Tambuling Batangas Publication March 07-13, 2018 Issue | Page 4

OPINYON Marso 07- 13, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Preventive Action THE finding of the Department of Health’s investigation team that at least three deaths may be related to Dengvaxia should prompt concerned authorities to adopt preventive actions to stop any unnecessary deaths. To date, the autopsy the Public Attorney’s Office had conducted on 14 school children injected with Dengvaxia had shown an alarming patterns of symptoms consistent with dengue. As for the DOH team, they acknowledged that three of the 14 had developed dengue after immunization, and that there was “vaccine failure” in two of the three cases. What should be done? There should be a massive information campaign to notify parents whose children were given Dengvaxia shots and advise them to seek immediate medical attention if certain symptoms manifest in their children. Likewise, the DOH should institute a clear cut protocol governing public hospitals in the admission and treatment of Dengvaxia recipients. While Health Secretary Francisco Duque had announced free treatment there were several complaints about non-compliance. The initial amount of P1.4 billion that vaccine manufacturer Sanofi has refunded may be utilized to support a treatment program for Dengvaxia recipients. Likewise, the public hospitals should now automatically factor in Dengvaxia in assessing the condition of patients belonging to the age group targeted by the vaccination program. We must put top priority on measures to protect our children’s lives. We can then go after those responsible for this health tragedy. Ni Teo S. Marasigan BAYAN NG BAYLOSIS PART 2 KATULAD ng marami niyang kahenerasyon, nag- underground siya para lumaban sa diktadurang US-Marcos. Maraming taon siyang-organisa sa hanay ng mga magsasaka, manggagawa at katutubo ng Cordillera. Inialay niya ang talino at lakas sa paglilingkod sa masa, sa piling ng masa, nang handang mag-alay kahit ng buhay kung kailangan. Pinapasinungalingan ng buhay ni Baylosis ang tiradang hambog ni Duterte. Nag-aral siyang mabuti, pero nakisangkot sa lipunan at lumaban sa diktadura. Sa mga iskolar ng bayan na tulad niya, sulit ang buwis ng mga mamamayan: sa pag-aaral sa UP, nagkaroon ng buong buhay na aktibismo para sa maka-masang pagbabago. Ginamit niya ang talino at lakas para tumulong magbigay ng edukasyon, sa teorya at praktika, sa mga katutubo, sa mga Igorot sa kaso niya. Nakulong siya sa maagang yugto ng batas militar, pero nagpatuloy sa pakikibaka nang makalabas sa piitan. Kung naniniwala tayong ang paglaban ng masa sa buong bansa ang talagang nagpahina at nagpatalsik sa diktadurang US-Marcos, dapat kilalanin ang kabayanihan ng mga tulad ni Baylosis, na siyang kasama ng masa sa kanilang paglaban at pagkilos, kahit sa panahon ng pusikit na kadiliman ng batas militar. Hindi maaasahan si Duterte, gayunman, na kilalanin ang kabayanihan ng mga tulad ni Baylosis. Ang pakikitungo niya sa Kaliwa ay batay sa lakas nito at sa pakinabang niya. Pagdating sa prinsipyo at tunguhin ngayon, malinaw na si Marcos ang bayani at modelo para sa kanya. Sa nobelang Mga Ibong Mandaragit (1969) ni Amado V. Hernandez, makabayang manunulat, ang mga bida ay lumaban sa pananakop ng mga Hapon sa bansa at nagpatuloy sa pakikibaka bilang mga rebolusyunaryo pagkatapos nito. Habang ipinapako ang paningin ng marami sa mga pagkakaiba ng panahon ng Hapon at pagkatapos nito, malinaw sa mga pangunahing tauhan ang mga nagpatuloy: kontrol ng dayuhang kapangyarihan, paghahari ng iilan, lalong paghihirap ng nakakarami. Ganoon din si Baylosis at mga kasamahan sa pagtingin sa diktadurang US- Marcos. Para sa kanila, hindi lang ang lantad na diktadura ang ugat ng suliranin ng bayan. Lalong pinatunayan ng mga pagbabagong dulot ng Edsa 1986 na walang tunay na pagbabago para sa nakakarami. At hindi ito madaling kongklusyon, dahil katumbas nito ang patuloy na pagsasakripisyo sa panahong malaganap ang pagtinging “marami na ang nagbago” at maraming nagbukas na pagkakataong maghanap- buhay na lamang. Tila para patunayan na wasto sila, ikinulong din si Baylosis ng rehimen ni Cory Aquino. Simula ikalawang hati ng dekada ’90, naglingkod si Baylosis na pangalawang tagapangulo para sa mga usaping pulitikal at eksternal ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno. May panahon ding nahalal at kumilos siyang opisyal ng partylist na sinusuportahan ng KMU, ang Anakpawis Partylist. Sa huli, naging bahagi siya ng pagpasok ng mga aktibista sa bagong larangan ng pakikibaka, nang hindi binibitawan ang mga subok nang nauna. Maraming taon niyang nakasama rito ang lider-manggagawa at bayani na si Crispin “Ka Bel” Beltran. Bilang aktibista, parang pinaghalo si Baylosis at mga kasabayan niya ng tatlong tampok na karakter sa Mga Ibong Mandaragit. Si Mando Plaridel, dating Hukbalahap na naging mamamahayag at tagapag-ugnay ng mga kilusan ng mga manggagawa at magsasaka. Si Tata Matyas, matandang gerilyero na ugnay sa rebolusyon laban sa Espanya at gera sa mga Amerikano. At si Doktor Sabio, sosyalistang intelektwal na pangulo ng itinayong Freedom University ng mga aktibista. Malumanay magsalita si Baylosis, pero laging pinapakinggan dahil sa talas ng kanyang pagsusuri. Lagi siyang maaasahang maglinaw sa mga usaping kinakaharap ng pakikibaka. Teorya at praktika: sa mga saligang prinsipyong progresibo siya humuhugot ng mga batayan para sa mga kongkretong tindig, hakbangin at taktika. Madalas siyang may paghalaw at paghahambing sa mga katulad na usapin sa kasaysayan. At may pagsisinop sa kung paano ipapatupad ang nararapat na mga plano at hakbangin.??Sabi nga ng manunulat na si Ina Alleco R. Silverio, katrabaho ni Baylosis sa KMU at Anakpawis, “Bagamat maunawain at mapagpasensyang tao, istrikto siya pagdating sa mga esensyal na prinsipyong aktibista at sa kanilang paglalapat sa paggawa at pamumuhay.” 20 Pebrero 2018 Itutuloy