Tambuling Batangas Publication March 07-13, 2018 Issue
Papel ng mga mga kababaihan sa komunidad... p.5
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Empleyado ng Provincial
Agri Office, Pinarangalang
Outstanding
Farmer
Technician p. 2
Sico Jail walang droga sa
isinagawang Oplan Linis
Piitan p. 3
Fading memory or a
concerted effort to make
people forget?
p. 5
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 11
Marso 07 - 13, 2018
P6.00
Pinagsama-samang Pwersa ng mga Batangas
Province Councils, Nagsagawa ng Pagpupulong
ISANG pagpupulong ukol
sa
pagbabalik-tanaw
sa
mga natapos na proyekto
noong 2017 at mga planong
aktibidad ngayong taon ang
magkakasamang isinagawa ng
Batangas Province Investment
Council (BPIC), Information
and
Communication
Technology (ICT) Council
of the Province of Batangas,
Batangas Tourism Council
(BTC),
Metro
Batangas
Business Club Inc., at
Batangas Forum for Good
Governance, Inc. ang ginanap
sa Bulwagang Batangan
ng Office of the Provincial
Governor (OPG) noong ika-
26 ng Pebrero 2018.
Ang joint council
meeting ay pinangunahan ni
Gov. Dodo Mandanas kasama
ang lahat ng mga opisyal
at miyembro na bumubuo
ng pinagsamang konseho
na kinabibilangan nina Mr.
Warlito P. Guerra ng Batangas
Province Investment Council
ng (BPIC); Mr. Juan Lozano
ng Batangas Tourism Council
(BTC); Mr. Francisco Lirio
ng Batangas Forum for
Good Governance Inc.;
Mr. Rene Lopez at Ms.
Concepcion Quimzon ng
Provincial Information and
Communication Technology
Council (PICTC); Provincial
Planning
Development
Coordinator
Benjamin
sundan sa pahina 2
Dalawang trucks
nagbanggaan sa Libjo
DALAWANG
tanker
trucks ang nagbanggaan
sa barangay Libjo D’ Hope
bandang 4:15 kaninang
madaling araw.
Natumba ang isang
truck na may lamang 20,000
liters ng diesel at tumagas
sa kalsada hanggang sa
kanal ang 10,000 liters.
Hindi naman nasaktan ang
driver nito. Napag-alaman
na ang truck na papunta na
ng Manila ay pag-aari ng
NPIJJV Transport Inc.
Nagtamo
naman
ng sugat ang driver ng
pangalawang truck at
dinala sa ospital. Ang
truck ay papuntang Shell
Refinery upang kumuha ng
produkto. Iniimbistigahan
pa ng Batangas City
Police kung sino ang may
kasalanan sa nangyaring
aksidente.
Ayon kay Fire
Marshal. Glen Salazar
agad nilang nilagyan ng
lupa ang kalsada upang
huwag magkaroon ng
fumes Nagsasagawa sila
ngayon ng flushing ng
kalsada at draining ng
truck ng diesel.
Naghahanda na ang
mga crew ngayon upang
maitindig ang natumbang
truck.
sundan sa pahina 2
Joint Councils Meeting for a Rich Batangas. Pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas ang joint meeting ng Batangas Province Investment Council (BPIC),
Information and Communication Technology (ICT) Council of the Province of Batangas, Batangas Tourism Council (BTC), Metro Batangas Business
Club Inc., at Batangas Forum for Good Governance, Inc. na ginanap sa Bulwagang Batangan ng Office of the Provincial Governor sa Lungsod ng
Batangas noong ika-26 ng Pebrero 2018. Kabilang sa mga dumalo si Tourism Information Board Chief Operating Officer Cesar Montano. Ma. Cecilei De
Castro / Photo: Karl Ambida – Batangas PIO Capitol
Livelihood at Agricultural Trade Fair tampok sa 9th
Mahaguyog Festival
Mamerta P. De Castro
STO.TOMAS, Batangas,
(PIA)
--
Muling
ipinagdiwang
ang
Mahaguyog Festival simula
Pebrero 27 hanggang
Marso 7 sa bayang ito.
Ang Mahaguyog
na kumakatawan sa mga
pangunahing
produkto
ng bayan tulad ng mais,
halaman, gulay at niyog
ay tampok sa pagbubukas
ng kanilang livelihood and
agricultural trade fair sa
Town Plaza at nilahukan
ng mga samahan ng
magsasaka sa naturang
bayan.
Ayon
kay
Concepcion Duka mula
sa Municipal Agriculture
Office at isa sa punong abala
sa trade fair, lahat ng mga
tampok sa aktibidad na ito
ay rural-based agriculture
at nanawagan siya sa mga
Tomasino na tangkilikin
ang mga lokal na produkto
ng mga exhibitors.
Kabilang sa mga
produktong tampok sa
agri-trade fair ang buko
wine, tapang kabayo, tapang
kalabaw,
gabotcharon,
gabusisi, guyabano juice,
buko kalamay, carrot juice,
polvoron, chicken siomai,
pakumbo, bags, doormat,
sumang balinsungsong at
iba pa.
Sinabi ni Councilor
Florence
Mabilangan,
chairman ng komitiba
na nagsaayos ng mga
aktibidad dito, ito ay isang
paraan upang maipakita
ang ilan lamang sa mga
maipagmamalaking
Sundan sa pahina 3..
Mga Batangueñong Magsasaka Ipapadala
sa Chuncheon City, South Korea
Batangas – Korea Partnership. Kabilang si Engr. Pablito Balantac, ang Provincial Agriculturist ng Batangas Province, sa Executive
Committee, na binuo upang magsagawa ng screening sa mga Batangueño farmers na ipadadala sa Chuncheon City, South Korea para
sa 2018 Seasonal Guest Trainee Program.
UPANG
mahasa
sa
pagsasaka at maturuan ng
mga advanced farming
technologies ang mga
magsasakang Batangueño,
isang
programa
ang
magkabalikat
na
itinaguyod
ng
Pamahalaang
Panlalawigan
ng
Batangas at Pamahalaang
Panlungsod ng Chuncheon
City, South Korea. Ito
ay ang 2018 Seasonal
Guest Trainee Program
kung saan magpapadala
ang ating lalawigan ng
mga guest farmers upang
magsanay at magtrabaho
sa
bansang
Korea.
Katulong
sa
nasabing programa ang
Executive Committee, na
binuo upang magsagawa
ng screening sa mga
nasabing guest farmers,
na kinabibilangan nina
Gov. Dodo Mandanas,
ang chairperson; Vice
Chairperson Engr. Pablito
Balantac ng Provincial
Agriculture Office; Dr.
Rommel Marasigan ng
Provincial
Veterinary
Office; at Atty. Sylvia
Marasigan,
Provincial
Tourism and Cultural
Affairs Officer na naging
committee
secretary.
Nasa
100