Tambuling Batangas Publication February 21-27, 2018 Issue | Page 3

BALITA Pebrero 21-27, 2018 Batangas City unstoppable in its 3rd straight win Batangas City Tanduay Athletics and Quezon City Capitals carved out a pair of solid victories on Saturday night to stay ahead of the pack in the 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Rajah Cup at the Imus Sports Complex. City ... konstruksyon ng stage with extended roofing sa Parang Cueva, San Andres, Isla Verde, Conde Labac at Mabacong. Nagpagawa naman ng pier sa Liponpon, at San Agustin, Isla Verde. May 12 pang infrastructure projects ang naipagawa sa iba’t ibang barangay kagaya ng Birthing Facility sa brgy. Libjo; Health Center sa Balagtas Senior Citizen/ Women’s center sa Gulod Labac; school stage sa Ilijan National High School at iba. Natapos na rin noong nakaraang taon ang “first of its kind” sa CALABARZON na three- mula sa pahina 1 storey evacuation center sa barangay Bolbok. Ang pagkakagawa at disenyo nito ay sumunod sa itinakdang disenyo at standard ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil ito ay may pasilidad na angkop sa mga pangangailangan ng mga taong may kapansanan at senior citizens. Kinonkreto rin ang mga karsada sa may 15 barangay kagaya ng Pagkilatan, Dela Paz Pulot Itaas, Pinamucan Silangan, Dalig, Catandala at iba pa. Isinaayos rin ang mga drainage system sa Philippine Science High School; Pinamucan Ibaba; Poblacion 6; Pallocan West, at lima pang barangay. Ganoon din ang mga spillway, sea walls, box culverts, pathway at roofing. Naglagay rin ang pamahalaang lungsod ng mga streetlights sa barangay 18, barangay 5 at Philippine Science High School para mapangalagaan ang katahimikan ng lugar. Ang mga nabanggit na proyekto ay ilan lamang sa mahabang listahan ng mga proyektong pang-imprastraktura na binibigyang katuparan ng pamahalaang lungsod para sa kapakinabangan ng mga mamamayang Batangueno sa lungsod. (GG/BHABY P. DE CASTRO with reports from PIO BATANGAS CITY) Pangunahing suspek sa Golden Sun Jewelry shop robbery, nahuli na drainage sa business district BUMAGSAK na sa kamay ng Batangas City PNP ang hinihinalang lider ng Termite gang na syang suspek sa nangyaring nakawan sa Golden Sun Jewelry shop sa Evangelista St. Barangay 16, Batangas City noong ika-5 ng Pebrero kung saan dumaan ang mga magnanakaw sa manhole ng drainage canal papunta sa shop. Ayon sa ulat ni Batangas City PNP Chief PSupt Wildemar Tan Tiu sa isinagawang pagpupulong ng City Peace and Order Council noong February 7 sa Office of the Mayor, naaresto ang suspek na nakilalang si Manuel Banay noong ika-6 ng Pebrero sa isang construction site sa barangay Mabacong dito sa lungsod. Si Banay ay 25 taong gulang, binata, construction worker, isa ring minero at tubong Barangay Baracbac, Candon, Ilocos Sur. Sa kanyang ulat, sinabi ni Tiu na ang mga suspek ay dumaan sa drainage canal sa P. Burgos St., 200 meters mula sa nasabing shop. Natangay mula sa vault ang perang nagkakahalaga ng P300,000.00 US dollars at foreign dollars na halagang P80,000.00 at mga alahas na nagkakahalaga ng P 3 milyon. Nakuha sa display cabinets ang alahas na nagkakahalaga ng P8 milyon. May kabuuang P 11,380,000.00 ang kabuuang halaga ng pera at alahas na natangay ng mga kawatan. Kahit aniya may cctv sa shop na pag-aari ni Adelaida Senosa, ito ay hindi gumagana. Pinaghahanap pa din ng mga tauhan ng pulisya ang iba pang suspek sa nasabing nakawan na sina Arnel Gaddingan, Wanbol Daligas, Brixon Aduca at Brando Gargabite.. Dahil sa naturang pangyayari, payo ni Tiu sa mga banko, jewelry shops at iba pang business establishments na mag-install ng motion alarm system, high definition CCTV at magkaroon ng security guard 24/7 bilang security measures. Inirekomenda ni Tiu sa City Engineer’s Office na inspeksyunin ang mga upang maiwasang magamit uli ito sa criminal activities. Sinabi din ni DILG City Director Victoria Amor San Gabriel na kailangang alamin ng mga barangay officials kung sino ang mga bagong nangungupahan sa kanilang lugar upang maiwasan ang mga nakawan. Kailangan ding magbigay ng memorandum ang mayor sa mga barangay captains na dapat panatilihing operational ang mga cctv sa kanilang lugar. Dapat ding maging mapagmatyag ang mga ito sa mga excavation na ginagawa sa kanilang lugar, alamin ang identity ng mga laborers dito at i require sa kanila ang police clearance. Tungkol sa peace and order situation sa lungsod, iniulat ni Tiu na ang crime volume ngayong Enero ay umabot sa 14, mas mababa kumpara sa kagayang buwan noong 2017 kung saan ang crime volume ay 24. Ang nangungunang krimen ay physical injury kasunod ang theft. “Generally peaceful” aniya sa lungsod sa kasalukuyan. (PIO Batangas City) BATANGAS City Tanduay Athletics and Quezon City Capitals carved out a pair of solid victories on Saturday night to stay ahead of the pack in the 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Rajah Cup at the Imus Sports Complex. Not to be outshone were the visiting Athletics, who seized control early on behind their unrelenting pressure on the way to a wire-to- wire 74-56 victory over the free-falling host Imus Bandera. Former pro Val Acuña had a team-high 16 points while veteran Lester Alvarez added 14 points, five assists, three rebounds and two steals for Batangas, which took a 19-9 lead at the end of the opening period. Ian Melencio finished 23 points on an efficient 10-of-14 shooting from the field on top of six rebounds and two assists that all went down the drain as Imus failed to dug itself out of an early hole, leading to its third straight setback. Meanwhile, big man Jessie James Collado threw his full weight around the lane with 16 points and a league-high 19 rebounds on top of four blocks as the Capitals turned back erstwhile undefeated Navotas Clutch, 87-78. Former Adamson stalwart Gian Abrigo did his fair share with 13 points, 10 rebounds, six assists and four steals while Peejay Barua and Mark Tayongtong combined for 25 points to help Quezon City stretch its flawless start to three matches. Guard JP Calvo provided the offensive punch off the bench with 28 points while Yves Sazon added 15 points in a losing cause for the Clutch, who dropped to 2-1 in a tie with three other teams. (PIO Batangas City) 625 drug surrenderers nagtapos sa SIPAG recovery program ng PNP MAY 625 na drug surrenderers mula sa 28 barangay sa Batangas City ang second batch na nagtapos sa Simula ng Pag-asa(SIPAG) na isang rehabilitation and reformation program ng Philippine National Police kung saan ito ay nakasentro sa moral recovery at spiritual renewal ng mga drug victims. Idinaos ang graduation ceremony ngayong February 9 sa Batangas City Convention Center kung saan tinanggap ng mga graduates ang kanilang certificates of completion mula Kay Batangas City Police OIC PSupt. Wildemar Tiu, Deputy Chief of Batangas Provincial Police Office (BPPO), Community Relations, Pol. Chief Inspector Allan Reyes, ABC President Dondon Dimacuha , City Mayor ’s representative Manolo Perlada at mga pastor na kabilang sa Batangas Ecumenical Group na lumahok sa programang ito. Kasama ng mga graduates ang kanilang mga barangay captains at ilang mga volunteers na tumulong sa kanila habang sumasailalim sa SIPAG na tumagal ng 12 linggong sessions. Sa kanyang welcome remarks, binanggit ni Tiu ang bible verses tungkol sa mga pagsubok na pinagdadaanan ng tao at kung papaano tumutulong ang Panginoon upang malampasan ang mga pagsubok na ito at ang pag-asa sa mga nagkakasala upang makapagbagong buhay. Sinabi ni Pol. Chief Inspector Allan Reyes na kumatawan sa guest speaker na si PSSupt. Alden Delvo, OIC ng BPPO, na hindi dito nagtatapos ang recovery ng mga graduates kundi “simula pa lang ng tunay na pagbabago.” Binigyang diin din niya na ang natanggap na certiicate ay hindi “passes” o hindi na pwedeng hulihin kung babalik sa maling gawi. “Inaasahan po naming ang inyong pakikisa. Kayo na ang mismong magbabantay sa inyong mga barangay upang huwag itong mapasok ng ilegal na droga,” sabi ni Reyes. Nanawagan din siya sa mga SIPAG graduates na tumulong sa kapulisan at sa mayor na gawing drug- free ang Batangas City. (PIO Batangas City)