Tambuling Batangas Publication February 20-26, 2019 Issue | Page 2

BALITA Visual Art Sector ng Batangas Culture and Arts Council (BCAC) Batangueño production ng “Urbana at Felisa” Musical Play, sinuportahan ng Batangas Culture and Arts Council NAGPAKITA ng pagsuporta ang Batangas Culture and Arts Council (BCAC), na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng sining sa Lalawigan ng Batangas, at ang Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) sa Batangueño musical production na “Urbana at Felisa” na isinulat ni Padre Modesto de Castro noong ika-19 na siglo. Ang nasabing produksyon ay inihandog ng Repertory Brigid of Saint Bridget College (SBC), isang premyadong theatre company sa Lungsod ng Batangas, na nagtampok sa talento ng mga estudyante at alumni ng SBC. Bilang paggunita sa selebrasyon ng National Arts Month, na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Pebrero, minarapat ng BCAC at PTCAO na suportahan ang produksyon, hindi lamang para maalalayan ang theater sector sa lalawigan, kung hindi pati na rin upang mahikayat ang mga kabataan na mas bigyan ng pansin at pagpapahalaga ang sining ng teatro. Kaugnay dito, matapos ang matagumpay na pagtatanghal ng “Urbana at Felisa” noong ika-6 hanggang ika-8 ng Pebrero 2019 na idinaos sa SBC Manuela Q. Pastor Auditorium, napagkasunduang magkaroon ng isang extended show na gaganapin sa ika-27 ng Pebrero, 9:00 ng umaga, para sa mga nagnanais pang masaksihan ang produksyon. Para sa mga interesado, maaaring bumili ng tickets para sa nasabing palabas sa Saint Bridget College na nagkakahalagang PhP 250. ? Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO, Photo: Ma. Edlyn Uy FB Page February 20-26, 2019 Lakbay Sining “Bayan mo, Ilakbay mo”, isasagawa sa mga artists na makikilahok ikatlong taon Ang at kakatawan sa kani-kanilang Hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mga Batangueño artists na makilahok sa ikatlong edisyon ng Lakbay Sining, na layong ipagmalaki ang malikhaing talento ng mga lokal na visual artists na kabilang sa Visual Art Sector ng Batangas Culture and Arts Council (BCAC). Ang eksibisyon, na may temang “Bayan mo, Ilakbay mo”, ay opisyal na bubuksan sa publiko sa darating na ika-4 hanggang ika-22 ng Marso 2019, tampok ang mga likhang sining ng mga estudyante, at amateur and professional visual artists sa SM City Batangas (March 4-8) at mga munisipalidad ng Ibaan (March 11-15) at Padre Garcia (March 18-22). Simula noong 2017, ang Art Sector ng BCAC, sa pakikipagtulungan sa Grupo Sining Batangueño (GSB), ay nagsasagawa ng isang “traveling exhibit,” na tinaguriang Lakbay Sining, para patuloy na maitaas ang kamalayan at pagpapahalaga ng mga Batangueño sa sining. Solar... renewable energy project na ito at panatilihin malinis at sustainable ang isla. Sinabi ni Mayor Beverley na ang pagpapailaw sa Isla Verde ay pangarap ng kanyang ama, dating mayor Eddie Dimacuha at nagpapasalamat siya sa mga katuwang na ahensya. “ This is time to rejoice, time to celebrate. Ngayong 2019 liliwanag na rin ang Pasko sa Isla Verde,” sabi ni Mayor Dimacuha. “Si Mayor Beverley at Cong. Marvey ay sumusunod sa yapak ng panunungkulan ni Mayor Eddie,” dagdag pa niya. Aniya sa umpisa pa lang ay tiniyak na ang proyekto ay hindi makakasira sa kapaligiran at marine resources ng Isla Verde. Binalikan naman ni Cong. Marvey Mariño kung paano niya nilapitan at kinausap si Meralco Chairman, Manny Pangalinan kaugnay ng proyekto. “Pagkatapos ng PBA basketball games sa coliseum ay lakas loob ko pong nilapitan si MVP at hiniling na pailawan mga bayang pinagmulan ay magtatagisan ng galing sa paglikha ng mga makukulay na visual artworks na magtatampok ng karakter, kasaysayan, kultura, landscape, crafts, at mga lokal na mamamayan ng kanilang bayan. Ang Lakbay Sining 2019 ay bukas sa lahat ng Batangueño artists at mga estudyante. Ang mga entries ay kinakailangang maipasa sa PTCAO sa Capitol Compound, Batangas City mula Pebrero 26 – 28, 2019, alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon. Makakatanggap ng PhP 35,000 cash, Certificate at trophy ang 1st Placer; PhP 25,000, Certificate at trophy ang 2nd Placer; at, PhP 15,000, Certificate at trophy ang 3rd Placer. Pagsapit ng buwan ng Hulyo, iikot naman ang traveling exhibition sa mga bayan ng Calatagan (July 1-5), Lian (July 8-12), at Nasugbu (July 15-19). ? Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO, Photo: PTCAO FB Page mula sa pahina 1 ang Isla Verde, after 3 days ay nakatanggap po ako ng letter mula sa kanya at yun na po ang umpisa ng proyekto, na ngayon ay ito na nga sa tulong ng Meralco at mga project partners,” dagdag ni Cong. Marvey. Ayon kay Brgy. Chairman Edmar Rieta malaking kaginhawahan ang maidudulot ng proyekto sa mga residente lalo na sa mga estudyante dahil makapag aral na sila hanggang gabi. “Matagal na itong pangarap ng mga residente lalo na ng mga matatanda, pero higit na masaya ang mga mag-aaral dahil makakagamit na rin sila ng computer para sa kanilang pag-aaral,” dagdag pa ni Rieta. Sinabi rin niya na handa ang barangay na makiisa sa mga alintuntunin na ipatutupad kaugnay ng proyekto at umaasa sila na madaling panahon ay mabibigyan na rin ng suplay ng kuryente ang may 300 pang kabahayan sa San Agapito. (PIO Batangas City) CHO tutok na sa malawakang pagbabakuna laban sa tigdas Higit 15K nabakunahan kontra Tigdas sa Batangas BATAY sa isinagawang Rapid Coverage Assessment (RCA) ng Department of Health (DOH) at Provincial Health Office (PHO), nakapagtala ang Lalawigan ng Batangas ng mahigit 15,000 na nabigyan ng bakuna kontra Tigdas, simula Enero hanggang ika-20 ng Pebrero 2019. Sa huling datos, pang-apat sa may pinakamaraming bilang ng kaso ng tigdas sa CALABARZON ang Batangas Province. Bilang tugon dito, 300 libong mga bata ang target na mabigyan ng vaccine hanggang Abril 2019. Nangunguna sa pagkilos ang Tanauan City, Lipa City, Batangas City, at ang Bayan ng Malvar upang masugpo ito. Nagtala ng maraming kaso ng Tigdas ang nasabing mga local government units, na maagap namang ginampanan ang tungkulin na maprotektahan ang mga nasasakupan laban sa Tigdas outbreak. Ang PHO ay nagtayo ng mga designated vaccine centers sa mga matataong lugar, kagaya ng malls at simbahan. Nagtalaga din sila ng mga Fixed Post Vaccine Centers at nagsagawa ng door-to- door visitations para masiguradong maaabot ng bakuna ang mga mamamayan. Sa kasalukuyan, 258 na kaso ng Tigdas ang naitala sa lalawigan, habang 3 naman ang kompirmadong namatay dahil sa nasabing sakit na mula sa mga bayan ng Balayan, Malvar, at San Juan. / Francis L. Japor – Batangas PIO, Photo: Batangas PHO SINIMULAN na ng City Health Office (CHO) ang malawakang Ligtas Tigdas vaccination campaign nito sa apat na simbahan at isang mall noong February 17 kung saan may 178 bata edad 6-59 buwan ang nabakunahan ng measles rubella. Ang libreng pagbabakuna na naglalayong maiwasan ang pagkakasakit ng nakamamatay na tigdas ay isinagawa ng CHO sa araw ng simba noong Linggo sa Basilica of the Immaculate Conception, St. Mary Euphrasia Parish, Most Holy Trinity Parish, St. Rita de Casia Parish at sa SM Batangas City upang mapakinabangan ng maraming tao ang serbisyong ito. Muling magkakaloob ng bakuna sa nasabing mall sa February 24, March 3 at 10 sa harap ng carousel mula alas dyes ng umaga hanggang alas singko ng hapon. Noong February 15, may 47 bata ang nakinabang sa door to door measles vaccination sa barangay Alangilan habang 704 bata naman ang nabakunahan sa fixed post ng CHO sa barangay Wawa at Malitam.