Tambuling Batangas Publication February 13-19, 2019 Issue | Page 4

OPINYON February 13-19, 2019 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] No rest for the weary By now, a number of conjectures have come out about the Jolo bombing, five suspects of which supposedly surrendered because of “massive hot pursuit operations” by the police and the military. If one were to look at it from the Ang Probinsiyano fan mindset, the scenario is heroic and action-packed and the villains, no longer able to take the heat, turned themselves in. End of story? Not by a long shot. This complicated plot has many possible twists and turns that could make your head spin. The Philippine National Police and Armed Forces of the Philippines must be commended, based on these white flags from suspected terrorists, for their doggedness. Sadly, it may have been their own complacency that led to the suicide bombing on church grounds. Statements made by the authorities after the five key surrenders which could lead to the quick conclusion of this ugly chapter revealed that local police had been guarding the cathedral 24/7, setting up a sort of checkpoint at the location on Sundays. People going to Mass, in other words, are checked before they can enter, much like our experience in malls hereabouts. Yet while these mall “wand” or x-ray checks have become part of our urban experience, it is unfathomable that it should be done in churches. But what do we know? Life in places like Sulu is far different from many other parts of the Philippines. In these regions that had long been regarded as breeding grounds for rebellion, security measures need to be much tighter, justifying a martial law. Unfortunately, security may have lapsed somehow for two Indonesians to enter, carrying backpacks filled with explosives. This, of course, has yet to be verified, Interior Secretary Eduardo Año says. What we are told at this point is that the Abu Sayyaf is behind the blasts along with a “foreign terrorist related to ISIS.” The suicide bombing couple, he adds, were guided by one of the surrenderers, a certain “alias Kamah,” who is said to be the brother of a slain Abu Sayyaf leader. Two pairs of unclaimed feet will tell the story once forensics is done. Meanwhile, it should interest us to know that the Interior chief thinks the Jolo Cathedral bombing has nothing to do with the Zamboanga City mosque bombing, but is perhaps connected more with the Lamitan, Basilan blast last year where a foreign IS member was also involved. He also thinks it is connected more with the Marawi siege — an ISIS instigation — rather than the Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite. The “timing” mentioned before, then, had to do with the end of the polls, during which the perpetrators probably saw their chance because the soldiers had possibly let their guard down after the extreme alert for the BOL voting. What this tells us is that our hardworking men in uniform cannot afford to relax yet even as the public is assured of the fast and efficient work they are doing to catch the criminals. Now that they know that the Jolo bombing was meant to be “training” for future Filipino suicide bombers, there can be no let-up in their efforts. Ni Teo S. Marasigan Payong Abogado ni Fely Arroyo SA kanyang kolum ngayong araw (“Truth”), ikinuwento ni Prop. Solita “Mareng Winnie” Collas- Monsod ang nangyari sa sumingaw na pagkausap ni Atty. Fely Arroyo, asawa ni Sen. Joker Arroyo, kay G. Jun Lozada, susing testigo sa pagdinig ng Senado hinggil sa NBN- ZTE. Ayon daw kay Atty. Arroyo, hindi niya kilala si G. Lozada. Isang G. Tony Abaya, na humihingi at binibigyan ni Atty. Arroyo ng libreng payong legal, ang humingi ng pabor na bigyan ng payong legal si G. Lozada. Pumayag si Atty. Arroyo dahil hindi iyon malaking bagay, at normal daw sa pagiging abogado ang pagbibigay ng “consulta”. Dahil nasa Makati si Atty. Arroyo, “sinabihan niya si Abaya na pumunta sa bahay niya…” Maiksi lamang daw ang naging pag-uusap. Pero sumapat na daw ito para masabi niyang hindi siya puwedeng maging abogado ni G. Lozada at para makaiyak ang huli dahil sa takot para sa buhay at kabuhayan niya at ng kanyang pamilya. “Dahil sa panahong iyon ay ni hindi pa siya inimbitahang tumestigo, o ipinatawag o binigyan ng mandamyento de aresto, simple (at madali) lamang ang payo ni Fely: Walang presyur kay Lozada na tumestigo, kaya kung ayaw niya…, hindi niya kailangang tumestigo.” Dito, layon ni Prop. Monsod na iwasto ang impresyong aniya’y nilikha ng mga pahayag ni G. Lozada – na inimbitahan ni Atty. Arroyo si G. Lozada sa kanyang bahay para lamang kumbinsihin ang huli na huwag tumestigo. Ito ang diin ng kolum ni Prop. Monsod, bagamat tinuligsa rin niya ang pagbaluktot sa katotohanan ni Hen. Avelino Razon, direktor-heneral ng PNP, noong tumestigo ito sa Senado. Sinabi niyang kapani-paniwalang testigo si G. Lozada dahil tiniyak nitong ilahad lamang ang katotohanan. Pero hindi ganito ang ginawa ni G. Lozada kay Atty. Arroyo, ayon kay Prop. Monsod. Kung matatandaan, binanggit ni G. Lozada ang pag- uusap noong iginigisa siya sa pagdinig sa Senado ni Sen. Joker Arroyo. Ayon sa senador, hindi patas si G. Lozada dahil mas nakipag- usap sa mga senador ng oposisyon at sa partikular na grupo sa midya. Sinabi ni G. Lozada na hindi ito totoo dahil, halimbawa, nakipag-usap din siya sa asawa ng senador, kay Atty. Arroyo nga. Ayon kay Prop. Monsod, “embellishment” o pagdadagdag sa katotohanan ang sinabi ni G. Lozada na kinausap niya si Atty. Arroyo para marinig ang kabilang panig – dahil, siguro, maka-administrasyon si Sen. Arroyo. At kailan pa natutong magbasa ng utak ng ibang tao si Prop. Monsod? Kung inunawa noon ni G. Lozada na pagsisikap niyang maging patas at pagdinig niya sa kabilang panig ang ginawa niyang pagkonsulta kay Atty. Arroyo, iyun ang pag-unawa niya. Ibig sabihin, dapat kilalaning totoo ang sinabi ni G. Lozada na inalam niya ang kabilang panig sa abot ng makakaya niya. Iyun ang konteksto ng pahayag niya – na hindi rin niya napalawig dahil sa pagsirit ng presyon at boses ni Sen. Arroyo sa pagdinig. Ibang bagay pa kung sa tingin natin, at ni Prop. Monsod, ay mali o kapos ang napagtanungan niya. B a g a m a t napakapaimbabaw ng pagsusuri ni Prop. Monsod, nagawa niyang simulan ang kolum sa pagbanggit sa pagsumpa ng mga testigo sa Senado na maglalahad ng “katotohanan, buong katotohanan at tanging katotohanan lamang” – na para bagang binabantaan si G. Lozada ng demanda. Ayon sa kanya, bagamat nakasira kay Atty. Arroyo noong una ang paglalantad ni G. Lozada, mas makakasira ito sa huli. Pagtatapos pa niya: “Parang apoy ang katotohanan. Nasusunog ang mga naglalaro nito.” Bagamat anti-Cha-Cha, malinaw na maka-Gloria pa rin sa kolum niyang ito si Prop. Monsod. May nakakabahala sa ganitong kuwento at pagtindig ni Prop. Monsod: Wala na ritong usapin ng konsensiya, o pagmamahal sa bayan, o pagtindig para sa katotohanan. Ang naiwan: teknikalidad – ang laging atrasan ng rehimeng itong masama ang budhi tuwing gagawa ng kalokohan. “Natatakot daw siya eh. Eh di pinayuhan kong huwag humarap sa Senado!” Tila ganito ang punto ni Atty. Arroyo sa kuwento niya kay Prop. Monsod, at ni Prop. Monsod mismo. At tiyak, inisip nilang makakalusot na sila sa mata ng publiko. Ganitong-ganito rin ang sinabi ni G. Mike Defensor noong “dinalaw” niya si G. Lozada. Ganoon? Ganoon na lang ba iyon? Nakatuntong ang ganitong paliwanag sa pagtinging hindi obligasyon ng mga abogado na magbigay ng payong moral, at payong legal lamang ang dapat nilang ibinibigay. Na nakakalungkot, dahil nagmumula kay Atty. Arroyo. Bakit naging abogadong maka-karapatang pantao si Sen. Joker Arroyo noong Batas Militar? Bakit hindi siya naging abogado ni dating Pang. Ferdinand Marcos? Bakit hindi siya naging katulad ng karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain? Dahil may mga konsiderasyong nakakahigit sa teknikalidad ng propesyon, at dapat makahigit dito. Mamamayan ka ng Pilipinas. May rekord pa ang asawa mo – at ikaw din siguro – ng pagtatanggol sa karapatang pantao noong Batas Militar. Naging mahalaga ang asawa mo – at ikaw din siguro – sa pagpapatalsik sa isang pangulong inakusahan ng pandarambong sa kabang-bayan. Alam mong may bantog na multi-bilyong dolyar na kontratang diumano’y gagatasan sana ng matataas na opisyal ng bansa, kasama ang Unang Ginoo. May lumapit sa iyo, mukhang mabait na paring Hesuwita, umiiyak pa. Ang sabi sa iyo, may alam siya sa anomalya pero natatakot siyang tumestigo sa Senado. Ano ang gagawin mo? “Hindi ako puwedeng mag-abogado para sa iyo. Kung natatakot ka, huwag kang humarap. May appointment pa ako.” Mga salita ko ito, na batay sa kuwento ni Prop. Monsod. Ayon sa kanya, ni hindi ikinuwento ni Atty. Arroyo sa asawa niyang senador ang nangyari, dahil isa lamang ito sa marami niyang “consulta”. Iyun ang totoo: Nagkamali si G. Lozada ng nilapitan. Hindi siya napahalagahan, o pinayuhang sundin ang konsensiya at pagmamahal sa bayan, o tumindig para sa katotohanan. Ang dating kadakilaan – nakakulong at nakaburol na ngayon sa kabaong ng teknikalidad. Gustong iligtas ni Mareng Winnie sa galit ng opinyong publiko ang kanyang kaibigan. Pero lalo lamang idinidiin ng sinasabi niyang “katotohanan” ang kanilang kabulukan. 16 Pebrero 2008