Tambuling Batangas Publication March 06-12, 2019 Issue | Page 3

BALITA March 6-12, 2019 CALABARZON Peace and Development Summit, Joint Regional Development Council at Regional Peace and Order Council Meetings, idinaos Towards Sustainable Peace and Development in CALABARZON. Ipinasa ng mga opisyal ng CALABARZON Regional Development Council and Regional Peace and Order Council ang Joint Resolution creating the Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Peace and Development Summit na ginanap sa National Economic and Development Authority (NEDA) IV-A Office, Barangay Milagrosa, Calamba City, Laguna. Kabilang sa mga lumagda sina Batangas Gov. DoDo Mandanas at Cavite Gov. Jonvic Remulla, kasama ang mga kinatawan ng National Security Council at Armed Forces of the Philippines. Photo: Eric Arellano / Batangas Capitol PIO Operational... Government, Philippine Red Cross, Bureau of Fire Protection, Philippine Information Agency, Provincial Health Office at Provincial Social Welfare and Development Office, na tumayong mga tagamasid sa kabuuan ng disaster exercise, na binubuo ng standard Duck, Cover and Hold drill; sinundan ng evacuation procedures; search and rescue exercise; fire suppression; high-rise extraction; at, first aid application, sa ilalim ng itinalagang Incident Command Management System ng Batangas PDRRMO. Ipinakita ng mga kawani ng Batangas PDDRMO, at kaagapay na mga line agencies, mula sa pahina 1 ang kanilang Operational Interoperability (ang kakayahan ng iba’t ibang mga tanggapan at ahensiya na gumalaw at magtrabaho ng sama-sama bilang isang nagkakaisang team o pangkat) sa pagpapakita ng mabilis na ugnayan at pagtugon sa iba’t ibang emergency scenarios ng NSED. Sa pagsaksi sa nasabing earthquake drill, nagpasalamat si Provincial Administrator Levi Dimaunahan sa mga lumahok, ganun din sa mga bumubuo ng mga responders, sa kanilang ipinakitang dedikasyon na gampanan ang nakatakdang tungkulin sa oras na magkaroon ng kalamidad. Ipinaabot din nito ang rekomendasyon kay Governor Dodo Mandanas na maglaan ng karampatang budget para sa PDRRMO, bilang isang bagong departamento ng Kapitolyo, para sa epektibong pagtugon sa mandato at tungkulin sa lalawigan. Sa panig ng PDRRMO, ipinahayag naman ni Castro sa mga kalahok na paiigtingin pa lalo ng kanilang tanggapan ang pagpapatupad ng Batangas Provincial Disaster Plan, kabilang ang tuloy –tuloy na pagsasanay sa mga Safety Officers at designated First Responders para umangat pa ang kapasidad ng mga ito sa larangan ng disaster operations. / Edwin V. Zabarte- BatangasPIO PINANGUNAHAN ni Batangas Governor DoDo Mandanas, Regional Development Council (RDC) Chairperson ng Region IV-A, ang idinaos na Joint Regional Development Council (RDC) at Regional Peace and Order Council (RPOC) Meetings, na sinundan ng CALABARZON Peace and Development Summit, noong ika-26 ng Pebrero 2019 sa NEDA Region IV-A Office, Barangay Milagrosa, Calamba City, Laguna. Ang joint meeting, na co-chaired ni RPOC Chairperson at Cavite Governor Jonvic Remulla, ay naglalayong patuloy na matugunan ang pagpapalakas ng ekonomiya, maisaayos ang sitwasyon ng peace and order sa rehiyon, at patuloy na paigtingin ang ugnayan ng mga lalawigan ng Region IV-A. Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang Regional Economic Situation; Regional Peace and Order Situation; Security Situation Update; Yakap Bayan: Community Mobilization and Support Program; EO No. 66 – Institutionalizing the Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy; at Development of the Modified LRT-6 A,B, at C. Samantala, inaprubahan ng RDC ang paglikha ng isang Regional Taskforce to End Local Communist Armed Conflict, sa pamamagitan ng pagpasa sa RDC and RPOC Joint Resolution No. IV-A-02-2019 “Creating the Regional Task Force on Whole- of-Nation Approach in Attaining Inclusive and Sustainable Peace and Development”. Binigyang-diin ni Gov. Dodo Mandanas sa kanyang mensahe ang tungkulin at kahalagahan ng RDC sa pag- uugnay ng mga pangkaunlarang pagsisikap sa rehiyon. Bukod dito, hinikayat ng gobernador ang mga miyembro ng konseho na maging maagap sa pagpapatupad ng kani-kanilang mga pangunahing hakbangin at gawain. Nakiisa rin sa mga pagpupulong si National Security Council Deputy Director General, Maj. Gen. Damian L. Carlos, na representative ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, at ang mga kinatawan ng Southern Luzon Command (SOLCOM) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). —Marinela Jade Maneja, Batangas Capitol PIO SA patuloy na pagnanais ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na maiangat ang serbisyo publiko, ginaganap ang seminar tungkol sa “The Practice of Good Housekeeping Through 7S”, na proyekto ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) – Career Development Division para sa mga kawani ng lahat ng departamento ng Kapitolyo. Nagsisilbing resource person si Gng. Evangeline Mendoza, Director for Career Development, Alumni and Placement ng Lyceum of the Philippines University – Batangas. Ang 7S of Good Housekeeping ay naglalayong maisaayos ang mga kagamitan sa opisina upang mas maging epektibo ang mga kawani sa kanilang pagtatrabaho. Ang ibig sabihin ng pitong letra na ‘S’ ay Sort, Set in Order, Shine, Standardize, Sustain, Safety, at Security. Naging paksa rin sa seminar ang Total Quality Management, na nakasentro sa pagkakaroon ng kalidad o customer-driven approach sa operasyon ng isang opisina, at pagbibigay ng serbisyo sa pamamagitan ng patuloy na pagpapabuti ng mga ginagawang kasanayan tungo sa isang long-term success. Sa kasalukuyan, nakadalo na sa nasabing seminar, na ginaganap sa kanya-kanyang tanggapan upang makadalo ang bawat isang kawani, ang mga empleyado ng Office of the Provincial Governor, Office of the Provincial Administrator, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Office of the Provincial Veterinarian, Provincial Information Office at Provincial Cooperative, Livelihood & Enterprise and Development Office. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig/ Bryan Mangilin – Batangas Capitol PIO Oathtaking Ceremony ng mga Opisyal ng Batangas Province Travel Agencies Seminar hatid ng PHRMO para sa mga kawani ng Association, ginanap sa Kapitolyo Kapitolyo, isinasagawa ANG patuloy na paglinang at pagpapaunlad sa industriya ng turismo sa lalawigan ay isa sa mga pangunahing tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Batangas Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO). Malaki ang naitutulong ng mga travel agencies sa paghikayat ng mga turista sa Batangas sa pamamagitan ng kanilang mga travel packages na iniaalok para mapaginhawa ang pamamasyal sa iba’t ibang attractions sa lalawigan. Kaugnay nito, minarapat ng PTCAO, sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na travel agencies, na magtatag ng isang asosasyon na tinaguriang Batangas Province Travel Agencies Association (BaPTAA). Ginanap ang oath- taking ng mga bagong halal na opisyal ng BaPTAA, sa pangunguna nina Gov. DoDo Mandanas, Atty. Sylvia Marasigan, (PTCAO Department Head) at mga Sangguniang Panlalawigan Board Members noong ika-4 ng Marso 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Ang mga nanumpang opisyal ng BaPTAA ay binubuo nina Grace Tesico ng GRT Travel and Tours bilang President, Michael Perez ng 365 Wonders Booking Reservations Service bilang Vice President, Rosyl Macatangay ng Jamjude Travel Services bilang Secretary, Ludeth Cruz ng Cozy Travel bilang Treasurer, Adella Paala ng Peak Travel and Tours International bilang Auditor at Arnold Enriquez ng Southern Premier Travel and Tours bilang Public Relations Officer. Inaasahang higit pang mapapagbuti ang industriya ng turismo sa Batangas sa ilalim ng paggabay ng PTCAO at ni Governor DoDo Mandanas. ✐Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO