Tambuling Batangas Publication June 06-12, 2018 Issue | Page 5
OPINYON
Hunyo 06-12, 2018
TAYO NGA BA AY GANAP NG MALAYA?
Ni: Sarah San Pedro
SA darating na ika-12 ng Hunyo,
taong kasalukuyan, ipagdiriwang
ang ika-120th na Araw ng
Kasarinlan, o kilala rin sa tawag
na Araw ng Kalayaan, upang
gunitain at alalahanin ang araw
kung saan nabiyayaan ng sariling
pangalan ang Pilipinas at hindi ng
kung sino mang bansang sumakop
dito. Dahil sa ating magigiting
na mga bayani na nagsakripisyo
at dumanak ng dugo at pawis,
ngayon ay natatamasa na natin ang
isa sa pinakamagandang regalo
na maibibigay sa atin, kalayaan.
Matatandaang noong Hunyo 12,
1898 sa balkonahe ng tahanan ni
Heneral Emilio F. Aguinaldo sa
Kawit, Cavite, binasa ang “Act of
the Declaration of Independence.”
at unang itinaas ang Pambansang
Watawat ng Pilipinas na ginawa
ni Marcela Agoncillo, at una ding
inawit ang pambansang awit,
ang Lupang Hinirang, na likha ni
Julian Felipe bilang simbolo ng
kalayaan.
Isa
lamang
ang
pagkakaroon natin ng kalayaan
sa patunay na matatapang at
huwaran ang mga Pilipino dahil
hindi biro ang kanilang sinuong
upang tuluyan tayong makawala
sa kamay ng tatlo sa malalaking
bansa na sumakop sa atin. Tatlong
bansa na gumamit ng malalakas
na sandata at pwersa laban sa libo-
libong mga Pilipino na gumamit
lamang ng gulok at tinta. Isang
pangyayayari na kung ilalathala
mo sa isang aklat ay kulang pa
ang isang linggo upang maiulat
ang pagiging makasaysayan nito.
Ngunit sa kabilang dako,
pagkakatapos ng ating kalayaan
sa mga dayuhan ay marami pa
rin sa ating mga mamamayang
Pilipino ang bihag at patuloy na
nabibihag ng posas ng kagutuman
at kahirapan, pati na rin sa
kawalan ng patas na katarungan
at sa mga taong halang ang
kaluluwa na yumuyurak at
kumukitil ng libo-libong buhay.
Kapwa Pilipino na natin ang unti-
unting nagpapahirap at patuloy
na humihigit sa atin pailalim.
Unang-una na ang mga patiwakal
na opisyal na dapat ang layunin
ay palayain ang mga nasasakupan
nito
sa
mga
problemang
pumapaloob sa sistema ng bansa,
subalit sa kasamaang-palad ay sila
pa ang nagpapaganda ng kanilang
sari-sariling buhay at hinahayaan
na lang ang maliliit na tao, tulad
natin na tanging mga tinig lang
ang kayang ibigay, na patuloy na
lumubog na lamang sa hirap at
lamunin na lang ng lupa ang mga
matitira nitong labi na kahit kailan
ay hindi man lang nadaplisan ng
kahit anong katiting na hustisya
at kaginhawaan. Kaya bilang
Pilipino, masasabi mo pa bang
malaya ka kung sariling mong
bansa ang siyang nagdadamot at
nagpapabaya sa iyo? Maigi pang
maggilit na lang ng leeg ang
isang nagugutom at nagkakasakit
na tao kaysa antayin mo pang
matulungan ka ng gobyerno. Para
kang nag-aantay na lamang ng
sundo ni kamatayan sa ginagawa
mong pag-asa sa isang pangako
ng mga mandarambong na opisyal
na iyan.
Nakaligtas man tayo
sa mga dayuhan na sumasakal
sa atin noon, ngayon ay muli na
naman natin itong nararanasan,
lalo na ng mga Pilipino na
sumasabak sa ibang bansa upang
makipagbakbakan
masilbihan
lang ang mga dayuhan para
mabigyan ng magandang buhay
ang kanilang pamilya. Kapalit ng
pangungulila at pagtitiis sa kamay
ng ibang lahi sa kakakarampot na
sahod pero sapat na kung tutuusin
kumpara sa kinikita dito sa Pinas
ay kinakaya nila. Ngunit hindi
lahat pinapalad sa mga dayuhan
na
pinagtatrabahuhan
nila.
Andiyan pa rin ang mahihigpit
na kapit ng mga banyaga sa leeg
KADRAMAHAN SA KDRAMA
Ni: Mark Francis Olivarez
TAYONG mga Pilipino ay
nahilig na sa mga teleserye o
soap operas na inihahandog
satin ng mga malalaking
tv networks dito sa Pinas.
Pinaramdam satin ng mga on
screen love teams na mahal
at mamahalin nila ang isa’t
isa katulad ng pag popotray
nila sa kani-kanilang karakter
sa storya. Kaya naman
umasa tayo na ang ating mga
paboritong love team ay totoo
na ang kanilang pinapakita
sa harap at likod ng camera.
Binago ng teleserye ang buhay
ng bawat Pilipino, may ilan nga
na masyadong pinepersonal
ang kwento katulad na lang
ng pagkakaroon ng matinding
galit sa isang kontrabida na
ang trabaho ay apihin ang
bida. Nasanay tayo na ang mga
artistang napapanood natin sa
teleserye ay mapapanood ulit
natin sa susunod na teleserye
na pagbibidahan nila. Kaya
naman ang ibang fans ay
natutuwa dahil matatapos lang
ang kwento ng storya pero hindi
matutuldukan ang pagtatambal
sa teleserye o pelikula. Ang
hindi mapaghiwa-hiwalay na
loveteams sating bansa ay
ang JaDine, LizQuen, AlDub
at KathNiel. Na pagkatapos
ng kani-kanilang teleserye
ay makikita naman natin sila
sa mga pelikulang hatid ng
kanilang tv networks. Pero isa
lang naman ang plano ng mga
teleserye, ito ay ang malibang
at mapasaya ang bawat
pilipinong mahilig manood ng
telebisyon.
Ngunit sa kabilang
banda, binago ng Kdrama o
Korean Drama ang buhay ng
bawat Pilipino. Naging hayok
na ang bawat kababaihan sa
mga koreanong nakikita nila sa
kdrama, katulad nila Lee Jong
Suk, Nam Joo Hyuk, Gong
Yoo at Lee Min Hoo. Bakit
nga ba ang mga Pilipino ay
naakit sa kdrama? Ang kdrama
ay mayroong 16 to 20 episodes
at ang dalawang episodes ay
pinapalabas sa isang linggo.
Kung sa kwentong kdrama
at teleserye wala itong halos
pinagkaiba sa kwento, ngunit
sa bawat episodes ay meron
dahil ang kdrama ay lumalaan
lang ng isang buwan at ang
teleserye naman ay inaabot
mg isang taon. Ika nga nila
“kinain na ng sistema” sa mga
oppa na nagbibigay effort sa
kanilang mga leading lady para
mapatunayan ang kanilang
totoong nararamdaman.
Dahil nga iilan lang
ang episodes ng kdrama, may
pinipiling manood ng on going
kdrama para maging updated
sila sa storya at hindi sila ma
spoil ng kanilang mga kaibigan.
At ang karamihan naman
na nanonood ng kdrama, ay
pinapatapos muna ang storya
at saka ito uumpisahan. Sa
pagtatapos ng isang kdrama,
andyan na yung mga fans
na nanghihingi ng copy,
sinisimulan na idownload
ang nasabing palabas. Pag
andyan na, sisimulan na nya
manood ng kdrama. Katulad
nga ng nasabi na kokonti
ang episodes ng kdrama,
napupuyat ang mga Pilipino
ng mga Pilipino kung saan ang
ilan ay naabuso at namamatay na
lamang sa kamay ng mga walang
kaluluwa na mga ulupong na
iyan.
Sa dalawang milyong
Pinoy OFW, na nagsusumikap
sa paggaod sa ibang bansa
upang makamtan lang ang pag-
ahon na kanilang inaasa, halos
kalahati dito ang naaabuso at
di na nakakauwing may ngiti
na nakaguhit sa kanilang mga
mukha. Wala naman magawa
ang mga ahensya ng gobyerno
dahil hindi naman lahat ay kaya
at maaaring maabutan ng tulong.
Ngunit kahit may ganitong istorya
sa likod ng mga sinasabing
magagandang opurtunidad sa
ibang bansa ay wala pa ring takot
na makipagapalaran sa lugar
kung saan wala naman talagang
kasiguraduhan. Tatak Pinoy nga
naman, tapang at lakas ng loob
ang panglaban.
Ayon sa aking nabasa
na artikulo sa isang press release,
nakasaad dito na, “Nananawagan
tayo sa rehimeng Duterte: Tigilan
na ninyo ang mga baluktot ninyong
sistema ng pamamahala. Hindi
maiaahon ang bansa sa pagpatay
sa mahihirap nating kababayan.
Hindi madadaan sa karahasan
at
pagkitil sa demokrasya
ang pagkamit ng katarungan
at kapayapaan. Kailangan ng
ating mamamayan na makita
ang kongkretong programa at
proyekto ng pamahalaan para
matugunan ang kawalan ng
trabaho, mababang pasahod, at
kawalan ng tiyak na kabuhayan.” Isang hinaing na dapat maringgan
dahil hindi matatapos ang isang
krisis sa madaliang paraan,
lahat
may
pinaghahandaan,
pinaghihirapan at may proseso..
Nakatala pa dito na, “Patunay ang
ating kasaysayan: anumang bigat
ng pagsubok, anumang unos ang
dumaan sa bansa, pagkakaisa
ang nagpapatibay sa atin upang
makabangon at malampasan ang
bawat hamon. Ibalik po natin ang
ating pambansang dangal tungo sa
tunay na paglaya at pagkamit ng
magandang kinabukasan.” Dito
pa lang ipinapakita na kung gaano
kahalaga dapat ang pagkakaisa
sa ating mga Pilipino upang
makamit ang tunay na kalayaan,
gaya na lamang ng ipinamalas
na pagkakaisa ng mga Pilipino
noong giyera. Hindi na dapat
natin pang antayin na magkaroon
pa ng Ikatlong Pangmalawakang
Giyera upang makamit ang ating
hangarin.
Dahil sa nasaksihan
ko sa mga artikulong aking
nasiyasat
at
nabasa
mas
naintindihan ko ang kabuluhan
kung bakit ginugunita ang Araw
ng Kalayaan, hindi lang ito isang
holiday na dapat ikinatutuwa
dahil walang pasok kung hindi
isa ito sa pinakamagandang
kasaysayan na naitala sa Pilipinas
na dapat binibigyan natin ng
oras para saluduhan ang mga
taong nagbuwis ng kanilang
buhay sa hangarin nila para sa
kanilang Inang Bayan. Nawa’y
maging
makabuluhan
ang
ating pagdiriwang sa Araw ng
Kalayaan!
kakanood nito dahil nabibitin
sila sa pinapanood nilang isa o
dalawang episodes. At hihirit
pa ulit yan ng isa pang episode
pag nabitin, hanggat di na nila
namalayan na inumaga na sila
kakanood ng kdrama.
Kung tutuusin ‘di lang
romance meron ang kdrama,
meron din itong ibang genre
na wala ang mga teleserye.
Aminin man natin o hindi ang
kaya lang ibigay ng teleserye
sating mga Pilipino ay drama
at heavy drama. Kumbaga
ang kdrama ay isang sari-sari
store, maraming pwedeng pag
pilian dahil marami silang
genre. Katulad nga ng nasaad
ay meron silang romcom na
kinahuhumalingan ng halos
lahat, fantasy, thriller, horror,
suspense, medical at historical
drama. Kahit ano man genre
yan ay tiyak na papanoorin yan
ng bawat Pilipinong mahilig
sa kdrama, pag nakakita sila
ng bagong aangkinin nilang
oppa.
Saaking
pananaw,
kaya nakuha ng kdrama ang
loob ng mga Pilipino dahil
sa mga oppa nilang tawagin
o mga gwapong koreano.
Dahil dito nakikita nila ang
kanilang ideal man sa kwento,
na handang iwan ng oppa ang
lahat pati kayamanan nya para
lang makasama ang minamahal
nitong babae. Sa madaling
salita, nabubulag tayo sa isang
fantasy. Naiimagine natin na,
isang araw may gagawa satin
nga mga napapanood natin sa kdrama. Na may isang taong
magbibigay satin ng payong
pag naglalad tayo sa ulanan at
yun na pala ang makakasama
natin habang buhay. Kaya
naman ang ilan ay nagsusuot ng
pink na hoodie o nagpapalagay
ng bangs at inaasahan nila
na dumating at dadating na
kanilang oppa ng buhay nila.
Hindi lang kwento
ang kinaadikan ng mga Pinoy
sa kdrama, kahit ang mga
lenggwahe nga mga ito ay
natutunan na nila, katulad ng
annyeong (hello, hi, goodbye)
na nagpapahiwatig ng pagbati)
saranghae (I love you) na
sinasabi sa taong mahal mo,
kamshamida (thank you)
pagsasabi ng salamat at kung
ano ano pa. At ang ilan pa
nga ay pumunta na ng South
Korea para mapuntahan ang
ilang places na nakikita nila sa
Kdrama
Walang masama sa
pagnood ng kdrama, hindi rin
masama na kiligin sa storya
nito dahil ang plano talaga
ng kdrama ay mag pasaya
sa bawat tao. Pero, ingatan
lang ang kalusugan dahil sa
pagpupuyat sa Kdrama ay
pupwede tayong magkasakit.
Kumbaga hinay hinay lang
tayo sa kdrama at ibalanse
natin ang ating kalusugan
dahil madalas nakakalimutan
na natin kumain sa tamang
oras dahil. Tandaan mo, pag
‘di mo iningatan ang sarili mo
‘di mo matatagpuan ang isang
oppang pinapangarap mo.