Tambuling Batangas Publication February 13-19, 2019 Issue | Page 5
OPINYON
February 13-19, 2019
KWF PHP600,000 Grant sa Lingguwistikong
Etnograpiya: Itanghal ang katutubong wika mo!
MAYNILA—Tinatawagan ang mga
iskolar at mananaliksik ng mga
katutubong wika na magsumite
ng mga panukalang saliksik sa
proyektong KWF Lingguwistikong
Etnograpiya. Ang mga matatanggap
na panukalang saliksik ay maaaring
magawaran ng grant na hanggang
anim na daang libong piso
(PHP600,000).
Bukás
ang
grant
sa indibidwal o grupo ng
mananaliksik, o sa institusyon na
nagnanais magsagawa ng pag-
aaral sa mga katutubong wika ng
Filipinas. Etnograpiya ang paraan
ng pananaliksik na gagamitin sa
pagdodokumento ng iba’t ibang
aspekto ng wika at kultura, gaya sa
relihiyon, kalusugan, kabuhayan,
pamayanan, pamilya, pamamahala,
edukasyon, at panitikan.
Layon ng programang
KWF Lingguwistikong Etnograpiya
na magtipon at maglathala ng mga
komprehensibo at napapanahong
saliksik ukol sa mga katutubong
wika ng Filipinas. Sinimulan
ang programa noong 2015 sa
pakikipagtulungan
sa
Opisina
ni Senadora Loren B. Legarda.
Nakapagdokumento na ito ng 40
katutubong wika. Target naman
Tatag at dedikasyon, susi sa pag-unlad
ng isang nangarap magtagumpay
By Luis T. Cueto
SA makabagong panahon, marami
pa bang kabataan ngayon ang nag-
iisip na maging matagumpay sa
kanilang buhay?
Bakit nga ba mahalaga
sa bawat tao na may pangarap sa
buhay? Mayroon ka bang nais
patunayan sa sarili o sa bayan?
Ang mga katanungang
nabanggit ay napapanahon. Ang
mga ito ay pilit na binibigyan ng
kahulugan ng mas nakararami
upang magkaroon ng gabay
sa kanilang araw-araw na
pamumuhay. Mahalaga ang oras
sa mundong ating ginagalawan.
Isa si Rodolph Kaplan M.
Bravo sa mga kabataang nangarap
magtagumpay sa pamamagitan ng
tatag at dedikasyon. Sa edad na
26, isa nang Police Inspector ng
Philippine National Police (PNP).
Tubong
Bulanao,
Tabuk City, Kalinga ng rehiyong
Cordillera, naglilingkod bilang
isang alagad ng batas sa PNP
Regional Office Mimaropa.
Anak ni G. Adolf Bravo,
Sr., isang magsasaka at ni Gng.
Maribel Manadao Bravo, isang
guro ng pampublikong sekondarya
sa Tabuk City.
“Ang pinaka-pangarap
ko noong bata pa ako ay maging
isang engineer. Ito ang pinaka-
ultimate goal ko sa buhay ko. Kasi
‘yong father ko po ay “frustrated
engineer,” hindi po siya nakatapos
sa pag-aaral. Then, sa kagustuhan
niyang makamit ang pangarap
niya, sa amin na lang siya umasa
na maging engineer at iyon
ay ginusto ko rin,” pahayag ni
Rodolph.
Limang magkakapatid,
si Rodolph ay pangalawa sa kanila
at siya ang naging “brother figure”
ng kaniyang tatlong babaeng
kapatid na sumunod sa kaniya.
Ang panganay niyang kapatid ay
nag-aral sa Philippine Science
High School sa Nueva Vizcaya
matapos ang elementarya, halos
apat na oras na paglalakbay mula
sa kanilang lugar patungong
paaralan at doon na tumira ang
kaniyang kuya.
Si
Rodolph
ay
nagsimulang mag-aral sa isang
pribadong paaralan sa kanilang
lugar noong Grade 1. Subali’t
bunsod ng kakulangan sa
aspektong pinansyal, inilipat siya
ng kanyang mga magulang sa
isang pampublikong paaralan at
nagtapos rin ng high school sa
paaralan na kung saan nagtuturo
ang kanyang nanay na ayon
sa kanya ay mahalaga upang
magabayan siya sa pag-aaral.
“Naaalala ko pa at
sariwang-sariwa pa sa aking isipan
noong ako ay Grade 4, may mga
siga-siga sa aming paaralan na
humihingi ng piso, at ako ay isa
sa mga biktima noon. Malalaki
silang bata, syempre dala ng takot,
binibigyan ko na lang. Noong
ako ay Grade 5, naranasan ko rin
na ako ay tutukan ng “pellet gun”
sa ulo at sa takot eh binigay ko na
lang ang pera ko, kahit pamasahe
ko,” malungkot na pagde-detalye
ni Rodolph sa kaniyang mga
naging karanasan sa buhay sa
murang edad pa lamang.
Kakikitaan ng ‘sense of
leadership,’ naging representante
ng kanilang section sa Student
Council noong high school at
nahalal din bilang isang Auditor
noong nasa ikatlong taon. Dahil
sa kanyang ipinakitang galing
at husay, talino at tatag, kabaitan
at pagiging mapag-pakumbaba,
ini-appoint siya ng kanilang
punongguro bilang Presidente ng
Supreme Council of Government
ng kanilang paaralan.
Nag-aral ng Mechanical
Engineering sa St. Louis University
sa Baguio City upang makamit
ang minimithing pangarap na
maging engineer upang maging
masaya ang magulang.
“Hindi ko masasabi na
ako ay matalinong tao. Ang kuya
ko ay top performing student sa
academic ng kanilang paaralan,
gayundin ang tatlo kung kapatid
na babae. Matatalino po ang
mga kapatid ko at ako naman po
kahit papaano eh nag-e-excell din
naman sa mga major subject, pero,
kumbaga, nasa middle or average
lang,”
pagpapakumbabang
paliwanag ni Rodolph.
Nasa ika-apat na taon
na siya sa engineering nang
mag-iba ang tinutumbok ng
kaniyang kapalaran. Halos tatlo
silang magkakapatid na sunud-
sunod sa kolehiyo at ito ay
napakabigat na problema ng isang
pamilya partikular sa aspektong
pinansyal lalo na’t walang ibang
pinagkukunan ang mga magulang
na masasabing sapat para
makapag-paaral ng mga anak.
“Ang kuya ko ay
Chemical Engineering sa UP
Diliman, tapos ako, then yong
kapatid ko pa, mahirap kaya dapat
pag-desisyunan. Mas pinili ko
na patapusin ang kuya ko at yong
kapatid ko at ako ay nag-isip ng
ibang alternatibo kung paano
makakatapos,” malungkot na
pahayag ni Rodolph.
Sa kabila ng kaniyang
desisyon na hindi ipagpatuloy ang
kursong Mechanical Engineering,
hinimok siya ng isa sa kaniyang
mga tiyuhin na kumuha ng cadet
admission test sa Philippine
National Police Academy (PNPA)
at masuwerte niyang naipasa
ang pagsusulit at lahat ng klase
ng pagsusulit na ibinibigay sa
academy.
Ayon kay Rodolph,
“kung hindi para sa akin ýong
dream ko, ito ‘yong binigay ng
Diyos para sa akin.”
Naging matatag, may
dedikasyon at pinanindigan ang
pagiging kadete sa PNPA at
nalampasan ang apat na Phases sa
academy na binubuo ng Reception,
Incorporation, Recognition at
Graduation. Dito niya naranasan
ang pagdisiplina at pagpapahalaga
sa sariling kakayahan.
“Sa academy kase, minsan
lang sa isang taon makauwi sa
sariling tahanan. Ni hindi nga
namin nalalaman kung anong
date na o anong oras na kase
walang cellphone o kung meron
man eh minsan lang pwedeng
makagamit.
Nandoon yong
homesickness, under pressure,
physical punishments at ang
pagiging civilian character mo ay
mawawala na at ito ay mapapalitan
ng ‘regimented way of living.’
Tinuturuan kami doon ng mga
senior cadet kung paano mag-
ayos ng damit, mag-plantsa at ang
pag-disiplina sa sarili ang pinaka-
mahalaga. Napaglabanan ko lahat
na makapagdokumento ng 30 na
katutubong wika para sa taóng
2019.
“Ito ang pinakamalaking
research grant na iginagawad
ng KWF,” paliwanag ni Virgilio
S. Almario, Tagapangulo ng
Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) at Pambansang Komisyon
para sa Kultura at mga Sining
(NCCA). “Inilalaan ng KWF ang
malaking porsiyento ng pondo ng
ahensiya para sa mga programa sa
pagpapasigla at pagdodokumento
ng iba’t ibang katutubong wika ng
Filipinas. Pagtupad ito ng KWF sa
tungkuling pangalagaan ang lahat
ng mga katutubong wika.”
Bahagi
ang
Lingguwistikong Etnograpiya ng
malawakang programa ng KWF para
sa pangangalaga ng mga katutubong
wika. Ipinroklama ng United
Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO)
ang 2019 bilang International
Year of Indigenous Languages.
Pinagtibay ng KWF sa Kapasiyahan
ng Kalupunan Blg. 18-31 ang
pagpapaigting ng mga programa at
proyekto para sa mga katutubong
wika ng Filipinas.
Sa 15 Pebrero 2019 ang
huling araw ng pagsusumite ng mga
panukalang saliksik.
Maaaring ipadala ang mga
aplikasyon sa [email protected]
at/o sa Lupon sa Lingguwistikong
Etnograpiya Komisyon sa Wikang
Filipino 2P Gusali Watson, 1610
Kalye J.P. Laurel, 1005 San Miguel,
Maynila.
Para sa mga form at iba
pang detalye ng grant, magtungo
sa www.kwf.gov.ph o makipag-
ugnayan kay G. Jay-mar Luza ng
Sangay ng Salita at Gramatika sa
telepono blg. (02) 243-9855. ###
ang mga ito at naging matatag
sa buhay bilang isang alagad ng
batas,” ayon kay Rodolph.
“Sa usaping pag-quit
sa academy, hindi ko ‘yon inisip
kase napag-daanan ko nang lahat
ang hirap at isa pa eh, hindi na
talaga pwedeng umurong pa, kase
ipinagmamalaki na ako ng tatay
ko na ako’y makakatapos na, eh
syempre nakakahiya naman kung
mag-quit ako. Paninindigan lang,
tapang, pagtitiis at dedikasyon
ang kailangan upang makamit ang
tagumpay,” pagpapaliwanag pa ni
Rodolph.
Subali’t isang trahedya
ang dumating sa kaniyang
pamilya nang ma-aksidente ang
kaniyang ama halos tatlong buwan
na ang nakalipas na kung saan
kinakailangang
mag-undergo
ng brain surgery ang kanyang
ama. Hindi ito naging hadlang sa
kaniyang pamilya sapagkat dalawa
silang magkapatid na tumutulong
upang maisalba ang kalagayan ng
kanilang ama.
Pagmamalasakit
at
pagtanaw ng malaking utang na
loob sa magulang ang pagbabalik
o pagtulong ng mga anak sa
magulang na tunay na nagbigay ng
disiplina at pagmamamhal sa mga
anak.
“My family is my top
priority as of now na wala pa
akong sariling pamilya. Ginagawa
ko ito kase ito yong laging ini-
inculcate ng mga magulang ko
sa aming magkakapatid ang
pagiging “family-oriented” simula
pagkabata namin. We support our
parents, especially sa father who
has been suffering until this time.
We actually support him morally,
physically and financially. On my part, I exhaust my efforts
especially to my other younger
sisters,” ayon kay Rodolph.
Isang katotohanan na napakahalaga
ang upbringing na ginagawa ng
mga magulang sa kanilang mga
anak. Ang pagiging istrikto ng
mga magulang ni Rodolph sa
kanila ay may mabuting ibinunga.
Isang inspirasyon si Rudolph sa
mga kabataan ng kasalukuyang
henerasyon. Nananatiling matatag
at may paninindigan, hindi
sumusuko sa anumang hamon sa
buhay.
“Ako bilang alagad
ng batas ay may 100% loyalty
sa propesyon ko at sa PNP. Sa
pag-responde o anumang police
operations, kung work-related ang
magiging cause ng pagkamatay
ko, handa kong tanggapain. Kung
magkakataon na sasabihin ng
Panginoon na sasama na ako sa
Kanya, maluwag sa puso ko itong
tatanggapin dahil ako ay itinalaga
at nagpatupad ng batas para sa
bayan. I am motivated to work
kase nandiyan ‘yong family ko na
sumusuporta sa akin,” paliwanag
pa ni Rudolph.
Sa kaniyang huling
statement, sinabi niya “I encourage
you to join us. Sayang ‘yong
chance na makatulong sa bayan
at sa pagpapanatili ng kaayusan at
kapayapaan ng ating bansa.”
Si Police Inspector
Rodolph Kaplan Manadao Bravo
na nagtapos ng Bachelor of Science
in Public Safety (BSPS) sa PNPA
ay kasalukuyang kumukuha ng
Master in Public Administration sa
Divine Word College of Calapan
(DWCC), Calapan City, Oriental
Mindoro. (LTC/PIA-Mimaropa/
Calapan)
Police Inspector Rodolph Kaplan Manadao Bravo, isang matatag, disiplinado
at modelo ng kabataang Pilipino. (Kuhang larawan ni Luis T. Cueto, Ph.D.)