Tambuling Batangas Publication June 06-12, 2018 Issue | Page 4
OPINYON
Hunyo 06-12, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Connecting the
regions
WAY back in the late 60s and well into the 70s,
radical activists quoted liberally from their bible,
“Philippine Society and Revolution”, particularly its
description of the country’s economic development
through various postwar regimes as “uneven and
spasmodic.”
Uneven because the regions closest to the
seat of political and economic power enjoyed higher
growth rates and better living conditions than those
in the periphery, and spasmodic because growth
came in fits and starts since the ruling elite controlled
the country’s resources and concentrated these only
in areas that offered optimum opportunity to make
profit.
Fast forward to today—five long decades
later—and it appears that the same uneven and
spasmodic development still holds true, as a number
of regions, including Bicol, Eastern Visayas, Caraga
and ARMM, have yet to lift themselves up from
poverty even as Metro Manila and other urban centers
enjoy unprecedented growth.
For the Duterte administration, the “Build
Build Build” infrastructure program is precisely what
would galvanize economic development in the poor
regions of the country, make them better connected
and address socioeconomic inequities by improving
efficiency and productivity for further growth.
What’s lamentable, according to the National
Economic Development Authority, is that despite the
increase in the Gross Regional Domestic Product of
many regions last year, the National Capital Region
remains the top contributor to the country’s GDP.
That may soon change, however, as the pace
of Build Build Build implementation shifts to high
gear. The P9-trillion budget allotment over five
years until 2022 will build more roads and bridges,
rail transport systems, airports and seaports, among
others, that will allow the economically backward
regions to catch up with the more affluent ones and
thereby make uneven and spasmodic growth a thing
of the past, and therefore, as Marx and Engels said in
the “Communist Manifesto”, perhaps better suited to
the Museum of Antiquities.
Ni Teo S. Marasigan
Tumataas na Matrikula (2)
Ang
pagbebenta
sa
edukasyon na katulad ng
anumang karaniwang kalakal
o paninda – ito ang tinatawag
na
“komersyalisasyon”
(commercialization)
o
“komodipikasyon”
(commodification)
ng
edukasyon.
Ang
pag-
iral ng matrikula at iba
pang bayarin ay patunay
ng komersyalisasyon ng
edukasyon, at ang tuluy-
tuloy at taun-taong pagtaas
ng mga bayaring ito ay
patunay naman ng pagtindi
ng komersyalisasyong ito sa
bansa.
Inaatake at binabangga
ng komersyalisasyon ng
edukasyon at ng pagtindi nito
ang karapatan sa edukasyon
ng
taumbayan.
Bilang
karapatan, ang edukasyon
ay dapat tinatamasa ng
taumbayan – mayaman man
o mahirap, may kakayahan
mang magbayad o wala.
Pero sa kalagayang may
bayad ang mag-aral, hindi
natatamasa ng lahat bilang
karapatan ang edukasyon.
Nagiging pribilehiyo ito
ng
iilang
maykayang
magbayad.
Ayon
nga
sa
progresibong ekonomistang
si Samir Amin sa kanyang
librong
Obsolescent
Capitalism (2003), “Ang
komodipikasyon
at
pribatisasyon ng edukasyon
ay isang tiyak na landas
tungong mas matinding
kawalan ng pagkakapantay-
pantay at isang lipunan ng
pangkalahatang apartheid.
Bagamat tiyak na kailangan
ng sariwang sipat sa
edukasyon, ang landas
ng pribatisasyon ay hindi
magdadala ng lunas sa mga
suliranin.”
Apartheid
ang
patakaran sa South Africa
ng gobyerno ng mga puti na
mahigpit na naghihiwalay
sa mga mamamayang itim
at puti ng nasabing bansa, at
nagsasadlak sa mga itim sa
pagtrato bilang mga segunda-
klaseng mamamayan. Wasto
ang paggamit dito ni Amin
para ilarawan ang epekto
ng komersyalisasyon ng
edukasyon: Ang mayaman
ay lalong yumayaman,
habang
nananatiling
mahirap ang maralita.
Ang kailangan para
matamasa ng taumbayan
ang
edukasyon
bilang
karapatan ay ang ipagkaloob
ito ng estado, subsidyuhan
nito ang edukasyon para
maging serbisyo. Hindi
ang ipasa ang bigat ng
pagpondo sa edukasyon
sa taumbayan – na siya na
ngang
komersyalisasyon
ng edukasyon. At hindi rin
ang ipasa ang tungkuling
magbigay ng edukasyon
sa mga pribadong entidad,
na ang tanging layunin ay
kumita, hindi magturo.
Taliwas
dito,
gayunman, ang ginagawa ng
estado ngayon ay patindihin
lamang ang komersyalisayon
ng edukasyon. Sa halip na
taasan nito ang subsidyo
sa edukasyon – sa mga
paaralang
elementarya,
hayskul at pang-kolehiyo
– ay patuloy pa itong
kinakaltasan sa mga huling
taon. Katulad ng kalusugan
at pabahay, ang edukasyon
ay
tumatanggap
ng
mababang subsidyo pabor sa
pambayad sa utang panlabas
ng bansa.
Sa
pamamagitan
ng Education Act of 1982,
pinapayagan nito ang mga
pribadong paaralan na
walang-sagkang
magtaas
ng matrikula. Taun-taon,
iba’t ibang pakulo ang
ginagawa ng mga ito para
ilusot ang pagtaas ng
matrikula. Pinakahuli ang
Commission on Higher
Education
Memorandum
No. 14, na nagbabalewala sa
paglulunsad ng konsultasyon
sa mga estudyante kapag
ang pagtaas ay mas mababa
sa inflation rate.
Sa
larangan
ng
edukasyong pangkalusugan,
palaging tanong sa mga
argumentong ganito ang
pakinabang ng bansa: Ano
ang pakinabang ng bansa
kung tataasan ang subsidyo sa
edukasyong pangkalusugan?
Lumalabas lamang ng bansa
ang mga nakakapagtapos na
doktor at nurse. Sa larangang
ito nagiging mas malinaw
ang pangangailangan ng
isang malaking pagbabago
sa sistema ng edukasyon sa
bansa.
Taliwas
sa
panukalang pagsasabatas ng
pagbabawal ng paglabas ng
mga doktor o nurse sa bansa,
dapat balikan ang panukala
ng makabayang historyador
na si Renato Constantino
hinggil sa pagbabago ng
oryentasyon ng edukasyon
sa bansa. Kailangan aniya,
na baguhin ang kolonyal na
oryentasyon ng edukasyon
sa bansa na nagsasanay
sa kabataan at taumbayan
na maglingkod sa interes
ng ibang bansa, hindi ng
Pilipinas.
Ang
kailangan,
aniya, ay isang edukasyong
makabayan:
Iyung
maglilinaw sa interes ng bansa
para sa industriyalisasyon
at tunay na reporma sa
lupa, at maghihikayat ng
kagustuhang
maglingkod
sa mga interes na ito. Ibig
sabihin, ang kailangan ay
edukasyong kukwestyon at
tutuligsa sa kasalukuyang
sistema ng edukasyon at
ekonomiya na siya ngang
naghihikayat ng paglabas ng
mga doktor at nurse sa bansa.
Malalim ang dapat
aralin at malaman mula sa
malaganap na pagtaas ng
matrikula.
02 Hunyo 2006