Tambuling Batangas Publication February 14-20, 2018 Issue | Page 4

OPINYON Pebrero 14-20, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Ni Teo S. Marasigan Own up, man up SENATOR Richard Gordon has accurately described the meetings of then President Benigno “Noynoy” Aquino III with Sanofi Pasteur that led to the “hasty” purchase by the Philippines of the anti-dengue vaccine Dengvaxia as “unethical”. Aquino’s two meetings with officials of the pharmaceutical giant took place on November 9, 2014 in Beijing, China and on December 1, 2015 in Paris, France. The chair of the Senate Blue Ribbon Committee emphasized that Aquino should own up to the responsibility of spending billions of pesos of taxpayers’ money in buying a vaccine that does more harm than good to those inoculated with it. Alas, Gordon pointed out, like in the Mamasapano incident in which 44 members of the Special Action Force (SAF) were massacred in Mindanao in a botched raid in a terrorist’s lair, no apology was ever offered by Aquino. Gordon lamented that in both the Mamasapano and Dengvaxia brouhahas, Aquino should have said mea culpa, but the former president was even evasive and chose instead to engage in finger-pointing. We agree with Gordon though that Aquino cannot easily escape criminal and civil liability over Mamasapano and his administration’s questionable procurement of Dengvaxia. As US President, Harry Truman kept a sign at his desk in the Oval Office which said: “The buck stops here.” For Truman, presidents must ultimately take responsibility for the decisions they make. Going by Gordon’s observations, for Noynoy Aquino the buck can stop anywhere except his front door. Mga Panloloko Matapos Dakipin si Jose Ma. Sison I know that he was a wise man and a courageous one, and that he had need of both qualities. – E. P. Thompson ISA ako sa mga naniniwalang napakasamang balita ang ginawang paglansi at pagdakip kay Prop. Jose Ma. Sison, gayundin ang paghalughog sa bahay niya at mga opisina ng National Democratic Front o NDF, sa bansang The Netherlands nitong nakaraang mga araw. Sigurado akong hindi masisira ng ganitong mga hakbangin ang kagalang-galang na reputasyon niya – ang totoo, lalong napapabango ang pangalan niya ng nangyari. Pero pinatatampok ng mga naganap ang ilang garapalang panloloko sa sambayanan. Sa mga sulatin ng ilang intelektuwal, ihinahanay na si Prop. Sison sa ilang personalidad mula sa naunang henerasyon na naiba sa sandamukal na tradisyunal na pulitiko at konserbatibong intelektuwal dahil sa pagiging tunay na “makabayan” – silang lumaban sa imperyalistang kontrol, pangunahin ng US, para sa bayan. Sa tanaw ko, tampok sa mga makabayang ito sina Claro M. Recto, Lorenzo M. Tañada, Jose W. Diokno, Renato Constantino at Alejandro Lichauco. Kaisa at katulad nila, inilantad ni Prop. Sison ang imperyalistang kontrol sa bansa at inilahad niya ang isang alternatibang makabayan. Higit sa ganitong paglalantad at paglalahad, gayunman, idiniin ni Prop. Sison na para maitaboy ang imperyalistang kontrol at maipatupad ang alternatibang makabayan, kailangan ang isang rebolusyon – ang pagbabago ng kamalayan, puso at diwa ng nakakaraming naghihirap, pinagsasamantalahan at inaapi sa lipunan at ang kanilang sama- samang pagkilos para agawin ang kapangyarihang pampulitika sa bansa. Gagamit ng dahas ang rebolusyong ito – laban sa kanilang iilan na dahil sa interes na magpahirap, magsamantala at mang-api ay marahas na lalaban sa rebolusyong ito. Higit sa ganitong pagdidiin, gayunman, sumuong si Prop. Sison – mula sa pagiging propesor at eredero ng pamilyang panginoong maylupa at pulitiko – sa pangunguna sa pagbuo ng kilusan para sa makabayan at makamasang rebolusyon. Dahil kalaban siya ng mga may hawak ng yaman at kapangyarihan, dinanas niya ang maraming panganib at pahirap: Nagtago at nakulong. Tinortyur at ibinartolina ng diktadura. Pinalaya ng pag-aalsang bayan pero niligalig ng pamamaslang kaya napilitang madestiyero sa ibang bansa. Binansagang “terorista,” inalisan ng kakaunting natipid, at ngayon ay ikinulong. Marahil, pangunahing paliwanag sa mga atakeng ito ang kilusang itinatag at sa ilang panahon ay pinamunuan niya. Lumakas ang kilusang ito kahit sinupil ng nagdaang mga rehimen, maging ng diktadura. Mahalaga ito sa pagbabagsak sa dalawang pangulo at pagkakamit ng mga reporma para sa mga mamamayan. Ni hindi ito nalito ng maka-imperyalistang propaganda hinggil sa “pagbagsak ng sosyalismo”. Sa ilang panahon, natirang kilusang mapagpalaya ito sa Asya. Hinigitan na nito ang Katipunan ng 1896 sa lawak at tatag. Nangunguna ito ngayon sa paglaban ng mga mamamayan sa daigdig. Kung paanong isinusuka ng rehimen, ng naghaharing mga uri, at ng mga imperyalista ang mga kaisipan niya, hindi rin nila matanggap na hindi si Prop. Sison ang dahilan ng tuluy-tuloy na paglakas ng kilusang kadikit ng pangalan niya. Ang walang puknat na pagsasamantala, hirap at pandarahas na dinaranas ng sambayanan, at ang pag-aapuhap nito ng pagbabago ang tunay na dahilan. Ang matalas na suri, ang makabayan at progresibong mga prinsipyo, ang husay sa taktika at estratehiya, at ang halimbawa ng pagpupunyagi ni Prop. Sison – balewala ang lahat kung iba ang lagay ng sambayanan. Kaya malaking panloloko ang sabihing mapapabilis ng ginawa kay Prop. Sison ang pagpawi sa rebelyon sa bansa. Hindi, dahil lalong ipinakita ng nangyari na marahas at malupit ang rehimen at imperyalismo sa mga lumalaban dahil patuloy ang mga ito sa pagbaboy sa sambayanan. Malaking panloloko ang sabihing madedemoralisa at matatakot ang mga makabayan at progresibo. Hindi, dahil ipinapakita ni Prop. Sison na sa kabila ng edad niya at sa dami ng kanyang pinagdaanan, patuloy siyang haharap at lalaban. Pinag- aalab ng halimbawa niya ang diwa ng mga progresibo at makabayan. Napakalaki ring panloloko ang sinasabi ng dalawang biyuda na “nainggit” si Prop. Sison – kanino? – kina Romulo Kintanar at Arturo Tabara kaya ipinapatay niya ang mga ito. Kanino? Kung pag-aaralang mabuti ang kasaysayan ng Kaliwa sa Pilipinas, makikitang pinarusahan ang dalawa ng buong pamunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas dahil sa iba’t ibang krimeng nagpahamak sa mga kasamahan at lumabag sa mga prinsipyo at awtoridad ng kanilang kilusan. Makikita ring ang ipinagmamalaking “paglakas” ng New People’s Army sa pamumuno ni Kintanar ay basta-basta, kaya mabilis ding nawala. Nagpapakilalang dating mga opisyal ng PKP ang dalawa. Kung gayon, dapat alam nilang hindi iisang tao ang nagpapasya ng mga pagpaparusa. O diktadura ba ang nakita nilang pamumuno ng asawa nila? Sinasabi rin ng pamunuan ng PKP na matapos mapatalsik, ang dalawang pinarusahan ay nakipagkutsabahan sa Estado laban sa PKP. Tila ipinagpapatuloy ng mga balo ang pakikipagsabwatang ito sa pagkalkal ng “baho” ng Kaliwa sa publiko. Pero walang takot pa rin silang nakalantad, dahil alam nila – sa kaibuturan ng puso nila – na hindi “inggit” o “galit” ang batayan ng PKP sa pagpaparusa. Siyempre, hindi pahuhuli ang kinatawan ng gobyernong US, si Bb. Kristie Kenney. Matapos sabihing “isyu ng Pilipinas” ang nangyari, binati niya ang rehimeng Arroyo sa ambag nito sa “giyera kontra-terorismo”. Mula sa pagiging malapit na magkaalyado ng US at The Netherlands, hanggang sa katangian ng operasyon at pag-alpas nito sa maraming salimuot, halata ang papel ng US. Sa paulit-ulit na kapal- mukhang pambabansag ng “terorista” ng kinikilala ng buong mundo bilang numero unong terorista, nagiging taimtim ang kagustuhang palayasin ang mga kampon nito sa bansa. Sa harap ng malaganap at organisadong panloloko lalo na sa pamamagitan ng midya, sa isang programang comedy ng mga batang artista ko nakita ang pinakamatalas na paggigiit ng dangal ng mga niloloko. Sa isang eksena, nangangako sa entablado ang isang pulitiko ng kung anu-ano – na kung iboboto siya, wala nang maghihirap at magugutom. Sabi ng isang manonood, “Oy! Mahirap lang kami, ano! Hindi kami tanga!” 31 Agosto 2007