Tambuling Batangas Publication June 06-12, 2018 Issue | Page 3

BALITA Hunyo 06-12, 2018 Tanduay Athletic s hataw sa paghahanda sa 2nd season ng MPBL Nahalal bilang pangalawang pangulo si Nelvin Perlada ng brgy Dumantay; kalihim si Alyssa Panaligan, Pob. 17; ingat-yaman- Jordan Magtibay, brgy. Sta. Clara; auditor- Joyce Aguilar ng Pinamucan Proper; PRO-Von Ayap, Sta. Rita Karsada at sgt. at arms –Aristotle Cepillo mula sa brgy. Ilijan DILG... Kailangan ding makapagpakita ng positibong resulta ang mga LGUs sa kanilang mga programang pangreporma kasama ang mahusay na pamumuno at ang sama- samang pagganap ng mga kawani sa kanilang mga tungkulin. Idinagdag din ni Ano na para magwagi ang isang lalawigan, kailangang 10% ng mga pamahalaang lokal sa ilalim nito ay makapasa din sa SGLG. “Maaaring mahirap ito para sa iba, mula sa “4+1” ngayon ay pito na ang kailangan nilang maipasa, ngunit hindi nila kailangang mangamba. Sa halip ay kailangang magsilbi itong inspirasyon sa kanila upang patuloy na umunlad at magbigay ng pinakamahusay na paglilingkod,” aniya. Samantala, ang mga pamahalaang lokal na makakasunod sa “4+1” na tool ay pagkakalooban ng Certificate of Merit para sa kanilang pagsunod sa nabanggit na nakaraang pamantayan. Para sa taong 2017, 448 na pamahalaang lokal kabilang ang 28 na lalawigan, 61 na lungsod at 359 na bayan ang nakakuha ng SGLG award. Ito ay 31% na mas mataas kumpara sa bilang noong 2016 na 306 lamang ang nakapasa. Nagsimula ang SGLG assessment noong ikatlong linggo ng Abril 2018 at tatakbo sa loob ng anim na buwan hanggang sa pagpapahayag ng mga nagwagi sa Oktubre 2018. Bagong pamantayan Bukod sa mga naidagdag na pamantayan para sa SGLG 2017, narito pa ang ilan sa mga bago at upgraded na criteria para naman sa SGLG 2018: Sa Financial Administration, kailangan ang pinakabagong audit opinion, unqualified man o qualified kasama ang “30% recommendations acted upon”; hindi bababa mula sa pahina 1 sa 5% na paglago ng kita ng pamahalaang lokal sa nakaraang tatlong taon (2014-2016); naitatag na local development council; gamit na pondo at natapos na mga proyekto sa ilalim ng Performance Challenge Fund (2015 and 2016) kung mayroon man; naaprubahang budget para sa taong 2018; at natapos na mga proyekto sa ilalim ng Assistance to Municipalities kasama ang 85% na benchmark para sa 2018 kung mayroon man. Sa Disaster Preparedness, kailangang hindi bababa sa tatlo ang may plantillang posisyon sa PDRRMO/CDRRMO para sa HUC at probinsiya, isa para sa independent component cities, component cities at munisipalidad na nakatuon sa pananaliksik (research) at pagpaplano (planning), pamamahala (administration) at pagsasanay (training), at operasyon (operation) at pagbababala (warning); hindi bababa sa 50% na utilization rate ng 70% na component ng pondo para sa 2017 DRRM; hindi bababa sa 75% ng mga barangay ay may CBDRRM plans (para sa mga lungsod); at hindi bababa sa 75% ng mga barangay ay may “info guide” (para sa mga munisipalidad); ICS Training Level II o higit pa para sa mga lalawigan/ HUCs, at Basic ICS training para sa ICCs and CCs. Sa Social Protection, ang makakapasang mga lungsod ay kailangang nagkamit ng 2017 Seal of Child-friendly Local Governance; hindi bababa sa 85% ang natapos o nagamit mula sa pondo para sa Local School Board Plan; hindi bababa sa 80% ng mga barangay ay nakapagpasa ng kanilang ulat sa Violence Against Women and Children (VAWC) (para sa mga lungsod at mga munisipalidad); hindi bababa sa 50% ng mga ospital na pinatatakbo ng pamahalaang panlalawigan o panlungsod ay Philhealth- accredited para taong 2017; kailangang may Persons with Disability Affairs Office para sa lalawigan at HUCs, at designated na persons with disability affairs officer para sa ICCs, CCs at mga munisipalidad; kailangang nagamit ang kabuuan ng pondo o nakumpleto ang mga proyekto sa ilalim ng Salintubig project para sa mga lungsod at munisipalidad sa taong 2012-2015, na kung maaari ay may 50% benchmark para sa taong 2016. Para sa Peace and Order, kailangang hindi bababa sa 75% ang implementation rate ng mga nakaplanong gawain, o hindi bababa sa 75% ang nagamit na pondo para sa kapayapaan at kaayusan at public safety plan; para sa mga lungsod at munisipalidad, kailangang 100% na-naorganisa at nasanay ang kanilang barangay peacekeeping action teams. Sa Business Friendliness and Competitiveness, kailangang hindi bababa sa 60% ang nakumpletong Conditional Matching Grant sa mga lalawigan na para sa pagpapagawa ng mga kalsada, rehabilitasyon at pagsasaayos para sa taong 2016 (para sa mga lalawigan); at pagtaas ng capital investments na makukuha sa tala ng mga bagong rehistrong negosyo (para sa mga lungsod). Sa Environmental Management, kailangang walang operating o controlled na dumpsite (para sa mga lungsod o munisipalidad). Para sa Tourism, Culture and the Arts, ilan sa mga bagong sub-indicator para sa pagpapalaganap at pagpapanatili ng kalinangan at kultura ay ang hindi bababa sa 75% paggamit ng pondo na nakalaan para sa pagpapanatili at preserbasyon ng mga cultural property para sa CY 2017, at nailathala at documented na tala ng kasaysayan at kalinangan. (DILG/JCP/PIA-NCR) LUBOS lubosan ang paghahanda ng Batangas City Tanduay Athletics team sa muling pagsabak nito sa 2nd Season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup na magbubukas sa June 12 sa Araneta Coliseum at patuloy itong sinusuportahan ng pamahalaang lungsod. Naging kampeon ang Batangas City laban sa siyam na teams sa unang season ng liga. At sa muling pagbubukas ng liga, 25 koponan mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ang makakatunggali nito. Ayon kay Congressman Marvey Mariño, napalakas ng liga ang sports development program ng lungsod at nakilala ang husay ng mga manlalarong taga rito kagaya ni Marbin Macalalad. “Thank you sa partnership with Tanduay, dahil ito ay nagbukas sa maraming oportunidad para sa Batangas City. Nakilala ang lungsod dahil napi-feature ito sa bawat bayan kung saan may laro ang team, investors are coming in, at ang mga local players namin ay nagpapaka husay para sila ay mapasama sa team,” dagdag pa ni Cong. Mariño. Sinabi naman ni coach Mac Tan ng Batangas City Team na mahaba ang liga ngayon na tatagal hanggang Abril, 2019, kung saan ang bawat isang team ay maglalaro ng 25 elimination games. “Mahalaga ang pag- aalaga sa mga players, kaya’t tiniyak naman na hindi lamang physically, but also mentally prepared sila. Kami dito sa team ay very open, anuman yung kailangan o problema nila ay aming pinag uusapan, para maayos at maka focus kami sa practice at sa laro,” dagdag pa niya. Kinumpleto rin aniya ang 20 manlalaro sa koponan kung saan napadagdag dito sina dating Kia player na si Bong Galanza, PBA D-Leaguer Sandy Cenal at Lucas Tagarda ng University of the East. Nakatakda ang unang laro ng Batangas City Tanduay team laban sa Quezon City sa June 14 na gaganapin sa Caloocan City, at sa July 10 naman ay dito sa Batangas City Sports Coliseum. (PIO Batangas City) Bright Leaf urges Laguna media to join agri journalism awards CALAMBA CITY, Laguna -- PMFTC, Inc., a joint-venture company between Philip Morris Philippines Manufacturing, Inc. and Fortune Tobacco Corporation, brings the Bright Leaf Caravan to Laguna and encouraged local media practitioners to compete in the 12th Bright Leaf Agriculture Journalism Awards. As an agricultural company, PMFTC, Inc. holds Bright Leaf to recognize and honor relevant and outstanding agricultural news and feature stories that help raise the awareness and discourse on timely and critical agricultural developments, issues and gaps that needed to either be known or addressed. There are eleven categories to which journalists may submit one entry each, as follows: (1) Agriculture Story of the Year, (2) Agriculture Photo of the Year, (3) Tobacco Story of the Year. (4) Tobacco Photo of the Year, (5) Best Television Program or Segment, (6) Best Radio Program or Segment, (7) Best Agriculture News Story- National, (8) Best Agriculture News Story-Regional, (9) Best Agriculture Feature Story-National, (10) Best Agriculture Feature Story- Regional, and (11) Best Online Story. The Best Online Story, the newest category introduced during the program, shall be given to the best agriculture news or feature story that is published on an online news website. Entries may be in English, Filipino, or any of the Philippine regional dialects; however, an English translation must be submitted along with the material that is not written in English. Registration is free. The journalists and photographers who wish to join may submit their entries to more than one category but are not allowed to send more than one entry for each category. The details of the mechanics for every category may be found by clicking the Contest Guide option in their website, www. brightleafawards.com. Entries must be published, aired, or broadcast from September 1, 2017 to August 31, 2018. The deadline of submission is on September 1 of this year and it may be submitted via web, courier or email. The winners who will be receiving cash prizes, iPads, and an all-expense-paid trip to an Asian country will be announced during the 2018 Bright Leaf Agriculture Journalism Awards in November. The Best Agriculture Story of the Year will be bringing home P50,000 cash. Victors who would win for five consecutive years shall be bequeathed an Oriental Award. At the launching of this year’s search, Josephine Costales, owner of the well-known organic farm Costales Nature Farm, talked about the success story of their farm and their best agricultural practices. Department of Agriculture Region 4A (DA 4A) Regional Information Officer Patria Bulanhagui, on the other hand, discussed their Philippine Rural Development Project (PRDP) for CALABARZON region which concerns the farmers and the entire agricultural sector. (PIA4A)