Tambuling Batangas Publication February 21-27, 2018 Issue | Page 4

OPINYON Pebrero 21-27, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Alarming crime A 13-year-old girl reportedly managed to escape from her kidnappers and to reveal to authorities what she saw inside the van where she was taken. According to the girl, she saw five other teeners like her in the van, with one of them already decapitated. This happened in Biñan, Laguna, which is a scant 39 kilometers from Manila. The girl, who managed to escape by jumping from the van, had no motive at all to fabricate things that she saw. Clearly, criminals preying on helpless students are on the loose and sowing terror among the population. What happened in Binan, Laguna– and reports indicate there were actually several incidents of similar nature wherein students were grabbed in secluded areas–- -should be enough warning to police authorities to take decisive action. Is there a big syndicate behind this series of kidnappings of young female students? If that’s the case, parents, students, school officials and the police should cooperate closely to combat this new challenge to the peace and order situation in the country. Ni Teo S. Marasigan Ratings, o Kahirapan at Pananagutan KAHIRAPAN ang madaling naging bukambibig sa pagpapaliwanag sa nangyari sa unang anibersaryo ng palabas na Wowowee nitong Pebrero 4. Dahil sa kahirapan, nagbaka- sakali ang libu-libo nating kababayan na sumali at manalo sa mga palaro ng nasabing programa – na nangakong magbibigay ng maraming papremyo sa pagdiriwang nito. Kailangan nga lamang pumila: Kaya dumating ang mga pinakamaaga tatlong araw bago ang programa. Marami ang nagbaon na ng pagkain, tubig at tulugan. Kahirapan, sa kahuli-hulihan, ang dahilan sa pagkamatay ng mahigit 70 at pinsala sa mahigit 250 pa. Madaling maunawaan ang ganitong paliwanag. Dahil tuluy-tuloy na lumiliit ang kita ng karaniwang tao, dumadausdos din ang kalidad ng pagkain niya: Mula sa dating galunggong, gulay at sardinas hanggang sa instant na pansit kanton ng marami ngayon. Kilalang masayahing tao ang mga Pilipino, pero rumurok nitong huli ang bilang ng nagpapakamatay sa atin, habang lumalaganap ang mga daing at kawalan ng pag- asa. Habang walang ibinibigay na serbisyong panlipunan ang gobyerno, lalo nitong pinipiga ang buwis sa karaniwang tao. Walang mawawala sa kanya kung subukan ang tsamba. Pinakamalapit na maihahambing ang pagguho ng bundok ng basura sa Payatas noong 2000 na pumatay ng daan-daang maralitang nakatira doon. Sa pagsisikap mabuhay, namamatay ang mga Pilipino – sa masasaklap na pagpapamukha ng pagiging bulok ng gobyerno at mga naghaharing uri sa bansa. Pawang nagpapatotoo ang Payatas 2000 at Ultra 2006 sa sinabi ng isang pilosopo na “Ang mga krisis ay kinakatangian mismo ng katotohanang ang luma ay namamatay na at ang bago ay hindi pa maisilang: sa ganitong pagitan, maraming klase ng nakakarimarim na sintomas ang lumilitaw.” Nakakapagduda, gayunman, kapag nagkakaisa ang iba’t ibang grupo sa pagsasabing kahirapan ang sanhi ng trahedya. Totoo, pero hindi buong katotohanan. Hindi lamang kulang ang ganitong paliwanag. Sa pinakamasahol, pinagtitibay nito ang pagtingin ng mga naghaharing uri at pinapalaganap sa midya na ang maralita o ang tinatawag na “masa” ay magugulo – hindi sumusunod at bagkus ay lumalaban sa kaayusan. Sa ganitong paliwanag, abswelto na ang mga naghaharing uri na may responsibilidad sa nangyari. Lumilitaw na ang gusto lamang nila ay “magpasaya” sa mga kababayan natin. Totoong-totoo, pero hindi buong katotohanan. Gustung-gusto ng mga kumpanya sa telebisyon na magpasaya sa ating mga kababayan dahil kaakibat nito ang kanilang kita o ganansya. Partikular sa palabas na ito, napili nilang taktika – para habulin ang kalabang nangunguna – ang pamimigay ng marami at malalaking papremyo sa mga kalahok at manonood. Dahil hindi nila kayang talunin sa pagpapatawa ang kalaban, hinahabol nila ito sa pagpapaulan ng pera. Sa likod ng mapagkawanggawang retorika, malinaw nilang pinag-iisa ang kaligayahan ng tao at ang pagkakaroon ng pera o yaman. Nagtagumpay sila. Pero nanawagan sila ng kapangyarihang hindi nila kayang kontrolin. Noong hindi natuloy ang pangakong pamimigay ng tiket sa pagpasok at palaro noong 6:00 ng umaga, nainip ang tinatayang 50,000 kataong naghintay sa labas. Nagtipon sila sa harap ng pasukan at naggiit na makapasok. Pinapasok sila ng mga gwardya. Pagkatapos, inanunsyo na 17,000 katao lang ang makakapasok. Sa puntong ito naggiit at nagtulak ang mga nasa likod. Bumigay ang pasukan noong 6:45 ng umaga, kasabay ng malakas na patugtog ng musika. Sinasabing apat na patong ng bangkay ang naiwan. Kailangang balansehin ang kahirapan at pananagutan sa pagpapaliwanag sa naganap. Kahit sa ganitong kwento, malinaw na may mga hakbanging maaaring ginawa para ayusin ang hanay ng mga manonood pero hindi ginawa. Hindi naging sensitibo ang mga organisador sa kinahantungan ng pang- aakit nila sa mga maralitang nagtipon sa labas ng kanilang palabas. Ginatungan pa ito ng ininterbyung “sosyologo” ng parehong istasyon: Dahilan din daw ang “pagkamakasarili” ng mga maralita sa nangyari. Hindi nila nauunawaan ang pwersa ng pangarap, pananampalataya, at pag-asa ng mga maralita. Sa isang sikolohikal na yugto, sinabi pagkatapos ni Willie Revillame: “Sa inyo na ang ratings”. Lumabas din ang totoo: Hindi nagagalit- naggigiit at naiipit-namamatay ang ratings. 05 Pebrero 2006