Tambuling Batangas Publication February 20-26, 2019 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Taking the lead in ASEAN ... p.5
Lakbay Sining “Bayan mo,
Ilakbay mo”, isasagawa sa
ikatlong taonp. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Are we ready for a Big
One? p. 5
Total Taxable Assessed Value
ng Lalawigan ng Batangas,
mas tumaas pa p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 8
February 20-26, 2019
P6.00
Bagong DILG Batangas Provincial Office,
pinasinayaan
PORMAL nang binuksan ang
bagong gusali na magsisilbing
panlalawigang tanggapan ng
Department of the Interior and
Local Government (DILG)
Batangas nang isagawa ang
blessing at inauguration nito
noong ika-15 ng Pebrero 2019
sa Capitol Compound, Lungsod
ng Batangas.
Lubos ang pasasalamat
nina DILG CALABARZON
Regional Director Manuel Q.
Gotis at Batangas Provincial
Director Adelma Mauleon
sa suporta ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas,
sa pangunguna ni Gov. DoDo
Mandanas, upang magkaroon
ng katuparan ang matagal na
nilang pangarap na magkaroon
ng bago at mas maayos na
tanggapan.
Sa
mensahe
ni
Governor Mandanas, sinabi
nito na ang ang pagkakatayo ng
bagong gusali ay sumasalamin
sa hangarin ng DILG na maging
bantayog ng pagsisikap upang
maging mabuting kaagapay ng
pamahalaang nasyunal sa lahat
ng mga lokal na pamahalaan sa
bansa.? Trizia Joy P. Canosa –
Batangas Capitol PIO
Diwang Batangueño
Storytelling, isasagawa
PANGUNGUNAHAN
ng
Batangas Provincial Tourism
and Cultural Affairs Office
(PTCAO), sa pakikipagtulungan
sa Batangas Culture and
Arts Council (BCAC), ang
nakatakdang mga aktibidad
bilang pakikiisa sa pagdiriwang
ng National Arts Month ngayong
buwan ng Pebrero 2019.
Isa sa mga aktibidad
ang
Storytelling
Program,
na nakasentro sa Diwang
Batangueño, na isasagawa para
sa mga mag-aaral mula Grade
1 hanggang Grade 3 ng mga
pampublikong
paaralan
ng
Barangay Wawa at Barangay
Malitam, Batangas City; at
Barangay Aplaya sa Bayan ng
Bauan. Idadaos ang programa
sa darating na ika-28 ng Pebrero
2019 sa Provincial Library at
Samahang Batangueña.
Inilalarawan
ng
“Diwang Batangueño” ang
limang pangunahing katangian ng
isang Batangueño, na binubuo ng
Kagitingan (nobility), Kasipagan
(industry),
Katalinuhan
(wisdom), Katapangan (bravery)
at Kagandahan (beauty).
Layunin ng programang
maitaas ang kamalayan ng mga
kabataang Batangueño patungkol
sa kasaysayan, kultura at sining
ng lalawigan.
Samantala,
susundan
ito ng isang tour sa Museo ng
Batangas sa People’s Mansion sa
Kapitolyo para sa mga dumalong
mag-aaral, kasama ang kanilang
mga guro. ? Marinela Jade
Maneja — Batangas Capitol PIO
Bagong DILG Batangas Provincial Office sa Capitol. Nakiisa si Governor DoDo Mandanas sa pagbasbas at pagpapasinaya ng bagong panlalawigang
tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Batangas noong ika-15 ng Pebrero 2019 sa Capitol Compound, Lungsod ng
Batangas. Kasama sa larawan sina DILG Batangas Provincial Director Adelma Mauleon (2nd mula kanan, likod), at DILG CALABARZON Regional
Director Manuel Q. Gotis (4th mula kanan, harap) na nanguna sa pagtitipon. Trizia Joy P. Canosa/ Photo by: Macc Venn Ocampo – Batangas Capitol PIO
Solar electrification ng San
Agapito Isla Verde nagsimula na
BATANGAS
CITY-May
kuryente na ang may 40
kabahayan sa barangay San
Agapito, Isla Verde matapos
isagawa dito kaninang umaga
ang ceremonial switching ng
First Solar Micro Grid System
and Community Electrification
Project
ng
pamahalaang
lungsod at Meralco katuwang
ang Department of Energy
(DOE) at United States Agency
for International Development
(USAID).
Bukod sa mga city
officials sa pangunguna ni
Congressman Marvey Marino
at Mayor Beverley Dimaucha,
dumalo sa okasyon sina
Department of Energy (DOE)
Undersecretary Felix William
Fuentebella ang mga opisyal
ng Meralco sa pangunguna
nina Head of Networks,
Ronnie Aperocho, President
and CEO, Meralco Powergen
Corporation, Rogelio Singson
at USAID Philippines Deputy
Office Chief for Environment
and Mission Disaster Relief
Paul Aiyong Seong.
Ayon
kay
DOE
Undersecretary
Fuentebella,
nagkaroon ng interest si DOE
Secretary Alfonso Cusi na
mapabilis ang electrification ng
Isla Verde sapagkat naniniwala
siya
na
dapat
maging
competitive ang mga eskwela
at iyon ay mangyayari lamang
kung mayroong kuryente sa
kanilang tahanan.
Ang proyekto din
aniya ay sinuportahan ng
USAID na nagkaloob din
ng
technical
assistance.
Ang
solar
electrification
ng Isla Verde aniya ay
inaasahang maging simula
ng economic development
ng Isla Verde. Nanawagan
din siya sa mga residente na
ingatan at pangalagaan ang
Sundan sa pahina 2..
Mga Kabataang Batangueño
na wagi sa Writing, Science
at Math tilts, kinilala
Vice Governor at Senior Board Member Wheng Sombrano-Africa, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, at Gng.
Merlita Salagubang-Pasatiempo ng Provincial School Board Scholarship Division.– JHAY ¬JHAY B. PASCUA/Batangas PIO Capitol
KAUGNAY ng patuloy na
pagpapamalas ng kagalingan ng
mga kabataang Batangueño sa
iba’t ibang larangan, binigyang
pagkilala
ng
Pamahalaang
Panlalawigan
ng
Batangas,
sa pangunguna ni Gov. DoDo
Mandanas, ang ilang mga
natatanging mag-aaral ng iba’t
ibang paaralan sa lalawigan
noong ika-18 ng Pebrero taong
kasalukuyan
sa
Provincial
Auditorium, Capitol Compounds,
Batangas City.
Tumanggap ng Sertipiko
ng Pagkilala sina Arielle Victoria
Encarnacion ng Our Lady of
Caysasay Academy sa Bayan ng
Taal, na nagwagi ng Gold Award
sa Southeast Asian Mathematical
Olympiad Extended Round; at si
Floren Ivan Ramos ng Pinagtung-
ulan Integrated National High
School sa Lungsod ng Lipa, na
nanalo ng 2nd place sa Sci-Chess
competition sa 16th National
Science Quest sa Baguio City.
Pinarangalan din ang
mga Batangueño students na
lumahok sa 2019 National
Schools Press Conference, na
sinalihan ng 18 rehiyon, sa
Sundan sa pahina 3..