Tambuling Batangas Publication June 06-12, 2018 Issue | Page 2

BALITA Isang resolusyon ang inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Batangas ngayong May 29 na humihiling sa national government partikular sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na maglagay ng special tricycle lanes sa diversion road sa barangay Balagtas upang makapagbiyahe ang mga tricycles dito. Public... ang mga guro na ang nagsasakripisyong lumilipat ng silid aralan mula sa isang gusali patungo sa kabilang gusali hindi tulad noon na ang mga buong klase ang naglilipatan, Sa mga paglipat na ito ng klase sa ibang gusali nagkakaroon ng pagkakataon ang ilang eskwela na magcutting class kapag nayaya ng mga kabarkadang lumabas kung kayat ito ay nagbunga ng mataas na drop out rate. Ipinabatid din ng principal na bukas na ang Malitam NHS na annex ng BANAHIS, May tatlong sections dito na binubuo ng 144 grade 7 students. Naka angkla ito sa kanila hanggang sa maging stand- alone tulad ng Libjo NHS. Bagamat may sapat na bilang ng silid aralan para sa kanilang mag-aaral, humihiling sila ng tulong sa pamahalaang lungsod para sa konstruksyon ng kanilang SPED building. May Dep Ed order aniya hinggil sa mula sa pahina 1 “inclusive education for SPED” kung saan isasama na ang mga ito sa regular class. Nasa East Elementary School ang kanilang 13 SPED students. Ipinatutupad din nila ang internal policy kung saan pumayag ang mga magulang na magsagawa ng community service tulad ng paglilinis ang kanilang mga anak kapag lumabag sa batas upang tumanim sa isip ng bata na mali ang kanyang ginawa. Bilang punong guro ay ginagawa ni Ochoa ang lahat ng kanyang makakaya upang maisaayos ang BANAHIS. “Ang end goal namin ay mapatapos sila hanggang grade10, mabigyan ng tamang kaalaman at mahubog ang magandang ugali ng aming mag-aaral.” Naniniwala siya na ang values ay napakahalaga. “Madadala niya ito sa sa pamilya at sa lipunan kung kayat dapat maganda ang formation nito. Ang ugali ang basic foundation dahil kung maganda ang ugali, everything will go well, pagkakalooban ka ng Diyos ng talino dahil sumusunod ka sa Kanyang kalooban,” paliwanag ni Ochoa. Samantala, “smooth sailing” ang unang araw ng klase sa Julian A. Pastor Memorial Elementary School (JAPMES) ayon kay Concepcion Pasia, guidance counselor ng naturang paaralan. Bagamat aniya may mga late enrolees, wala silang malaking problemang na encounter sa pagbabalik- eskwela ng kanilang 1,738 estudyante para sa school year 2018-2019. Mula sa limang sections, naging pito na ito na may 40 hanggang 50 mag- aaral bawat section. Sinabi rin ni Pasia na sapat ang silid aralan, 1:1 ang ratio ng aklat sa eskwela at may mga bagong guro na ipinagkaloob sa kanila. (PIO Batangas City) Dubai crude price eases, aborts TRAIN suspension KABAYAN Party-list Rep. Ciriaco “Acoy” S. Calalang said Friday that world crude oil prices are easing and on a downtrend, so there is no need to suspend the Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law that critics of the Duterte administration blamed on rising inflation. “Based on the latest available data, the price of Dubai crude oil will no longer climb to $80 per barrel and because of this the collection of TRAIN excise tax on imported oil and fuel products no longer needs to be suspended,” Calalang said. Calalang cited as basis data on Platts Dubai, to which the price of oil imported by the Philippines is based on. The Dubai Platts refers to the physical price of Dubai crude oil loading through the month of assessment. The Dubai price is the primary physical market pricing reference for crude oil delivered to Asian refineries from the Middle East Gulf since the 1980s. “The earlier-feared US$80 per barrel level would likely be avoided because the futures prices show peaking at close to $75 in June 2018, then sliding toward $69 for June 2019, and further slipping to about $65 for December 2019,” explained Calalang. “It looks like Dubai crude oil will stay above $70 until May or June next year. Our country started feeling the pain as crude prices approached $70. Considering this, safety nets must still be activated and deployed. For June 2022, when the term of President Rodrigo Roa Duterte ends, the Dubai crude futures price is at about $54. Said Calalang, “Considering these latest figures, the Department of Finance would not have reason to suspend the excise tax on imported oil and fuel as it is authorized to do in the TRAIN Law.” “Unless some new events and factors emerge over the next months to upset the Dubai crude oil forecasts, we now see a gradual easing of inflation pressures on the Philippine economy,” he said. “A lot also depends on how the OPEC countries behave in the oil market.” The development presents an opportunity to build a national strategic fuel reserves, which Calalang said he suggested before. “When Dubai crude returns to below $60 per barrel, that would be the opportune time to stock up on petroleum and petroleum products,” said Calalang. Hunyo 06-12, 2018 Suplay ng tubig ligtas inumin- Prime Water Corporation BATANGAS CITY Pinabulaanan ni Prime Water Corporation Manager Chelton Arias ang alegasyon ng ilan na hindi ligtas inumin ang kanilang suplay ng tubig. Ayon sa kanya, maayos ang kalidad ng kanilang tubig sapagkat araw-araw silang kumukuha ng sample sa kanilang mga pumping stations upang itest ito at buwanan naman kung kumuha sa kanilang mga sampling points upang isumite sa Department of Health (DOH) at sa Philippine National Standard for Drinking Water. Binigyang linaw din niya na taliwas sa mga sinasabi ng iba, “walang magiging pagtaas ng taripa sa loob ng dalawang taon. Sa 2020, ang 12% na value added tax (VAT) lamang ang sisingilin sa mga konsumidores.” Kung ano aniya ang dating rate na sinisingil ng Batangas City Water District (BCWD) ay ganon pa din ang kanilang sinisingil sa kasalukuyan. Pagdating naman sa pagpapakabit ng linya, mag-iiba ang rate nito kung gaano kahaba o kung anong methodology ang gagamitin. Ipinaliwanag din ni Engr. Arias na ang pangunahing dahilan ng water interruption ay ang mga road widening projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH). 3 magna... ng Diyos ay ang karangalang ito.” Hindi niya nakalimutang pasalamatan si dating Mayor Eduardo Dimacuha na siyang nagtatag ng CLB upang mabigyan ng pagkakataong makatapos sa pag-aaral ang mga kapospalad subalit karapatdapat na mga mamamayan ng lungsod. N a g i n g commencement speaker si Hon. Dorcas Ferriols-Perez, executive judge ng Regional Trial Court, Batangas City, kung saan ibinahagi niya ang 4F’s na mahahalagang bagay sa kanyang buhay. Ang mga ito ay ang failure, forgiveness, friendship at family. Ayon sa kanya, ang failure ay hindi maiiwasang parte ng buhay subalit ito ay dapat tanggapin upang maging mas mahusay ang isang tao. “Learn from each failure and you will become wiser.” Kailangan ding patawarin ang sarili kapag nagkamali at ang ibang taong gumawa ng mali sa iyo. “Forgiving others is not about them but how much a better Nagkakaroon aniya sila ng emergency water interruption o pagpatay ng linya kapag natamaan at nasira ng contractor ng DPWH ang kanilang mga pipes upang agad itong magawa sapagkat maaari itong pasukin ng mga bato at buhangin o lumaki pa ang kanilang problema kapag hindi agad maaksyonan. Dahil dito, sinisingil nila ang naturang kagawaran ng water loss at repair charge. Hiningi niya ang pang –unawa ng kanilang mga consumers at hiniling na i-like ang kanilang facebook page upang maging updated sa mga advisory. Nakikipag-ugnayan na din ang kanilang tanggapan sa barangay upang maipabatid ang skedyul ng pagkawala ng suplay ng tubig at mag- iinstala din ng public address system para dito. 24/7 din aniya makokontak ang kanilang hotline. Aminado ang kanilang tanggapan na may kakulangan sa suplay sa parte ng barangay Bolbok lalo na sa mga malalayo at matataas na lugar dito na madalas makaranas ng low pressure to no water kung kayat magdadagdag sila ng source dito. May tatlong pumping stations ang nakalinyang buksan ng Prime Water Corporation ngayong taon habang isang water source naman ang target nilang buksan kada taon. (PIO Batangas City) mula sa pahina 1 person you have become.” Binigyang halaga rin niya ang friendship at family at kung papaano ang mga ito sumusuporta at nagpapaligaya sa isang tao sa lahat ng oras. “Believe in what you can achieve, make a positive change in the community and make your family, school, and city proud,” ang payo ni Perez sa mga nagsipagtapos.” Hindi rin aniya treasures ang mga material na bagay kagaya ng pinapangarap na bahay, sasakyan, mga gadgets. “You are the real treasure and must be shared with the world.” “My challenge to the 2018 graduates of CLB is to live out your dreams, embrace the uncertainties of life and rise to meet your own unique destiny,” sabi ng executive judge. Ang paggawad ng certificates sa graduates ay ginampanan nina Congressman Marvey Mariño, Mayor Beverley Rose Dimacuha kasama sina Judge Perez at si Dr. Lorna Gapi, CLB college administrator.(PIO Batangas City)