Tambuling Batangas Publication July 24-31, 2018 Issue | Seite 4
OPINYON
Hulyo 25-31, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Ni Teo S. Marasigan
Challenges to farm tourism
WHILE farm tourism is not a new concept, it has yet to benefit many
poor and landless farmers and the other agricultural workers. The
Department of Tourism which adopted farm tourism as one of its
main thrusts has other things to consider before it can successfully
make every rice or vegetable farmers in the barrio realize the cash
potential of turning their patch of paddy or eggplant gardens into
showrooms.
As an enterprise, farm tourism entails a more sophisticated
entrepreneurial mindset. Surely, as a former undersecretary of the
Department of Agriculture, Tourism Secretary Bernadette Romulo-
Puyat knows well in 12 years of hobnobbing with traditional
agribusinessmen that most of them are confined in the routine of
growing crops, tending farms, harvesting and selling produce. Those
with big farms with corporate buyers can very well understand how
to diversify into farm tourism, but the ordinary farmer, who should
capitalize on farm tourism, needs a lot of convincing and coaching to
go outside his comfort zone.
One crucial part of farm tourism is marketing. Lectures
and workshops on how to get visitors to the farm should be good
inspiration but walking them through the mechanics of tour organizing
for a substantial period of time is better.
Like rice or vegetable farming, farm tourism entails
investment. Other than buying seedlings and fertilizers, renting
equipment and transporting crops to the local trading outpost,
arranging tours entail logistics and transportation cost. Maybe rural
families should involve relatives who own vehicles to play an initial
role in such venture.
Another challenge to farm tourism is safety and security.
Parts of the countryside are still the hideaway of insurgents who
may prey on unsuspecting travelers and kidnap them for ransom.
Safeguards should be in place to protect farm tourists against rebels
or bandits and usual criminals.
Farm tourism can only succeed with patronage. Without
visitors, farmers cannot generate extra income during lean seasons.
Poor rural infrastructure may not be so much of an obstacle to
promote it as young travelers, particularly backpackers, prefer to feel
the natural surrounding for a genuine outdoor adventure. However,
decent accommodation, amenities and toilet facilities should be on
hand for the more discriminating tourists to make their farm tour
experience more satisfying.
Low agricultural production remains a major cause of high
rural poverty incidence in the Philippines. The Duterte administration
wants to reduce the rate from the current 20 percent to 14 percent by
the end of his term. However, the reality is there are very limited
job opportunities in the countryside and cash giveaways to poor
rural families are not sustainable in the long run. Farm tourism is an
innovative solution to the problem for its very promising potential
sans the challenges and very minimal investment requirement.
As it is, when one travels to the province and visits a remote
barrio, rice farming, vegetable growing and selling, livestock raising,
makeshift sari-sari stores, selling fish and meat in the market and
driving tricycles or jeepneys are the usual livelihood of locals. By
tapping the natural beauty and ambience of their surrounding and
sharing their way of life to outsiders, the whole community benefits
from the spending that goes with tourism.
Farming earns. Farm tourism sweetens the farmer’s money
pot.
Quezon: Que Sira, Sira?
ANG sabi ng isang kaibigan,
maraming kontra-Kaliwang pahayag
ang sikat na blogger at kolumnistang si
Manuel L. Quezon III sa kanyang blog,
pero hindi gaano sa kanyang kolum sa
Philippine Daily Inquirer. Sa kolum
niyang “A wedgeof Chiz,” gayunman,
buong giliw nang binanatan ni Quezon
ang Kaliwa, kaugnay ng posisyon nito
sa mga kandidato sa pagkapangulo
sa eleksyong 2010. Paninira ito, at
malayo sa katotohanan.
(1) Sinundan ni Quezon ang kabagang
niyang si Manuel Buencamino
sa pagkatha ng kwento tungkol
sa pakikitungo ng Kaliwa sa mga
kandidato sa pagkapangulo. Noong
una raw, kampi raw ang Kaliwa kay
Manny Villar. Pagkatapos, bumukas
daw ito sa pakikipag-usap kay
Noynoy Aquino noong tumakbo ito.
Pero dahil galit daw ang Kaliwa kay
Noynoy, ginagamit nito ngayon si
Chiz Escudero para upakan si Noynoy.
Hindi ito totoo. Sa pagkakaalam ko,
hanggang noong tumakbo si Noynoy,
at hanggang ngayon, wala pang
ineendorsong kandidato ang Kaliwa.
Bukas ito sa pakikipag-usap sa kahit
sinong kandidato, basta hindi maka-
Gloria, at kahit kay Noynoy. At walang
priyoridad – may una, may huli – kahit
sa pagkausap. Sa pagkakaalam ko,
bukas ang Kaliwa sa pakikipag-usap
kay Noynoy, at kahit sa posibleng pag-
endorso sa kanya.
(2) Ang lumalabas ngayon, si
Noynoy, hindi ang Kaliwa, ang ayaw
makipag-usap sa kabilang panig.
Maraming posibleng dahilan dito:
baka may takot siya sa Kaliwa, pero
mas malamang na nababakuran na
siya ng sosyal-demokrata at kontra-
Kaliwang mga personalidad at grupo
tulad ng Akbayan. Bukod pa ang mga
pulitikong galing sa naghaharing uri
na gustong bumalik sa gobyerno at
ayaw makipag-usap sa Kaliwa.
Ang nakakatawa, gusto
pang baligtarin ngayon ni Quezon ang
bagay na ito, na para bang napakakitid
ng isip ng Kaliwa at natatali ito sa
lumang mga hidwaan. Hindi ito totoo.
Gusto ni Quezon na bigyang-katwiran
ang hindi pakikipag-usap at posibleng
pakikipagtulungan ni Noynoy sa
Kaliwa. Si Noynoy na nga ang hindi
nakipag-usap, ang Kaliwa pa rin ang
masama. Ganyan yata talaga para sa
mga tulad ni Quezon.
(3) May sinabi pa si Quezon na
talagang kasinungalingan: na ang
kagyat na reaksyon daw ng Kaliwa
sa pagkamatay ni dating Pres.
Cory Aquino ay “tuluy-tuloy na
kritisismo.” Hindi ito totoo. Nasa
kani-kanyang website ang pahayag
ng mga progresibong organisasyon sa
pagkamatay ni Cory. Ang problema,
kahit link nang link si Quezon sa kung
anu-ano sa blog niya, ni hindi niya
tiningnan ang mga website na ito.
Hinahamon
ko
siya:
Magbigay siya ng patunay na “tuluy-
tuloy na kritisismo” ang tugon ng
Kaliwa sa pagkamatay ni Cory. Hindi
niya mapapatunayan iyan, dahil hindi
totoo. Mula kay Prop. Jose Maria
Sison hanggang sa Bagong Alyansang
Makabayan hanggang sa Kilusang
Mayo Uno, hindi tuligsa ang tampok
na tugon sa pagkamatay ni Cory.
Sa sobrang pagkontra sa Kaliwa ni
Quezon, wala na siyang pakialam sa
batayan.
(4) Hindi ko alam kung tamang
tawaging “vendetta” o sama ng loob
ang nararamdaman ng Kaliwa sa
mga Aquino. Parang gusto niyang
palabasing ipokrito ang Kaliwa sa
pagpuri kay Cory noong namatay
ito. Na hindi totoo. Ipinapakita ng
pahayag ni Prop. Sison, halimbawa,
ang tunay na paghanga sa kung
paanong nakipagtulungan si Cory sa
Kaliwa sa kabila ng grabeng presyur
sa kanya ng militar at mga maka-
Kanan.
Sa pagkakaalam ko, isang
prinsipyadong kilusan ang Kaliwa:
pumupuri sa mabuti at tumutuligsa
sa masama. Tutuligsain ng Kaliwa,
halimbawa, ang pekeng reporma sa
lupa ng rehimeng Aquino, pero hindi
rin nito kakalimutan ang pagpapalaya
ni Cory sa mga bilanggong pulitikal.
Gusto ko lang ding idagdag: sa kabila
ng maraming pag-alipusta at panlalait
kay Kris Aquino, hindi tampok na
kasama diyan ang Kaliwa.
(5) At ito rin ang dahilan kung
bakit pinupuri ngayon ng mga
organisasyong progresibo ang mga
pahayag ni Chiz kaugnay, halimbawa,
ng kontraktwalisasyon at Oil
Deregulation Law. Sa tingin ko, kung
sasabihin ni Noynoy ang mga bagay
na ito, kakasiyahan at pupurihin din
siya ng mga maka-Kaliwa. Syempre,
madali namang magsabi ng kung anu-
ano kapag eleksyon. Pero bakit hindi
nga ba niya masabi?
Ito ang problema ngayon sa
kampanya ni Noynoy. Dahil gusto
ng mga tagasuporta – o tagahawak
ba? – niya na manatili siyang
popular at may malapad na hatak
sa madla, hindi nila ito papayagang
tumindig nang malinaw sa mga isyu.
Mananatili siyang blangkong papel na
sinusulatan ng gustong isulat ng lahat,
kahit wala namang batayan kung
talagang pinapaniwalaan niya. Ano’ng
pagbabago ito, kung gayon? Wala.
(6) May alternatibong kwento ako sa
kwento ni Quezon. Bago mamatay
si Cory, daing nang daing ang mga
soc-dem at Akbayan na ang problema
ay “apatetiko” na ang masa, ayaw
lumaban kay Gloria. Hindi kasi sila
marunong mag-organisa at umasa
sila sa Kaliwa para magparami ng
tao sa rali. Noong namatay si Cory
at bumuhos ang tao sa kalsada, hindi
nila inisip na mali sila. Nabuwang sila,
nagdiwang sa pagkilos ng masa.
Dahil wala naman talaga
silang tiwala sa masa, itinulak nilang
tumakbo ang pulitikong sumikat sa
pagkamatay ng nanay niya – bahala
na kung wala naman talaga siyang
tampok na ambag sa paglaban kay
Gloria. Ngayong may tumatakbong
kandidatong naglalantad na walang
kongkretong tindig sa isyu ang
kandidato nila, tulo-laway sila sa pag-
upak sa nasabing kandidato. Takot
silang hindi umubra ang “pagbabago”
lang.
(7) Nagtataka siguro si Chiz. Bakit
siyang talagang lumaban kay Gloria
sa Kongreso at Senado ay ginaganito
ngayon ng mga nagpapakilalang
kontra-Gloria. Bakit ang mga
nagpapakilala noong taguyod ng
pagkakaisang
kontra-Gloria
ay
sinosolo ngayon ang pagkakaisang
ito para dalhin at ikanal sa kandidato
nila. Tiyak namang siya ang napag-
uusapan at tampok noon sa paglaban
kay Gloria, hindi ang kandidato nila
ngayon.
Baka masyado kasi ang
pampulitikang interes nila. Gustong
manumbalik sa gobyerno ng mga
dating naglingkod sa rehimeng Aquino.
At totoo ba ang tsismis na may isang
kolumnistang dating naglingkod kay
Gloria na gustong tumakbong senador
sa darating na halalan? Ngayon, may
popular silang kandidatong tuntungan
nila tungo sa kapangyarihan, para raw
sa pagbabago. Popular, hanggang
kailan? Pagbabago, nasaan?
05 Nobyembre 2009