Tambuling Batangas Publication January 30-February 05, 2019 | Page 2

BALITA Assistant City Prosecutor Marian Hermoso 104th Lian Foundation, 74th Nasugbu Landings and Liberation Day Anniv Ipinagdiwang NAKIISA ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor Dodo Mandanas, sa pagdiriwang ng ika- 74 Liberation Day ng Munisipalidad ng Nasugbu at Centennial plus Four o ika-104th taong pagkakatatag ng Munisipalidad ng Lian noong ika-31 ng Enero 2019. Sa bayan ng Nasugbu, na pinamumunuan ni Mayor Antonio Barcelon, binukasan ang pagdiriwang ng 74th American Forces Landing Anniversary sa pamamagitan ng Sounds of Liberation, kung saan sabayang nagbigay hudyat sa buong Bayan ng Nasugbu ang pagtunog at pagsilbato ng mga sirena, sabayang pagkalembang ng kampana, at pagpapalipad ng mga kuwitis, na sumisimbolo sa pagdating ng puwersa ng mga Amerikano, alas–kuwatro ng umaga, at nagsisimula na ang liberasyon mula sa mga mananakop na Hapones. Sinundan ito ng pagdiriwang ng Banal na Misa sa St. John the Baptist Parish Church sa bayan ng Lian, Civic/Military Parade sa Nasugbu at pagsasagawa ng 48 Martyrs Commemorative Rights at Wreath Laying Ceremony sa Nasugbu Pavillion kung saan makikita ang American Forces Landing Monument. Kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, nakiisa si Governor Mandanas sa paggagawad ng pagkilala at parangal sa mga World War II Veterans ng nasabing bayan. Isa sa mga kinilala si G. Zoilo Ednaco, na tumayong District Commander ng Unang Distrito, bilang pinakamatandang buhay na World War II Veteran sa Lalawigan. Ang kaganapang ito sa bayan ng Nasugbu ay isa sa mga mahahalagang bahagi ng Philippine Liberation Campaign ng United States Armed Forces to the Far East (USAFFE) kung saan noong ika-31 ng Enero 1945, ang elements ng 11th Airborne Division ng US Eight Army ay bumaba sa nasabing bayan, kasama ang US Navy Flotilla, sa pangunguna ni Gen. Robert Eichelberger and Rear Admiral W. M. Fechteler, sakay sa lead ship USS Spencer upang simulan ang liberasyon ng Batangas mula sa kamay ng mga Hapones. Matapos mabawi ng US Forces ang bayan ng Nasugbu at iba pang mga bayan sa Batangas, tumulak ang mga ito sa Tagaytay upang magsilbing blocking force ng mga umaatras na sundalong Hapones galing sa Maynila. Isa rin ang Nasugbu Landing Forces sa mga tumugon at lumaban sa isa sa mga pinakamakasaysayang labanan ng World War II, ang Battle of Manila o ang liberasyon ng Maynila. Sa mensaheng ipinaabot ni Governor Mandanas para sa mga mamamayan ng Nasugbu, sinabi nitong sa darating na ika-75 na pagdiriwang sa isang taon, makikiisa ang buong Lalawigan sa selebrasyon sapagkat ang Nasugbu landings ay tunay na mahalaga ang ginampanan sa kasaysayan. Dahil dito, aniya, nagkaroon ng kaganapan ang liberasyon ng Maynila sa kamay ng mga mananakop, na naging hudyat ng tuluyang liberasyon ng Pilipinas. / Edwin V. Zabarte PIOBatangas. GSIS reaches out to SAF 44 widows PASAY CITY -- The Government Service Insurance System (GSIS) reached out to the widows of Special Action Force (SAF) 44 policemen by hiring them as personnel in GSIS Zamboanga operations. “In 2018, the GSIS branch office in Zamboanga was in need of additional people after a considerable number of its personnel retired and requested transfer to other branches. Heeding President Duterte’s appeal to give priority to qualified SAF 44 widows in government employment, we hired the four SAF 44 widows in December 2018 as personnel after their applications were evaluated and they were found qualified for the job under standard operating procedures,” GSIS Chairman Rolando Ledesma Macasaet said. According to the widows, they applied for work in GSIS because they had to look for additional source of income to sustain their family’s needs and at the same time, find a way to heal after they lost their husbands in a bloody encounter with the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters on January 25, 2015. One of the widows, Lhea Tabdi, widow of Senior Police Senior Inspector, Gednat Tabdi, was a a former health worker in the City Health Office of Lamitan City who had to resign after the tragedy to take care of her three-year old son. “Happy ako.Alam ko ito rin ang gusto ng asawa ko, na ipagpatuloy ko ang buhay ko. Kapag sa bahay lang ako, ang daming iniisip,” said Tabdi on her decision to work again. These days, she finds fulfilment attending to the transacting clients of GSIS Zamboanga. The other widows hired by GSIS are Emeliza Danao, wife of Police Officer 2 Walner F. Danao; Margaret Manuel, common law wife of Police Officer 2 Joel B. Dulnuan; and Adelisa Bedua, wife of Police Officer 2 Glenn B. Bedua. Bedua cried as she exclaimed how grateful she is for the opportunity. “Natanggal ang pag-aalala ko sa gastusin. Malaking tulong…Marami akong nakikilala dito. Stressful kapag nasa bahay lang ako,” explains the widow who is now assigned at the branch offices’s Loans and eServices Unit. Being conversant in Tausug, she functions as an interpreter between GSIS staff and applicants from Sulu, Tawi-Tawi and Basilan. Over a month into the job, Manuel says she is now comfortable working at the branch office’s Special Business Unit and “mabait sila” of the people that she has worked with. She provides assistance in encoding various contracts. “Masaya ako sa ginagawa ko,” Danao says of her assignment at the GSIS Billing and Collection Unit. Chairman Rolly Ledesma Macasaet, a true Zamboangueño from the large Ledesma clan, recalled that GSIS paid the Employee Compensation (EC) funeral benefits of SAF 44 policemen and released the initial pension benefits of their survivors barely a month after the tragedy struck. The surviving spouses and dependents of qualified SAF 44 policemen have since been receiving EC pension administered by the GSIS. GSIS is the first agency under President Rodrigo Duterte’s administration to provide this kind of assistance to SAF 44 families. (GSIS) January 30-February 5, 2019 Isang prosecutor pabor sa lowering ng age of criminal responsibility sa siyam SA harap ng patuloy na diskusyon sa House Bill 8858 na nagbababa sa minimum age of criminal responsibility sa 12 taong gulang mula 15, , isang assistant city prosecutor sa Batangas City ang nagpahayag ng pagpabor kahit sa pagbababa nito sa edad na siyam. Ayon kay Assistant City Prosecutor Marian Hermoso na isang taga usig na kumakatawan sa estado sa korte na syang humahawak ng kaso sa mga kabataan, “ mayroon talagang mga batang sangkot sa krimen na nasa siyam na taong gulang kung kayat pabor ako sa nais ng estado na ma address ang problema sa pamamagitan ng paglalapat ng solusyon sa mga bata upang itama at irehabilitate ang mga ito at hindi upang parusahan.” Sinabi rin niya na dumaan na ang bansa sa batas na nagtatakda ng minimum age of criminal responsibility sa siyam na taong gulang noon pa bago ito ginawang 15 ng Juvenile Unity... kabilang sa listahan ng mga hot spots, inaasahan pa rin nila ang suporta at kooperasyon ng lahat upang maging maayos ang eleksyon dito. Sa mensaheng ipinaabot ng Batangas City Comelec head na si Atty. Grollen Mar Liwag na kinatawan ni Eva San Jose, asst. election officer, pinaalalahanan niya ang lahat ng mga kandidato na sumunod sa electoral process ng Comlec. Aniya, ang kampanya sa mga tatakbo sa House of Representative at sa local positions ay sa March 29 Taal... Nagkaroon din ng pagkakataon si Governor Mandanas na ipaabot ang imbitasyon sa Filipino-Canadian community na dumalo at makiisa sa 500th Year Quincentennial Celebration o ika-500 taon ng Pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas na ipagdiriwang sa Lalawigan. Ipinaalam ni Governor Mandanas sa delegasyon na ipinahatid na ng mga organizers ng Quincentennial Celebration ang imbistasyon sa Santo Papa, Pope Francis, at isa sa mga nakatakda sa programa ang pagbisita sa Taal Basilica sa bayan ng Taal, Justice and Welfare Act of 2006 o Republic Act No. 9344. “Kailangang ang pagtugon sa problema ay pagtatama, hindi pagkondena,” sabi ni Hermoso. May mga programa sa batas na tumutulong aniya sa mga magulang, komunidad at mga ahensya na sumasaklaw sa karapatan ng mga kabataan. Sinabi din niya na ang umaabot lamang aniya sa kanila sa korte ay yung mga kaso na involved ang mga kabataan na may edad over 15 less than 18 kung saan marami sa mga kasong ito ay murder, rape, pagnanakaw at droga. Subalit hindi aniya maitatanggi na may mga batang edad siyam na sangkot sa krimen at ito ay napapaulat sa television at iba pang mass media. Kaakibat sana aniya ng naturang panukala ay matugunan ng pamahalaan ang kakulangan sa mga pasilidad na kakalinga at gagabay sa mga bata. mula sa pahina 1 hanggang May 11 habang ang para sa senador ay magsisimula sa February 12. Ang Integrity Pledge ng mga kandidato ay sa harap ni DILG City Director Victoria Amor San Gabriel habang ang Oath of Non-Partisanship ay isinagawa ni PSupt. Celedio at PNP personnel. Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Fire Protection. Kasunod nito ang Signing of Covenant ng mga kandidato, PNP at Comelec personnel. (PIO Batangas City) mula sa pahina 1 ang pinakamalaking simbahan sa buong Asya. Ang 240 Filipino- Canadian delegation ay nagmula sa consulate communities ng Ottawa, Calgary, Toronto, Vancouver, Edmonton, at Winnipeg. Matapos ang mga nakahanay na aktibidad sa Taal Heritage Town, tumungo ang mga bisita sa Munisipalidad ng Nasugbu upang saksihan ang mga kilalang beach resorts dito kung saan matutunghayan ang makasaysayan at marikit na baybayin ng nasabing bayan./ Edwin v. Zabarte-PIOBatangas. EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT WITH WAIVER OF RIGHTS Notice is hereby given that the estate of the late ROGELIO PASAMIC ALEJO who died on AUGUST 11, 2017, at Batangas Regional Hospital, Batangas City, Leaving a parcel of Land located at Brgy. Canlubang, Municipality of Calamba, Province of Laguna with an area of NINETY FIVE (95 sq.m.) SQUARE METERS covered by TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-149159 Mortgaged at National Housing Authority, Quezon City has been extrajudicially settled by his heir, as per Doc. No. 456; Page No. 093; Book No. CXXIV; Series of 2018; Notary Public Atty. ALEXANDER F.E.G. FAUSTINO. Tambuling Batangas January 16, 23 & 30, 2019