Tambuling Batangas Publication July 11-17, 2018 Issue | Page 4

OPINYON Hulyo 11-17, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Extra rice, anyone? THE prices of rice increased for the 24th straight week on the third week of June, with the average for the well-milled variety pegged at P41.46 per kilogram, according to data released by the Philippine Statistics Authority (PSA). That average is 0.22 percent higher than prices seen on the second week of June and 6.86 percent higher from the previous year’s price of P38.80 per kilo during the same period. “Faster rates of price increases are noted at wholesale and retail trades of well-milled rice,” the PSA said, which adding farmgate price of palay averaged P21.36/kg., up by 0.56 percent from the previous week’s P21.24/kg. But the entry of 172,000 metric tons of imported rice last June 28 through a government-to-government tender by the National Food Authority (NFA) should result in rice prices dropping soon with more NFA rice being available on retail from P27 to P32 per kilo. Clearly, the challenge for government is to fast-track the delivery of the imported rice to all four corners of the archipelago. Of the 172,000 metric tons, 132,000 MT are still at ports while 37,444 MT are now at designated NFA warehouses. The sooner the 172,000 MT of rice are offloaded and sent off from the NFA warehouses the better. That is if the government is to stop the price increases brought about by a depressed supply of the staple grain on the market. In all, the total tender is for 250,000 metric tons with the remainder still to be shipped to our shores. That’s just for the short term, though, because to really bring down the prices of rice in the country, a number of things must happen. First, we must achieve 100 percent rice supply sufficiency either by allocating more farmlands or increasing yield per hectare through an aggressive, government-aided program. During the 70s, the International Rice Research Institute (IRRI) in Los Baños, Laguna served as the center of all scientific studies regarding increasing rice yield. Our Southeast Asian neighbors like Thailand are now net exporters of rice, largely because they sent people to IRRI during the Masagana 99 days of the Marcoses to extract every available knowledge on increasing palay yield resistant to pests and drought. We’ve been the leader in rice research before and there’s no reason why our farmers, with the government providing the seedling, fertilizer and other subsidies, could not replicate past rice production successes. Second, the cost of harvesting and milling rice, as well as its storage and transport must be brought down with government and private sector support. Third, government must step in to stop the unconscionable profiteering of some rice traders who buy palay at nearly below cost of production and then laugh all the way to the bank with huge profit spreads. Here we just have to compare the farmgate price of palay at P21.36/kg. and the retail price of P41.46/kg. of rice to know some middlemen are making a killing at the expense of farmers and rice consumers, all 106 million of us Filipinos. If NFA rice can retail at P27 per kilo, why can’t we slash down the profit of the middlemen? Farmgate prices should be raised though, because we must encourage more Filipinos to farm by making it profitable for them and not just the middlemen. As it is, the average age of Filipino farmers is 57 years old and many of their children, according to government surveys, are not inclined to follow their footsteps. With the aforementioned rice scenario, would you care for an extra serving of rice? Ni Teo S. Marasigan Edukasyon at ‘Pag-unlad’ na Gusto ng Gobyerno NOONG Disyembre, ipinasa ng administrasyon ng Unibersidad ng Pilipinas ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin ng papasok na mga freshman. Mula P300, magiging P1,000 kada yunit ang matrikula. Sa isang semestre, sa karaniwang 18 yunit na kinukuha ng isang estudyante, lalabas na mahigit P18,000 ang babayaran nito. Sinasabing pambalanse ng administrasyon ang pagpasa ng bagong sistema ng pag-alam ng kita ng pamilya ng mga estudyante – para iangkop dito ang sisingiling bayarin. Mahalaga ang pangyayaring ito sa bansa. UP ang tinitingalang paaralang pampubliko ng marami nating kababayan, na nangangarap pag- aralin ang matatalino nilang anak dito. Higit pa rito, bilang pangunahing unibersidad, UP ang itinuturing na modelo ng ibang kolehiyo at unibersidad ng estado sa kanilang mga patakaran sa iba’t ibang larangan. Sa kasaysayan, UP rin ang ginagamit ng gobyerno na laboratoryo ng mga patakarang itinutulak nito sa iba pang kolehiyo at unibersidad. Sa ganitong grabeng pagtaas ng matrikula, tila nababago ang sinasabing katangiang “pampubliko” ng UP. Bago ang pagpapasyang itaas ang matrikula at ibang bayarin, nagtodong opensiba sa UP ang mga argumentong neoliberal hinggil sa edukasyong pangkolehiyo sa bansa. Partikular na porma nito ang paglalabas ng mga papel ng komiteng pinamunuan ni Prop. Emmanuel de Dios ng UP School of Economics. Kung maaalala, kasama si De Dios sa bantog na “Econ 11,” ang 11 ekonomista ng UPSE na naggiit sa gobyernong Arroyo na magdeklara ng krisis pampinansiya noong 2004 – na siya namang naging tuntungan ng gobyerno para magpataw ng bagong mga buwis at gipitin ang serbisyong panlipunan. Pangunahin sa mga argumento ng Komiteng De Dios at administrasyon ng UP ang pagkuwestiyon kung makatwirang subsidyuhan ng estado ang UP – at maging ang edukasyong pangkolehiyo sa bansa. Ayon dito, karamihan sa mga pakinabang ngayon ng edukasyong pangkolehiyo sa bansa ay napupunta lang sa pribadong mga indibidwal. Ang dapat diumano ay ilaan ng estado ang subsidyo sa mga programang magbibigay ng pakinabang sa estado, bagaman hindi laging gagap ng pribadong indibidwal. Halimbawa nito ang agham at teknolohiya – laluna sa antas- masterado (MA) o doktorado (PhD). Sa isang banda, totoo ang obserbasyon dito. Halimbawa, marami sa mga Pilipinong nag-aaral ng nursing ngayon, at nag-aral ng computer science noon, ang nangingibang- bansa. Ibig sabihin, hindi napapakinabangan ng bansa ang kakayahan ng mga nagtatapos sa mga kursong ito gayung matindi ang pangangailangan sa kanila rito. Maging ang mga nagtapos sa College of Medicine ng UP na naiwan sa bansa, kayang bilangin umano ang mga kasabayan nilang nanatili. Sa harap ito ng grabeng kakapusan ng doktor sa bansa kung ihahambing sa dami ng kababayan nating nangangailangan. Sa halip na baguhin, ang gusto ay angkupan – at sa gayon ay panatilihin – ang kalagayang ito ng panukalang lalo pang kaltasan ang subsidyo ng estado sa edukasyon. Dapat palalimin ang datos na ito, gayunman. Bakit ito ang mga kursong kinukuha ng marami nating kababayan? Higit pa rito, bakit nangingibang- bayan ang marami sa mga nagtatapos sa bansa? Iyan ang mga kursong kinukuha ng marami nating kababayan dahil nariyan ang mga kakayahang kailangan para makapagtrabaho sa ibang bansa. Nangingibang- bansa ang mga kababayan nating nakatapos dahil walang trabahong nakabubuhay para sa kanila dito sa bansa. Dagdag pa rito, opisyal na patakaran ng gobyernong hikayatin ang nakatapos nating mga kababayan na mangibang- bansa. Ang sisi, kitang-kita, ay sa gobyerno. At maging ang pakinabang. Habang estudyante ang mga Pilipino, pagkakaitan sila ng subsidyo sa edukasyon. Pero kapag nangibang-bansa na sila, tatawagin silang “bagong bayani” – nagpapadala ng mga remittance na bumubuhay sa naghihingalong ekonomiya ng bansa, kapalit ng kapabayaan ng gobyerno. Sa ganyang punto nailalantad ang gobyerno – na binubuo ng naghaharing mga elite sa bansa na ang interes ay panatilihin ang umiiral na sistema na kanilang pinakikinabangan. Hindi niyutral ang gobyerno, gaya ng tila gustong palabasin ng ilan. Ang solusyon ba ay subsidyuhan ng estado ang mga kurso para sa pangingibang-bansa ng mga nakapagtapos? Hindi rin, pero patunay ang grabeng singil ng paggisa sa mga nag- aaral sa sariling mantika at ng pagsagka sa pagpasok ng iba maging sa makipot na landas na ito ng personal na pag-unlad. Ang kailangan, bukod sa dagdagan ang subsidyo sa edukasyon, ay ang pagbabago sa klase ng “pag- unlad” na tinatanaw ng gobyerno. Ang pag-unlad na kailangan ng bansa ay iyung nakabatay sa pagsapat sa pangangailangan ng mga mamamayan – na tiyak na magbibigay ng trabaho sa marami. Sa pagbubukas ng pasukan, magsisikap ang iba’t ibang sektor sa UP na pasiglahin ang kampanya para tutulan at paatrasin ang pagtaas ng mga bayaring bumabago sa sinasabing pagiging “pamantasan ng bayan” ng UP. Dahil matalas na taguyod ng klase ng “pag-unlad” na gusto ng gobyerno ang lokal na mga tagapagsalita nito, tiyak na aabot sa usaping ito ang paglalantad. Kapana-panabik ang susunod na kabanata. Abangan. 18 Mayo 2007,