Tambuling Batangas Publication March 06-12, 2019 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Overcoming thyroid gland diseases ... p.5
Halos 2,000 runners lumahok
sa PATIKARUN 2019 p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Pukpuklo seaweed, an
anti-cancer agent we
need p. 5
Bagong ordinansa
pinaparelocate ang mga poste
sa kalsada p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 10 March 6-12, 2019
P6.00
P1.7 Milyon Individual and Cooperative
Financial Loan Assistance, ipinamahagi
NAMAHAGI ang Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas, sa
pamamagitan ng Provincial
Cooperative Livelihood and
Enterprise Development Office
(PCLEDO), ng Financial Loan
Assistance na nagkakahalaga ng
1.7 Milyon sa mga kooperatiba at
indibidwal noong ika-1 ng Marso
2019, kasabay ng lingguhang
People’s Day sa Bulwagang
Batangan, Capitol Compound,
Batangas City.
10 kooperatiba ang
nakatanggap ng ayuda para sa
pagsasagawa ng kanilang General
Assembly, na may kabuuang
halaga na 100,000 samantalang
13 kooperatiba naman ang
nabigyan ng livelihood assistance
para sa kanilang mga proyekto,
na umabot sa 665,000.
221 na mga indibidwal
naman, mula sa anim na distrito
ng Batangas Province, ang naging
benepisyaryo ng tulong pinansyal
na nagkakahalaga ng 953,000
mula sa pakikipag-ugnayan sa
PCLEDO at tanggapan ng mga
Board Members.
Naging
bahagi
ng
programa sina 2nd District Board
Member Arlene Magboo, 5th
District Board Member Claudette
Ambida Alday at dating 3rd
District Board Member Rudy
Balba na layuning makapaglaan
ng sapat na puhunan para sa
kabuhayan ng mga Batangueño,
– JunJun De Chavez, Photo:
Maccvenn Ocampo – Batangas
Capitol PIO
Natural Gas Terminal Project
ng First Gen sa Batangas,
aprubado na ng DOE
NATURAL Gas Terminal Project ng
First Gen sa Batangas, aprubado na
ng DOE
May green light o go
signal na ng Department of Energy
(DOE) ang aplikasyon ng First Gen
Power Corporation para magtayo
ng Liquefied Natural Gas (LNG)
Terminal Project sa loob ng power
plant complex nito sa Batangas City.
Ang
naturang
LNG
terminal project ay isa sa mga
isinusulong na industrial undertakings
ng Pamahalaang Panlalawigan ng
Batangas, sa pangunguna ni Gov.
DoDo Mandanas, na malaki ang
pakinabang para sa ekonomiya ng
lalawigan.
Nauna nang pumasok ang
First Gen sa isang Joint-Development
Agreement (JDA) sa pamamagitan
ng kompanya nilang FGEN LNG
Corp., katuwang ang Tokyo Gas Co.
Ltd., ang pinakamalaking natural gas
utility sa Japan.
Ito ay kasunod ng mga
pahayag mula sa pamahalaan,
kabilang ang mga paglalahad ni Gov.
Mandanas, na ang LNG ay mahalaga
upang masiguro ang energy security
ng Pilipinas sa oras na maubos ang
supply na nakukuha ng First Gen
mula sa Malampaya gas field. ✐
Marinela Jade Maneja — Batangas
Capitol PIO
Photo: Maccvenn Ocampo – Batangas Capitol PIO
55 mag-aaral, lumahok sa Diwang
Batangueño Storytelling
BILANG
pakikiisa
sa
selebrasyon ng National Arts
Month
2019,
matagumpay
na isinagawa ang Diwang
Batangueño Storytelling Program
sa pangunguna ng Provincial
Tourism and Cultural Affairs
Office (PTCAO), katuwang
ang Batangas Culture and Arts
Council (BCAC) at Provincial
Library, noong ika-28 ng Pebrero
2019 sa Capitol Compound,
Batangas City.
Nakasentro sa “Diwang
Batangueño”, ang nasabing
programa ay naglalarawan sa
limang pangunahing katangian
ng isang tunay na Batangueño, na
binubuo ng kagitingan (nobility),
kasipagan (industry), katalinuhan
(wisdom), katapangan (bravery),
at kagandahan (beauty).
55
mag-aaral
ang
dumalo sa Storytelling Program,
25 sa mga ito ay nagmula sa
Bauan West Elementary School
sa Brgy. Aplaya ng Bayan ng
Bauan kasama, habang parehong
15 mag-aaral ang dumalo mula
sa Malitam Elementary School
at Wawa Elementary School ng
Lungsod ng Batangas.
Bukod sa mga nabanggit,
11 librarians din ang nakilahok
sa aktibidad, na magkasabay na
idinaos sa Provincial Library para
sa grupo mula sa Batangas City,
at Samahang Batangueña para sa
delegasyon mula sa Bauan.
Kaugnay dito, nagsilbi
bilang mga facilitators at
storytellers sina 5th District
Board
Member
Claudette
Ambida-Alday at 2nd District
Board Member Arlina Magboo.
Sinundan ang programa,
na layong maitaas ang kamalayan
ng mga kabataang Batangueño
patungkol sa kasaysayan, kultura
at sining ng lalawigan, ng isang
tour para sa mga dumalo sa Museo
ng Batangas sa People’s Mansion
sa Kapitolyo. ✐Marinela Jade
Maneja — Batangas Capitol PIO
Operational Interoperability, Bagong
Early Warning System nasubok sa
isinagawang Disaster Exercise
Batangueño, Laging Handa. Matagumpay na nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa 2019 First Quarter National
Simultaneous Earthquake Drill noong ika-21 ng Pebrero 2019 sa Capitol Grounds, Batangas City. Sa pangunguna ng Batangas
Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sa pamumuno ni PDRRMO Chief Lito Castro, ipinakita
ang kakayahan at kahandaan ng mga itinalagang Safety Officers at First Responders mula sa iba’t-ibang tanggapan sa Kapitolyo na
pangunahan ang orderly evacuation ng kani-kanilang mga opisina. JHAY JHAY PASCUA/Photo by: MACCVENN OCAMPO
MULI na namang nasubukan
ang kahandaan, sa pagtugon
sa kalamidad at sakuna, nang
makiisa
ang
Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas at
mga kawani nito sa isinagawang
Nationwide
Simultaneous
Earthquake Drill (NSED) noong
ika- 21 ng Pebrero 2019.
Sa pangunguna ng
Batangas Provincial Disaster
Risk Reduction and Management
Office
(PDRRMO),
sa
pamumuno ni PDRRMO Chief
Lito Castro, muling nasukat ang
kakayahan at kahandaan ng mga
itinalagang Safety Officers at
First Responders mula sa iba’t-
ibang tanggapan sa Kapitolyo
na pangunahan ang orderly
evacuation ng kani-kanilang mga
opisina.
Ganap na alas-dos ng
hapon, binigyang hudyat ng
isang malakas na pagtunog ng
sirena mula sa bagong tayong
Emergency Warning System ang
buong Capitol Compound, na
nagaganap ang isang malakas na
pagyanig sa lalawigan.
Masusing
nagmatyag
ang mga opisyal ng Department
of the Interior and Local
Sundan sa pahina 3..