Tambuling Batangas Publication December 19-25, 2018 Issue | Page 3

BALITA December 19-25, 2018 Tanauan City, ginawaran ng Seal of Good Local Governance By Mamerta De Castro Tinanggap ni Acting City Mayor BGen. Benedicto C. Corona (Ret.), bilang kinatawan ni City Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, ang Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa isinagawang Awarding Ceremony noong Miyerkules, Nobyembre 7, 2018 sa Manila Hotel. Kabilang sa naggawad ng parangal sina (L-R) DILG Batangas Provincial Director Adelma D. Mauleon, CESO V, DILG IV-A CaLaBaRZon Assistant Director Elias F. Fernandez Jr., CSEE at Regional Director Manuel Q, Gotis, DILG Secretary Eduardo M. Año, Keynote Speakers Representative Jose Enrique “Joet” Garcia III, 2nd District Bataan at Senator Juan Edgardo M. Angara. Makikita rin sa larawan ang bumubuo ng delegasyon ng Tanauan City na sina City Planning and Development Officer Aissa M. Leyesa, Ms. Jacqueline Landicho, OIC-HRMDO, at City Local Government Operations Officer (CLGOO) Quennie Malleon. (Photo Coutesy: Jun Mojares/ Tanauan City) Natatanging... sektor. Mekanisasyon aniya ang solusyon upang magkaroon ng kaginhawahan at malaking kita. “ Kapag maunlad ang sakahan at pangisdaan, maunlad din ang bayan,” ayon sa mensahe ni De Mesa. Sinabi din ni Sara na “saksi ako sa pagiging visionary ni dating Mayor Eduardo Dimacuha, nakita niya ang sustainability ng pagkakaroon ng maisan kung kayat naging matagumpay ang proyektong ito sa lungsod ng Batangas.” Nagpahayag naman sina Congressman Marvey Marino at Mayor Beverley Rose Dimacuha ng patuloy na suporta para maitaguyod ang lahat ng programa at proyekro na magsusulong ng agrikultura sa kabila ng industriyalisasyon sa lungsod kung saan nagsisilbi ding hamon ang papaliit na bilang nga mga magsasaka. “Sana po mahikayat natin ang mga kabataan ngayon na mag-engage sa pagsasaka, alam po natin mahirap na trabaho ito,pero maituturing po nating worth living kasi marami tayong kababayan ang natutulungan dahil ang mga magsasaka ang dahilan kung bakit may pagkain sa ating mga mesa. Sa mga kabataan,sana ma-engganyo kayong sumubok dito lalo na at unti-unting bumababa ang bilang ng mga magsasaka na ang average age ay nasa 55 pataas na,” ani Marino. Ayon naman sa mensahe ni Provincial Agriculturist Pablito Balantac, ang naturang okasyon ay isang napakagandang venue upang kilalanin ang mahalagang kontribusyon sa lipunan ng mga magsasaka na itinuturing na mga mula sa pahina 1 buhay na bayani na siya aniyang solusyon sa problema sa pagkain na kailangan ng lumalaking populasyon. Ang mga pinagkalooban ng City Gawad Saka Award 2018 ay sina Armando Bagsit – Most Oustanding Farmer for Corn, Victor Malibirian - Most Outstanding Farmer for High value Crops at si Sixto Ronquillo – Most Outstanding Farmer for Livestock Raiser. Lahat sila ay tumanggap ng trophy at cash prize na tag P 3000. Tinanghal na Most Outstanding Small Farmers Organization ang Sorosoro Multi- purpose and Allied Services Cooperative, Most Outstanding Barangay Agriculture and Fisheries Council (BAFCI) si Emmanuel Salada and family, Most Outstanding Farm Family ang pamilya ni Javier Casas na tumanggap ng trophy at P 4,000. Kinilala rin ang Most Outstanding Farm Family sa Regional Gawad Saka na sina Monte Manalo and family. Nagwagi bilang Mais King si Rodrigo Noriega kung saan siya ay nakapag-ani ng 125 metric tons ng mais ngayong 2018. Nanalo namang Talong King si Gregorio Cabatay na nakapagbenta ng halagang P 700,000 ng talong ngayong taon. Kapwa sila tumanggap ng trophy at tag P 1,500.00. Most Outstanding Meat Stall sa First Market ay sina Marites Ortega sa pork meat section at Amelita Padilla sa dressed chicken section. Most Outstanding Meat Handler naman sa pork meat section si Pejay De Chavez at sa dressed chicken section si Mildred Abdon. Sa Julian Pastor Memorial Market (JPMM), Most Outstanding Meat Stall sa pork meat section si Luz Dimacuha at si Leticia Villanueva sa dressed chicken section. Most Outstanding Meat Handler sa pork meat section si Anacorita Dinglasan at si Elena Montalbo naman sa dressed chicken section. Most Outstanding Meatshop ang Monterey sa Gulod Labac si Analita Umahon habang Most Outstanding Meat Handler ang Monterey sa Kumintang Ilaya ni Leo Canete. Tumanggap din ng parangal si Marvin Pisan bilang Most Outstanding Meat Handler sa slaughterhouse. Sa okasyon ding ito iginawad ang CDA Gawad Parangal for Outstanding Cooperative. Nagkamit ng unang pwesto sa National Level- Small category ang San Jose Sico Multi-Purpose Cooperative; 2nd place National Level- Medium category ang Malalim MPC at 3rd place naman ang SIBBAP MPC. 1st place Outstanding Cooperative Manager – Provincial Level si Ruby Olaso ng Tulo MPC at Outstanding Barangay Food Terminal ang Rural Improvement Club Cooperative. Nakiisa rin sa okasyon sina AGAP Partylist Representative Cong. Rico Geron, Boardmembers Claudette Alday at Bart Blanco, mga myembro ng Sangguniang Panglungsod at ng One Batangas at Provincial Veterinarian Romelito Marasigan.(Bhaby P. De Castro -PIA Batanags with reports from PIO Batangas City) LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas, Disyembre 19 (PIA) – Sa kauna-unahang pagkakataon, matagumpay na nasungkit ng pamahalaang lungsod sa taong ito ang prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Sa Awarding Ceremony para sa Central at South Luzon na isinagawa sa Manila Hotel noong Nobyembre 7 na may teman:, “SGLG All-in: Reaping the Re- sults of Good Governance,” por- mal na iginawad sa lungsod ang marker ng SGLG na tinanggap ng delegasyon ng lokal na pama- halaan sa pangunguna ni Acting City Mayor BGen. Benedicto C. Corona (Ret.) bilang kinatawan ni City Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, City Planning and Development Officer Aissa M. Leyesa, Jacqueline Landicho, OIC-HRMDO, at City Local Government Operations Officer (CLGOO) Quennie Malleon. Kaugnay nito, ang Tanauan City ang natatanging lungsod sa buong lalawigan ng Batangas na pinagkalooban ng naturang pagkilala. Ang SGLG (Pagkilala sa Katapatan at Kahuyasan ng Pama- halaang Lokal) ay ipinagkakaloob sa lahat ng local government units na may mahusay na pangangasiwa o pamamahala sa pitong core areas na kinabibilangan ng “Financial Administration,” “Disaster Pre- paredness,” “Social Protection,” “Peace and Order,” “Business Friendliness and Competitive- ness,” “Environmental Protec- tion,” at “Tourism Culture and the Arts.” Sa lumabas na resulta ng “validation process,” tagumpay na pumasa ang LGU Tanauan sa lahat ng pamantayang itinakda ng kagawaran. Patunay lamang ito sa patuloy na pagpapabuti at pagpa- pataas ng kalidad ng serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod sa mga Tanaueño at mga “stakeholders” nito. Para sa taong ito, nagka- roon ng karagdagang panuntunan o kwalipikasyon ang nasabing parangal bilang hamon ni DILG Secretary Eduardo Año sa mga lo- kal na pamahalaan na tiyakin ang matapat na pagtupad sa kanilang mandato upang makapagbigay ng mahusay na paglilingkod sa mga mamamayang kanilang nasa- sakupan. (Bhaby P. De Castro-PIA Batangas with reports from CIO Tanauan) Sec. Andanar meets Laguna, Quezon media By PIA4A CITY OF SAN PABLO, Laguna, Dec. 18 (PIA) -- Communications Secretary Martin Andanar recently sat down here with Laguna and Quezon media members as part of his continuing efforts to reach out to media practitioners in the provinces and strengthen media and government relationship through the Presidential Communications Operations Office (PCOO). “I’m making my mission to reach out to provincial media to help solve concerns amongst your rank,” Andanar, himself a broadcast journalist before joining the Duterte administration, said last Dec. 16. He said a press freedom caravan will roll out in the regions to provide updates on the Freedom of Information and the Task Force on Media Security. Part of the caravan will be the issuance Lalawigan... pag-unlad, pagsasama-sama ng mga kasanayan at halaga sa kabuhayan ng mga komunidad at pagpapatupad ng mga lokal na programa at proyekto tungo sa tuloy-tuloy na pag-asenso. Samantala, dahil sa ginagawang pagsisikap upang mas mapalawig pa ang cooperative movement, hindi lamang sa loob ng lalawigan, kundi pati na rin sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, ang PCLEDO ay napabilang sa listahan ng League of passports to media members who have yet to process their own passports. Mechanics will be drawn for the passport processing for media which will be formulated by the Department of Foreign Affairs and the Philippine Information Agency, the Secretary said. Andanar added the passport for media program was borne out of his sorties to the provinces where 40 to 60 percent of media members in each province he has visited were found to have yet to own passports. A family member of the media practitioner will also be entitled to a passport, he added. Andanar also provided media members copies of a handbook on personal security measures for media practitioners that was produced by the Presidential Task Force on Media Security. (PIA Calabarzon) mula sa pahina 1 of Champions. Ang PCLEDO rin ang kauna-unahang panlalawigang tanggapan na naitaas sa rango ng Hall of Fame sa Cooperative Development Authority (CDA) Gawad Parangal bilang Best Performing Provincial LGU – Cooperative Office dahil sa pag- uuwi sa naturang titulo ng tatlong magkakasunod na taon, mula 2016 hanggang 2018. (Bhaby P. De Castro-PIA Batangas with reports from PIO Province)