Tambuling Batangas Publication June 06-12, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. KADRAMAHAN SA KDRAMA ... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Suplay ng tubig ligtas inumin- Prime Water Corporation p. 2 TAYO NGA BA AY GANAP NG MALAYA? p. 5 Tanduay Athletics hataw sa paghahanda p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 24 Hunyo 06-12, 2018 P6.00 Public schools handa sa pagbubukas ng klase BATANGAS CITY- Naging maayos ang pagbubukas ng klase sa dalawang public schools sa lungsod kung saan may sapat na silid-aralan, guro at libro kahit na nagkaroon ng pagtaas sa kanilang enrollment. Ayon sa principal ng Batangas National High School (BNHS) na si Lorna Ochoa, “minor problems” lamang ang kanilang naranasan sa pagbubukas ng klase kagaya ng kakulangan sa requirements ng mga late enrollees tulad ng classcard at certification sa Good Manners and Right Conduct ng pinanggalingang paaralan. May 6,700 ang kabuuang bilang ng mag- aaral ngayon sa BNHS para sa grades 7-10 at madadagdagan pa sa pagdagsa ng mga late enrollees. May 138 sections mula grade 7-10 na binubuo ng 45-50 mag-aaral sa bawat klase. Sinabi ni Ochoa na malaking factor sa pagtaas ng populasyon dito ay ang pagbaba ng bilang ng bullying cases at kaguluhan kung kayat madami ang naengganyong mag-aral dito. “Mayroon kaming prefect of discipline, guidance program at mga aktibong PTA Officers na katulong namin sa pagdidisiplina ng mga mag- aaral upang masiguro ang kaayusan at katahimikan sa paaralan,”dagdag pa ni Ochoa. Malaking tulong din na Sundan sa pahina 2.. U N r a pport eur g e ts w a r n i ng f rom Dute rte ByCNC Staff WHAT is special about United Nations (UN) Special Rapporteur on the independence of judges and lawyers Diego Garcia-Sayan? None, according to President Rodrigo Duterte. And he’s not a rapporteur as far as Duterte is concerned. The President made this clear on Saturday, a day after Garcia-Sayan remarked that judicial independence in the Philippines is under threat as the rapporteur linked the ouster of Chief Justice Maria Lourdes Sereno — by her peers via a quo warranto petition filed by the Solicitor General — to an earlier remark of Duterte calling the Supreme Court (SC) head her enemy. Duterte also warned Garcia-Sayan to stop meddling in Philippine affairs. “Tell him not to interfere with the affairs of my country. He can go to hell,” PNA quoted Duterte as saying in a press conference before departing for his first official visit to South Korea Sunday. Duterte denied any involvement in the removal of Sereno from her post last May 11, when the SC en banc voted 8-6 to grant the quo warranto petition. Presidential Spokesman Harry Roque said Duterte was expressing his dislike for Sereno after she declared in public speeches that the President was behind moves to impeach her or remove her via quo warranto. seminar ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) bilang paghahanda ng kanilang paaralan sa darating na pasukan ngayong Hunyo. DILG, muling itinaas ang SGLG criteria Jerome Carlo Paunan LUNGSOD QUEZON -- May bago nang antas ang kwalipikasyon ng mga lokal na pamahalaan sa Seal of Good Local Governance (SGLG) para sa taong 2018, matapos itong itaas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa “all or nothing”. Ipinahayag ni DILG OIC-Secretary Eduardo M. Año na ang bagong “All-in” na paraan ng pagsukat para sa SGLG ay isang inobasyon na inaasahang magdudulot ng positibong pagbabago sa mga pamahalaang lokal at lalong magtutulak ng layunin ng Kagawaran na pagpapatuloy ng kahusayan sa kanilang pamamahala. “Isa itong paraan nang paghamon sa mga pamahalaang lokal upang tiyakin na natutupad nila ang kanilang mandato na husayan pa ang paglilingkod sa mga mamamayan at patuloy itong gagawin ng SGLG para sa mga Pilipino,” ani Año. Ayon sa DILG Chief, ‘di katulad ng “4+1” assessment criteria na ginamit noong nakaraang taon kung saan kailangan lamang maipasa ng mga pamahalaang lokal ang apat na core areas at isang essential area, sa SGLG 2018 kailangang maipasa ang pitong aspeto ng pamamahala. Ang nasabing pitong core areas ay Financial Administration; Disaster Preparedness; Social Protection; Peace and Order; Business Friendliness and Competitiveness; Environmental Protection; at Tourism Culture and the Arts. Sundan sa pahina 3.. 3 magna cum laude nanguna sa 2018 CLB graduates \ 200 residente ng barangay Wawa ang nakinabang sa isinagawang “Agapay Kabayan Program” ng Batangas Provincial Police Office (BPPO) TATLO ang naging magna cum laude sa 11th commencement exercises ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) noong June 7 sa Batangas City Convention Center kung saan may 180 city government scholars ang nagtapos. Sila ay sina Phoebe Joyce Dimaano, Ma. Eloisa Carag na kapwa nagtapos ng Bachelor in Elementary Education at si Christian Ebreo na kumuha naman ng Bachelor of Science in Business Administration. Sa kanyang farewell address, emosyonal na ipinahayag ni Dimaano ang kahirapan ng buhay na naranasan ng kanyang pamilya at ang sakit ng pagkaitan ng suporta ng ilang taong inaasahan nilang tutulong sa kanila. Nais niyang maging isang engineer subalit dahilan sa kahirapan, pinili niyang maging isang guro sa CLB upang makapagtapos ng pag-aaral. “Sa kadilimang naranasan ko, sa CLB ko nakita ang kagandahan ng buhay,” sabi ni Dimaano. At sa pamamagitan ng CLB at sa kanyang pagsisikap, “ang isa sa mga sweetness na ipinagkaloob Sundan sa pahina 2..