Tambuling Batangas Publication March 06-12, 2019 Issue | Page 2

BALITA Pheng De Chavez, Mon Antonio A. Carag III, Batangas Capitol PIO Gov. DoDo, dumalo sa 8th Gen. Assembly ng Liga ng mga Lalawigan NAKIBAHAGI si Batangas Gov. DoDo I. Mandanas sa 8th General Assembly ng League of Provinces of the Philippines (LPP), na pinangunahan ni LPP president at Ilocos Sur Gov. Ryan Luis Singson at ginanap sa Century Park Hotel sa Lungsod ng Maynila noong ika-27 ng Pebrero 2019. Sa kanyang naging ulat, ipinagbigay-alam ni Governor DoDo sa mga dumalong miyembro ng liga ang kasalukuyang katatayuan ng isinasagawang kampanya na naglalayong palakasin at patibayin ang lokal na awtonomiya ng mga pamahalaang lokal sa pamamagitan ng People’s Initiative (PI). Ayon sa gobernador, pansamantalang inihinto ang mga pagkilos para sa isinasagawang People’s Initiative dahil sa campaign period para sa mid-term elections sa Mayo 2019. Ginawaran naman si Gov. DoDo ng Plaque of Appreciation ng LLP bilang miyembro ng Council of Advisers sa kanyang tuloy-tuloy na pakikilahok at aktibong pakikiisa sa mga naging pagpupulong ng liga mula 2016 hanggang sa taong kasalukuyan. ✐Shelly Umali and Maccven Ocampo– Batangas Capitol PIO March 6-12, 2019 Mga Batangueño student-athletes, wagi sa 2019 CALABARZON City ngayong darating na ika-27 Heroes Games ng Abril hanggang ika-4 ng Mayo NAGING matagumpay ang kampanya ng mga manlalarong Batangueño sa katatapos lamang na 2019 CALABARZON Heroes Games, ang dating tinatawag na Southern Tagalog CALABARZON Athletic Association (STCAA) Meet, na ginanap sa Sta. Rosa, Laguna noong ika-11 hanggang 15 ng Pebrero taong kasalukuyan. Sa kabuuan, nakapag- uwi ng 31 ginto, 42 pilak, at 74 tanso na mga medalya sa regional meet, upang magtapos na 3rd Runner-up overall. Mula sa mga manlalarong nagtagisan ng lakas at galing magmumula ang mga kinatawan ng sa Region IV- A sa Palarong Pambansa, na gaganapin sa Davao 2019. Nanguna ang Batangas Province, na isa sa 21 divisions na kalahok sa palarong pang-rehiyon, sa iba’t ibang sports events. Nag- uwi ng gintong medalya ang mga atleta ng lalawigan sa Basketball boys (elementary level), Basketball girls (Secondary), Basketball girls 3×3 (Secondary), Volleyball girls (elementary level), High Jump, at Boxing. Ang mga batang nagwagi at magiging kinatawan ng CALABARZON sa Palarong Pambansa ay nakatakdang humarap kay Gov. Dodo Mandanas upang gawaran ng Sertipiko ng Pagkilala at insentibo. – Pheng De Chavez, Mon Antonio A. Carag III, Batangas Capitol PIO Pagsasanay sa Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa, muling umarangkada SA patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Governor Dodo Mandanas, na mas mapataas pa ang antas ng kakayahan at pag-unlad ng kabuhayan ng sektor ng kababaihan, muling naglunsad ng limang araw na pagsasanay para sa Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO). Inumpisahan ang nasabing pagbabahagi ng mga kaalaman sa mga Batangueña, sa pakikipag-ugnayan sa Sangguniang Panlalawigan at katuwang ang mga Local Government Units, sa` Barangay Bataan, San Juan noong ika-5 hanggang ika-9 ng Marso. Sa gabay ng temang “Handog na Kaalaman, Hanap Buhay na Pangmatagalan”, ang proyekto ay napiling muling isagawa sapagkat, bukod sa in-demand ang manicure at pedicure, ito ay maaaring gawing part-time job o sa libreng oras ng mga sasailalim sa training. N a k a t a k d a n g magpatuloy ngayong buwan ang Training on Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa sa mga piling barangay ng bayan ng Rosario, San Juan, at Lemery. Ang proyektong ito ay pinangunahan ni Ms. Marites De Chavez ng PSWDO, na tumayong pangunahing tagapagsanay. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO Pamahalang Panlalawigan ng Batangas, Nakiisa sa Paglulunsad ng “Isang Dahon, Isang Dunong” Binigyang-pagkilala si Gov. Dodo Mandanas bilang Council of Advisers member at dahil sa kanyang tuloy-tuloy at aktibong paglahok at pakikiisa sa mga naging pagpupulong ng liga sa ginanap na 8th General Assembly ng League of Provinces (LPP) of the Philippines na ginanap sa Century Park Hotel, Manila noong ika – 27 ng Pebrero 2019. Kasama sa larawan ni Gov. Mandanas sina (mula sa kaliwa) Bohol Gov. Edgardo Chatto, LPP Secretary General; Ilocos Sur Gov. Ryan Luis Singson, LPP President; Albay Gov. Al Francis Bichara, LPP Chairman; at, Atty. Harry Roque. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO Pre-Marriage Counselling ng samahan ng Local Social Welfare and Development Officers, isinagawa KABALIKAT ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), isinagawa ng Association of Local Social Welfare and Development Officers (ALSWDOPI) Batangas Chapter ang “Pre-Marriage Counselling” noong ika-26 hanggang ika-28 ng Pebrero 2019 sa Dalubhasaan Building, Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas. Kabilang sa mga dumalo sa nabanggit na orientation ang mga opisyal ng Municipal Social Welfare and Development Offices at Local Civil Registrar’s Offices mula sa mga pamahalaang lokal ng Lalawigan ng Batangas, kasama ang mga tauhan ng Rural Health Units at Department of Agriculture. Ibinahagi ng mga tagapagsalita, na sina Mrs. Josephine L. Santos at Ms. Charmaine E. Sarabia ng Population Commission Office at Mrs. Remalyn J. Rosales at Mrs. Guadalupe del Moro ng DSWD Regiona-4A, ang kanilang kaalaman tungkol sa iba’t ibang mga sitwasyon na kinakaharap sa pag-aasawa. Binigyang-diin ang kahalagahan ng “Pre-Marriage Counseling” upang maihanda ang mga magkasintahan bago ang kanilang pag-iisang dibdib. Bago makuha ang lisensya ng kasal mula sa kanilang Local Government Units (LGU), kinakailangan munang dumalo at makilahok ang mga magpapakasal sa nabanggit na orientation, lalo na sa panahon ngayon na naglalabasan iba’t ibang problema pagdating sa pamilya dahil sex, relihiyon, at iba pang isyung panlipunan. ✎ Trizia Joy P. Canosa – Batangas Capitol PIO NAKIISA ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas nang ilunsad ng Lyceum of the Philippines University Batangas (LPU Batangas) ang “Isang Dahon, Isang Dunong”, The Sotero H. Laurel Centennial Tree of Hope, noong ika-8 ng Marso 2019 sa LPU Batangas Campus, Lungsod ng Batangas. Ang “Isang Dahon, Isang Dunong”, isang programa para mangalap ng pondo para sa kapakinabangan ng mga LPU Scholars, ay binuksan kasabay ng sentenaryong pagdiriwang ng kaarawan ni dating Senador Sotero H. Laurel, ang nagtatag ng LPU Batangas. Naging kinatawan ni Gov. DoDo Mandanas si Gng. Merlita Salagubang-Pasatiempo, ang In- Charge ng Education Program ng pamahalaang panlalawigan, kasama ang ilang opisyal ng Pamahalaang Panlungsod ng Batangas at mga stakeholders ng nasabing unibersidad. Ang Tree of Hope ay sumisimbolo sa pananaw at layunin ng Batangueñong Senador na makapagbigay ng de kalidad na edukasyon para sa mga mamamayan ng Lalawigan ng Batangas at buong CALABARZON. JHAY JHAY B. PASCUA/Batangas PIO, Photos by: Edwin C. Bayani