Tambuling Batangas Publication February 20-26, 2019 Issue | Page 3

BALITA February 20-26, 2019 Total Taxable Assessed Value ng Lalawigan ng Batangas, mas tumaas pa Mga... Lingayen, Pangasinan noong January 28 hanggang February 1, 2019. Kabilang sa mga nagwagi ang mga elementary students na sina Ireese Miguel Zedric Mendoza na nagwagi sa Copy Reading and (Filipino) Headline Writing, at Kayelle Clyde Lavajeros para sa Science and Health (English) Writing. Sa High School division naman, nagpakita ng galing sina Isabela Rivera na nagwagi bilang Best Anchor – Scriptwriting & Radio Broadcasting (Filipino) at si Jake Vincent Robles na nanalo bilang Best News mula sa pahina 1 Presenter – Scriptwriting & Radio Broadcasting (Filipino). Samantala, nakuha ng Nasugbu West Central School ang titulong Best in Layout and Page Design at Best School Paper para sa elementary department. Hindi naman nagpahuli ang Balayan East Central School na nakakuha ng Best Sports Page at Best Science and Health Page. Nasungkit naman ng Natipuan Elementary School ng Nasugbu ang Best in Layout and Page Design. Humakot naman ng awards ang Buhay na Sapa National High School ng bayan ng San Juan, nang maibulsa ang Best in Feature Page, Best in Layout and Page Design para sa English at Filipino categories. Ang diyaryo naman ng Balayan National High School ang nahirang na may Best Sports Page sa English. Ang paggawad ng mga sertipiko ay pinangunahan nina Acting Vice Governor at Senior Board Member Wheng Sombrano-Africa, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, at Gng. Merlita Salagubang- Pasatiempo ng Provincial School Board Scholarship Division. – JHAY ¬JHAY B. PASCUA/ Batangas PIO Capitol 9 na high schools magpapagalingan sa Search for Best Outfit Scounting Unit SIYAM na paaralan mula sa 25 high schools sa lungsod ang kalahok sa Boyscouts of the Philippines (BSP) Batangas City Council – Search for Best Outfit Scouting Unit (2018- 2019). Ang mga ito ay ang Batangas National High School, Scuola Maria, Casa Del Bambino Emmanuel Montessori, Marian Learning Center and Science HS, TISISI Integrated School, Paharang NHS, Talumpok NHS, Sto Nino NHS at Conde Labac NHS. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsagawa ng patimpalak ang BSP Batangas City Council. Ang mga batayan sa pagpili ng magwawagi ay ang membership, written exam, skills (knot tying-lashing), rank inspection at arrival honors. Nagsilbing mga hurado sina BSP National Office Field Services Executive Janice Cartago, Moises Ramos Jr, CSE ng Rizal Council na si Janice Cartago at si Donato Magboo ng Batangas Provincial Council. Ang mga mapipiling winners ay tatanggap ng cash prizes na mula P5,000 hanggal P15,000. Ang mga winners ay iaannounce sa Councilwide Jamboree na gaganapin sa El Sitio Filipino Camping and Teambuilding Center sa barangay Dumuclay mula ika-21-23 ng Pebrero. BATAY sa huling datos ng Provincial Assessor’s Office (PAO) noong taong 2018, nakapagtala ang Lalawigan ng Batangas ng halagang mahigit PhP 118 Bilyon na total taxable assessed value, na pinakamataas sa nakalipas na apat na taon. Sa ulat ni Engr. Joselito Javier, Assistant Department Head ng nasabing tanggapan, noong ika-18 ng Pebrero 2019, ipinakita nito ang graph na nagpamalas sa trend ng pagtaas ng assessed value ng lupa sa lalawigan. Binigyang-diin dito ang malaking pagbabago ng halaga mula sa Php77B noong 2014 hanggang sa Php118B para sa 2018. Taong 2016-2017 naman makikita ang malaking diperensya o pagtaas sa total taxable assessed value na mula sa Php 92B ay naging Php114B. Ayon sa Provincial Assessor’s Office, ang malaking agwat ng pagtaas ay bunsod ng mga bagong deklarasyon ng ari-arian ng mga malalaking kumpanya sa Batangas. Matatandaan na noong nakaraang taon ay pinarangalan ang Batangas Province sa idinaos na 2018 Mid-Year Performance Evaluation ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) Region IV-A (CALABARZON), matapos manguna sa buong rehiyon ng magtala ng Highest Total Assessed Valuation para sa taong 2017, na may kabuuang mahigit Php 114 Bilyong assessed valuation. Samantala, patuloy pa rin ang mga aktibidad ng tanggapan ng Panlalawigang Tagatasa, tulad ng Tax Mapping sa Calaca na malapit nang magtapos; ang bagong bukas na Tax Mapping sa Talisay; at, ang tuloy-tuloy na Saturation Drive o ang pagdiskubre sa bawat munisipyo ng mga undeclared property para magkaroon ng tax declaration. – Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO / Photo: Provincial Assessor’s Office Kultura ng Mindanao ipinakita sa CCP presentation Na PANAGHABI NAGING isang learning experience sa mga piling guro mula sa mga public at private high schools sa Batangas City ang napanood nilang “PANAGHABI”, Weaving Mindanao’s Triumphs of Life na itinanghal sa Cultural Center of the Philippines noong Februry 15 kaugnay ng programa ng CCP na Ugnayan sa Sining. Ito ay sa imbitasyon ng Batangas City Cultural Affairs Committee (CAC) sa mga guro bilang ang Lungsod ay itinuturing na cultural center sa Region 4-A dahil sa aktibo nitong pagpapalaganap ng local cultural development. Libre itong napanood ng mga guro sapagkat ang CAC ang nakikipag ugnayan sa CCP. Ipinakita sa pagtatanghal na ito ang makulay na kultura at tradisyon ng Mindanao partikular ang sining ng paghahabi. Ayon kay Hobart Savior, direktor ng Panaghabi, ginawa ang produksyong ito upang ipakita ang mayamang tradisyon at sining ng mga katutubo ng Mindanao. Ilan sa mga performers ang Teatro Ambahanon, Kabpapagariya Ensemble at Kagten Blaan Performing Arts ng General Santos City, Mebuyan ng Davao City, Helobung Cultural Troupe ng Lake Sebu, Sining Kambayoka Ensemble, Ms. Maan Chua at Bayang Barrios. Bukod sa CAC sa pangunguna ni Vice Chairman Ed Borbon, ang mga kasamang guro ay buhat sa Batangas State University, Golden Gate Colleges, UP ED Montesorri, University of Batangas, Westmead International School, Lyceum of the Philippines Uiversity of Batangas, Sunhill Montesorri at Saint Bridget College. (PIO Batangas City) Halos 2,000 runners lumahok sa PATIKARUN at ng Youth for Environment in Schools proyektong ito ay isang istratehiya 2019 Organization (YES O) ay naglalayong upang tumaas ang kamalayan ng MAY 1,750 runners na pawang mga elementary at high school students kasama ang mga adults ang lumahok sa PATIKARUN, Patikar para sa Kalikasan 2019 5-kilometer run noong February 16 kung saan ito ay nagsimula ng 5:00 ng umaga sa parking area ng Sports Coliseum. Ang PATIKARUN na isinagawa sa ikalawang pagkakataon ng Batangas City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at iba pang environmental laws at matuto silang sumunod sa mga batas na ito. Nagsisilbi rin Itong fund-raising project kung saan ang nalikom na pondo ay gagamitin sa mga proyekto ng YES O kagaya ng mangrove planting, Information Education Campaigns (IECs) at iba pa. Ayon kay City ENRO Officer Oliver Gonzales, ang mga kabataan sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at matutong isabuhay ang kamalayang ito sa iba’t ibang paraan. Ginawaran ng medalya at sertipiko ang top three finishers sa tatlong kategorya kung saan nanguna si Mark CJ Bayer ng Sta. Rita sa elementary level; Jaycee Macapia, Talahib Pandayan sa secondary at Elmer Cueto sa adult divison. (PIO Batangas City) “PANAGHABI”, Weaving Mindanao’s Triumphs of Life na itinanghal sa Cultural Center of the Philippines noong Februry 15 kaugnay ng programa ng CCP na Ugnayan sa Sining.