Tambuling Batangas Publication February 21-27, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Annual genreral assembly ng mga growers... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Ordinansang
nagbibigay
prayoridad sa employment
ng barangay residents dapat
ipatupad p. 2
Batangas City unstoppable in
its 3rd straight win p. 3
‘TITIBO-TIBO’
AT KULTURANG
BABANO-BANO
p.5
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 09
Pebrero 21-27, 2018
P6.00
Senior Citizens Party List rep. ipinaalam ang
bagong panukalang benepisyo para sa elderly
BUMISITA sa Batangas
City ngayong ika-12 ng
Pebrero para sa isang press
briefing si Senior Citizens
Party List Representative
Congresswoman Milagros
Aquino-Magsaysay upang
hingin ang suporta ng mga
lokal na mamamahayag
na ipabatid sa publiko ang
mga bagong benepisyo ng
mga katatandaan at upang
hikayatin ang mga ito na
ipaglaban ang kanilang mga
karapatan.
Bukod
sa
mga
benepisyo sa ilalim ng
Republic Act 9994, o
ang
Expanded
Senior
Citizens’ Act of 2010, ilan
pa sa mga isinusulong na
panukala upang maisabatas
ni Magsaysay ay ang
pagtatayo ng Philippine
Geriatric Hospital na sya
ring magsisilbing training
ground para sa mga
geriatric doctors at nurses;
pagtatayo ng provincial,
regional
at
national
Senior Citizen’s Dialysis
Center; Elderly Daycare
Centers na maaaring pag-
iwanan sa mga matatanda
habang nagtatrabaho ang
kanilang mga anak; at ang
Elderly anti-abuse bill na
magbibigay proteksyon sa
mga pang-aabuso sa mga
katatandaan.
Ibinahagi
din
sundan sa pahina 2
5 Batangueño, namayagpag
sa 2018 BOSS 13th Ironman
Motorcycle Challenge
Mamerta P. De Castro
LUNGSOD
NG
BATANGAS, -- Ginawaran
ng
pamahalaang
panlalawigan ng Batangas
ang limang Batangueño
na lumahok sa 2018
BMW Owners Society
of
Saferiders
(BOSS)
13th Ironman Motorcycle
Challenge
na
ginanap
noong ika-12 ng Enero
2018 sa Royce Hotel, Clark,
Pampanga.
Kabilang
sa
mga
pinarangalan ay ang back to
back champion na si Jerwin
Matibag at mga finishers na
sina Francis Tan, Ceasar
Andrew Macasaet, Bryant
Joseph Chang, at Victor
Enrico Fabie.
Ang
BOSS
Ironman
Motorcycle Challenge ay
isang taunang kompetisyon
kung saan sinusukat ang
galing sa pagmamaneho,
stamina at endurance ng
mga motorcycle riders at
car drivers.
Bawat
kalahok
ay
kinakailangang
makumpleto
ang
nakatakdang ruta na isang
libo
at
dalawandaang
(1,200) kilometro sa loob
sundan sa pahina 2
Isusulong din ani Magsaysay na madagdagan ang social fund upang makapagbigay ng P1000 pension kada buwan
para sa lahat ng 60 taong gulang pataas na senior citizen kahit hindi nabibilang sa pamilyang higit na nangangailangan
maliban na lamang sa mga tumatanggap na ng pension.
City Engineer’s Office nag-ulat ng mga
natapos na proyektong pang-imprastraktura
Mamerta P. De Castro
LUNGSOD
NG
BATANGAS, -- Nag-ulat
ang pamunuan ng City
Engineers Office sa lungsod
na ito kaugnay ng mga
naipagawang proyektong
pang-imprastraktura noong
2017 sa lungsod na ito.
Kabilang dito ang
naipatapos na pitong public
school
building
kung
saan nagawa ang three-
storey, 15 classroom sa
Julian A. Pastor Memorial
School (JAPMES) sa
Brgy. Cuta at Sta. Rita
Karsada
Elementary
School; two-storey, eight
classroon building sa
South Elementary School
at Simlong Elementary
School;
four–classroom
building sa Sto. Domingo
Elementary School at two-
classroom sa San Agustin,
Isla Verde. Tinatapos
naman ang konstruksyon
ng tatlong palapag na gusali
ng Colegio ng Lungsod
ng Batangas (CLB) at
inaasahang magagamit na
ito sa pagbubukas ng klase
sa Agosto ng taong ito.
Anim na multi-
purpose covered courts ang
naipagawa sa mga barangay
ng Banaba West, Bilogo,
Dela Paz Proper, Batangas
East Elementary Schoo at
Tinga Itaas Soro-Soro Ibaba
Soro-Soro Itaas (TISISI)
National High School.
Nakapagpatayo rin
ng tatlong day care centers
para sa barangay Dumuclay,
Tingga Itaas at Kumintang
Ibaba.
Natapos na rin ang
Sundan sa pahina 3..
Sundalong nasugatan sa gera sa Marawi
tinulungan ng city gov’t. sa kanyang
search ng mga bomba at mga
pagpapagamot
Si Rolly ay pinagkalooban ng halagang P50,000 sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office
BATANGAS CITY- Isang
sundalong taga Batangas City,
na malubhang nasugatan sa
Marawi City siege noong isang
taon ang binigyan ng financial
assistance ng pamahalaang
lungsod upang makatulong
sa mahaba niyang gamutan.
Ang
sundalo
na
kinilalang si “Rolly”, hindi
tunay na pangalan para sa
kanyang seguridad, ay 28 taong
gulang, may asawa at anak.
Si
Rolly
ay
pinagkalooban ng halagang
P50, 000 sa pamamagitan
ng
City
Social Welfare
and
Development
Office.
Ayon kay “Rolly”,
ang grupo nila ang nag se
granadang iniwan ng mga Maute
terrorists subalit sa kasamaan
palad ay tinamaan siya ng
isang sniper. Nagtamo siya ng
anim na bala sa hita at tiyan.
Naikwento
niya
na kasama siya sa heroes’
welcome ni Pangulong Rodrigo
Duterte at sa hapunan kasama
ang pangulo sa Malacanang
noong November 21, 2017.
Pinasalamatan
niya
si Mayor Beverly Dimacuha
sa financial assistance na
ipinagkaloob sa kaniya na
aniya ay malaking tulong
sa kanyang pagpapagamot.
Sinabi rin niya na
patuloy siyang maglilingkod
bilang sundalo kahit buhay pa niya
ang kapalit. (PIO Batangas City)