Tambuling Batangas Publication January 30-February 05, 2019
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Antarctica ice loss increases ... p.5
Isang prosecutor pabor sa
lowering ng age of criminal
responsibility sa siyam.p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
RP-UK educational
collaboration
key strategy in
internationalization,
competitiveness -
CHED p. 5
10 drug-free barangay sa
Batangas City dineklara ng
PDEA 1V-A p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 5
January 30-February 5, 2019
P6.00
Unity Walk and Peace Covenant
Signing for Safe Election 2019 idinaos
BATANGAS
CITY-Bandang
6:00 ng umaga ng magsimula
ang Unity Walk sa harap ng
Batangas City Police Station ng
Team EBD sa pangunguna ni
Mayor Beverley Rose Dimacuha
kasama ang ilan pang mga
kandidato sa pagka konsehal
at bokal na tatakbo sa May 13
national at local elections.
Ang Unity Walk and
Peace Covenant Signing for
Safe Election 2019 ay inisyatibo
ng Batangas City Police Station
bilang
pagpapahayag
ng
commitment ng mga kandidato
na magkaisa sa layuning
magkaroon ng mapaya, ligtas,
malinis, at maayos na halalan.
Isang
programa
ang idinaos sa Plaza Mabini
kung saan ito ay sinimulan
sa pamamagitan ng interfaith
prayer nila Rev. Fr. Gerald
Macalinao ng Basilica of
the Immaculate Conception,
Pastor Christopher Arago ng
Evangelical religious faith at
Imam Ustadz Abdullah Ampaso
ng Islamic faith.
Sinabi
ni
P/Supt.
Sancho Celedio, chief ng
Batangas City Police Station na
bagamat ang lungsod ay hindi
Sundan sa pahina 2..
Pinakamababang Bilang ng
Nasaktan sa Paputok noong Bagong
Taon sa Batangas Province, Naitala
PINAKAMABABA sa nakaraang
12 taon, 28 ang naging biktima ng
mga paputok samantalang walang
nasaktan dahil sa ligaw na bala sa
Lalawigan ng Batangas, sang-ayon
sa ulat ng Provincial Health Office
(PHO), nang salubungin ng mga
Batangueño ang Bagong Taong
2019.
Ito
ay
hango
sa
Firecracker and Blast Injury
Report, na naitala mula ika-21 ng
Disyembre 2018 hanggang ika-5 ng
Enero 2019, na nakalap mula sa 12
ospital sa lalawigan na nasa ilalim
ng Pamahalaang Panlalawigan
ng Batangas, sa pamamagitan ng
PHO.
Sa ulat ni Dr. Rosvilinda
Ozaeta,
Provincial
Health
Officer, ang 28 nasugatan ang
pinakamamababa sa 12 taong
talaan ng PHO, na nakapaggamot
ng pinakamaraming mga biktima
ng paputok noong 2014 at 2015,
kung kailan 115 at 102 ang
nasaktan, ayon sa pagkakasunod.
11 sa mga na-ospital dahil
sa mga firecrackers ang naputukan
ng kwitis, 3 ang dahil sa baby
rocket at 3 rin ang napinsala ng
piccolo.
Pinakabatang biktima ang
isang 2 taong bata na natamaan ng
kwitis, habang pinakamatandang
nasugatan ang isang 59 na taong
gulang na naputukan ng piccolo.
Vince Altar – Batangas Capitol PIO
Unity Walk sa harap ng Batangas City Police Station ng Team EBD sa pangunguna ni Mayor Beverley Rose Dimacuha kasama ang
ilan pang mga kandidato sa pagka konsehal at bokal na tatakbo sa May 13 national at local elections
Taal, Nasugbu, Ipinamalas sa Filipino–
Canadian Visitors
MALUGOD na tinanggap ng
Pamahalaang Panlalawigan ng
Batangas ang delegasyon ng
Winter Escapade 6 –It’s More
Fun in the Philippines (WE-
IMFITPH) sa Munisipalidad ng
Taal para sa isang Heritage Tour
noong ika -29 ng Enero 2019.
Ang Winter Escapade ay
isang programa ng Department of
Tourism (DoT) para anyayahan
ang mga Canadians at Filipino-
Canadians na bumisita sa
Pilipines upang makita ang
mga
magagandang
tourism
destinations
at
potensiyal
nito para sa pamumuhunan at
pagnenegosyo. Ang 6th edition
ay nakatuon sa culture, heritage
at history ng Batangas Province.
Sa pagtutulungan ng
DoT at Batangas Provincial
Tourism and Cultural Affairs
Office, kasama ang Taal Municipal
Government, inihanda at ipinakita
ang mga ipinagmamalaking
cultural heritage sites, tulad ng
Taal Basilica, Museo Apacible
at Agoncillio, ganoon na rin ang
mga pagawaan ng dalawang
kilalang produkto ng Taal – ang
Balisong at ang Burdang Taal.
Sa inihandang luncheon,
na pinangunahan nina Batangas
Governor Dodo Mandanas at
Atty Gina Reyes-Mandanas,
ipinakita rin sa Filipino-Canadian
delegation ang iba pang mga
pangunahing
pasyalan
sa
lalawigan, partikular ang Faith
& Pilgrimage Tourism attractions
tulad ng Monte Maria Shrine sa
Lungsod ng Batangas, at Farm
Tourism destinations kagaya
ng Paraiso Village Farm sa
Munisipalidad ng San Jose.
Sundan sa pahina 3..
Kaso ng teen pregnancy
bumababa
BUMABA
ang
teenage
pregnancies sa Batangas City
mula 879 noong 2016 hanggang
682 noong 2018 habang patuloy
ang education campaign na
isinasagawa ng City Health Office
sa mga kabataan at kanilang
magulang upang maiwasan ang
problemang ito sa pamamagitan
ng Adolescent Health and
Development Program (AHDP).
Ayon
kay
City
Population Program Officer 1V
Murita Cunanan, ang pagdami
ng teen oregnancy ay nag-uugat
sa dysfunctional family o yuong
wala ang ama o ina, social media
kung saan madaling ma access
ang mga porn sites o madaling
magkaroon ng karelasyon. Ang
kahirapan ay isa ring dahilan
kung kayat napipilitan ang mga
babaeng teenagers na pumasok
sa tinatawag na “survival sex”
o prostitusyon upang kumita ng
pera.
Ayon sa ulat ng City
Health Office, ang top ten
barangay na may pinakamataas
na kaso ng teen pregnancy noong
2018 ay ang Sta. Clara, Malitam,
Cuta, Wawa, Sta. Rita Karsada,
Balagtas, Tinga Labac, Bolbok,
Kumintang Ilaya, Alangilan at
Balete.
Upang matulungan ang
mga kabataan na nangangailangan
Sundan sa pahina 3..