya’t nanawagan po ako hindi lamang sa mga taga- lungsod ng Batangas kundi maging sa karatig bayan natin na magtulungan tayo kung gusto nating muling maibalik ang ganda ng Calumpang River,” dagdag ni Gonzales. Siniguro din niya na mas hihigpitan nila ang pag- iisyu ng City Environment Certificate (CEC) sa mga nagnanais magtayo ng resort sa lungsod. Nagsimula na silang mag-imbentaryo ng mga beach resorts upang masiguro na sumusunod sila sa CEC partikular ang paglalagay ng waste water treatment facility upang hindi aniya mapagaya ang lungsod sa isla ng Boracay. Sinagot rin ni Gonzales ang usapin hinggil sa 0-Waste Management na binuksan sa sesyon. “Ang landfill at hauling ay nasa ilalim ng isang pribadong kumpanya, pero kahit private ito, kailangan pa rin nilang sundin ang nasa environmental certificate.” “Mayroon po tayong multi-partite monitoring team na quarterly ay nagmomonitor ng operasyon ng hauling at landfill. Sa ngayon po, isinara ang 3.7 hectare ng landfill para sa ginagawang rehabilitation nito. Sa kasalukuyan po 1 ektarya lamang ang operational sa landfill at pinaglalagakan ng mga basurang nakokolekta araw- araw,” pagtatapos ni Gonzales. Samantala, muling kinumpirma ng Sanggnuniang Panglunsod si Gonzales bilang Department Head 1 ng kanilang opisina. Ang CENRO ay dating isang dibisyon lamang sa ilalim ng City Mayor’s Office at naging ganap na isang departamento noong 2013. Dahilan sa pagkakamali ng designation ni Gonzales bilang department head, kinakailangang ikumpirma muli si Gonzales ng konseho sa utos ng Department of Budget and Management (DBM). Nagpasalamat si Gonzales sa Sangguniang Panlungsod at nangakong hindi sisirain ang pagtitiwala ng mga ito sa kanya. (PIO Batangas City) BATANGAS CITY- Walang drogang natagpuan ang mga tauhan ng Batangas City Police, SWAT team at Bureau of Jail Management and Penology(BJMP) sa San Jose Sico Jail sa isinagawa nitong Oplan Linis Piitan. Bagamat walang nakitang droga, may nakumpiska pa ring mga kontrabando na pwedeng makapanakit at gamitin sa anumang karahasan sa bilangguan. Kabilang dito ang mga pang ahit o razor, electrical cord, cable, mga pamalong dos por dos at iba pang pointed objects. Nakuha din ang ibat-ibang improvised na patalim na gawa sa kutsara, kawad, handle ng timba at marami pang iba. Ayon sa jail warden na si J/Supt. Lorenzo Reyes, mahigit na 500 inmates ang nakakulong sa nasabing piitan subalit bumaba na ito kumpara noong isang taon na mahigit 600 ang preso. Mahigpit aniya sila sa mga bumibisita sa mga preso upang maiwasan ang pagpupuslit ng mga droga at mga bagay na pwedeng gawing weapons. “May mga incident tayo na na encounter tulad ng mga nagtatapon ng mga kontrabando over the bakod kaya nakipag coordinate ako sa local government upang makapag pasa ng ordinansang ipinagbabawal ang pagdadala ng kontrabando at maparusahan ang mga lalabag upang hindi na ito maulit pa. As of now, ang nagiging sanction lang natin ay administrative offense kung saan binibigyan lang namin ng cancellation ang kanilang visiting privilege for several days,” sabi ni Reyes. Bilang bahagi ng kanilang social responsibility sa mga inmates, may livelihood program ang BJMP kung saan ibinebenta ang mga produktong gawa ng mga preso sa mga trade fair ng kanilang ahensya na ginagawa buwan buwan sa ibat-ibang bayan ng probinsiya. Binibigyan din ng pagkakataong makapag-aral ang mga bilanggo sa pamamagitan ng Alternative Learning System ng Dep Ed. Sumasailalim din sila sa values formation seminar, HIV seminar at family planning lectures. Bumibisita naman ang mga lawyers ng Public Attorney’s Office upang gumawa ng one-on-one consultation sa mga preso tungkol sa kanilang mga kaso.(PIO Batangas City) PBA Commissioner Willie Marcial, Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas SA isinagawang lingguhang pagpupugay sa watawat ng Pilipinas, masayang pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner na si Willie Marcial noong ika-5 ng Marso 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City. Si Marcial, isang Batangueño na tubong Lungsod ng Batangas, ay nahirang na ika-10 Commissioner ng kauna- unahang professional basketball league sa Asya. Bago ito, siya PBA Media Bureau Chief simula pa noong 2003. Sa kauna- unahang pagpupulong ng PBA Board of Governors ngayong 2018, naging unanimously appointed si Marcial noong ika- 25 ng Enero. Binigyan siya ng tatlong taong termino bilang ika- 10 PBA Commissioner pagkatapos nina Leo Prieto, Mariano Yenko, Rudy Salud, Rey Marquez, Jun Bernandino, Noli Eala, Sonny Barios, Chito Salud at Chito Narvasa. Sa loob ng 34 na taon sa PBA, naging parte na rin si Marcial ng PBA management team sa panahon ni Eala. Nakilala din siya bilang statistician sa panahon naman ni Prieto at naging floor director kasama ang TV coverer na Vintage Enterprise noong panahon ni Salud hanggang kay Bernandino. Ayon sa isang panayam kay PBA Chairman Ricky Vargas, si Willie Marcial ang lider na kailangan ng PBA sa kasalukuyang panahon. Sinabi rin niya na si Marcial ang magiging healing commissioner at tagapangasiwa sa mga pagbabago na muling pagbabalik ng kanilang samahan. Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO