Tambuling Batangas Publication February 21-27, 2018 Issue | Page 2

BALITA Nanawagan si City Administrator Narciso Macarandang sa mga barangay captains sa Batangas City Water.... ang pagsusumite nila ng kopya dahil sa isinagawa nilang pagrereview sa agreement, kung ito ba ay naayon sa 2013 revised NEDA Guidelines on PPP. “Nararamdaman ko po ang hinaing niyo regarding sa public consultation. Subalit kung susundin po talaga ang NEDA guidelines, hindi na po kailangan nito. Kaya po siguro hindi na nagpatawag pa ang dalawang partido ng hearing. Ito po ang magandang pagkakataon na iapela sa NEDA na amyendahan ang kanilang guidelines para sa mga susunod pang PPP,” ani Isidro. Humarap sa Committee of the Whole na pinamunuan ni Vice mula sa pahina 8.. Mayor Jun Berberabe sina Engr. Jose Roberto Maranan, Atty. Lani Cepillo-Gonzales ng BCWD at BCWD Manager Yolanda Oyao. Humingi ng paumanhin si Oyao sa kanilang mga konsumidores dahil aniya sa kakulangan ng kakayahan ng kanilang ahensya na ifinance ang mga pagbabagong kailangang isagawa sa water system. Kailangan aniya ng mga bagong teknolohiya para dito kung kayat kakailanganin nila ang katuwang sa implementasyon nito. Ipinaliwanag naman ni Gonzales ang konsepto ng PPP at ipinangako ang isang magandang serbisyo sa pagpasok ng BCWD dito. Sinabi din niya na hindi maaapektuhan ng joint agreement ang mga waterworks system sa lungsod. Hiniling ng spokesperson ng Prime Water na si Romeo Sabater, head ng Business Development, ang tulong ng Sangguniang Panglungsod na makapagpasa ng ordinansa sa pagtatayo ng septage management service subalit binigyang diin na kung sakaling wala pang ordinansa bago mag ika-1 ng Marso ay matutuloy pa rin ang joint agreement.. Sa 36,000 connections na sineserbisyuhan BCWD sa lungsod, 82% dito ang residential at 16% naman ang commercial. (PIO Batangas City) Bureau of Fire Protection, pinaigting ang kampanya kontra sunog sa mga malls at ibang establisimyento Mamerta P. De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, -- Patuloy ang pagsasagawa ng Bureau of Fire Protection ng mga kampanya kontra sunog upang masiguro na ang mga malls at iba pang establisimyento sa lungsod ay tumutupad sa regulasyon. Ayon kay S. Insp. Glenn Salazar, hepe ng BFP sa lungsod, maigting nilang ipinatutupad ang Fire Code of the Phils., lalo na ang pagbibigay ng Fire Safety Inspection Certificate at pagsasagawa ng Periodic inspection. “Kailangang ang building ay compliant 24/7. Kung ano lang ang occupancy load, yun lang ang dapat i-maintain,” ani Salazar. Mahalaga aniya sa mga malls na masiguro na lahat ng papasok ay makakalabas. Tinatagubilinan niya ang mga establishments na maglaan ng sapat na daraanan para sa mga mamimili lalo na kung may sale. Sinabi rin niya na malayong mangyari ang sunog na naganap sa NCCC Mall sa Davao City sa mga malls sa lungsod. Ang mga malls dito ay mercantile type na dedicated sa mall lamang hindi katulad ng sa NCCC na may call center na nag- ooperate kahit sarado o tapos na ang mall hours. Ayon pa rin sa kanya, “mangilan ngilan na lamang na business establishments ang nasa proseso ng compliance at hopefully sa loob ng tatlong taong aking panunungkulan ay maging 100 porsiyentong compliant na ang mga ito.” Sinisigurado rin nila na ang mga matataas na buildings na mahina na ang structural integrity ay makasunod sa fire safety rules para sa kaligtasan ng mga occupants. Bunga ng kanilang patuloy na fire prevention campaign, bumaba ng 41 porsiyento ang fire incidence sa loob ng tatlong taon simula 2015. Dahil sa maigting na kampanya ng pamahalaan laban sa paggamit ng mga paputok at pagtatalaga ng designated fire cracker area, wala ring sunog dahil sa paputok ang naganap sa pagsalubong sa Bagong Taon sa loob ng apat na magkakasunod na taon. Pangunahin aniyang dahilan ng sunog kapag summer ay ang residential fires na dulot ng open flame, na ayon sa kanilang tala ay kalimitang nagaganap sa pagitan ng alas onse ng umaga at alas dos ng hapon dahil sa matinding init. Kung kaya’t ipatutupad nila ang Advance Local Emergency Response Team o ALERT program. Siniguro rin niya na mabilis ang kanilang pagpoproseso at pag-iisyu ng FSIC lalo na kung kumpleto na ang mga dokumento Pebrero 21-27, 2018 Ordinansang nagbibigay prayoridad sa employment ng barangay residents dapat ipatupad NANAWAGAN si City Administrator Narciso Macarandang sa mga barangay captains sa Batangas City na mahigpit na ipatupad ang Ordinance No. 8 S. 1994 o batas na nagbibigay prayoridad sa employment ng mga kwalipikadong residente sa mga business establishments at contractors ng mga infrastructure projects na nag-ooperate sa kanilang barangay. Layunin ng nasabing ordinansa na ang mga kwalipikadong residente ng lungsod ang unang mabigyang nga pagkakataong magka trabaho sa mga negosyo dito bago ang taga ibang lugar upang makinabang sila sa paglago ng lungsod. Ayon kay Macarandang na siyang may akda ng ordinansa noong siya ay konsehal pa, napagalaman na ang lider ng Termite Gang na nagnakaw sa Golden Sun Jewelry Shop noong February 5 ay taga Ilocos Sur at nasakote ng Batangas City Police sa isang construction site sa barangay Mabacong kung saan siya ay nagtatrabaho bilang construction worker. Senior.... niya ang kanyang naging pakikipag-ugnayan sa Philhealth upang magkaroon ng diskwento ang mga senior sa check up at sa laboratory sa mga hospital bukod pa sa primary care benefits na ipinagkakaloob sa mga ito. Mabibigyan na din aniya ng prayoridad ang mga matatanda sa pagpila at pagdulog sa PCSO. 5... Mas maiiwasan aniya ang ganitong krimen kung ang karamihan sa mga nagtatrabaho dito ay taga lungsod. Nakasaad sa batas na ito na ang lahat ng may-ari ng business establishments at contractors o sub contractors ng projects na sakop ng ordinansang ito ay kailangang isama sa kanilang annual application o renewal ng business permit ang certification under oath na ang prayoridad sa employment ay ipinagkaloob nila sa residente ng barangay kung saan sila nag-ooperate at 75% at least ng kanilang workforce ay mula sa barangay. Kung walang kwalipikado sa host barangay, pwede silang kumuha sa ibang kalapit na barangay at kung hindi pa rin makakuha rito ng 75% ng kanilang work force, ay pwedeng kumuha sa iba pang bonafide residents ng lungsod. Ang sinumang lumabag sa ordinansa ay papatawan ng multang P5,000 o pagkabilanggo ng hindi bababa sa 30 araw o hindi lalampas sa anim na buwan. (PIO BATANGAS CITY) mula sa pahina 1.. Isusulong din ani Magsaysay na madagdagan ang social fund upang makapagbigay ng P1000 pension kada buwan para sa lahat ng 60 taong gulang pataas na senior citizen kahit hindi nabibilang sa pamilyang higit na nangangailangan maliban na lamang sa mga tumatanggap na ng pension. mula sa pahina 1.. ng 24 oras mula sa kanilang oras ng pagsisimula. Babagtasin nito ay mga highways at tatahakin ang mga lugar sa mga probinsya ng Northern Luzon. Labindalawang taon na ang motorcycle challenge na ito at ngayong taon umabot sa 900 ang naging kalahok, habang 291 naman ang nakatapos ng karera. (GG/ BHABY P. DE CASTRO- PIA BATANGAS with reports from ALMIRA M. EJE- PIO PROVINCE) ng establishment. Isang buwan bago ang expiration nito, binibisita na agad ng kanilang personnel ang mga establishments upang ipaalaala ito sa kanila. Idinagdag pa ni Salazar na sa kanilang pakikipag-ugnayan sa First Gen Corporation, may 120 kinatawan ng simbahang Katolika sa lungsod na binubuo ng mga lay ministers at mga pari ang bibigyan nila ng tatlong araw na pagsasanay sa basic disaster preparedness. Kailangan aniyang maging “involved” ang buong komunidad upang maging epektibo ang kanilang fire safety campaign kasama na rito ang mga simbahan na ginagamit din minsan bilang evacuation area kung may kalamidad. Mas paiigtingin pa ang programang Junior Fire Marshall upang higit na mapalaganap ang kanilang mga programa sa mga mag aaral ng iba’t ibang paaralan sa lungsod at magpapatuloy din ang kanilang ahensya sa pagsasanay ng mas maraming mga fire volunteers. (GG/ BHABY P. DE CASTRO may ulat mula sa PIO Batangas City)