Tambuling Batangas Publication March 07-13, 2018 Issue | Page 2

BALITA Batangueña Outstanding Farmer Technician. Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas si Melinda Mendoza, Agriculturist II at Good Agricultural Practices (GAP) Focal Person ng Office of the Provincial Agriculturist ng Lalawigan ng Batangas, na nauna nang hinirang ng Rotary Club of San Pascual and Rotary International bilang natatanging lingkod bayan at Outstanding Farmer Technician noong ika-17 ng Pebrero 2018. Kasama sa larawan sina Vice Gov. Nas Ona at mga bokal ng Sangguniang Panlalawigan, Provincial Agriculturist Pablito Balantac at Provincial Administrator Levi Dimaunahan. Almira M. Eje / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO Mga.... na magsasaka ang nakahandang ipadala sa Chuncheon City, South Korea na nakatakdang simulan sa buwan ng Abril 2018. Magmumula ang mga ito sa 9 na bayan ng lalawigan, kabilang na ang Mataas na Kahoy, Malvar, Sto. Tomas, Taysan, Rosario, San Pascual, San Luis, Balete at Lipa City. Ilang FARMERS rin mula sa Provincial Agriculture Office ang makakasama sa mula sa pahina 1.. grupo upang makibahagi rin sa nasabing pagsasanay tungkol sa pagsasaka. Ang mga magsasakang Batangueño, na mananatili sa Chuncheon City ng 90 araw o tatlong buwan, ay magiging responsible sa wastong pangangalaga ng mga pananim, pag-ani at pagbabalot o pagpapake sa mga agricultural products. S a m a n t a l a , ang mga gagastusin para sa kinakailangang requirements kagaya ng passport, visa, airfare at medical ay sagot ng mga magsasaka. Ngunit, ayon sa komite, nakahanda naman ang kani-kanilang munisipyo sa maaaring maging tulong ng mga ito. Bago lamang ang programang ito at inaasahan na magiging maayos at maganda ang kalalabasan ng programa. Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO Pagsasanay Tungkol sa Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa, Isinagawa UPANG mapabuti ang kakayahan sa pagtratrabaho at kabuhayan ng sektor ng kababaihan sa Lalawigan ng Batangas, isinagawa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), katuwang ang mga non- government organizations at local government units, ang pagsasanay sa Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa na ginanap noong Pebrero 12 hanggang 16, 2018 sa Cuenca, Batangas. Ang pagsasanay na dinaluhan ng 30 miyembro ng Cuenca Municipal Women Coordinating Council (MWCC) ay napiling isagawa sapagkat, bukod sa in-demand ito, ang ganitong uri ng kabuhayan ay maaaring trabahuhin sa kanilang mga libreng oras. Nabigyan din ng starter kit ang mga dumalo. Ang proyektong ito ay pinangunahan ni Ms. Marites De Chavez, Admin Aide IV ng PSWDO, na tatayong pangunahing tagapagsanay. Target ng proyekto na makapagbigay kasanayan sa 240 kababaihan mula sa iba’t ibang bayan ng Batangas. Inaasahan namang ang mga dumalo ay magkakaroon ng pagkukunan ng kabuhayan, tataas ang tiwala sa sarili at maiaangat ang estado sa buhay maging ng kanilang pamilya. Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO Orientation on Culture, Isinagawa ng PTCAO at NCCA sa kultura III, kinatawan ng NCCA; at nakatuon BILANG bahagi sa selebrasyon ng National Arts Month, isang orientasyon patungkol sa kultura ang isinagawa ng Provincial Tourism Culture and Arts Office (PTCAO), katuwang ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (National Commission for Culture and the Arts), na ginanap sa Batangas Country Club, Batangas City noong ika- 23 ng Pebrero 2018. Ang nasabing programa ay dinaluhan ni Board Member Claudette Ambida- Alday para sa pambungad na pananalita; Mr. Bernardo M. Arellano Atty. Slyvia M. Marasigan, Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer. Kasama ring nakiisa ang mga kasaping bumubuo ng Batangas Culture and Arts Council mula sa magkakaibang sector at mga nasa local media organizations. Layunin ng orientasyon na mas lalong pagtibayin at palawigin pa ang kaalaman ng bawat council members upang buhayin at pagyamanin ang kulturang Pilipino sa Lalawigan ng Batangas. Tinalakay ni Mr. Arellano ang paksang alinsunod sa National Cultural Heritage Act 2009 para bigyang proteksyon at mapanatili ang kasaysayan at pamanang kulturang Pilipino na nagmula pa sa ating mga ninuno. Sa pagtatapos ng programa, nagpasalamat si Atty. Marasigan sa lahat ng mga naglaan ng kanilang oras upang makiisa sa naturang orientasyon at umaasang maibahagi ang mga kaalaman sa kani-kanilang nasasakupang bayan para sa pagtutulungan at pag-angat ng kulturang Batangueño. Ma. Cecilei C. De Castro – Batangas Capitol PIO Marso 07- 13, 2018 Empleyado ng Provincial Agri Office, Pinarangalang Outstanding Farmer Technician Nagsimula siya sa paghawak BILANG pagpupugay sa hindi matawarang dedikasyon at pagmamahal sa kanyang tungkulin, hinirang ng Rotary Club of San Pascual and Rotary International bilang natatanging lingkod bayan at Outstanding Farmer Technician si Ms. Melinda Mendoza, Agriculturist II at Good Agricultural Practices (GAP) Focal Person, mula sa Office of the Provincial Agriculturist ng Lalawigan ng Batangas noong ika-17 ng Pebrero 2018. Binigyang pagkilala din ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas si Ms. Mendoza sa Flag Ceremony ng mga kawani ng Kapitolyo noong ika-26 ng Pebrero 2018. Sa isang panayam, ibinahagi ni Ms. Mendoza na mahigit 26 taon na siya sa serbisyo at madami na rin siyang naging kontribusyon. Pinagsama.... I. Bausas; Provincial Administrator Librado G. Dimaunahan; at Mr. Cesar Montano, Chief Operating Officer ng Tourism Information Board. Inilahad ng bawat council member ang kani- kanilang mga panukalang proyekto na maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng pagsang- ayon ng mga bumubuo nito para sa aktibo at progresibong Lalawigan ng Batangas. Ilan sa mga nabanggit ay ang pagkakaroon ng tinatawag na e-Hub o electronic Hub sa mga barangay at Farming Mechanization o pagpapagawa ng mga makabagong makinarya para sa pag-ani at produksyon ng kape na magsisilbing tulay at gabay sa modernong panahon, katulong ang Batangas State University College of Engineering. Dagdag pa rito, ang pagbibigay ng suporta sa mga imprastraktura, pangangalaga at pagpapanatili ng mga Cultural Heritage ng Batangas at ang pangangalaga ng tatlong mahahalagang baybayin sa lalawigan na kinabibilangan ng Batangas Bay, Balayan Bay at Tayabas Bay. Dalawang.... Narito na rin ang Meralco crew at naglagay ng insulators sa mga high- tension wires. Hanggang ngayon ay hindi pa passable ang kalsada kayat marami ang taong naglalakad. Nakita rito sina Konsehal Armando Lazarte, Nelson Chavez at Oliver Macatangay na tumulong sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko at pangangasiwa sa kaligtasan ng mga tao. sa mga organisasyon at nagbibigay din ng mga kaalaman sa pamamagitan ng trainings at lectures sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Batangas. Tinalakay naman niya ang tungkol sa mga programang isinasagawa ng kanilang tanggapan, kabilang ang vegetable production project, corn seed production project, organic agriculture, rice production assistance project, food agricultural practices at seed assistance. S a m a n t a l a , pinagtuunan niya ng pansin ang tungkol sa organic farming. Aniya, wala silang chemical na ginagamit sa kanilang mga pataba sapagkat nakalalason ito sa lupa, lalong lalo na sa mga pangunahin nilang pananim tulad ng kamatis, ampalaya, okra, sili at kalabasa. Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO mula sa pahina 1.. Sa mensahe naman ni Gov. Dodo Mandanas, ipinahayag nito na sa pagsusulong ng pag- amyenda sa Saligang Batas na maging Federal System, isa lamang umano ang kanilang kahilingan at ito ay ang pagkakaroon ng malakas na Local Autonomy sa mga lalawigan. Ito aniya ang paraan upang mapabilis ng mga local government units ang mga programang pangkaunlaran nito at maging daan upang ang mga malalaking industriya at transportation hubs ay mailipat na sa mga lalawigan upang makatulong sa decongestion o pagpapaluwag ng Metro Manila. Kaugnay nito, binigyang-linaw din ng gobernador na ang dahilan ng pagpapaganda at pagsasaayos ng buong lalawigan ay para sa mga ipinagmamalaking mamamayan nito, ang mga Batangueño, na siyang pangunahing likas yaman ng Batangas at may malaking potensiyal na maging mga susunod na mamumuno sa mga darating na henerasyon, taglay ang dignidad at integridad. Ma. Cecilei De Castro – Batangas PIO Capitol mula sa pahina 1.. Nagpadala naman ang pamahalaang lungsod ng mga sasakyan upang makapaghatid ng mga tao palabas at papasok ng barangay.Nagbigay din ng libreng sakay ang Batangas Blades at Triskelion na mga samahan ng mga motorcycle drivers. Inaasahan na matatapos ng ang clean- up operation mamayang hapon. (PIO Batangas City)