Tambuling Batangas Publication July 24-31, 2018 Issue | Página 3

BALITA Hulyo 25-31, 2018 Boy Scouts of the Philippines (BSP) Batangas City Council at ang Office of the Persons With Disability Affairs (OPDA) Higit... nilang performance. Ayon kay Mercado tumaas ng tatlong antas ang husay ng mga kalahok sa taong ito kumpara noong nakaraang taon. “Nakita namin ngayon ang fusion of movements, na- maximized din ang stage at nag-explored din ang mga mula sa pahina 1 contestants ng mga bagong artists at music,” dagdag pa ni Mercado. Binigyang diiin din ni Mercado na bilang mga artists, responsibilidad ng mga dancers na magbigay ng magandang emotional influence sa mga manonood lalo’t higit sa mga kabataan, kung kaya’t dapat maging maingat sa konsepto ng sayaw at iwasang maging over-acting. Hinamon niya ang mga kabataang Batangueno na ipakita ang international level dance performance sa susunod na taon. (PIO Batangas City) City ENRO at City Budget naging kampeon sa court dancing Gusali ng Boy Scouts at PWDs pinasinayaan MAY sariling tahanan nang matatawag ang Boy Scouts of the Philippines (BSP) Batangas City Council at ang Office of the Persons With Disability Affairs (OPDA). Pinasinayaan ang kanilang gusali ngayong July 20 sa pangunguna ni AGAP Party List representative Rico Geron, kasama ang mga department heads at ilang konsehal ng lungsod. Ayon kay Welson Barte, presidente ng OPDA, inisyatibo nila ang pagkakaroon ng isang gusali na matatawag nilang kanila. Aniya, isa ito sa pangarap niya bilang pangulo ng mga taong may kapansanan. “Napakaswerte naming mga PWD’s dito sa lungsod sa pagkakaroon ng malaki at magandang gusali. Hindi po kasi lahat ng syudad at munisipyo e nabibiyayaan ng ganitong pasilidad. Kaya’t nagpapasalamat po kami kay Mayor at sa city government at sa AGAP Party List sa kanilang naiambag para matupad ang pangarap naming ito,” sabi ni Barte. Ipinabatid din niya na may balak silang magtayo ng isang motorcycle shop para sa mga may kapansanan na gustong magkatrabaho subalit kulang sa edukasyon. Papangalanan nila itong Price With Discount o PWD. Samantala, inihayag naman ni bagong Council Scout Executive Guilberto Alea ang ilan niyang plano para sa BSP Batangas City Council. Nais niya aniyang i-involve at maging mas aware pa lalo ang mga bata sa kahalagahan ng scouting. “Kita naman natin ngayon na ang mga bata mas may hilig sa mga computers, gadgets at on-line gaming. Parang nagiging 2nd o 3rd option na lamang ang scouting sa kanila, lalo na ngayon na wala naman sa curriculum ang scouting movement sa mga paaralan,” ayon kay Alea. Ayon pa kay Alea, dahil siya rin ang sports coordinator ng lungsod, i-inject niya ang sports thru scouting. “Isa itong paraan upang mailayo ang mga bata sa masamang bisyo at mabuhay sa kanila ang sense of nationalism.” Nais din niyang magkaroon ng Search for the Best Boy Scout Unit in Batangas City kung saan ipapakita dito ang iba’t-ibang kasanayan ng mga boy scouts, kagaya ng fire- making techniques, knot tying, community relations at iba pang skills na magagamit ng mga bata upang ma-enhance ang kanilang mga abilidad. Ang lote na dating kinatatayuan ng lumang BSP building ay ibinigay ng city government samantalang ang pondo para sa facility ay mula sa inisyatibo ng Agap Party List. (PIO Batangas City) NCRPO gears up for SONA, AFP to support police force Jimmiley E. Guzman SA ikalawang magkasunod na taon, muling naging kampeon ang City Environment and Natural Resources Office (ENRO) sa court dancing competition-city government category at sa pagkakataong ito, kasama nila ang City Budget Office sa tagumpay na ito. Ang patimpalak na ito ng pamahalaang lungsod ay bahagi ng pagdiriwang ng foundation anniversary ng Batangas City noong July 23 sa Sports Center. Sa tema ng kompetisyon na Isayaw, Isigaw Batangas Lungsod Kong Mahal, nagpatalbugan ang mga kalahok sa kanilang concept, makukulay na costumes at performance. Ayon sa Chairman ng Board of Judges na si Gener Caringal, Artistic Director ng UE, unanimous ang kanilang naging desisyon sa pagpili ng mga nagwagi. Ayon sa kanya, napili nila ang City ENRO dahil sa costume, production-wise at choreography.Puno rin aniya ng energy ang kanilang performance. Kaya naman nakuha nila ang premyong P50,000 at trophy bilang kampeon. Binati ni Caringal ang pamahalaang lungsod na tanging local government unit na may ganitong klaseng patimpalak. “This contest is within the complex of the city government and the employees were given the chance to showcase their talents while working.” Naiiba din aniya ito sa ibang court dance dahil sa ginamit na medium. Mayroon itong variation subalit hindi nawala ang tradisyon ng subli. Nanalo ng 2nd place ang City Accounting Office na nagkamit ng trophy at P25, 000 habang 3rd prize winner naman ang General Services Department (GSD) na nag-uwi ng trophy at P 15,000 na premyo. Nagwagi ng unang pwesto sa Community Division ang Batangas Province High School for Culture and the Arts at ang mga mag-aaral naman ng Batangas City East Elementary School sa Schools Division. Naging batayan sa pagpili ng mga nagwagi ang choreography and synchronization, relevance to the theme, music, costume and props at over- all impact. (PIO Batangas City) QUEZON CITY – The National Capital Region Police Office (NCRPO) is gearing up for the third State of the Nation Address (SONA) of President Rodrigo Roa Duterte on Monday, July 23, at the Batasan Pambansa here. The Armed Forces of the Philippines (AFP’s) Joint Task Force- National Capital Region (JTF-NCR) is also on standby to provide support to the PNP. Eleazar said at least 6,000 policemen will be deployed within the vicinity of the Batasan Pambansa Complex as part of the security measure. The NCRPO chief also said they are coordinating with other peace and order agencies to secure the event. Just like in the past two years, the NCRPO will be getting help from the Armed Forces, the National Intelligence Coordinating Agency, Metropolitan Manila Development Authority, the Bureau of Fire Protection and the Quezon City local government in securing Batasan Pambansa where the President will address the nation. The Presidential Security Group will be in charge of the security inside the main venue. Representatives from the Commission of Human Rights have also been invited to join them in manning the operation center to prove that their security measures are “in accordance with the human rights standards and principles.” “Maximum tolerance will be implemented by the police force just like what the Chief, PNP and the President have said. Walang baril yong mga nasa CDM (Civil Disturbance Management) units so shield lang, yong shield pwede na sa tabi- tabi na lang, so mag-uusap kami, we will be talking to the different leaders of the groups that will be joining with this activity para mas maayos ang ating SONA,” Eleazar said. Traffic rerouting will be enforced on Monday, while plainclothes police personnel will monitor and identify spoilers of a peaceful democratic exercise. The local government units, especially the Quezon City government, will also participate in monitoring activities during the SONA. (PIA-NCR)