Tambuling Batangas Publication December 19-25, 2018 Issue | Page 4

OPINYON December 19-25, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Season for seasoned Sison It’s supposed to be the season to be jolly. But not when Jose Maria Sison, founder of that deceptively obsolete ideology with a bloody history, starts blabbing and mouthing anew the communist movement’s old propaganda lines. Suddenly, the nation is at his grasp once again. As the holiday season sets in, we find Sison hogging the headlines anew. He has declared a unilateral ceasefire in behalf of the Communist Party of the Philippines (CPP) and its armed wing, the New People’s Army (NPA). The five-day truce starts from midnight of 24 December to midnight of 26 December and again at midnight of 31 December to midnight of 1 January 2019. In his announcement, he expressed belief that the ceasefire would proceed and end according to schedule because the Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) and the paramilitary forces have only “a small amount of strength.” Talk about belittling the enemy! Not only that. Citing what he called the vast space in the countryside, in the mountains and communities “under the control and influence of the revolutionary movement,” Sison said the NPA wants to demonstrate its strength by celebrating the CPP anniversary “even if the enemy is engaged in an all-out war so-called.” Sison, whose name in Spanish means “cheat” or “petty swindler,” has repeatedly asserted the revolutionary movement in the Philippines has its own leadership. But despite his avowal and distance from the homeland, he is still widely regarded as the leading figure of the Left. The military continues to accuse him of giving combat directives to the NPA. Since he remains an eminent icon of the revolution, Sison understandably is prone to troll attacks and scathing comments from those opposed to his line of thinking. He could have stayed silent and retired like what many of his contemporaries have done, but he remains an active voice in Philippine politics. When President Duterte sought Sison’s cooperation in resolving the armed conflict, which has raged for 50 years now, he responded by explaining the significance of resuming the peace talks. Everything looked bright until Sison started making demands which Duterte seemed incapable of granting. The aging revolutionary leader was offered a chance to assume an exalted place in history but he chose the long-term vision and interest of the movement. He opted to prioritize the comprehensive agenda for substantial reforms in the economy and governance. For all intents and purposes, the talks had collapsed. The government and NDF panels have withdrawn, Sison and the NPA have been tagged as terrorists and, God knows, how long this conflict will rage. At 79, Sison is still seen as a top security threat. Despite his ceasefire declarations, the military remains wary, saying the Left’s insincerity is too glaring and too obvious to ignore. “The ruthless reputation of the CPP-NPA precedes their every move. They just cannot be trusted ever,” says PNP spokesman Chief Supt. Benigno Durana Jr., adding the police will remain alert and continue their regular law enforcement during the holidays. In short, the government is not biting. It is not wont to reciprocating the ceasefire pronouncements of Sison and the Left. For decades now, the Reds have used the ceasefire to recover their losses, regroup from military setbacks and recruit more into their fold with lies and deception. Defense Secretary Delfin Lorenzana says the communist movement has been guilty of bad faith since the beginning and using lulls in the fighting as a tool to advance their selfish ends. “They are merely buying time,” he says, pointing out the endgame for the Left is to take over the government. “Any ceasefire always favors the CPP- NPA. Never our troops.” Sensing the military is not about to bite his bait, Sison warned that the CPP- NPA would cancel their unilateral ceasefire if government forces continue their offensive against communities. Just recently, the communist movement warned that they would mount all- out offensives after the martial law extension in Mindanao was approved in the House. Aren’t these the recourse of terrorists? Talk about gambits and the communist party founder seems to have it all tucked under his belt. Meanwhile, another anniversary of the Reds looms in the horizon. When will this conflict ever end? Ask the aging founder. After all, it’s the season for the seasoned Sison. Ni Teo S. Marasigan Si Noynoy ang Galit sa Kaliwa (1) Noong nakaraang buwan, sinabi ni Manuel L. Quezon III, kolumnistang propagandista ni Noynoy Aquino, na galit ang Kaliwa sa manok niya, kaya ginamit umano nito si Chiz Escudero para banatan si Noynoy. Ngayon, matapos ang maraming pangyayari, malinaw na ang katotohanan: si Noynoy ang galit sa Kaliwa, hindi ang kabaligtaran. Malinaw ang ipinapakita ng datos. Ang Kaliwa ang nagpursige para makausap si Noynoy para sa posibleng pagtutulungan sa plataporma at kampanyang elektoral. Pero hindi agad tumugon si Noynoy sa alok ng Kaliwa na makipag-usap. At noong nakipag-usap na siya sa Kaliwa, sa wakas, himutok pa ang sinabi niya – partikular sa pagpiket ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa bahay ng pamilya Aquino noong 2005. Ang hinala ko, ang “mafia” sa Liberal Party na ikinabwisit ni Serge Osmeña at naging dahilan ng pag-alis niya rito ay binubuo ng mga sosyal- demokrata at opisyal ng Akbayan. Mas galit sa Kaliwa ang mga grupong ito kung ikukumpara sa ibang tradisyunal na pulitiko. Bukod sa personal na “sama ng loob” ni Noynoy sa Kaliwa, malamang na malakas din ang tulak – o hawak ba? – ng mga ito kay Noynoy. Makikita ang paghawak nila kay Noynoy sa dalawang bagay. Una, itinulak nilang magsalita si Noynoy nang pabor sa reproductive health bill, paborito nilang isyu. Maayos ang laman ng batas. Pero mapanganib na isyu ito para sa isang pulitiko dahil, tulad ng nangyari, iniimbita nito ang galit ng Simbahang Katoliko. Na ayos pa rin sana. Kaya lang, halatang hindi kayang tindigan ni Noynoy ang posisyon, kaya umatras siya. Ikalawa, pragmatiko ang mga pwersang ito pagdating sa pulitika. Handa silang makipagtulungan sa mga tradisyunal na pulitiko para sa interes nila. Pero pagdating sa Kaliwa, ideolohikal ang galit nila. Kaya naman binuo ang tiket pangsenado ng Liberal Party ng mga kandidatong hindi gaanong kilala – gayung bukod sa may makabayang rekord sina Satur Ocampo at Liza Maza ay mas popular din sila sa mga mamamayan. Sa dalawang bagay na ito, makikita ang makasariling interes ng mga sosyal-demokrata at opisyal ng Akbayan na nananaig sa kandidatura ni Noynoy. Sa una, pinagsalita nila ito sa isang isyung naghiwalay rito sa inaasahan nitong isang base ng suporta. Sa ikalawa, pinahina nila ang tiket pangsenado nito sa pagpili sa mga kandidatong maaaring may malinis na rekord, pero hindi gaanong kilala, para kontrahin ang Kaliwa. (2) May mahalagang punto, lagi naman, si Angela Stuart-Santiago, iskolar at tagahanga ng mga akda ni Ninoy Aquino. Aniya, taliwas sa rekord ni Ninoy ang pag-ilag, kung hindi man galit, ni Noynoy sa Kaliwa. “Kung buhay si Ninoy, hindi siya magdadalawang-isip na makuha sina Satur at Liza para tumakbo sa Senado bilang mga [Liberal Party].” Inungkat pa ni Stuart-Santiago ang sulatin ni Ninoy na nagpapakita ng pagkilala, kung hindi man pagrespeto, nito sa mga nagagawa ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army sa kanayunan at sa bansa, at ang mga tala sa kasaysayan na sumuporta umano si Ninoy sa mga grupong ito. Ibig sabihin, bagamat may pagtunggali si Ninoy sa Kaliwa, bukas ang isip niya rito, kahit sa radikal na Kaliwa pa nga sa bansa. Sa puntong ito, mahalagang ipasok ang sentral na argumento ni Conrado de Quiros para itulak na tumakbo si Noynoy at suportahan ang kandidatura niya. Hindi umano nito lalapastanganin ang alaala at pamana ng mga magulang niya. Pero paano kung malinaw na taliwas o katunggali ng tindig ni Noynoy ang tindig ni Ninoy? Sa tingin ko, panimula pa lang ang usapin ng Kaliwa sa mga isyung makikita ang pagkakaibang ito. Lagi pa namang sinusundan ang mga pangalan nina Ninoy at Cory ng salitang “demokrasya.” At ang Kaliwa, batay sa kasaysayan ng bansa, ay may mahalagang papel sa pagtatanggol at pagpapalawak pa nga sa demokrasyang umiiral sa Pilipinas. Maaaring hindi kayo sang-ayon sa sinasabi kong papel ng Kaliwa, pero ang punto: mahalagang usapin ang pagkakaiba ng pagtingin sa Kaliwa nina Ninoy at Noynoy. Mayroon ding buhay na patunay ng isang inapo na nagtaksil at sumalaula sa alaala at pamana ng mga ninuno niya. Clue: tumatakbo siyang senador sa tiket ni Noynoy at dahilan ng pag-alis doon ni Osmeña. Sagot: Ralph Recto. Hindi ba’t napakalaki ng ambag ni dating Sen. Claro Mayo Recto sa pagsusulong ng nasyunalismo sa bansa? Pero ang inapo niya, mas dikit sa kalaban niyang kolonyal na si Carlos P. Romulo. Nakakapagtaka ang “sama ng loob” ni Noynoy sa pagpiket ng mga magsasaka sa bahay ng pamilya Aquino. Hindi ito dapat ikasama ng loob at personalin – “personalize” daw, sabi ni Satur Ocampo – ng matagal nang pulitikong tulad niya. Natural ito sa pulitika. Pero kung mapagkaisa kang lider, lalo na’t nananawagan ka ng “pagbabago,” hahanap ka ng mapagkakaisahan sa Kaliwa, na isang mahalagang pwersa sa bansa. (3) kontra sa Kaliwa dahil sinuportahan nito si Manny Villar, ay iyung mga tagasuporta ni Noynoy. Nahawa na sila sa laging pantasya ng mga sosyal-demokrata at opisyal ng Akbayan na nalalamangan nila ang Kaliwa – na kung hindi ito bumubuntot sa kanila ay nagpapakatrapo ito sa iba’t ibang larangan. Paano naman susuportahan ng Kaliwa si Noynoy, eh ni hindi niya itinuring na tao ang Kaliwa? Iniwasan niyang kausapin at noong nakausap na’y puro bakod pa ang itinayo. Ang gusto yata ng mga tagasuporta ni Noynoy ay basta na lang sumuporta ang Kaliwa sa kandidato nila. Pwede ba naman iyun? Ni hindi tampok sa paglaban sa rehimeng Arroyo ang manok nila para basta na lang suportahan. Ang nanay niya, oo; siya, hindi. Samantalang si Villar, todo-kayod para makipag-usap at makipagtulungan sa Kaliwa. Tradisyunal na pulitiko siya. Si Noynoy ba, hindi? May kaso si Villar ng korupsyon. Dapat imbestigahan siya at harapin niya. Pero hindi rin malinis ang rekord ni Noynoy sa mga mamamayan. Si Villar daw ang tunay na manok ni Gloria. Dapat mapatunayan iyan, dahil ang pinakamaingay sa pagsasabi niyan ay mga tagasuporta ni Noynoy. Ang kakatwa pa, itong mga kontra-Kaliwang ito, gusto pang palabasing isinusuko ng Kaliwa ang rebolusyon sa pag-endorso kay Villar. Galit na galit sila sa rebolusyon, pero ngayon, ginagamit nila ito na para bang iginagalang man lang nila ang rebolusyon. Gusto nilang palabasing inirerespeto nila ang Kaliwa, pero gusto nilang lampasuhin ang Kaliwa dahil lang sa tindig nito sa eleksyon – na sekundaryo lang para sa Kaliwa. Ang problema kasi, gusto nilang palabasing “nasa gitna” sila. Uupak sa rehimeng Arroyo kapag may ginawang mali. Uupak din sa Kaliwa kapag sa tingin nila’y may ginawang mali. May “simpatya” raw dito. Pero minsan, nadudulas magsabing walang pinagkaiba ang rehimen at Kaliwa. Nakakatawa ang pantasya ng mga “manunulat” na ito sa kanilang sarili. Ang iniisip nila, nasa gitna sila. Ang totoo naman, nasa Kanan. Sa tingin ko kasi, kung talagang galit ka sa rehimeng Arroyo at gusto mong itaguyod ngayong eleksyon ang mga tunay na lumaban sa rehimeng ito, dapat ang katapatan mo ay sa Kaliwa. Dahil ito talaga ang matatag na lumaban sa rehimeng Arroyo kahit pa pinagpapatay, dinukot at dinahas ang mga lider at miyembro nito. Sa Kaliwa dapat ang katapatan, hindi kay Villar at lalong hindi kay Noynoy. Nasaan ba siya noon? Sa kongkreto, ang mga nanggagalaiti 21 Disyembre 2009