Tambuling Batangas Publication February 14-20, 2018 Issue | Page 3

BALITA Pebrero 14-20, 2018 Kaagad nagpatawag ng pagpupulong si PSupt Tiu upang ipaabot ang paalala at magbigay ng instructions sa mga tauhan ng PNP kaugnay ng insidente Police ... maaring pagtayuan ng Police Community Precint, gayun din sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRMMC) para sa pagbibigay kaalaman ukol sa natural at human disasters. Ayon kay hepe, dapat mapaghandaan na ngayon ang Gov’t ... mula sa pahina 1 seguridad sa Isla Verde dahil sa malaking potensyal nito sa turismo na magbibigay ng mga hanapbuhay, kung kaya’t darami naman ang tao dito. Ang mga itinalagang pulis sa Isla Verde ay inihatid ni hepe kasama ang ilang opisyal at miyembro ng city PNP, Coun. Oliver Macatangay, member ng Committee on Peace and Order and Public Safety ng Sangguniang Panlungsod, at CDRRMO head Rod Dela Roca. Hiniling ng hepe ang ang kooperasyon at suporta ng mga mamamayan sa mga itinalagang pulis. Sila ay tinangggap ng mga residente ng anim na barangay sa pangunguna ng mga pangulo dito. (PIO Batangas City) mula sa pahina 8.. and chorale and dance this, current members Securities and Exchange workshops and contests. agreed to continue RIOL Commission registration Meanwhile the and elect a new set of as well as other info Hamaka Festival will and kick off in Taytay, members which consists dissemination of Taytay Information enrichment activities. Rizal this February 7 Towards the end with a two week-long Officer Jovy Medina Leonardo as President, of the program, LGUs series of activities until Tanay IO Joicee Jules also highlighted their Gapido as vice president, respective programs and February 17. In Tanay, Rodriguez IO Jomelyn activities. Antipolo City and City, Abuan as secretary and, Antipolo a ‘Kasalang and San Baras, Teresa IO Leila Marchan Rodriguez Mateo, Rizal will be Bayan’ will be held as treasurer. different dates. The new officers celebrating National Arts on agreed that RIOL hold Month through a series Meanwhile Pililia will monthly meetings starting of week-long activities conduct a job fair in March after the National such as art exhibits, free partnership with Land lessons Transportation Office Information Convention. photography Current plans include the and on the spot painting and Department of formation of constitution sessions, oil pastel and Foreign Affairs. (EMR/ and bylaws and eventual coffee art workshops GG, PIA4A) Gov. Dodo Pinangunahan ang Send- Off sa mga Batangueñong Atleta PERSONAL na dumalo si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa Send-off Program na ginanap sa Batangas Provincial Sports Complex, Batangas City noong ika- 8 ng Pebrero 2018 para sa mga estudyanteng atletang Batangueño na makikipagtagisan ng galing, bilis at lakas sa 2018 CALABARZON Regional Sports C o m p e t i t i o n s . Ginagabayan ng temang “Championing One Goal, One Dream, One Team,” pinasimulan ang palatuntunan ng isang banal na misa para sa matagumpay at ligtas na kampanya ng mga kabataang Batangueno sa nasabing palaro. Ibinigay din ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang meal and training allowance ng mga manlalaro. Ipinaalala naman ng ama ng lalawigan sa mga kabataang manlalaro mula sa mga Department of Education Divisions ng Batangas City, Lipa City, Tanauan City at Batangas Province na magtiwala sa kanilang angking kakayanan, na kasama ang maayos na pagsasanay at gabay ng Diyos, ay magdadala sa kanila sa tagumpay sa taunang paligsahan ng mga atleta mula sa mga lalawigan ng Southern Tagalog. Ang Lungsod ng San Pablo, Laguna ang host ng 2018 Regional Sports Competitions, na dating kilala bilang Southern Tagalog Calabarzon Athletic Association o STCAA, na idaraos mula Pebrero 11-17, 2018. Vince Altar – Batangas Capitol PIO Jewelry shop nanakawan sa pamamagitan ng paghuhukay ng underground manhole NINAKAWAN ang Golden Sun Jewelry shop na nasa Evangelista St. Barangay 16, Batangas City sa pamamagitan ng pagdaan sa drainage canal kung saan gumawa ang mga magnanakaw ng underground manhole papuntang jewelry shop. Ayon sa ulat ng Batangas city PNP, tinatayang sa pagitan ng alas 10:00 ng gabi ng February 4 hanggang alas 8:00 ng umaga ngayong February 5 ng pinasok ng mga suspek ang jewelry shop na pag-aari ni Adelaida Señosa kung saan natangay ang mga alahas at perang nagkakahalaga ng P11milyon. Ito ang unang pagkakataon na naganap ang ganitong modus operandi ng pagnanakaw sa lungsod. Ang mga suspek ay tumakas gamit muli ang naturang manhole sa di malamang direksyon. Narekober ng mga pulis ang ginamit sa pagnanakaw tulad ng manual drill, screw, jack, wooden blocks at iba pa. Mahigpit ang paalaala ni Batangas City PNP Chief PSupt Wildemar Tiu sa mga financial at banking institutions, jewelry shop at iba pang business establishments sa lungsod na maging alerto at siguraduhing may gwardya at cctv cameras ang kanilang mga establisimiento para sa seguridad nito. Kaagad nagpatawag ng pagpupulong si PSupt Tiu upang ipaabot ang paalala at magbigay ng instructions sa mga tauhan ng PNP kaugnay ng insidente. Sa kasalukuyan ay pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng pulisya ang mga suspek sa nasabing nakawan. Nanawagan ang Batangas City PNP sa sinumang makakakilala sa dalawang possible persons of interest na makikita sa cctv footage ay ipagbigay alam lamang sa tanggapan ng pulis. Tinitiyak niya na ang lahat ng impormasyon tungkol dito ay confidential at pangangalagaan ang kaligtasan ng mga informers. Ayon sa hepe, naiulat rin ang ganitong paraan ng pagnanakawa, sa Bacoor, Cavite, San Pablo City at Calamba City. (PIO Batangas City) Update sa construction ng Market III at iba pang malalaking proyekto iniulat ng CEO NASA 63% na ang on-going construction ng Market III sa Don Julian Pastor Memorial Market (Bagong Palengke) sa brgy. Cuta na inaasahang matatapos sa target date nito sa Agosto ng taong ito. Ayon sa City Engineer’s Office(CEO), sa kasalukuyan ay isinasagawa na dito ang installation and finishing of stalls, installation of electrical materials at grinding works, excavation for foundation of promenade fixed stalls, at iba pa. Kapag natapos na, ang Market III ay maiihalintulad sa mga malalaking supermarkets na may malawak na espasyo para sa mas maginhawa at maalwang pamimili. May angkop at magkakahiwalay na lugar sa bawat section ng paninda kagaya ng meat at fish section, fruits and vegetables at dry good sections. Sinabi ni City Engineer Adela Hernandez na nakatakda na rin umpisahan ang pagsasagawa ng kalsada rito sa Bagong Palengke ngayong huling linggo ng Marso matapos ang bidding ng proyekto ngayong February. Samantala, tinatapos na rin ang pagpapagawa ng 3-storey Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) na nasa 74% completion sa kasalukuyan. Maglalagay na lamang dito ng mga bintana, ipinagpapatuloy rin ang installation ng floor tiles at iba pang tile works at painting works. Ang nasabing gusali ay may 22 silid aralan kung saan lima dito ay nasa 1st floor at ang 17 classrooms ay nasa 2nd floor. Nasa 1st floor din ang mga administrative at faculty rooms, medical at dental clinics at audio visual rooms. Sa second floor ng gusali ay ang College Library na kayang maglaman ng 400 na daang mag-aaral. Kabilang din sa bagong pasilidad ang dalawang computer laboratories at science laboratory. Sinisimulan na rin ang konstruksyon ng canteen dito. I n a a s a h a n g matatapos ang konstruksyon ng CLB sa Mayo at magagamit na ito sa pagbubukas ng klase sa Agosto ng taong ito.